"Hayes? Where are you going?" Untag ng isang babaeng naka-itim na fitted dress na aming nadaanan. Sumunod ang mga mata nito sa amin nang hindi siya sinagot o nilingon man lang ni Hayes. Lumipat sa akin ang tingin nito at kitang-kita ko ang pagtataka roon.
Ang malaki at mainit niyang kamay ay sobrang rahan ng pagkakahawak sa akin. Kinagat ko ang labi ko. May mga munting nilalang na nagdidiwang sa loob ng tiyan ko. Para silang mga nagkakagulo... o nagkakasiyahan doon.
Kung sinu-sino ang bumabati sakaniya. Ang ilan sa mga iyon ay tinatanguan niya ngunit karamihan ay hindi niya na nililingunan. Hindi ko alam kung hindi niya lang napansin ang mga iyon.
"You're leaving already? Oh! May kasama ka?" Sambit ng isang lalaki at napahinto nang matanaw si Hayes. Dumako ang mata nito sa akin. Ngumuso siya, kitang-kita ko ang pagpipigil ng ngiti nito.
Kumunot ang noo ko.
"We need to go, Felix. Talk to you next time."
Paglabas ng club ay bumungad sa akin ang ihip ng malamig na hangin. Dinala niya ako sa tapat ng isang itim na sasakyan. Binitawan niya ako nang buksan niya ang pintuan.
"Sakay na," aniya.
Kumunot ang noo ko at doon pa lang yata ako nagbalik sa wisyo.
"Bakit ako sasama sa 'yo? Ayaw ko. Babalik na ako sa loob." Umatras ako at akmang aalis na nang pigilan niya ako sa braso. Sa sobrang gaan at rahan ng kamay niya sa balat ko ay parang hinahaplos lang ito ng hangin. Halos mapapikit ako roon.
Tinaliman ko ang tingin ko sakaniya kahit pa na may parte sa akin na natutuwa.
"Ihahatid lang kita. You're very drunk, Marwa. You are not even supposed to be here." Umiling siya.
Halos tumindig ang balahibo ko nang maramdaman kong humaplos ang kaniyang hinlalaki sa balat ko. Matapos niyon ay pinakawalan niya ako.
"Get in the car. Nilalamig kana. Please..." marahan niyang utos.
Ilang sandali ko siyang tinignan bago napagdesisyunang sumunod sa gusto niya. Hindi ko na mahagilap pa ang kakayahan na magprotesta sakaniya dahil ang utak ko ay tila wala na sa tamang kondisyon.
Umikot na rin siya kaagad nang nasa loob na ako. Ang amoy ng kaniyang sasakyan ay may halong leather at mint. Lalo yata akong nalalasing dahil sa amoy na umaatake sa ilong ko.
Sumandal ako at tumingin na lang sa bintana.
Narinig ko ang pag-start niya sa engine ng sasakyan. Unti-unti kong naramdaman ang pag-ikot ng tiyan ko. Pumikit ako sa pag-aakalang nahihilo lang dahil sa nainom.
Hanggang sa naramdaman ko na parang hinahalukay ang tiyan ko. Napaayos ako ng upo at sinapo ang bibig. Hindi pa halos umaandar ang sasakyan nang hindi ko na mapigilan ang sarili kong magsuka!
Diretso ang suka ko sa itim na carpet ng kaniyang sasakyan. Halos maiyak ako sa sakit. Ramdam ko ang pagluluha ng mga mata ko.
"Shit. You ruined my car," dinig kong marahan niyang sinabi.
Naramdaman ko ang pagsikop niya sa buhok ko. Ang mga daliri niya ay humaplos sa aking leeg at batok.
Ilang minuto siyang nakaantabay sa akin habang nagsusuka. Sinikop niya nang mabuti ang buhok ko.
"Do you feel better now?" Aniya nang mapansin niyang wala na akong nailalabas. Mabilis niyang inabot ang tissue sa dash board habang ang isang kamay ay nakasikop pa rin sa buhok ko. Medyo humupa na ang pakiramdam ko pagkatapos niyon. Binigyan niya ako ng ilang pirasong tissue at agad ko iyon kinuha upang punasan ang bibig.
Napangiwi ako nang makita kung gaano ko nadumihan ang magarbo niyang sasakyan. Marahan niyang binitawan ang buhok ko nang umayos ako ng upo. Nilingon ko siya at nagawa ko pang ngumiti.
Ang madilim niyang buhok ay mas lalong nagpatingkad sa makisig niyang mukha. Medyo mahaba ito sa puntong mabilis itong gumulo nang pasadaan niya ng kaniyang mga daliri. Kitang-kita ko kung paano niya binasa ang kaniyang labi at bumuntong hininga.
Pinanood niya ako mula sakaniyang mapupungay na mga mata.
"Pasensiya ka na. Nagsuka ako. 'Di bale, papalitan ko 'tong sasakyan mo." Humalakhak ako.
Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang mga sinasabi ko. Bigla nalang lumalabas sa akin.
"You're really drunk. Hindi na ito pwedeng masundan pa." Bakas sa kaniyang tono ang iritasyon.
Sumandal ako at sinapo ang ulo. Pumikit ako at hinayaan ang mundo sa gusto niyang mangyari.
"You really need to go home," dinig kong sinabi niya bago ko naramdaman ang pag-andar muli ng sasakyan.
Habang nasa biyahe ay ilang beses tumunog ang cellphone niyang nasa dash board. Hindi niya iyon sinasagot.
"Bakit ayaw mong sagutin? Baka girlfriend mo 'yan. Patayin ka niyon kapag nalaman niyang may ibang babae kang sinasakay sa kotse mo," natatawa kong sinabi nang tumunog ulit ang cellphone niya.
Hindi niya ako sinagot. Nanatili siyang tahimik. Nilingon ko siya mula sa pagkakasandal ng ulo ko sa bintana. Kitang-kita ko ang pagkakasalubong ng makapal niyang kilay mula sa mga nadadaanan naming mga ilaw.
Ang makisig niyang brasong nakahawak sa manibela ay nakakapanuyo ng lalamunan. Ang mga ugat niya roon ay mistulang simbolo ng lakas. Para bang kung kaniya ka, hindi ka niya hahayaang masaktan. Para bang handa siyang protektahan ka.
Nagising na lang ako nang maramdaman kong may mainit na palad ang nakahawak sa akin. Tsaka ko lang natanto na sinisikop ako ni Hayes mula sa upuan. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sasakyan niya! Gayunpaman ay hindi ko pinahalatang nagising ako. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring natutulog pa. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa paghawak sa akin nang iangat ako mula sa upuan. Ang isang kamay ay nasa likod ko at ang isa ay nasa ibabang parte ng hita ko. Kulang na lang ay tuluyan akong makatulog sa mga bisig niya. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan ng sasakyan. Nakapikit pa rin ako at walang balak dumilat. Mas okay itong akala niyang tulog ako dahil baka kapag nalaman niyang gising ako ay bigla niya akong ibaba. Nakabagsak ang mga kamay ko. Gustung-gusto kong ipalupot ito sa leeg niya at singhutin ang mabango niyang amoy.
Naloloka na ako sa mga pinag-iisip ko sakaniya. Ang harot ko pa lang malasing? Ayaw ko na tuloy uminom sa susunod kung ganito nga.
Hindi ko alam kung nasaan na kami. Basta nang naramdaman ko ang lamig ay natanto kong nasa loob na kami ng gusali. Namamangha pa rin ako sa pagkakabuhat niya sa akin. Para lang akong bulak na hawak niya. Magaan at walang kahit na anong lakas na inaalay. Palagay ko ay sinisikap niyang ang tela lang ng damit ko ang mahawakan niya, iniiwasan ang anumang interaksiyon sa balat ko.
"Anong palapag ang condo mo?" Mababa niyang untag.
Hindi ako sumagot. Syempre bakit ako sasagot? Tulog nga ako, e! Tulog! May sumasagot bang tulog? Wala! Kaya hindi talaga ako sasagot! Dahil tulog ako!
"Anong palapag?" Ulit niya.
Bakit ba siya tanong nang tanong? Kita na ngang natutulog ako, e! Siraulo ba siya? Ba't niya tatanungin ang taong natutulog?
"Hmm..." daing ko kunwari.
"Anong palapag ang pipindutin ko?" Pasensyoso niyang ulit.
Siguro ay dahil sa awa, nagawa kong sumagot ngunit nanatili pa rin akong nakapikit.
"23," bulong ko.
Matapos niyon ay hindi na siya nagsalita pa hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng elavator. Hudyat na nasa tamang palapag na kami. Dumilat ako at bumungad sa akin ang mga mata niyang nakadungaw sa akin.
"Ibaba mo na ako," utos ko na agad niyang sinunod. Marahan niya akong ibinaba. Inayos ko ang dress ko at hinawi ang aking buhok. Nilingon ko siya at sumalubong sa akin ang mariin niyang titig. Lumunok ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Inayos ko ang pagkakasabit ng aking sling bag at naglakad patungo sa condo. Hindi ko siya nilingon. Basta diretso lang ang mabilis kong paglalakad. Pinindot ko ang pass code at nang tumunog ito ay nilingon ko si Hayes... na mabagal ang mga hakbang na sumusunod sa akin. Nasa bulsa ang mga kamay at ang buhok ay tuluyan nang nagulo. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko sa ganoong ayos niya.
Bahagya pang umawang ang mga labi ko dahil sa labis na pagkamangha habang tinatanaw siyang nasa harapan ko. Tila ngayon lang unti-unting tinatanggap ng utak ko ang nangyayari. Na talagang narito nga siya. Hinatid niya ako! Magkasama kami! Sumakay ako sa sasakyan niya! At binuhat niya ako!
Sinapo ko ang aking noo. Bakit parang mas lalo akong nahilo dahil sa mga iniisip?
Tumikhim ako nang makalapit siya.
"Maraming salamat. Papasok na ako," saad ko sa maliit na tono. Hindi ko na kaya pang siya'y lingunin. Bagsak ang tingin ko sa sahig.
Hinintay ko ang kung anuman ang sasabihin niya ngunit nanatili lang siyang tahimik. Nakatayo lang siya roon at marahil ay tinatanaw ako. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin upang kumpirmahin ang iniisip. At nang maabutan ang titig niya na tumatagos sa akin ay halos tumakbo ako papasok ng condo!
"Alright." Halos binulong niya lang iyon.
Ilang sandali pa akong nakatunganga sa mukha niya. Para akong tangang nag-aabang na may idudugtong pa siya.
Mabilis ko siyang tinalikuran, tila ba napapaso sa mga titig niya. Agad kong sinara ang pintuan at ilang sandali pa akong natulala.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang ngayon lang pumapasok sa utak ko ang lahat ng kaganapan. Nagpalipas ako ng ilang minuto sa pintuan. Tinutok ko ang tainga ko sa pintuan na para bang maririnig ko kung ano ang nasa labas kahit pa na ang totoo ay hindi naman. Umalis na kaya siya? Malamang. Ano pa ba ang gagawin niya sa labas? Dapat ba na niyaya ko muna siyang pumasok kahit saglit lang bilang pasasalamat? Dapat ba ay niyaya ko man lang siyang magkape? Ngunit alam ko naman na hindi iyon ang tamang gawin kaya hindi ko na ginawa. Mabilis kong binuksan ang pintuan at dumungaw sa labas. Wala na akong naabutan doon. Tanging ang tahimik na pasilyo lang ang bumungad sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Ilang sandali akong tulala. Umalis na nga siya... Pumasok na lang ulit ako at nag-asikaso ng sarili. Sandamakmak na tawag at mensahe ang bumungad sa akin pagsapit ng umaga. Marami roon ay galing kina Sania. Halos sumab
Naging tahimik na naman ang biyahe namin. Sumusulyap ako sakaniya ngunit nanatili lamang nakatuon sa daan ang kaniyang atensiyon. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe nang pumasok ang sasakyan sa isang ekslusibong subdivision. Malawak at malinis ang daan. Namamangha ako sa bawat bahay na nadadaanan namin. Nagpapatalbugan ang mga iyon sa disenyo at laki. "Bakit tayo narito?" Untag ko. Ang alam ko ay magdi-dinner kami ni Mr. Albarenzo sa isang restaurant. Nilingon ko si Denver na para bang hindi narinig ang tanong ko. Nagkibit ako ng balikat at hinayaan siyang magmaneho. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na puting gate. Bumusina siya at bumukas iyon. Isang malawak na hardin ang bumungad sa akin. Kitang-kita ko ang puting mansiyong sa harapan. May ilang mga sasakyan ang nakaparada. "Nasaan tayo?" Tanong ko ulit kahit hindi sigurado kung sasagutin niya. "This is your father's house," aniya. "Dito kami magdi-dinner?" Binu
"Tumatanda na ang magulang mo, Zanila. Wala ka pa rin bang balak na asikasuhin ang ospital ng ama mo?" Ani Mrs. Dranela.Seryoso itong nakatingin kay Zanila. Marahang pinunasan ni Zanila ang kaniyang bibig gamit ang tissue bago sumagot."I love modeling, Tita. But of course, I know my responsibilities as the only heiress. Kailangan ko pa ng sapat na panahon para mapaghandaan ang pagpapatakbo ng ospital," ani Zanila sa dalisay na boses."Why don't you exert your time and effort in learning how to manage the hospital instead na nagsasayang ka ng panahon sa pagmomodelo," opinyon ni Mrs. Filomena sa usapan."I don't think you can call modeling as a waste of time, Tita Fina. It's my passion. Just like how passionated you are when it comes to solving cases as an attorney." Ngumiti si Zanila."Not exactly a waste of time, hija. Ang gusto ko lang iparating ay dapat sa ganiyang edad mo ay itinutuon mo na ang sarili mo sa ospita
Sa kulay abong kalangitan, hudyat ng nagbabadyang pagkagat ng dilim, ilang metro ang layo sa akin ni Hayes. Walang ulap sa mga oras na ito. Hinuha ko ay bubuhos ang ulan mayamaya. Sakaniyang sinabi ay pakiramdam ko isang mahirap na katanungan iyon. Nagpunta siya rito para... ihatid ako? Masyado nang taliwas sa katotohanan iyang iniisip mo. Napadaan lang iyan. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang makipagtitigan sakaniya ng ilang sandali. Hindi ko matanto kung dapat ko bang sagutin iyon. Kung ano ang dapat sabihin. Nilingon ko siya at nahuli ang mariin niyang titig. May ilang dumadaan na pamilyar na mga estudyante at napapabaling sa direksiyon namin. Kahit naglalakad ay nababali ang mga leeg nila matignan lang kami. "Uhm, ayos lang ako. H-Hindi mo naman ako kailangan pang ihatid." Kinagat ko ang labi ko. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinaglaruan ang susi na nasa kaniyang kamay. Tinagilid niya ang ulo at l
Nauna akong pumasok sa lomihan. Bumungad sa pang-amoy ko ang nakakagutom na amoy ng ginisang bawang at sibuyas. Medyo malaki ang kainan at hindi sosobra sa sampu ang mga kwadradong plastic na lamesa. Bukod sa lomi ay mayroon din silang mga tinapay. Nilingon ko si Hayes na nakasunod sa akin. Sobrang out of place niya sa lugar. Mukha siyang naligaw sa maliit na lomihan na ito. Pakiramdam ko ay hindi bagay sakaniya ang kumain sa mga ganito. Ayos lang kaya sakaniya ang amoy ng ginigisa nila sa kung saan? "I'm gonna keep this. Okay lang ba iyon?" He suddenly asked. Natigilan ako. Naglakbay ang aking isipan. Itatago niya ang panyo ko? Hindi ko alam pero may parte sa aking nagbunyi. Bakit gusto ko ang ideya niyang iyon? Pakiramdam ko ay tama lang na hindi niya iyon ibalik. Sa mga ganitong simpleng bagay, hinahaplos ang puso ko. Hindi ko alam na posible pala iyon. Kahit ano pang kaba ko sa tuwing magkalapit kami, hindi ko maitatanggi ang pagdidiwang ng puso ko sa
Ilang sandali pang nanatili si Neal bago siya nagpasiyang umuwi. Kahit pilitin niyang maging masigla sa harap ko, hindi ko pa rin mapalampas ang salungat na sinasabi ng mga mata niya. Sobra akong nagui-guilty. Alam ko na naapektuhan siya sa ginawa ko. Ngunit mas lalo lamang akong hindi mapapayapa kung hindi ko sasabihin ang katotohanan. Alam ko na maiintindihan niya. Sana lang ay maintindihan niya... Ngunit mukhang malabo ang gusto kong mangyari. Isang numero ang tumawag sa akin, sa kalagitnaan ng hating gabi. Alas dos ng madaling araw sabi ng orasan. Ni hindi ko pa magawang buksan ang mga mata ko mula sa malalim na pagtulog. Bakit naman ganitong oras tumatawag ang kung sinuman ito? "Hello..." "Marwa! Thank God! You answered my call!" Kasunod niyon ang matinding hagulgol ng nasa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko. "Hello? M-Mrs. Lucy? Kayo po ba iyan?" Tila nagising ang buong pagkatao ko ng dahi
Ang pormal niyang itim na longsleeves polo na tinupi hanggang siko at slacks ay nagsasabing galing siya sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko. Hindi siya gumalaw sa kaniyang pwesto. Patuloy lamang niya akong pinapanood mula sakaniyang mapanuring mga mata. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal at inilabas ang kamay mula sa bulsa nang tuluyan na akong nakalapit. Hindi niya pinutol ang tingin sa akin. Halos mag-iisang buwan na rin mula noong huli ko siyang nakita. Napansin ko na numipis ang kaniyang buhok. Napadaan ulit siya? Ngunit bakit parang kanina pa siya narito at may hinihintay? Nagkabuhol-buhol na ang mga nasa utak ko. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o bumati sakaniya kahit sandali lang. Nag-iwas ako ng tingin at pinilit na kontrolin ang sarili. Kinagat ko ang labi ko nang tuluyan ko na siyang nalampasan. Hindi ko alam. Hi
Humaplos sa balat ko ang malamig na hangin ng gabing ito paglabas ko ng mansiyon. Mabilis ang mga hakbang ko, tila ba napapaso sa sahig. "Kainis! Akala ko pa naman si Sir Hayes maghahatid sa atin!" Busangot ang mukha ni Sania. Narinig iyon ng ilang kasambahay at nakita ko ang ngiwi niya, para bang nahiya sa ginawa. "Joke lang po." Ngumuso siya. "Sino ba tayo para ihatid ni Sir Hayes?" Natatawang sinabi ni Brix. Lumipad sa akin ang tingin ni Sania. May kung ano sa mga mata niyang nakatingin sa akin na hindi ko maintindihan. Lalong tumulis ang nguso niya, tila natutuwa sa kung saan. Ilang minuto ang lumipas ng paghihintay namin sa van. Nakatayo lang kami sa paanan ng malapad na hagdanan patungo sa mansiyon. Wala sa sarili akong napa-angat ng tingin sa hagdanan. Tumunganga ako nang makita ang pababang si Hayes. Nakapamuls