Pagkatapos kong asikasuhin ang dapat ay kumain ako ng hapunan. Nagbukas lang ako ng delata mula sa ilang naka-stock dito. Kung hindi ako pinagdadala ni Neal ng pagkain, siguradong ubos na ang mga stock dito.
Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng aking pagkain. Kumunot ang noo ko sa hindi kilalang numero.
"Hello?"
"Marwa, si Tita Margaret mo ito. Kinakamusta lang kita."
Bahagyang namilog ang mga mata ko. Medyo maingay sa kabilang linya.
"Tita? Nasaan po kayo? Bakit ngayon lang po kayo tumawag? Hindi na po ba kayo babalik sa bahay natin?" Binitawan ko ang kutsara at tinuon ang atensiyon sa kausap.
Ilang buwan na rin akong walang balita sa tiyahin kong ito. May parte sa akin na masaya dahil kahit papaano pala ay hindi niya nakakaligtaan na may pamangkin siyang naiwan dito.
"Uhm, kasi nagkulang ang budget ko. Pwede mo ba akong ibilin sa tatay mo kahit bente mil lang?"
Ilang sandali akong natahimik sa diretsahan niyang sagot. Kumunot ang noo ko. Bakit kailangan niya ng bente mil? Saan niya naman paggagamitan? Nabalitaan ko na medyo malaki ang binigay sakaniya ni Mr. Albarenzo. Nakapagbakasyon pa ito sa Japan.
"Tita, aanhin niyo po? Nasaan po ba kayo?" Nagtataka kong tanong.
"Basta. Nandito lang ako sa malapit."
"Bakit po ang ingay? Tita, nasaan po ba talaga kayo?" Hindi ko mapigilan sabihin nang marinig kong may mga nagtatawanan.
Pumalatak siya.
"Dami mo namang tanong, e! Tawagan mo na yung tatay mo at padalhan ako ng bente mil kamo sakaniya!" Sigaw niya sa kabilang linya.
Unti-unting namuo ang iritasyon sa akin ngunit kinalma ko ang sarili.
"Tita, hindi ko po magagawa ang gusto niyo," mahina ngunit mariin ang naging tono ko.
"Aba't bakit hindi?! Nagyayabang ka na ngayon porket natagpuan mo na 'yang tatay mong mayaman? Nag-iinarte ka na? Hoy! Baka nakakalimutan mo na minsan kitang pinalamong babae ka! Mahiya ka naman!"
Napapikit ako sa pagtaas ng boses niya. Ramdam ko ang galit niya kahit sa telepono lang.
"Tita, hindi po ganiyan ang gusto kong isipin niyo sa akin. Wala–"
"Sus! Hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob. Ugali mo, Marwa! Ako ang kasama mo nang iwan ka ng nanay mo! Pasalamat ka nga at hindi kita siningil sa kuryente't tubig! Umayos ka! Kung ayaw mong gawin ang gusto ko, pwes ako mismo kakausap sa tatay mo. Ibigay mo sa akin number niya!" Maanghang niyang sinabi.
Napapikit ako at napahilot na lamang sa sentido. Ano ba naman! Napahaplos ako sa buhok ko. Hindi ko malaman ang sasabihin.
"Wala akong number ni Mr. Albarenzo," malumanay kong sinabi kahit na tumataas na ang presyon ko sakaniya.
Itong tiyahin ko talaga! Kahit kailan!
"Sinungaling! Bigay mo na! Ano ba, Marwa?! Tangina naman, oh! Talong-talo na nga ako rito! Inaartehan mo pa 'kong punyeta ka!"
Umirap ako sa hangin. Kinuha ko ang kutsara at pinaglaruan ang kanin.
"Number lang po ni Denver ang mayroon ako. Siya na lang po ang kausapin niyo," sagot ko na lang nang sa ganoon ay maibaba ko na ang tawag. Ayoko nang makipagtalo pa sakaniya.
"Mabuti pa nga! Wala akong mapapala sa 'yo! Punyeta ka talaga!"
Napabuga na lamang ako ng hangin nang maputol ang linya. Bahala siya kung ano man ang gagawin at sasabihin niya para makahuthot ng pera. Nagsusugal na naman siya panigurado. Ipinasa ko agad sakaniya ang number ni Denver.
Naghugas ako ng plato at kaunting linis bago naligo. Tsaka ko lang nabasa ang text ni Neal nang nakahiga na ako.
Neal:
– I'm sorry about earlier. Advance happy birthday. Goodnight.
Hindi na ako nag-abala pang mag-reply. Kinabukasan ay ang tawag ni Neal ang nagpagising sa akin.
"Happy birthday! Kagigising mo lang ba?" Masigla niyang bungad.
Umupo ako sa kama at nilingon ang parisukat na orasan sa pader. Alas singko na pala ng umaga. Mamaya pang 5:30 mag-aalarm ang cellphone ko kaya tingin ko ay sakto lang ang tawag niya.
"Medyo. Hmm. Salamat, Neal."
"Susunduin kita mamayang pag-uwi mo. Dinner tayo."
Wala naman akong gagawin mamaya kaya ayos lang kung pagbigyan ko siya.
"Oo naman. Wala naman akong plano mamaya."
"Alright! Thank you. See you later."
Pagpasok ko ay may ilang kaklase ang bumati sa akin. May inabot sa akin si Sania na naka-paper bag.
"Hala. Para sa akin ito?" Untag ko nang iabot niya.
Pabiro siyang umirap. "Hindi. Para sa akin 'yan. Pinapahawak ko lang." Tumawa siya.
Ngumiti ako. Hinaplos ang puso ko sa isipang nag-abala pa siya para rito.
"Salamat dito. Hindi na naman kailangan."
"Kailangan! Arte neto, e."
Ilang sandali pa nang may iabot din sa akin si Julia. Pareho ko silang pinasalamatan at buong klase akong masaya dahil sa mga munting regalong natanggap.
"Una na ako, ah. Aalis pa kami nina Mama, e," ani Trixi habang iniipon ang mga gamit sa bag.
"Ako rin, eh. Kailangan ko pang i-revise yung chapter three namin," si Sania.
Nagpaalam kami sa isa't isa bago maghiwa-hiwalay. Bitbit ko ang mga binigay nila at ang cake. Paglabas ko ng gate ng eskwelahan ay natanaw ko agad ang sasakyan ni Neal. Pagsakay ko ay bumungad sa akin ang hawak niyang bouquet ng pula at puting rosas. Nanlaki ang mga mata ko.
"Happy birthday! Alam ko na gusto mo ang bulaklak at tsokolate. Welcome to the legal world!" Malapad ang ngiti niya.
"Hala. Nag-abala ka pa. Salamat dito, ah." Kinuha ko ang bulaklak at namangha sa ganda ng pagkakadisenyo ng pula at pink na mga rosas.
Kinuha niya ang cake na nakapatong sa kandungan ko at nilagay iyon sa likod pati na ang mga chocolate bars.
"Wear something nice tonight. We are going somewhere. Hindi bagay ang uniform mo roon. You are eighteen so dapat lang na maranasan mo ang mga bagay na ginagawa namin," aniya.
"Huh? Akala ko ba kakain tayo sa labas?" Saad ko habang inaayos ang seatbelt.
"No. I actually think that is boring. I want something extreme," aniya at ngumiti.
Ngumuso ako at tinignan siya nang buong pagtataka.
"Ewan ko sayo, Neal."
Hinatid niya ako sa condo dahil sabi niya, kailangan kong palitan ang suot ko. Napili ko ang isang orange na off-shoulder na bestida. Kita ang nipis ng baywang ko dahil sa pagiging hapit nito. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Kumukulot ang tips nito dahil sa sobrang haba. Naisip ko tuloy kung dapat na ba akong magpagupit.
Naglagay lang ako ng pulang lipstick. May mga binigay na makeup sa akin si Mr. Albarenzo na pinabili niya pero hindi ko naman magamit dahil hindi ko alam kung paano maglagay ng mga iyon.
Nang nasa kotse na kami ay hindi ko kabisado ang daang binabagtas namin. Hindi niya naman sinasabi kung saan kami papunta.
"Makakarating din tayo roon. Malalaman mo rin," aniya nang natatawa.
Unti-unti ko na ngang nahulaan nang pumarada siya sa isang sikat na bar.
"Neal, magba-bar tayo?" Gulantang ko siyang nilingon.
"Yeah. Sabado naman bukas so..." Nagkibit-balikat siya. "Eighteen ka na. Alam mo ba na matagal kong hinintay 'to dahil finally, pwede na kitang isama sa mga night outs ko," aniya at ngumiti sa akin.
"Pero first time ko sa ganito. Bakit hindi mo naman sinabi sa akin?" Bahagya akong nakaramdam ng inis.
"I know. It's a surprise. Tara na. Maraming naghihintay sa loob," aniya bago binuksan ang pintuan sa gilid at lumabas. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Pagpasok pa lang ay kumakabog ang musika. Wala pang masyadong tao sa dance floor. Siguro ay dahil medyo maaga pa kaya nasa tamang wisyo pa ang mga tao. Alas otso pa lang ng gabi. Iba't ibang kulay ng neon lights ang naglalaro sa paningin ko. Kahit saang banda ako tumingin ay may natatanaw akong mga sikat na personalidad. Nakita ko pa ang isang sikat na artista. Namilog ang mga mata ko nang makitang ibang lalaki ang kayakap niya. Hindi iyon ang on-screen partner niya, ah?!
Hawak ni Neal ang kamay ko. Nagtungo kami sa isang malaking sofa. Nanliliit ang mga mata ko dahil hindi ko makilala mula rito ang mga taong kumakaway roon. Halos tumalon ako nang makita ko si Trixi at ilang mga kaklaseng naging malapit sa akin. Sina Julia, Sania, at maging sina Brix at Royd!
Nagtatalon kaming mga babae nang yumakap sila sa akin. Agad akong inalukan ni Trixi ng isang baso na nasisiguro kong alak ang laman.
"Eighteen ka na! Hindi ka na pwedeng tumanggi!" Sigaw niya sa maingay na musika.
Isang puting tube at tattered jeans ang kaniyang suot. Kitang-kita ang kaniyang manipis na tiyan.
"Dahil birthday mo, birthday mo, b-b-birthday mo. Kaya libre mo, libre mo– ayy! Libre pala ito ni Neal!" Sinundan ng tawa ni Julia ang kaniyang pagkanta. Hinawi niya ang kaniyang maiksing buhok na naging sanhi ng pagkalat ng kaniyang bangs.
Lumunok ako bago ininom ang alak. Matindi ang pag-ukit nito sa lalamunan ko. Nakapikit ako nang mariin habang inuubos ang laman.
"Hala! Marunong lumagok!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Brix.
Ngumiwi ako nang naubos ko ang laman ng baso. Mabilis na inabot sa akin ni Julia ang isang lemon at agad ko iyon sinipsip upang humupa ang pait sa panlasa.
Napakaraming alak sa mesa. Mayroong chips, fries at buffalo wings akong nakita. Bigla tuloy akong nagutom. Hindi pa ako naghahapunan. Nagsiupo kaming lahat matapos iyon. Katabi ko si Neal at sa kanan ko naman ay si Sania.
"Ngayon ka pa lang niyan nakatikim ng alak, Marwa?" Untag ni Julia.
Tumango ako at sinubo ang chips.
"Weh?! Ako noon kinse anyos yata ako nang makatikim, e!"
"Ikaw iyon! Huwag mong itulad sa 'yo si Marwa," ani Brix.
Nagkwentuhan sila tungkol sa edad kung kailan sila unang uminom ng alak. Habang ako naman ay abala sa pagkain ng chips o 'di kaya naman ay fries.
Nagdadalawang isip pa ako bago tuluyang tanggapin ang mga inaalok nilang alak sa akin. Unang shot pa lang ngunit parang hindi ko na tatanggapin ang susunod dahil sa rahas ng dating nito sa lalamunan ko. Bakit gustung-gusto ito ng marami? Hindi naman pala masarap!
Ngunit hindi na ako nakatanggi pa sa mga sumunod na alok nila dahil hindi sila tumigil hangga't hindi nila nakikitang dumadampi sa labi ko ang baso. Hanggang sa naging sunud-sunod iyon. Hindi ko na namalayan na nakarami na ako ng shot. Hindi ako pamilyar sa mga alak na nainom ko. Ang alam ko lang ay iba-iba ang lasa at kulay ng mga iyon. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa dance floor na kami nina Julia.
"Sandali!" Pigil ko sa waiter na naglilibot na may bitbit ng tray ng mga alak. Kumuha ako ng dalawa at nagbalik sa pagsasayaw. Nilagok ko ang isang shot habang patuloy sa pag-indayog sa masayang musika.
"Grabe! Lakas makasosyal ng club na 'to! May matandang mayaman kaya rito?" Sigaw ni Sania habang sumasayaw.
Nakita ko ang paglapit ni Julia sa isang lalaki at sinayawan iyon. Tumawa ako at umiling.
Marami na ang tao sa dance floor at hindi ko na mabilang kung ilang tao na ang nakasayaw ko. Isang matangkad na lalaki ang kasayaw ko ngayon. Maputi, hanggang balikat ang buhok at tingin ko'y ibang lahi.
"Wanna come with me tonight?" Bulong niya sa tainga ko na tinawanan ko lang.
Kinuha ni Sania ang dalawang kopita na walang laman.
"Go, girl!" Sigaw niya.
Umiikot na ang paningin ko ngunit patuloy lang ako sa pagsayaw kasama ang ingleserong lalaking ito. Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Ngumiti ako sakaniya habang namumungay ang mga mata ko. Wala sa sarili kong pinulupot ang braso sa leeg niya. Napapapikit na lang ako sa musika.
"Let's get out of here." Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg at tainga ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Tumatawa lang ako kahit alam kong wala naman nakakatawa sa nangyayari.
Tumingala ako at pumikit. Sa unti-unting pagdilat ko ay siyang pagsalubong sa akin ng tingin ng isang pamilyar na lalaking nakahilig sa itaas na parte. Nakahilig siya sa bakal ng second floor ng club habang may hawak na baso, tinatanaw ako mula roon. Tila siya isang hari na nakadungaw sa mga alipin niya. Malinaw ang paningin ko sa mga mata niyang nakatutok sa akin. Pumikit ulit ako at hinayaan ang sariling magpalunod sa musika.
"Ugh! Ayoko na!" Kinalas ko ang pagkakahawak sa kasayaw ko at tinalikuran siya.
"Hep hep! Stay there! Shoo! Away her! No touch!" Dinig kong sinabi ni Julia habang naglalakad ako palayo. Bumalik ako sa sofa namin. Nakaupo lang doon si Neal kasama sina Royd at Brix. Mayroon siyang pinuntahan na mga kakilala kanina pero bumalik din siya rito.
"Oh? Nasaan sina Sania?" Salubong ni Royd nang makita ako.
Nagkibit ako ng balikat.
"Neal, thank you," saad ko nang makaupo sa tabi niya. Matamis akong ngumiti sakaniya at mabilis siyang pinatakan ng halik sa pisngi.
Nahuli ko ang bahagyang pag-awang ng kaniyang mga labi. Nagpaalam ako na magpunta sa powder room. Sa pagtayo ko ay ang mabilis na pagdalo sa akin ni Neal nang mawalan ako ng balanse.
"You are drunk Marwa. Iuuwi na kita," aniya.
"Huh? Powder room lang ako. Diyan ka lang." Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at kaagad naglakad palayo.
Ilang beses akong nawalan ng balanse ngunit hindi naman ako bumabagsak sa sahig. Pasuray-suray na akong maglakad. Lasing na ba ako nito? Ganito pala malasing, kung ganoon?
Natawa ako at umiling.
May ilan akong nakakasalubong na inaalukan ako ng inumin. Umiiling lang ako at nilalagpasan sila.
"Hey, beautiful. You want a good fuck?" Hinarangan ako ng isang matangkad na lalaking tingin ko'y papasa bilang isang modelo dahil sa tindig niya.
"Huh? Baliw!" Akmang magtutuloy ako sa paglalakad nang hinablot niya ang braso ko.
"Halika na. Hindi pa ako nakakatikim ng tisay, e," bulong nito habang nakahawak pa rin sa akin.
Marahas kong pinilig ang braso ko mula sa kaniyang pagkakahawak. Binitawan niya naman iyon. Umirap ako at nagmartsa palayo.
"Suplada porket maganda!" Dinig kong sinabi niya nang malagpasan ko.
Napahinto ako at nilingon siya. Kitang-kita kong hindi siya natuwa sa pagtanggi ko.
"Ikaw panget na nga, makulit pa!" Malutong kong sinabi at mabilis na umalis.
Pulang-pula ang mukha ko nang makita ang sarili sa salamin. Hinawi ko ang mahaba kong buhok. Sumayaw ito nang bumagsak sa likod ko. Mabuti na lang at nakalabas ako ng cubicle nang hindi nangungudngod ang mukha ko.
Naglalakad ako sa gilid ng dancefloor nang napahinto nang may biglang humawak sa baywang ko mula sa likod. Naramdaman ko ang kamay at braso niya na pumulupot sa baywang ko. Agad kong nilingon ang kung sino man iyon. Nalaglag ang panga ko nang bumungad sa akin ang kunot-noo at umiigting ang pangang si Hayes. Nakaputing longsleeves polo na nakatupi hanggang siko ang kaniyang suot. Kuminang ang relo niya nang tamaan ito ng ilaw mula sa mga neon lights na nagkalat sa paligid. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa titig niya. Hindi ko alam kung may nakikitaan ba akong galit sa mga mata niya. Kinakapos ako ng hininga sa hindi maipaliwanag na dahilan. Halos nakadiin ang likod ko sakaniya at ramdam ko ang katawan niya sa akin. Tinitingala ko siya at para akong mahihimatay sa sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko.
"Do you even know what you're doing?" Kalmado ngunit mariin niyang bulong. Napapikit ako sa hininga niyang tumama sa aking mukha. Amoy alak at mint. Gusto ko pa tuloy maamoy ulit. Gusto ko pa...
"Jesus, Marwa." Narinig ko ang malutong niyang pagmumura.
"H-Huh?" Nangangapa ako ng sasabihin ngunit wala yata akong makapa. Hindi nakakatulong ang sobrang pagkalapit namin ngayon.
Ito ang unang beses na makita ko siyang nakapormal. Sa tuwing makikita ko siya sa kanilang mansiyon ay simple lang ang suot niya. Saan siya galing? Sa trabaho?
"Bakit ka nandito? Sinong nagdala sa 'yo rito? Gumaganito ka na? You're just a kid, Marwa," aniya na para bang tatay ko siya kung mapagsabihan ako.
Napakurap ako dahil sa narinig. Mabilis kong tinanggal ang hawak niya sa akin at lumayo sakaniya.
"Hoy! Eighteen na 'ko ngayon, 'no! Excuse me!" Singhal ko sa kabila ng naghuhuramentado kong puso. Umatras ako palayo nang makitang humakbang siya palapit. Hindi ko kayang magtagal ng walang sapat na distansiya sa pagitan namin. Hindi ko alam kung dala ba ito ng pagkalasing. Nawawala na yata ako sa sarili ko.
"Still. Very young. Kailangan ka nang iuwi. Kung sino-sino na ang sinasayawan mo."
Hinawakan niya ang braso ko. Sa puntong iyon, hindi ko na alam ang tama sa mali. Hindi ako nagreklamo. Hindi ako bumitaw sa hawak niya. Hinayaan ko siyang tangayin ako palayo sa mga nagsasayawan na tao.
"Hayes? Where are you going?" Untag ng isang babaeng naka-itim na fitted dress na aming nadaanan. Sumunod ang mga mata nito sa amin nang hindi siya sinagot o nilingon man lang ni Hayes. Lumipat sa akin ang tingin nito at kitang-kita ko ang pagtataka roon. Ang malaki at mainit niyang kamay ay sobrang rahan ng pagkakahawak sa akin. Kinagat ko ang labi ko. May mga munting nilalang na nagdidiwang sa loob ng tiyan ko. Para silang mga nagkakagulo... o nagkakasiyahan doon. Kung sinu-sino ang bumabati sakaniya. Ang ilan sa mga iyon ay tinatanguan niya ngunit karamihan ay hindi niya na nililingunan. Hindi ko alam kung hindi niya lang napansin ang mga iyon. "You're leaving already? Oh! May kasama ka?" Sambit ng isang lalaki at napahinto nang matanaw si Hayes. Dumako ang mata nito sa akin. Ngumuso siya, kitang-kita ko ang pagpipigil ng ngiti nito. Kumunot ang noo ko. "We need to go, Felix. Talk to you next time." Pag
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang ngayon lang pumapasok sa utak ko ang lahat ng kaganapan. Nagpalipas ako ng ilang minuto sa pintuan. Tinutok ko ang tainga ko sa pintuan na para bang maririnig ko kung ano ang nasa labas kahit pa na ang totoo ay hindi naman. Umalis na kaya siya? Malamang. Ano pa ba ang gagawin niya sa labas? Dapat ba na niyaya ko muna siyang pumasok kahit saglit lang bilang pasasalamat? Dapat ba ay niyaya ko man lang siyang magkape? Ngunit alam ko naman na hindi iyon ang tamang gawin kaya hindi ko na ginawa. Mabilis kong binuksan ang pintuan at dumungaw sa labas. Wala na akong naabutan doon. Tanging ang tahimik na pasilyo lang ang bumungad sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Ilang sandali akong tulala. Umalis na nga siya... Pumasok na lang ulit ako at nag-asikaso ng sarili. Sandamakmak na tawag at mensahe ang bumungad sa akin pagsapit ng umaga. Marami roon ay galing kina Sania. Halos sumab
Naging tahimik na naman ang biyahe namin. Sumusulyap ako sakaniya ngunit nanatili lamang nakatuon sa daan ang kaniyang atensiyon. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe nang pumasok ang sasakyan sa isang ekslusibong subdivision. Malawak at malinis ang daan. Namamangha ako sa bawat bahay na nadadaanan namin. Nagpapatalbugan ang mga iyon sa disenyo at laki. "Bakit tayo narito?" Untag ko. Ang alam ko ay magdi-dinner kami ni Mr. Albarenzo sa isang restaurant. Nilingon ko si Denver na para bang hindi narinig ang tanong ko. Nagkibit ako ng balikat at hinayaan siyang magmaneho. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na puting gate. Bumusina siya at bumukas iyon. Isang malawak na hardin ang bumungad sa akin. Kitang-kita ko ang puting mansiyong sa harapan. May ilang mga sasakyan ang nakaparada. "Nasaan tayo?" Tanong ko ulit kahit hindi sigurado kung sasagutin niya. "This is your father's house," aniya. "Dito kami magdi-dinner?" Binu
"Tumatanda na ang magulang mo, Zanila. Wala ka pa rin bang balak na asikasuhin ang ospital ng ama mo?" Ani Mrs. Dranela.Seryoso itong nakatingin kay Zanila. Marahang pinunasan ni Zanila ang kaniyang bibig gamit ang tissue bago sumagot."I love modeling, Tita. But of course, I know my responsibilities as the only heiress. Kailangan ko pa ng sapat na panahon para mapaghandaan ang pagpapatakbo ng ospital," ani Zanila sa dalisay na boses."Why don't you exert your time and effort in learning how to manage the hospital instead na nagsasayang ka ng panahon sa pagmomodelo," opinyon ni Mrs. Filomena sa usapan."I don't think you can call modeling as a waste of time, Tita Fina. It's my passion. Just like how passionated you are when it comes to solving cases as an attorney." Ngumiti si Zanila."Not exactly a waste of time, hija. Ang gusto ko lang iparating ay dapat sa ganiyang edad mo ay itinutuon mo na ang sarili mo sa ospita
Sa kulay abong kalangitan, hudyat ng nagbabadyang pagkagat ng dilim, ilang metro ang layo sa akin ni Hayes. Walang ulap sa mga oras na ito. Hinuha ko ay bubuhos ang ulan mayamaya. Sakaniyang sinabi ay pakiramdam ko isang mahirap na katanungan iyon. Nagpunta siya rito para... ihatid ako? Masyado nang taliwas sa katotohanan iyang iniisip mo. Napadaan lang iyan. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang makipagtitigan sakaniya ng ilang sandali. Hindi ko matanto kung dapat ko bang sagutin iyon. Kung ano ang dapat sabihin. Nilingon ko siya at nahuli ang mariin niyang titig. May ilang dumadaan na pamilyar na mga estudyante at napapabaling sa direksiyon namin. Kahit naglalakad ay nababali ang mga leeg nila matignan lang kami. "Uhm, ayos lang ako. H-Hindi mo naman ako kailangan pang ihatid." Kinagat ko ang labi ko. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinaglaruan ang susi na nasa kaniyang kamay. Tinagilid niya ang ulo at l
Nauna akong pumasok sa lomihan. Bumungad sa pang-amoy ko ang nakakagutom na amoy ng ginisang bawang at sibuyas. Medyo malaki ang kainan at hindi sosobra sa sampu ang mga kwadradong plastic na lamesa. Bukod sa lomi ay mayroon din silang mga tinapay. Nilingon ko si Hayes na nakasunod sa akin. Sobrang out of place niya sa lugar. Mukha siyang naligaw sa maliit na lomihan na ito. Pakiramdam ko ay hindi bagay sakaniya ang kumain sa mga ganito. Ayos lang kaya sakaniya ang amoy ng ginigisa nila sa kung saan? "I'm gonna keep this. Okay lang ba iyon?" He suddenly asked. Natigilan ako. Naglakbay ang aking isipan. Itatago niya ang panyo ko? Hindi ko alam pero may parte sa aking nagbunyi. Bakit gusto ko ang ideya niyang iyon? Pakiramdam ko ay tama lang na hindi niya iyon ibalik. Sa mga ganitong simpleng bagay, hinahaplos ang puso ko. Hindi ko alam na posible pala iyon. Kahit ano pang kaba ko sa tuwing magkalapit kami, hindi ko maitatanggi ang pagdidiwang ng puso ko sa
Ilang sandali pang nanatili si Neal bago siya nagpasiyang umuwi. Kahit pilitin niyang maging masigla sa harap ko, hindi ko pa rin mapalampas ang salungat na sinasabi ng mga mata niya. Sobra akong nagui-guilty. Alam ko na naapektuhan siya sa ginawa ko. Ngunit mas lalo lamang akong hindi mapapayapa kung hindi ko sasabihin ang katotohanan. Alam ko na maiintindihan niya. Sana lang ay maintindihan niya... Ngunit mukhang malabo ang gusto kong mangyari. Isang numero ang tumawag sa akin, sa kalagitnaan ng hating gabi. Alas dos ng madaling araw sabi ng orasan. Ni hindi ko pa magawang buksan ang mga mata ko mula sa malalim na pagtulog. Bakit naman ganitong oras tumatawag ang kung sinuman ito? "Hello..." "Marwa! Thank God! You answered my call!" Kasunod niyon ang matinding hagulgol ng nasa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko. "Hello? M-Mrs. Lucy? Kayo po ba iyan?" Tila nagising ang buong pagkatao ko ng dahi
Ang pormal niyang itim na longsleeves polo na tinupi hanggang siko at slacks ay nagsasabing galing siya sa trabaho. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko. Hindi siya gumalaw sa kaniyang pwesto. Patuloy lamang niya akong pinapanood mula sakaniyang mapanuring mga mata. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal at inilabas ang kamay mula sa bulsa nang tuluyan na akong nakalapit. Hindi niya pinutol ang tingin sa akin. Halos mag-iisang buwan na rin mula noong huli ko siyang nakita. Napansin ko na numipis ang kaniyang buhok. Napadaan ulit siya? Ngunit bakit parang kanina pa siya narito at may hinihintay? Nagkabuhol-buhol na ang mga nasa utak ko. Hindi ko alam kung magpapatuloy ba ako sa paglalakad o bumati sakaniya kahit sandali lang. Nag-iwas ako ng tingin at pinilit na kontrolin ang sarili. Kinagat ko ang labi ko nang tuluyan ko na siyang nalampasan. Hindi ko alam. Hi