Ang pormal niyang itim na longsleeves polo na tinupi hanggang siko at slacks ay nagsasabing galing siya sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko.
Hindi siya gumalaw sa kaniyang pwesto. Patuloy lamang niya akong pinapanood mula sakaniyang mapanuring mga mata.
Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal at inilabas ang kamay mula sa bulsa nang tuluyan na akong nakalapit. Hindi niya pinutol ang tingin sa akin.
Halos mag-iisang buwan na rin mula noong huli ko siyang nakita. Napansin ko na numipis ang kaniyang buhok. Napadaan ulit siya? Ngunit bakit parang kanina pa siya narito at may hinihintay?
Nagkabuhol-buhol na ang mga nasa utak ko. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o bumati sakaniya kahit sandali lang.
Nag-iwas ako ng tingin at pinilit na kontrolin ang sarili. Kinagat ko ang labi ko nang tuluyan ko na siyang nalampasan. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa dibdib. Kinukurot ang puso ko. Parang may kung anong humahatak sa akin pabalik sakaniya.
Hindi mo man lang binati, Marwa! Ni hindi mo man lang nginitian! Bakit ba iba ang gusto ng puso kong mangyari? Kulang na lang ay pumihit ako pabalik at ialay ang sarili ko sakaniya. Bahala siya kung saan man niya ako dalhin. Kahit saan man kami magpunta. Ayaw ko talaga ng ganito. Pakiramdam ko mali. Pakiramdam ko ilegal ang mapalapit sakaniya.
Hindi na ako lumingon pa. Ewan ko ba sa sarili ko at kung bakit umaasa akong lalapitan niya ako at kakausapin. Hindi nangyari iyon. Hanggang sa tuluyan na akong makalayo ay walang tumawag sa akin. Bakit ba ako umaasa na nariyan siya dahil sa akin? Malamang ay hindi! Ang puso ko lang ang gustong maniwala sa ganoon. Hindi ako. Hindi ako mismo.
Pumikit ako nang mariin at hinayaan ang sariling magpatuloy sa mabibigat na hakbang. May ilang mga menor de edad ang nakaupo sa gilid ng kalsada, tila ba mga nagpapalipas ng oras doon. Narinig ko ang isa sa kanila nang dumaan ako sakanilang harapan.
"Naroon na naman siya, Hazel. Ano kayang ginagawa niya roon?"
"Malamang may hinihintay iyan! Gwapo niya talaga! Tangina... mukhang mabango..."
Kumunot ang noo ko nang may natanto sa kanilang pinag-uusapan. Tutok ang mga mata nila sa kung saan ko nadaanan si Hayes. Hindi ko na 'yon nilingon pa.
Nagkunwari akong abala sa aking cellphone at huminto sa hindi kalayuan sa kanila. Sapat lang upang marinig ang kung anuman ang kanilang mga sinasabi.
"May hinihintay? Ilang araw na nating nakikita iyan d'yan. Pangatlong araw na 'to. Halos dalawang oras naghihintay tapos aalis na lang bigla."
"Lapitan kaya natin?" Humagikgik ang isa sa kanila.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Binalewala ko na lamang sila at nagpatuloy na sa paglalakad.
May isang batang patakbo-takbo at biglang nadapa dahilan ng pag-iyak nito. Mabilis ko siyang dinaluhan at tinulungan sa pagtayo. Iyak siya nang iyak. Ang ice cream niya ay natapon at namantsahan ang kaniyang damit.
"Wala ka naman sugat, oh. Okay lang 'yan. Strong ka, hindi ba?" Pag-aalu ko. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang aking panyo. Tumigil siya sa paghikbi ngunit nanginginig pa rin ang mga labi nang tinignan ako.
"Opo! Strong ako. Tulad ng idol ko sa TV. Magiging pulis din ako tulad niya." Ngumiti ako sa pinakita niyang katapangan. Kanina lang ay todo ang pag-iyak niya.
"Kukuha tayo ng ice cream ulit, ha? Natapon iyong sa'yo, e."
Tumango lang siya habang nagpupunas ng mukha gamit ang kwelyo ng kaniyang damit.
Patapos na ang feeding program. Naghihintay na lang kami na maubos ang mga bata.
Nagpunta kami sa cart ng ice cream. Kitang-kita kong namilog ang mga mata ng lalaking nagbabantay doon nang malingunan kaming papalapit.
"Isang ice cream, Kuya. Natapon niya iyong kaniya, e." Ngumiti ako.
Hindi naman ito ganoon katanda. Siguro ay matanda lang ito ng isa o dalawang taon sa akin. Matangkad at payat ang pangangatawan. Nagkamot siya ng kaniyang batok at kahit kayumanggi siya ay halata pa rin ang pamumula ng mukha niya.
Ngumuso ako.
"K-Kayo, Miss? Ayaw niyo ba ng ice cream ko?" Aniya, halos hindi makatingin sa akin.
"Hindi. Ayos lang ako." Ngiti ko.
Para bang hirap na hirap siyang harapin ako.
"Hindi ka naman tataba sa dalawang scoop, Miss. Masarap ito," aniya habang kumukuha ng apa.
Hindi ko inasahan na iyon ang iniisip niya sa pagtanggi ko. Kaya para hindi na sumakit ang loob niya ay pumayag na lang ako kahit pa na ayaw ko naman talaga ng ice cream.
Tatlong flavor ang naroon. Tsokolate, cookies and cream at ube.
"Sige na nga. Sabi mo, e." Tumawa ako.
Nang maiabot niya na ang ice cream ay nahihiya siyang ngumiti.
"Ang ganda-ganda niyo, Miss." aniya at nag-iwas ng tingin.
Ngumiti ako, natuwa sakaniyang papuri.
Inabot ko sa bata ang ice cream. Tumakbo agad ito at umupo sa mesa ng mga kasama.
Nakikipagkwentuhan si Sania sa ilang mga kasambahay habang nagliligpit kami. Naghahari na ang kadiliman sa paligid. Nakadungaw sa amin ang buwan mula sa kalangitan na tila minamasdan kami sa ginagawa.
"Iyong anak ko, ayon! Nabuntis! Tinakbuhan niyong lalaki. Kaya hindi talaga maganda ang pakikipagrelasyon sa mga kabataan," himutok ng isang kasambahay.
"Kasalanan din po iyon ng anak ninyo, Aling Luna. Dapat alam niya sa sarili niya ang posibleng consequence sa mga ginagawa niya."
Nagtawanan sina Brix at Royd. Inaasar nila si Sania sa binanggit nitong consequence. Binibiro nila ito kung ano raw ba ang spelling ng salitang iyon.
Tumawa ako at umiling.
"Nakakalungkot isipin na may mga ganoong lalaki. Tinatakbuhan ang mga responsibilidad. Mga walang balls!" si Sania.
"Dapat kung sex lang, sex lang! Kahit ilang beses pa silang mag-sex, basta ba may proteksyon!" Opinyon ni Trixi na sinang-ayunan nila.
"Pero dapat, alam ninyo ang kahalagahan ng pinaka-iingatan niyo, kayong mga babae. Kasal muna bago ang lahat," ani Aling Luna. Lumipad ang tingin nito sa akin.
"Ikaw, Marwa? May boyfriend ka ba? Naku! Sa ganda mong bata. Huwag kang papaloko sa mga lalaki," aniya at umiling.
Ngumiti ako. "Wala po akong boyfriend. Tsaka wala pa iyan sa isip ko, Aling Luna."
Tumango-tango siya. "Dapat lang! Mabuti naman kung ganoon."
"Weh? E, ano pala si Neal?" Kitang-kita ang nakakalokong ngiti ni Julia.
"Bestfriend ko." Ngumuso ako.
"Huwag mong hahayaang maloko ka ng mga lalaki, hija. Tiyak na marami walang hiya riyan sa tabi."
"Dapat ikaw iyong nagloloko, Marwa!" Humalakhak si Trixi.
"Unfair naman niyon! Porket maganda, may karapatan nang manakit?" May bahid ng hindi pagsang-ayon ang tono ni Brix.
"Oo! Kaming magaganda lang ang pwedeng manakit. Kayong mga panget, matuto kayong lumugar." Umirap si Sania.
"Lumugar ka rin, Sania. Kotongan kita riyan, e!" tumawa si Royd.
Natahimik lamang kami nang mamataan si Mrs. Georgia Verulendez. Hindi ko nasilayan si Donya Herenia. Dinig ko ay nasa ibang bansa ito. With her longsleeves yellow summer dress, Mrs. Georgia looked beautiful despite of her age. Her hair falls perfectly on her back. Paano napre-preserba ang ganoong klaseng kagandahan?
"Bago kayo umuwi, kumain muna kayo. Pinahanda ko ang mesa sa loob para sainyo." She smiled gently at us.
"Ah, sige po. Salamat po, Ma'am Georgia," si Julia ang sumagot.
Nakakahiya nga naman tumanggi. Siya pa mismo ang nagpunta rito para yayain kaming kumain kahit pwede niya naman iyon iutos sa mga kasambahay.
"Nagpa-bake ako ng mga cupcakes para sainyo. Mag-uwi kayo ng mga iyon, ah?" Natuon ang tingin niya sa akin.
Ngumiti lamang ako at marahang tumango.
Nang matapos ang lahat ng ginagawa ay halos pasalamatan iyon nina Brix at Royd dahil gutom na raw sila. Nasasabik yata sa mga posibleng masasarap na pagkain sa loob ng mansiyon.
Pagpasok sa mansiyon ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha tuwing nakikita ko ang disenyo nito. Tila ba walang mga alikabok o mga insekto sa tabi.
May tatlong kasambahay ang naroon habang kumakain kami. Roast beef, mga lamang-dagat tulad ng malalaking hipon, alimango at salmon ang nasa mahabang mesa.
"Kumain na po kayo. Sumabay na po kayo sa amin. Huwag niyo na po kaming pagsilbihan. Mga alipin lang po kami," ani Royd nang nagsalin ng juice ang isang kasambahay sakaniyang baso.
"Sige na. Tapos na kami. Bilin ni Ma'am Georgia na huwag kayong pabayaan."
Kahit kumakain ay hindi nauubusan ng mga biro sina Royd at Brix kaya naman hindi namin pagilan ang matawa sa kanila. Minsan ay natatawa rin ang mga nakakarinig na kasambahay.
"Kami na riyan, ineng. Hindi mo na kailangan tumulong," pigil ng kasambahay sa akin.
Kahit na. Hindi pa rin ako nagpapigil. Simpleng bagay lang naman ito. Hindi ako sumagot at nagtuloy sa pagpupulot ng mga plato. Si Trixi rin ay tumulong. Ang iba naming kasama ay lumabas. Hihithit muna raw ng sigarilyo gaya ng nakasanayan nila tuwing matatapos kumain. Kalaunan din ay sumunod sakanila si Trixi upang manigarilyo rin.
Nang matapos ako ay umamba akong lalabas na ng dining room nang namataan ko ang pagpasok ni Hayes. Tila napigtas ang paghinga ko nang magtama ang mga tingin namin. Nakita ko ang pag-angat niya ng kilay. Isang puting t-shirt at sweatpants ang kaniyang suot. Nagtagal ang mga mata niya sa akin bago nag-iwas ng tingin.
Ang isang kasambahay na naghuhugas ng plato ay nagtanong kung kakain na ba siya. Tanging "no" lang ang isinagot niya.
Pinanood ko ang pagbukas niya sa fridge at kumuha ng isang bottled water. Nilingon niya akong muli pagkatapos uminom doon. I saw how his eyes danced with amusement. Tila ba natutuwa sa kung anuman. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod sakaniya. Determinado na akong aalis nang marinig siya.
"You won't even talk to me? Or at least say hi?" Aniya sa tonong hindi ko maintindihan.
Shit. Sana pala kanina pa ako lumabas nang hindi na kami nagkaharap pa.
Pumikit ako nang mariin. Anong talk, Hayes? May dapat ba akong sabihin? Wala naman kaya bakit pa kita kakausapin? Pwede bang hayaan mo na lang akong payapang lumabas ng mansiyon ninyo.
Ngunit wala rin akong nagawa kundi ang harapin siya. Baka kung ano pang isipin niya sa ginagawa kong pag-iwas.
Bakit nga ba ako umiiwas?
"Uhm, mauuna na ako." Tinuro ko ang likuran.
Tumagilid ang kaniyang ulo. Ngumuso siya at naglakad patungo sa counter. Nilapag niya roon ang bottled water at sumandal. Humalukipkip siya at malamig akong tinignan. Ngayon ay tutok na tutok na sa akin ang atensiyon niya.
Pakiramdam ko ay tinatangay ang kaluluwa ko. Dinig na dinig ko ang malakas na kalabog ng puso ko.
Nasulyapan ko ang nagtatanong na mga mata ng dalawang kasambahay sa loob ng dining area. Mabilis nilang inabala ang kanilang sarili nang mapansin ang tingin ko.
Halos mapamura ako. Ano kayang iniisip ng mga ito? Palagay ko ay hindi maganda iyon kung nagkataon.
"What are you thinking? You look bothered." Sa paraan ng titig niya ay pakiramdam ko binabasa niya ang mga mata ko.
Hindi mo na kailangan pang malaman, Hayes. Hindi mo na dapat malaman pa.
"Wala naman. Uhm, k-kailangan ko nang lumabas. Naghihintay ang mga kasama ko," marahan kong sagot at nag-iwas ng tingin.
Kating-kati na ang mga paa kong maglakad palayo sakaniya. Kahit kailan talaga ay ganito ang epekto ng presensiya niya sa akin. At hindi ako natutuwa roon.
"Bakit ang tipid mong sumagot? Ayaw mo akong kausap?"
Natigilan ako at ibinalik ang tingin sakaniya. Kitang-kita ko ang kaseryosohan sakaniyang mga mata.
Lumunok ako. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng epekto ng tanong na iyon sa akin. Tila ba siguradong-sigurado siya na tama ang kung anumang nasa isip niya.
"H-Hindi sa ganoon."
Anong hindi sa ganoon, Marwa? Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang naging sagot ko! Ayaw ko na ng usapang ito!
"K-Kailangan ko nang lumabas, S-Sir. Naghihintay ang mga kasama ko," pag-uulit ko.
Hindi na ako naghintay pa ng sasabihin niya. Agad akong tumulak palabas.
Humaplos sa balat ko ang malamig na hangin ng gabing ito paglabas ko ng mansiyon. Mabilis ang mga hakbang ko, tila ba napapaso sa sahig. "Kainis! Akala ko pa naman si Sir Hayes maghahatid sa atin!" Busangot ang mukha ni Sania. Narinig iyon ng ilang kasambahay at nakita ko ang ngiwi niya, para bang nahiya sa ginawa. "Joke lang po." Ngumuso siya. "Sino ba tayo para ihatid ni Sir Hayes?" Natatawang sinabi ni Brix. Lumipad sa akin ang tingin ni Sania. May kung ano sa mga mata niyang nakatingin sa akin na hindi ko maintindihan. Lalong tumulis ang nguso niya, tila natutuwa sa kung saan. Ilang minuto ang lumipas ng paghihintay namin sa van. Nakatayo lang kami sa paanan ng malapad na hagdanan patungo sa mansiyon. Wala sa sarili akong napa-angat ng tingin sa hagdanan. Tumunganga ako nang makita ang pababang si Hayes. Nakapamuls
Hindi na siya kailanman nagsalita pa. Hindi na rin ako nangahas pang kausapin siya. Para saan pa? Halos makaligtaan ko na naghihintay nga pala si Neal sa coffee shop. Natanggap ko ang text niya na naroon na raw siya. "D-D'yan lang ako sa coffee shop. May kikitain lang ako." Tinuro ko 'yon nang matanaw kong papalapit na kami roon. Nahagip ng tingin ko ang nakaparadang sasakyan ni Neal. Unti-unting humina ang patakbo niya sa sasakyan. Pumarada iyon sa harapan mismo ng coffee shop. Hinawi ko ang buhok ko at sinabit ang sling bag sa aking balikat. "May kikitain ka?" May diin niyang sinabi bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko. Kumunot ang noo ko at nilingon siya. "Oo. Bababa na ako. Salamat sa paghatid." "May kikitain ka pa gayong alam mong gabi na? It's fucking 9 in the evening," aniya na para bang kailangan kong malaman iyon. "Kaibigan ko ang kikitain ko. Ano bang pakialam m
Nang Sabadong iyon, sinabi sa akin ni Zanila na ito ang tamang araw para bisitahin ko si Mr. Albarenzo nang hindi nalalaman ni Minerva dahil mayroon daw itong importanteng lakad na inasikaso. Tinawagan ko si Denver upang kumpirmahin mula sakaniya ang kalagayan ni Mr. Albarenzo. Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng galit ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo sinabi sa akin, Denver. Bakit siya biglang nasa ospital? At a-anong lymphoma cancer ang sinasabi ni Zanila?" Pumikit ako nang mariin. Dinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "His wife told me not to tell you. I'm sorry, Marwa. H-Hindi ko inasahan na si Zanila ang magsasabi sa'yo tungkol dito." "Anong lymphoma cancer, Denver? Totoo ba iyon? Bakit siya nagkaganoon?" Nanginig ang boses ko. "You will know all the details once you visit him in the hospital." Malapit na
Tatlong linggo matapos ng aking pagdalaw, iyon ang naging balita sa akin ni Denver. Hindi ako makakain nang maayos. Ni hindi ako nakapunta sa birthday ni Julia. Para akong lutang at wala sa sarili. At mas lalo akong nahihirapan dahil hindi ko man lang siya magawang dalawin sakaniyang burol dahil sa galit ni Minerva. Isang araw nang naglakas-loob akong magpunta roon ay alam ko na talagang maling desisyon ngunit nilubayan ko muna ang takot.Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kulay gintong tinutulugan ng ama ko nang makita na ako ni Minerva."Talaga nga namang makapal ang pagmumukha mo para magpakita rito! Wala kang respeto!" Sigaw niya sa akin.Lumunok ako at lumingon sa paligid. Kitang-kita ko ang mapanuring mga mata ng mga naroon. Ang iba ay nagbubulungan. Ang iba ay nakakunot ang noo. Ang iba ay umiiling.Nanlamig ang buong pagkatao ko.Ang kasama kong si Neal ay hin
"Ano 'yan?" untag ni Neal habang nagmamaneho. Nilingon ko siya at nakitang nakadungaw siya sa hawak kong pulang box. May hinahanap ako sa aking bag kaya inilabas ko ang mga gamit ko."Kwintas." Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paghahanap sa aking ponytail."Bigay nino?""A friend." Binalik ko ang mga gamit ko nang matagpuan ang hinahanap."A friend wouldn't give that kind of gift, Marwa," may diin sakaniyang boses.Hinawi ko ang aking buhok bago ko ito tinali sa isang bun."Ikaw nga singsing, eh." Humalakhak ako. Kinagat ko ang aking labi nang matantong hindi yata tama ang sinabi ko."That's because I don't want to be your friend," aniya at sumulyap sa akin ngunit nag-iwas agad ng tingin at marahas na bumuga ng hangin."Sino ang nagbigay, Marwa? Pinopormahan ka?" Diretso ang kaniyang tingin sa kalsada
Naroon ulit siya at nakahilig sa pintuan. Nilalaro niya ang susi sakaniyang kamay. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay nakita ko ang pag-ayos niya ng tayo.Natigilan ako sa paglalakad nang makitang nagsimula siyang maglakad palapit. Diretso ang mga mata niya sa akin. Habang ako ay natulala ng ilang sandali.Kinalampag ang dibdib ko sakaniyang paglapit. Nanghina ang mga tuhod ko dahil sakaniyang titig. Ilang dipa ang aming pagitan nang huminto siya. Kitang-kita ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata habang tinatanaw ako.Sumisikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit may parte sa aking guminhawa nang makita siya. Sa dalawang beses kong pagpunta sa feeding program sakanilang mansiyon, hindi ko siya nasilayan. Wala raw siya sa mansiyon, iyon ang sabi ng mga kasambahay. At ang makita siya ngayon dito ay naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Nang sumunod na araw, si Neal na may dalang malaking bouquet ng dilaw na rosas ang bumungad sa pintuan ng condo. Sobrang aga pa! Alas sais pa lang ng umaga at halos kagigising ko lang.Puting t-shirt at khaki shorts ang kaniyang suot. Nanlaki ang mga mata ko nang niyapos niya ang baywang ko at mahigpit akong niyakap."Neal." Kumunot ang noo ko, hindi malaman kung yayakapin ko ba siya pabalik."H-Hindi ko na iyon uulitin, Marwa. Hindi na ako magseselos. I'm sorry. Ayaw kong galit ka sa akin," punung-puno ng lambing ang boses niya habang patuloy akong niyayakap."Neal, okay lang. Kinalimutan ko na iyon." Hinaplos ko ang kaniyang likod. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakayakap sa akin bago ako pinakawalan. Bagsak ang kaniyang tingin sa sahig. Tumikhim siya at nag-angat ng tingin sa akin."This is my peace offering. H-Hindi ko na iyon uulitin. I shou
Dinungaw ko ang braso ko na may mapupulang marka. Sobrang hapdi at may dugo akong nakikita roon. Bawat makakasalubong ko ay nililingon ako. Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon. Wala na akong pakialam.Nakasalubong ko sina Sania at Trixi na parehong mukhang nag-aalala nang papunta ako sa CR. Hinaplos ni Sania ang buhok ko at inayos iyon."Jusko! Sabi ko na nga ba at mag-e-eskandalo talaga 'yang Selene na 'yan! Anong ginawa niya sa iyo? Shit! May kalmot ka!" aniya nang matanaw ang aking braso."Hala! Dumudugo! Kailangan natin tapalan ng band aid 'yan!" natatarantang sinabi ni Trixi.Umiling lamang ako sakaniya. "Ayos lang ako. Ako na ang gagamot dito mamaya," marahan kong sinabi."Dapat talaga sinampal ko na si Trevan noong nilapitan ka niya! Alam ko na talagang ganito ang mangyayari!" ani Sania habang patuloy sa pag-aayos ng buhok kong siguradong sabog dahil sa sabu
"Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.Lumunok ako habang pinagmamasdan siya."Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay."Hmm?""When... when can I get a kiss?" I whispered softly.Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya."H-Huh?"Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya."I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina."Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.I glanced at her. "No. It'
"Do not fucking tell me na hindi ka na naman sasama sa amin!" Sigaw ni Harris habang pinapanood akong nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa aking bag."Bro? What the fuck? When was the last time na sumama ka sa amin? Two fucking months ago!" This time, it was Dylan.I ignored them. Mabilis kong dinampot ang bag ko at sinampay sa aking balikat."I gotta go," saad ko at lumabas na ng silid. Dinig ko pa ang pagmumura ni Harris at Dylan sa akin ngunit binalewala ko lang sila.I texted Nataschia as I walked down the corridor. Yes. I got her number. Ilang linggo ko rin siyang kinulit para makuha ang number niya. Doon ko talaga napatunayang dapat ay maging makulit lang ako para tuluyan siyang bumigay sa akin.- Baby, my classes are done.Hindi niya naman mababasa 'yon dahil abala na siya sa karenderya.And I know that she doesn't care about it but
Dagsa ang mga tao ngayon sa karenderya. Kahit tapos na akong kumain, ayaw ko pang umalis. I was hoping that I could drive her home, but she never let me. Sa isang buwan kong palaging pagpunta rito, hinihintay ko ang pag-uwi niya. Kahit alam kong hindi siya papayag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.I watched her as she smiled at their customers while taking their orders. Kahit kita ang pagod sa kaniya, hindi nabubura ang ngiti niya sa mga tao.I heard that her parents are both dead while her brother is in jail because of rape. Ngunit ang sabi ay na-frame up lang daw ang kuya niya. Tatlong taon na raw itong nasa kulungan. Gumagawa na ako ng paraan upang matulungan ang kuya niya na makalabas. May nakausap na akong abogado. I promise that I'll do everything to get her brother out of prison.Napag-alaman ko ring nasa pangangalaga ng kaniyang lola si Nataschia na siyang nagmamay-ari ng karenderyang ito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Nanginginig ang boses niyang sigaw. I squeezed my eyes tightly as I felt the pain from the slap slowly subsiding. Girls are crazy. Ngayon ko lang talaga napatunayan. Baliw sila.She threw punches on my chest while crying. Wala akong magawa kundi ang pigilan siya. Paano ko siya aamuhin kung sarili niya mismo ang niloloko niya? She fucking knew that we were just fucking around! We are not kids anymore!Hindi ko talaga maintaindihan kung bakit pinagpipilitan niyang girlfriend ko siya. Malinaw na malinaw sa amin na walang kahulugan ang lahat bago namin napagdesisyunang pasukin ang ganitong setup. Hindi ko siya pinilit na pumayag! Hell! I would never force a woman to enter this kind of arrangement with me. We are both consenting adults. Alam niya ang pinasok niya kaya wala siyang karapatang mag-demand ng kung ano mula sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kaniya ang lahat.Be
A hard slap across my face made my world shook. I did not even notice the woman who suddenly appeared in front of me. Sa gulat ko ay naalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nikola at nilingon ang babaeng sumampal sa akin.A woman wearing a black tight dress, looking very irresistible, was throwing daggers at me. Her brown hair was slightly disheveled but still, she fucking looked so hot.She looked like an innocent little devil wearing that dress. Napakurap ako at natulala sa kaniyang namumulang pisngi dahil sa galit."You are so disgusting, Verulendez! Napakarumi mo! My best friend is crying right now pero ikaw nandito lang at nakikipaglandian sa babae mo!" Matalim niyang tinapunan ng tingin ang katabi kong si Nikola.I swear, her voice was so sweet. Tila ba hindi siya sanay magtaas ng boses. Ngunit naguguluhan ako. What was she talking about? Sinong best friend ang tinutukoy niya?A
I heaved a deep sigh as I prepared myself. Kinakabahan ako at... natatakot. Pero wala akong balak umatras pa. I prayed countless times before I went here. Alam kong nasa tabi ko lang ang Diyos at gumagabay sa akin.Kinuha ko ang bulaklak na pulang mga rosas sa tabi bago ako muling nagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko ang sarili sa rearview mirror. I looked like shit. Kitang-kita ang matinding kaba sa mga mata ko ngunit wala na akong pakialam pa.Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng sasakyan. I was wearing a semi formal attire. Ayaw kong isipin ng mga magulang ni Sienna na hindi ko pinaghandaan ang pagpunta rito. I already texted Sienna saying that I was on my way. Kahapon ay sinabi ko sa kaniyang haharapin ko ang mga magulang niya upang pormal na magpaalam na ligawan siya.And that woman did not even want to believe me that I was serious about it. Buong akala niya ay walang katotohanan sa mga sinab
The urge to punch him was so strong but I had to stop myself from giving him another one because he's got a fucking point. Marahas ko siyang binitawan habang habol ko pa rin ang aking paghinga. Ngumisi siya nang tuluyang makawala sa akin."Get your shit together, man. Hindi ako mang-aagaw," natatawa niyang sinabi at napadaing nang haplusin muli ang sugat sa kaniyang labi. Mainit pa rin ang ulo ko ngunit hindi ko maitatanggi na may pagsisisi sa akin matapos ko siyang saktan."I heard you, Kuya. You said that you like her too," mariin kong sinabi."Yeah. I like her as a friend. And she knows that.""Liar," I said through gritted teeth. Muli siyang natawa at napailing."I said what I said. Trust me. I do not like that girl in a romantic way. Yeah. She's beautiful and very nice. But damn, she's 16! I'm 19, fucker!" Aniya pa na para bang sapat na dahilan na 'yon na p
"You have been ignoring me these past few days! What's wrong with you, Hadrius?!" Brianna screamed angrily, following me. I didn't bother to look at her.Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kotse ko. It is my Mom's birthday kaya maaga akong uuwi. At hindi ko alam kung bakit patuloy akong hinahabol ni Brianna kahit pa na malinaw naman sa kaniya kung hanggang saan lang kami. Hell! We have talked about this already! Yes! We fucked but thay doesn't mean we should be together! She was not even a virgin when we did it that's why I do not fucking understand why she was making it seemed that I have some unfinished business with her! Na para bang may responsibilidad ako sa kaniya!"Hadrius, can you please talk to me? Please! We need to talk!" She was still very persistent! I clenched my jaw to stop myself from yelling at her. I still have some remaining respect for her kahit papaano. She was making a scene! Students were looking at our dire
"What is it, son?"Hindi ko maiwasang tumitig sa anak ko dahil nakikita ko sa mukha niya ngayon na magiging seryoso ang usapan namin. It was two in the morning. I should be asleep by now but Hadrius texted me and asked if I was still awake. Iniwan ko muna sandali ang mahimbing na natutulog na si Marwa sa aming kwarto at pinuntahan ang anak namin.Ang malamig na hangin dito sa teresa ay humahaplos sa balat ko. Pinagmasdan kong mabuti si Hadrius na nakatitig lamang sa kawalan. Ilang sandali pa nang bumuntong-hininga siya."I... I had sex with someone..." he whispered softly. His voice was so low that it almost did not reach me.Napakurap ako at ilang sandaling tumitig sa anak ko."So you're telling me that you're not a virgin anymore," I concluded as I raised my eyebrow.Muli siyang bumuntong-hininga nang siguro'y marinig ang kalmado kong boses. Well, wha