"Wow! Gara ng cellphone, ah. Katas din ba ng sarap 'yan?" Humalakhak ang kaklase kong si Gwy. Nakisabay ang ilan ko pang mga kaklase.
Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang ideyang may matandang mayaman ako na nagsusuporta sa mga luho ko raw. Nakakatawa na nakakairita. Ang sarap lang bigwasan ng mukha niya kung hindi lang ako nagtitimpi.
Palihim akong umirap habang nagtitipa ng text para sa driver na dapat na susundo sa akin. Ayoko nang magpasundo. Kahit kailan. Ayoko nang tsinitsismis ako ng mga kaklase ko at ilang mga estudyante rito sa eskwelahan.
"Pigilan mo 'ko. Tatadyakan ko pagmumukha neto. Pigilan mo 'ko, Marwa." Hindi bumubuka ang bibig ni Sania, tila gigil na gigil.
Umiling ako at hindi mapigilang matawa sakaniya.
Paglabas ko ng classroom ay natanaw ko agad si Neal. Malapad ang ngiti niya nang makita ako. Binati siya ng ilang babaeng dumadaan. Nginitian niya lamang ang mga iyon at sinalubong ako at kinuha ang aking bag. Hindi na ako umalma dahil hindi niya rin naman ibabalik.
"Labas tayo? Libre ko!" Litaw ang kaniyang dimple habang nagsasalita.
Ngumiti ako at umiling.
"Palagi mo na lang akong nililibre. Kaya ako muna ang manlilibre sayo ngayon!"
Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya.
"Sige ba!" Inakbayan niya ako at hinayaan siya sa ganoon.
Mula pagkabata ay kasama ko na siya. Nagtrabaho si Mama sakanila bilang kasambahay. Limang taon pa lang yata ako noong mga panahong iyon. Sa isang pribadong paaralan nag-aaral si Neal noon ngunit nang maging malapit kami, lumipat siya sa kung saan ako nag-aaral kaya mas lalo kaming naging mas malapit sa isa't isa. Hindi sang-ayon ang parents ni Neal na lumipat siya sa isang public school. Ngunit kalaunan ay pumayag din ang mga ito. Maswerte ako sakaniya dahil kahit papaano, parang may tumatayong nakatatandang kapatid sa akin. Magkaiba na kami ng school ngayon dahil sa isang prestihiyosong unibersidad na siya nag-aaral.
Habang inaayos ko ang seatbelt sa kotse ay bigla niyang ipinatong sa aking kandungan ang isang malaking hugis pusong kahon. Sa disensyo nito ay alam ko agad na tsokolate ang laman. Nalaglag ang panga ko nang makita ang isang mamahaling bouquet. Nilingon ko siya at tinawanan niya lang ang aking reaksiyon.
"Happy Tuesday!" Aniya na para bang normal lang ang lahat.
Hindi ko na nagawang ayusin ang seatbelt ko. Hindi pa niya halos napapaandar ang kotse. Hinaplos ko ang bulaklak at sumulyap sakaniya.
"Para saan 'to?" Seryoso ang tono ko.
Nagsalubong ang kilay niya, tila hindi inaasahan ang reaksiyon ko.
Ilang sandali pa bago ako nakapag-isip. Bakit niya ako bibigyan ng bulaklak at tsokolate? Akala ko ba?
Akala ko ba...
"Neal." Huminga ako nang malalim. Hindi ko pa man nasusundan ang sinabi nang umiling siya.
"I can't believe it." Humigpit ang hawak niya sa manibela.
Tila huminto yata ang paghinga ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Can't you see? Marwa, alam kong wala akong pag-asa pero sinusubukan ko. Sinusubukan ko kasi nakikita kong masaya ka sa tuwing magkasama tayo. But then,” pagak siyang natawa. “Ganito pa rin pala.”
Kinagat ko ang labi ko at dinungaw ang mga inosenteng bulaklak na magarbong nakaayos.
"Neal." Suminghap ako. "Mag-aaral pa ako, hindi ba? Mag-aaral pa tayo. Hindi pa ito kasali sa mga plano ko sa buhay," dahan-dahan kong sinabi.
Umiling siya, iniiwas ang tingin sa akin.
"I know. I know, Marwa. Just please, tanggapin mo ang mga ito. Maayos na sa akin iyon."
"O-Oo naman. Tatanggapin ko. Paborito ko ang kulay pink na rosas, hindi ba?" I tried to smile.
"Ihahatid na kita," malamig niyang sabi at agad pinaandar ang kotse.
He didn't even try to look at me. I probably ruined his mood. He was just driving silently. Tumitingin-tingin ako sakaniya baka sakaling sumulyap man lang siya pero hindi niya ginawa.
"Gusto mo mag-stay muna?" Marahan kong sinabi nang makarating sa floor kung nasaan ang condo. Bitbit ko ang bulaklak at ang kahon ng tsokolate.
"No. I'm going home," tugon niya nang may pait sa tono. Binalewala ko na lang 'yon dahil ayaw ko nang pag-usapan pa.
Tumango lamang ako. He stood there until I closed the cloor.
Nilapag ko ang bulaklak at tsokolate sa lamesita sa sala at nagpalit ng damit.
Sa mga oras na mag-isa ako dito sa condo, tanging ang TV lang ang pinagkakaabalahan ko. Nakakainip kaya naman mas gugustuhin kong may pasok kaysa tumunganga rito magdamag. Puro delata o kaya naman processed food ang kinakain ko dahil ako lang naman mag-isa. Minsan nagpupunta rito si Denver at pinagdadala ako ng kung anu-ano galing kay Mr. Albarenzo.
Habang nilalantakan ang tsokolate ay biglang may kumatok. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pintuan.
A woman probably in her late 50's covered my sight. She was wearing an elegant blue dress that reaches below her knees. Her hair is in blonde medium layered. She stood there very proudly with the two men wearing black polo behind her. They must be her bodyguards.
Kumunot ang noo ko. Nalaglag ang panga ko nang agresibo niya akong hinawi sa gilid bago tumuloy sa pagpasok. Sumunod sakaniya ang dalawang bodyguard. Napakurap ako at buong pagtatakang nilingon ang mga hindi kilalang panauhin.
Maarte niyang nililingon ang paligid ng condo. Tila natatawa na may halong pang-aalipusta ang kaniyang mga mata nang bumaling sa akin.
"How old are you? Alam ba 'to ng mga magulang mo o hinahayaan ka lang?" Malamig nitong tugon na hindi ko maintindihan.
"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Sino po sila at nang malaman ko?" Nakakunot pa rin ang noo ko. Nilingon ko ang mga bodyguard niya na walang kibo.
"Oh, stop the game, you gold digging bitch. Pinapatulan mo ang isang matanda who's old enough to be your father! And this condo?" She roamed her eyes around the condo. Matabang siyang natawa.
"Tiyak na sa asawa ko rin ito galing. Oh my God! Richard must be out of his mind!"
I looked at her in disbelief, not having any idea about what she had said.
"I was shocked when I heard that Richard bought a condo! Hindi ko binalewala nang may matunugan ako. At tama nga ang hinala ko! At hindi ako makapaniwalang isang cheap na menor de edad ang kalaguyo niya." She eyed me distastefully.
Sakaniyang mga sinabi ay parang nakukuha ko na ang punto niya.
Sumabog sa harapan ko ang mga litrato na nasa kaniyang kamay. Napapikit ako ng tumama ang ilan sa aking mukha.
"Hindi ka na nahiya. Pumapayag ka pa talagang ilabas niya!" Punung-puno ng pagkasuklam ang kaniyang boses.
Natanaw ko ang isang larawan sa sahig. Kaming dalawa ni Mr. Albarenzo ang laman niyon. Kumakain kami sa isang restaurant.
Kinuha niya ang bulaklak na nakapatong sa lamesita. Tinignan niya iyon at natawa.
"Did he buy this for you? I can't believe it. He doesn't even buy me flowers. At dinala ka pa niya sa party na iyon telling to all people na anak ka niya?" Kitang-kita ko ang pag-aalab ng galit sakaniyang mga mata.
"Dahil iyon po ang totoo. Anak ako ni Mr. Alabarenzo kay Carmela Ismael," buong tapang kong sinabi.
I swallowed hard. Hindi ko alam kung mabuti bang sabihin iyon.
Natigilan siya at ilang sandaling natulala sa akin. Kitang-kita ko ang gulantang sa kaniyang mukha. Ang galit ay napalitan ng gulat. Kumurap siya at umiling. Unti-unti siyang tumawa, tila hindi makapaniwala.
"That bitch is dead! Nagpaanak pa pala ang gaga! What a desperate bitch! At ikaw! Nasisiguro kong katulad ka lang din niya!" Umalingawngaw ang kaniyang boses.
Halos mawalan ako ng hininga dahil sa narinig. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Ngunit para akong paralisado. Hindi ako makagalaw, tila nabibingi. I couldn't find any words. Ang paratangan niya ng ganoon si Mama ay lubos na nagpahina sa akin.
"Kapag hindi mo pinutol ang koneksiyon mo sa asawa ko, hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin! Anak ka lang sa labas! Matuto kang lumugar! Lumayas ka sa condo na 'to! Ngayon mismo!" Dinuro-duro niya ako at pinambabato ang anumang madampot.
Hindi pa rin ako halos makakilos. Ilang mga nabasag na gamit ang narinig ko ngunit para akong tuod na nakatayo lang habang pinapanood siyang nagwawala roon.
"I'm not done with you! Matitikman mo ang galit ko! I'll ruin you! Magbalot-balot ka na at babawiin ko ang condo na ito!" Marahas nitong sigaw bago mabibigat ang hakbang nilisan ang lugar.
Tulala akong napaupo. Wala sa sariling nilingon ang mga naiwang bakas ng galit ng ginang. Basag ang dalawang flower vase at nagkalat ang ilang mga magazine at ibang mga kagamitan.
Ngayong masyadong tahimik ang paligid, salungat sa kaninang tila may magwawalang tigre sa loob.
Naiintindihan ko naman. Sobra kong nauunawaan. Masakit sa parte ng asawa ni Mr. Albarenzo ang malamang mayroon itong anak sa labas. Ramdam ko ang kaniyang sakit, galit, poot at pakiramdam sa sarili na hindi siya naging sapat.
Ngunit hindi ko inasahan na may kasunod pa pala iyon.
Kinabukasan pag-uwi ko galing eskwelahan ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin sa condo. Nagkalat ang mga damit ko sa living room at tila dinaanan ng bagyo.
Ang asawa ni Mr. Albarenzo ay nakatayo at mukhang nasisiyahan sa nangyayari. Ang ginto niyang bestida ay sumasalamin sa kaniyang tagumpay sa nakikitang pagiging masalimuot ng buhay ko.
"Ibalot mo na 'yang mga marurumi mong damit at lubayan mo na si Richard." Sa isang pitik ng kamay ay kumilos ang dalawang bodyguard.
Agad na kumilos ang mga ito at dinampot ang mga nagkalat kong damit at tinapon sa labas. Laglag ang panga ko habang pinapanood sila sa ginagawa.
"Umalis ka na! Get out! Ngayon din! Lintik kang bastarda ka!" Pinulot niya ang ilang mga damit ko at pinambabato sa akin.
Unti-unting nag-alab ang galit sa akin. Iniilagan ko lang ang mga gamit na tinatapon niya at hindi kumikilos sa pwesto.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya nang agresibo niyang hinablot ang braso ko at kinaladkad palabas ng condo. Bumaon ang pula at matutulis niyang kuko sa aking balat. Napangiwi ako sa hapdi.
"Nandidiri akong makita ka. Nakakasuka ang pagkatao mo. I can't even stand seeing you! Ang lahat ng sakit ay bumabalik sa akin sa tuwing nakikita kita!" Sa kabila ng kaniyang matinding sigaw ay hindi nakatakas sa akin ang panginginig ng boses niya.
Tila punyal ang mga salitang narinig ko. Hindi ko namalayan na walang patid na ang pagbuhos ng mga luha. Nanginginig ang balikat ko at lumuhod upang pulutin ang mga damit.
"Tama na po. Please…” Kumikirot ang puso ko at nahihirapan huminga. Pinipigilan ko ang paghikbi ngunit hindi ako nagtatagumpay. "Anak sa labas ang babaeng 'yan! She's nothing but a piece of trash! Wala kang lugar sa mundong 'to! Tandaan mo 'yan! Anak ka ng pokpok! Bastarda!" Pinapaulanan niya ako ng mga salitang kailanman ay hindi ko gugustuhing marinig. Sigurado akong pinagtitinginan na ako ng mga ilang taong dumadaan kahit hindi ko sila lingunin. Nanlalabo ang paningin ko habang isa-isa kong sinisikap pulutin ang mga walang muwang na damit. Walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang kagustuhang makawala sa sitwasyong ito. "What the hell are you doing, Minerva?!" Ang boses na iyon ay tila pag-asa sa akin. Naramdaman ko ang kamay sa aking braso. Sinikap kong makatayo. Naaninag ko ang nag-aalalang mukha ni Denver habang tinatanaw ako. "Anong ginagawa niyo? Ano ito, Minerva? Anong ginagawa niyo sa anak ko?" Tila kulog ang boses ni Mr. Albarenz
"I've heard a lot of stories about you, hija. Ikaw lang ang bukambibig ng anak ko sa tuwing nag-uusap kami through video call. Madalang lang kaming umuwi because we are so busy taking care of our business. Napakaraming inaasikaso. I can't wait for Neal to finish his studies so that he can manage our company para naman chill chill na lang kami ng Daddy niya." Nakangiti si Ma'am Lucy, ang ina ni Neal habang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara si Neal sakaniya. Pareho silang may palakaibigan na awra. Inimbitahan ako ni Neal na mag-dinner sakanila. Aniya ay minsan lang umuwi ang parents niya at gusto raw akong makilala ng mga ito kaya hindi na ako tumanggi pa. "Mabilis lang po ang panahon. Sigurado po akong mas palalawakin ni Neal ang negosyo ninyo." Sumulyap ako sa katabi at nahagip ko ang mayabang niyang ngisi. Tila ba tuwang-tuwa ito sa naririnig. "You heard that, Mom? Dad? Coming from my favorite person. So motivating." Hindi ko alam kung n
Bumalik ako sa labas at nadatnan ko silang nagtutupi pa rin ng mga table cloth. Sumulyap ako sa pintuan at nagkibit-balikat na lang sa nangyari. "Nasaan ang mga estudyanteng volunteer?" Sabi ng isang matandang kasambahay. Maiksi ang buhok at napansin kong iba ang kulay ng kaniyang uniporme sa ibang kasambahay. Tingin ko ay mas mataas ang posisyon niya sa mga ito. "Po? Bakit po?" Si Royd. Lima kaming lahat na magkakasama. Kaming dalawa lang ni Trixi ang magkakaklase. Sina Brix ay kaeskwela lang namin. Wala si Gwy. Dinig ko ay may sakit ito. "Magtipon kayo at may sasabihin ako sainyo. Ilan kayong lahat?" Untag ng kasambahay. "Lima po kaming lahat. Pito po kami dapat pero iyong dalawa po hindi nakapunta," si Trixi. "Ganoon ba? Gusto kong iparating sainyo na bawat Linggo na ang feeding program. Iyon ang bilin ni Donya Herenia. Hindi na katulad ng dati na isang beses lang sa isang buwan. Gusto ni Donya na ganoon ang mangyari. Kaya inaasahan
Pagkatapos kong asikasuhin ang dapat ay kumain ako ng hapunan. Nagbukas lang ako ng delata mula sa ilang naka-stock dito. Kung hindi ako pinagdadala ni Neal ng pagkain, siguradong ubos na ang mga stock dito. Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng aking pagkain. Kumunot ang noo ko sa hindi kilalang numero. "Hello?" "Marwa, si Tita Margaret mo ito. Kinakamusta lang kita." Bahagyang namilog ang mga mata ko. Medyo maingay sa kabilang linya. "Tita? Nasaan po kayo? Bakit ngayon lang po kayo tumawag? Hindi na po ba kayo babalik sa bahay natin?" Binitawan ko ang kutsara at tinuon ang atensiyon sa kausap. Ilang buwan na rin akong walang balita sa tiyahin kong ito. May parte sa akin na masaya dahil kahit papaano pala ay hindi niya nakakaligtaan na may pamangkin siyang naiwan dito. "Uhm, ka
"Hayes? Where are you going?" Untag ng isang babaeng naka-itim na fitted dress na aming nadaanan. Sumunod ang mga mata nito sa amin nang hindi siya sinagot o nilingon man lang ni Hayes. Lumipat sa akin ang tingin nito at kitang-kita ko ang pagtataka roon. Ang malaki at mainit niyang kamay ay sobrang rahan ng pagkakahawak sa akin. Kinagat ko ang labi ko. May mga munting nilalang na nagdidiwang sa loob ng tiyan ko. Para silang mga nagkakagulo... o nagkakasiyahan doon. Kung sinu-sino ang bumabati sakaniya. Ang ilan sa mga iyon ay tinatanguan niya ngunit karamihan ay hindi niya na nililingunan. Hindi ko alam kung hindi niya lang napansin ang mga iyon. "You're leaving already? Oh! May kasama ka?" Sambit ng isang lalaki at napahinto nang matanaw si Hayes. Dumako ang mata nito sa akin. Ngumuso siya, kitang-kita ko ang pagpipigil ng ngiti nito. Kumunot ang noo ko. "We need to go, Felix. Talk to you next time." Pag
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang ngayon lang pumapasok sa utak ko ang lahat ng kaganapan. Nagpalipas ako ng ilang minuto sa pintuan. Tinutok ko ang tainga ko sa pintuan na para bang maririnig ko kung ano ang nasa labas kahit pa na ang totoo ay hindi naman. Umalis na kaya siya? Malamang. Ano pa ba ang gagawin niya sa labas? Dapat ba na niyaya ko muna siyang pumasok kahit saglit lang bilang pasasalamat? Dapat ba ay niyaya ko man lang siyang magkape? Ngunit alam ko naman na hindi iyon ang tamang gawin kaya hindi ko na ginawa. Mabilis kong binuksan ang pintuan at dumungaw sa labas. Wala na akong naabutan doon. Tanging ang tahimik na pasilyo lang ang bumungad sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Ilang sandali akong tulala. Umalis na nga siya... Pumasok na lang ulit ako at nag-asikaso ng sarili. Sandamakmak na tawag at mensahe ang bumungad sa akin pagsapit ng umaga. Marami roon ay galing kina Sania. Halos sumab
Naging tahimik na naman ang biyahe namin. Sumusulyap ako sakaniya ngunit nanatili lamang nakatuon sa daan ang kaniyang atensiyon. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe nang pumasok ang sasakyan sa isang ekslusibong subdivision. Malawak at malinis ang daan. Namamangha ako sa bawat bahay na nadadaanan namin. Nagpapatalbugan ang mga iyon sa disenyo at laki. "Bakit tayo narito?" Untag ko. Ang alam ko ay magdi-dinner kami ni Mr. Albarenzo sa isang restaurant. Nilingon ko si Denver na para bang hindi narinig ang tanong ko. Nagkibit ako ng balikat at hinayaan siyang magmaneho. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na puting gate. Bumusina siya at bumukas iyon. Isang malawak na hardin ang bumungad sa akin. Kitang-kita ko ang puting mansiyong sa harapan. May ilang mga sasakyan ang nakaparada. "Nasaan tayo?" Tanong ko ulit kahit hindi sigurado kung sasagutin niya. "This is your father's house," aniya. "Dito kami magdi-dinner?" Binu
"Tumatanda na ang magulang mo, Zanila. Wala ka pa rin bang balak na asikasuhin ang ospital ng ama mo?" Ani Mrs. Dranela.Seryoso itong nakatingin kay Zanila. Marahang pinunasan ni Zanila ang kaniyang bibig gamit ang tissue bago sumagot."I love modeling, Tita. But of course, I know my responsibilities as the only heiress. Kailangan ko pa ng sapat na panahon para mapaghandaan ang pagpapatakbo ng ospital," ani Zanila sa dalisay na boses."Why don't you exert your time and effort in learning how to manage the hospital instead na nagsasayang ka ng panahon sa pagmomodelo," opinyon ni Mrs. Filomena sa usapan."I don't think you can call modeling as a waste of time, Tita Fina. It's my passion. Just like how passionated you are when it comes to solving cases as an attorney." Ngumiti si Zanila."Not exactly a waste of time, hija. Ang gusto ko lang iparating ay dapat sa ganiyang edad mo ay itinutuon mo na ang sarili mo sa ospita
"Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.Lumunok ako habang pinagmamasdan siya."Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay."Hmm?""When... when can I get a kiss?" I whispered softly.Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya."H-Huh?"Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya."I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina."Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.I glanced at her. "No. It'
"Do not fucking tell me na hindi ka na naman sasama sa amin!" Sigaw ni Harris habang pinapanood akong nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa aking bag."Bro? What the fuck? When was the last time na sumama ka sa amin? Two fucking months ago!" This time, it was Dylan.I ignored them. Mabilis kong dinampot ang bag ko at sinampay sa aking balikat."I gotta go," saad ko at lumabas na ng silid. Dinig ko pa ang pagmumura ni Harris at Dylan sa akin ngunit binalewala ko lang sila.I texted Nataschia as I walked down the corridor. Yes. I got her number. Ilang linggo ko rin siyang kinulit para makuha ang number niya. Doon ko talaga napatunayang dapat ay maging makulit lang ako para tuluyan siyang bumigay sa akin.- Baby, my classes are done.Hindi niya naman mababasa 'yon dahil abala na siya sa karenderya.And I know that she doesn't care about it but
Dagsa ang mga tao ngayon sa karenderya. Kahit tapos na akong kumain, ayaw ko pang umalis. I was hoping that I could drive her home, but she never let me. Sa isang buwan kong palaging pagpunta rito, hinihintay ko ang pag-uwi niya. Kahit alam kong hindi siya papayag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.I watched her as she smiled at their customers while taking their orders. Kahit kita ang pagod sa kaniya, hindi nabubura ang ngiti niya sa mga tao.I heard that her parents are both dead while her brother is in jail because of rape. Ngunit ang sabi ay na-frame up lang daw ang kuya niya. Tatlong taon na raw itong nasa kulungan. Gumagawa na ako ng paraan upang matulungan ang kuya niya na makalabas. May nakausap na akong abogado. I promise that I'll do everything to get her brother out of prison.Napag-alaman ko ring nasa pangangalaga ng kaniyang lola si Nataschia na siyang nagmamay-ari ng karenderyang ito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Nanginginig ang boses niyang sigaw. I squeezed my eyes tightly as I felt the pain from the slap slowly subsiding. Girls are crazy. Ngayon ko lang talaga napatunayan. Baliw sila.She threw punches on my chest while crying. Wala akong magawa kundi ang pigilan siya. Paano ko siya aamuhin kung sarili niya mismo ang niloloko niya? She fucking knew that we were just fucking around! We are not kids anymore!Hindi ko talaga maintaindihan kung bakit pinagpipilitan niyang girlfriend ko siya. Malinaw na malinaw sa amin na walang kahulugan ang lahat bago namin napagdesisyunang pasukin ang ganitong setup. Hindi ko siya pinilit na pumayag! Hell! I would never force a woman to enter this kind of arrangement with me. We are both consenting adults. Alam niya ang pinasok niya kaya wala siyang karapatang mag-demand ng kung ano mula sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kaniya ang lahat.Be
A hard slap across my face made my world shook. I did not even notice the woman who suddenly appeared in front of me. Sa gulat ko ay naalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nikola at nilingon ang babaeng sumampal sa akin.A woman wearing a black tight dress, looking very irresistible, was throwing daggers at me. Her brown hair was slightly disheveled but still, she fucking looked so hot.She looked like an innocent little devil wearing that dress. Napakurap ako at natulala sa kaniyang namumulang pisngi dahil sa galit."You are so disgusting, Verulendez! Napakarumi mo! My best friend is crying right now pero ikaw nandito lang at nakikipaglandian sa babae mo!" Matalim niyang tinapunan ng tingin ang katabi kong si Nikola.I swear, her voice was so sweet. Tila ba hindi siya sanay magtaas ng boses. Ngunit naguguluhan ako. What was she talking about? Sinong best friend ang tinutukoy niya?A
I heaved a deep sigh as I prepared myself. Kinakabahan ako at... natatakot. Pero wala akong balak umatras pa. I prayed countless times before I went here. Alam kong nasa tabi ko lang ang Diyos at gumagabay sa akin.Kinuha ko ang bulaklak na pulang mga rosas sa tabi bago ako muling nagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko ang sarili sa rearview mirror. I looked like shit. Kitang-kita ang matinding kaba sa mga mata ko ngunit wala na akong pakialam pa.Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng sasakyan. I was wearing a semi formal attire. Ayaw kong isipin ng mga magulang ni Sienna na hindi ko pinaghandaan ang pagpunta rito. I already texted Sienna saying that I was on my way. Kahapon ay sinabi ko sa kaniyang haharapin ko ang mga magulang niya upang pormal na magpaalam na ligawan siya.And that woman did not even want to believe me that I was serious about it. Buong akala niya ay walang katotohanan sa mga sinab
The urge to punch him was so strong but I had to stop myself from giving him another one because he's got a fucking point. Marahas ko siyang binitawan habang habol ko pa rin ang aking paghinga. Ngumisi siya nang tuluyang makawala sa akin."Get your shit together, man. Hindi ako mang-aagaw," natatawa niyang sinabi at napadaing nang haplusin muli ang sugat sa kaniyang labi. Mainit pa rin ang ulo ko ngunit hindi ko maitatanggi na may pagsisisi sa akin matapos ko siyang saktan."I heard you, Kuya. You said that you like her too," mariin kong sinabi."Yeah. I like her as a friend. And she knows that.""Liar," I said through gritted teeth. Muli siyang natawa at napailing."I said what I said. Trust me. I do not like that girl in a romantic way. Yeah. She's beautiful and very nice. But damn, she's 16! I'm 19, fucker!" Aniya pa na para bang sapat na dahilan na 'yon na p
"You have been ignoring me these past few days! What's wrong with you, Hadrius?!" Brianna screamed angrily, following me. I didn't bother to look at her.Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kotse ko. It is my Mom's birthday kaya maaga akong uuwi. At hindi ko alam kung bakit patuloy akong hinahabol ni Brianna kahit pa na malinaw naman sa kaniya kung hanggang saan lang kami. Hell! We have talked about this already! Yes! We fucked but thay doesn't mean we should be together! She was not even a virgin when we did it that's why I do not fucking understand why she was making it seemed that I have some unfinished business with her! Na para bang may responsibilidad ako sa kaniya!"Hadrius, can you please talk to me? Please! We need to talk!" She was still very persistent! I clenched my jaw to stop myself from yelling at her. I still have some remaining respect for her kahit papaano. She was making a scene! Students were looking at our dire
"What is it, son?"Hindi ko maiwasang tumitig sa anak ko dahil nakikita ko sa mukha niya ngayon na magiging seryoso ang usapan namin. It was two in the morning. I should be asleep by now but Hadrius texted me and asked if I was still awake. Iniwan ko muna sandali ang mahimbing na natutulog na si Marwa sa aming kwarto at pinuntahan ang anak namin.Ang malamig na hangin dito sa teresa ay humahaplos sa balat ko. Pinagmasdan kong mabuti si Hadrius na nakatitig lamang sa kawalan. Ilang sandali pa nang bumuntong-hininga siya."I... I had sex with someone..." he whispered softly. His voice was so low that it almost did not reach me.Napakurap ako at ilang sandaling tumitig sa anak ko."So you're telling me that you're not a virgin anymore," I concluded as I raised my eyebrow.Muli siyang bumuntong-hininga nang siguro'y marinig ang kalmado kong boses. Well, wha