Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Kabanata Uno –Ang Simula

Share

Kabanata Uno –Ang Simula

last update Huling Na-update: 2021-07-26 18:40:27

Manila, 2019; present year

       Sa isang pangkaraniwang klase, mangingibabaw ang pinaka-kakaiba sa lahat.

“Miss Medrano!!! Are you listening?”  bulyaw ng lecturer sa isa sa mga estudyante niyang nakapandekwatro at tila may sariling mundo habang ngumunguya ng bubble gum. Pagkarinig ay umayos siya ng upo at agarang bumalik sa reyalidad.

“Yes, Ma’am,” sagot niya.

“Talaga ba? Umayos ka nga ng upo, Miss Medrano.”

          Tumango naman ang estudyante sa kanilang lecturer na muling nagpatuloy sa kanilang talakayan. Pinagpag niya ang unipormeng nagusot sa kanyang pag-upo.

“Saan na nga ulit ako? Ahhmm… so as I was saying, during the Spanish Colonization here in our country that lasted for 333 years, cultures, traditions, and the most accepted way of life are the sources of laws and norms in the community.”

          Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan naman ng  babaeng estudyante bago dumukdok sa kanyang mesa. Hindi niya alam kung bakit ba sa tuwing  ganitong oras ay parang gusto niyang matulog na lamang. Tuwing history subject, to be exact. Parang nawawalan siya ng ganang makinig sa talakayan lalo na kung tungkol sa mga sinaunang tao.  

          Pinalipas niya ang buong oras ng history subject sa pagdukmo na lamang sa kanyang lamesa. ‘Ano bang interesante sa mga tao noon?’  aniya sa kanyang isipan.

“Nga pala, napagdesisyunan ng teacher’s council na pagbigyan ang hiling ng student’s wishlist  patungkol sa field trip. Eastern islands ang magiging destinasyon natin—namely Las Heras, Oriente and Del Flores.  Among the three islands,  Oriente lang ang tumugon sa request ng school. So by Friday na ang napagkasunduang trip,” anunsiyo ng kanilang guro bago nagpaalam bilang pagtatapos ng klase. Pagkalabas naman ng lecturer ay mistulang atomic bomb na sumabog ang buong klase. Mala-tindera sa palengke ang boses at parang nasa liga kung kumilos.

“ Ayy, Vahl! Anetch kasi ang iniisip mo?”

“Kung saan-saang lupalop ka na ba napadpad, bhe?”

“Nga naman, Rexy, umabot ka na ba sa pwerta ni Batman?”

          Sunod-sunod na nagsalita ang tatlo nitong mga kaibigan na ikinasama ng mukha niya. ‘Saan ko nga ulit napulot  ‘tong mga ito,’  tanong nito sa kanyang isipan.

“Gorabels na nga tayo, nagugutom na ako at nakakahiya sa kaibigan nating tamad magsalita,” pairap na patama ni Oliver.  Isa sa mga kaibigan niyang bakla na mas gugustuhing tawagin sa pangalang Olivia.

“Sus may pahiya-hiya ka pang nalalaman, eh, sa alam ko namang  ni katiting na hiya, wala ka niyon sa katawan mo,” anas ni Vahlia na sa wakas naman ay nagsalita na rin.

“Harsh, niyon Rexy ah… harsh.”

             Natatawang nilagpasan niya ang nagda-dramang kaibigan at sumabay kina Skye at Jade na siyang nauna na sa labas ng classroom.

“Vahl, anong plano mo pala sa field trip natin soon?”  tanong ng isa pa niyang kaibigan, si Jade habang inaayos ang clip sa maikli nitong buhok.

“Wala,” simpleng sagot niya na ikina-angat ng labi ni Oliver na ngayo’y nakikisabay na ring maglakad.

“ Ha? Wala? Tao ka pa ba no'n?”

“Oo naman, ikaw lang hindi,”  biro ni Jade na siyang ikinaasar  ni Oliver.

“Aba! Kung makapagsalita ka akala mo naman mukha kang tao!”

“Huwag ka ngang maghanap ng kakampi, Oliver. Walang papanig sa’yo,” pairap na sumbat naman ni Jade.

“Anong wala, ayarn na ang kakampi ko… Fafa Hudson,”  tukoy ni Oliver sa grupo ng kalalakihang naglalakad mula sa kabilang direksyon ng corridor.  Itinuro niya pa ito gamit ang pulang-pula nitong nguso. Napapairap namang inayos ni Skye ang salamin nito dahil sa inakto ng kaibigan.

“Hi! ” bati ng isa sa kanila sa direksyon ni Oliver sabay kindat  na siya namang ikinatili nito.

“Gaga! Kahit kailan ang ambisyosa mo, Oliver!”  sita ni Jade sa kaibigang tumitili nang walang habas.

“Ano ba naman, bato! Huwag mo akong barahin. Let me live happy, okay?”

“Tama naman siya. Mangangarap ka na nga lang, sa maliit na bagay pa…  dapat sa impossible na.  Aba, lubos-lubusin mo na,”  pangaral ng dakilang si Skye ‘da langit’ habang bumubungisngis.

“Oh, ikaw Vahl? Bat di ka na nagsasalita riyan?” puna ni Jade.

“Parang di ka na nasanay, himala na lang kung magsalita yan. Once in a blue moon,”  singit ni Skye. Nang sulyapan nito ang kaibigan ay napansin nitong lutang na lutang na naman ito.

“Sandali, may problem ba Rexy?”  Niyugyog nito ang balikat  ng kaibigan upang gisingin ito sa kung saang mundo man ito napapadpad.

            Nag-angat naman ng tingin si Vahlia na para bang gulat na gulat sa ginawa ni Jade bago bumuntonghininga. “Pinapahanap na nila ako.”

“Sino? Ng parents mo?”

           Tumango siya habang isinasalpak ang earpods sa kanyang tenga.

“Bakit hindi ka na kasi bumalik sa inyo?”  suhestiyon ni Oliver habang ikinakabit ang hikaw niya.

“Tangeks, san ka nakakita ng kalalayas lang tapos babalik?”  Marahas na hinampas naman ni Skye si Oliver.

“Aba meron, yung pinsan kong nag-alsa balutan kahapon tapos makalipas isang oras, sus ang marupok , bumalik.”

“Eh?”

“Eh sa wala raw siyang pamasahe,” biro niya sabay tawa ng pagkalakas-lakas. “Ahmm, sorry masyadong corny,”  anas niya nang mapansing wala namang sumasabay sa pagtawa niya.  “I was just trying to lighten the atmosphere, guys? Masiyado kayong problemado.”

         Nagtatakang sumulyap si Vahlia sa kaibigan nito na daig pa si Anabelle sa sobrang kapal ng blush at lipstick, ‘Paano niya nagagawang ngumiti at magbiro sa kabila ng problema rin niya sa pamilya niya?’

“Anong lighten? Stress na nga si Mother Earth sayo, si Atmosphere pa kaya?” gatong naman ni Skye habang itinutupi ang mahabang manggas ng turtle neck na suot niya.

“Skye, Oliver, umayos nga kayo!” paninita ni Jade sa kanila bago pangusong itinuro si Vahl na tulalang nakatitig sa isang makapal na librong naiwan yata ng kung sino sa bench.

        Nagmukhang makaluma ang librong iyon dahil sa makapal at mala-tela nitong pabalat.  Sa hindi namamalayan ay natagpuan ni Vahlia ang sariling binubuklat ang librong iyon.

        Manilaw-nilaw na ang bawat pahina nito, wala ring nakasulat. Blangko ang mga pahina na siyang nakapagtataka. Inayos nito ang ilang hibla ng buhok niyang nakawala mula sa magulong pagkakatali na ngayo’y humaharang sa mukha niya.

“Interesante ang libro, hindi ba?”

        Nabitiwan ni Vahlia ang libro sa pagsulpot ng boses mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay sumalubong ang nakangiting mukha ng isang matandang babae.

“Ang suliraning tinatakbuhan ay hindi kailanman matatapos. Tama ba ako, hija?”

        Nanatiling nakatitig lamang sa kanya ang dalaga, gustuhin man niyang magsalita ay tila hindi siya pinahihintulutan ng kanyang bibig. Kulubot na ang balat ni lola, mapapansin rin ang puting buhok nitong nakapusod. Kupas naman ang sayang suot-suot niya at ganoon rin ang naninilaw niyang pang-itaas.

“Hmmm sa palagay ko, parang mas maganda kung ika’y tutungo muna sa isang masayang paglalakbay? Ano sa tingin mo, hija? Bakit hindi ka sumagot? Ahh ‘silence means yes’ wika nga ng henerasyon niyo ngayon, tama?”

        Hinintay pa nitong magsalita ang dalaga ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig. “Hindi na bale, tatanggapin ko ang katahimikan mo bilang tugon sa aking katanungan. Maraming salamat, binibini.”

       Sa isang kisap-mata ay naglahong parang bula ang matandang kaharap ni  Vahlia. Doon na lamang siya nakapagsalitang muli. “H-Hindi!!!” sigaw niya.

“Rexy? Bakit?”

“Why are you shouting, bhe?”

            Nang lingunin niya ang kanyang mga kaibigan sa harapan ay pawang mga nakakunot-noo ang mga ito.  “’Yong matanda?  I mean yung babae?  Matandang babae!  N-nakita niyo ba siya? N-nandito lang siya kanina ! She was holding a b--’’

“Anong pinagsasasabi mo Vahl? There was no one in front of you earlier,”  sagot ni Oliver.

“Eh sino yung nakita kong—”

“Susme gutom lang yarn, bhe.”

“Kakatakot ka pala 'pag gutom, Rexy. Nakakakita  ka ng kung ano-ano.”

“But I saw her! Here… just right here!  Hindi ako nananaginip, Oliver. Totoo ’yong sinasabi ko. Nakausap ko pa nga ’yong matanda!”

“Hay naku! Bhe, stress mo lang yan…  Idagdag mo pa ang gutom mong mga anaconda sa tiyan mo.” Nagsimula ulit silang maglakad papunta sa canteen na kanina pa nila inaasam-asam.

            Wala nang nagawa si Vahlia kundi ang magpahila sa mga kaibigan niyang may mga anaconda sa tiyan papunta sa target nila. Siguro nga ay dulot lamang iyon ng labis niyang pag-iisip. Ngunit maaari ring totoo nga iyon.

“So ano na nga ang plano mo, Rexy?”  tanong ni Oliver na kasalukuyang nginunguya ang kakakagat pa lamang nitong banana cue.

“Babalik ako…. ngunit hindi  pa sa ngayon”

“Baka may maitulong kami, Vahl. Remember, mga kaibigan mo kami at hindi mga posteng nakasunod sa’yo.” Kukuha pa sana ulit ng panibagong stick si Oliver nang kurutin siya ni Skye sa tagiliran nito, dahilan upang mabitawan niya ang isang tusok ng banana cue.

“Chaka! May poste bang gumagalaw at sumusunod?”  pambabara ni Skye sa kaibigan.

“Shooosh I’m trying to sound witty ngayon Skye at puwede ba, tigil-tigilan mo ang pananakit sa akin?!? I-re-report kita!  Abuse yan!” reklamo ni Oliver habang nanlulumong tinititigan ang nahulog na saging sa sahig.

             Walang-wala ang sakit ng pangungurot ni Skye sa kanya sa sakit na nararamdaman niya nang mahulog ang saging, hindi niya matanggap na mas pinili nitong makapiling ang sahig kaysa sa sikmura niya.

“Pulutin mo, wala pang five minutes,” bulong ni Vahlia  sa tenga niya.

“Hindi mo ako katulad, Rexy.” Inirapan niya ang kaibigan nitong simpleng nakangiti lang.

“Eh? You mean animal abuse?”  panunukso na naman ni Skye.

“Please let me—Skye! Wag ngayon!”

“At bakit?”

“May dalaw ako!” pasigaw na sagot ni Oliver.

“Pffft! Ambisyosa!!!”

            Inirapan naman siya ni Oliver bago muling harapin si Vahlia.  “Pero yun na nga, Vahl,  you can share problems with us”

“Nagsasabi naman ako, ah, ikaw ’tong hindi nagsasabi ng problema, Oliver,”  sagot naman niya habang nilalagok ang isang baso ng sago’t gulaman.

“Don’t change the subject, Vahl. Ano ba?” Inipit nito ang boses niya na sa tingin nito ay nakaka-cute.

           Napangiti naman si Vahl sa akto ng kaibigan. Alam niyang may kinakaharap ring problema si Oliver at hindi nito gustong pinag-uusapan nilang magkakaibigan ang tungkol doon.  ‘Kung saan ko man napulot ‘tong mga ito, nagpapasalamat ako at sila ang mga napulot kong kaibigan.’

“Nagkasagutan kami ni mama at marami akong nasabing hindi ko na dapat pang sinabi sa kanya. Kung babalik ako agad, mas lalong lalaki ang problema ko at mas itutulak pa nila ako sa pesteng kasal na iyon. Mas masasaktan ko pa si mama sa gagawin ko, kaya hahayaan ko munang lumamig ang ulo nila ni papa at mabawasan ang tension sa pagitan namin.”

          Sumubo siya ng isa sa mga siomai na nasa paper cup ni Skye. “Vahl, alam kong malaki ang problema mo… Pero sana naman, huwag mo namang bawasan ’yong pagkain ko.”

“Napakatakaw talaga nitong si Rexy. Oh hayan… lamunin mong impakta ka.” Inilapit ni Jade kay Vahl ang isa pang paper cup ng siomai na kabibili pa lang.

“Thank  you… you’re very thoughtful,”  pormal na papuri ni Vahl sa kaibigan bago tuluyang lamunin  ang pagkaing nakahain sa harapan niya.

           Sa hindi niya napapansin ay simpleng nakatingin sa kanya ang matandang inakala niyang isa lamang ilusyon. Prente itong nakaupo, napalitan ang damit nitong gusgusin kanina.  Suot-suot nito ang isang magandang puting blusa na tinernuhan ng puti ring pantalon, marami rin siyang suot na mga alahas na sa unang tingin ay mapagkakamalan mong kabit ng mayor.  Hawak nito ang libro at sa pagkakataong ito ay may sulat na ang isa sa mga pahina.

El set comenzara

     Ultimo petalo de rosa

          Se escribira otro capitulo

(Ang nakatakda ay magsisimula

        Huling talulot ng rosas

              Panibagong kabanata ang maisusulat)

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Kabanata Dos – Happy   Birthday!!!

    SCHOOL CAMPUS, 8;00 AM , MARCH 23 Nakapandekwatrong upo si Vahlia sa isa sa mga bench ng covered court habang ang ibang mga estudyante ay busy sa kanya-kanyang gawain, ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pagkayamot dahil higit sa trenta minutos na siyang nakaupo roon. ‘Alas otso ang departure time tapos wala pa yung mga bus? Tss Pilipino nga naman,’ aniya sa kanyang isipan. Paano ba naman kasi? Hindi pa kompleto ang mga estudyante, idagdag mo pa ang mga napulot niyang mga kaibigan na hanggang ngayon ay wala parin. Ganoon rin ang mga bus na sasakyan sana nila. Maya-maya pa’y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, ano pa nga ba? Pati sa simp

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • Ang Pulang Kuwintas   Kabanata Tres- Silid-aklatan

    Muli ay napuno ng kantahan ang naging byahe gamit ang bangka. Karamihan sa mga estudyanteng nasa kabilang mga bangka ay kumukuha ng litrato ngunit ang bangkang sinasakyan nina Vahl ang pinakamaingay dahil sa mga kantahang nagaganap . ‘Hindi ko na siguro kailangan ng camera para picture-an ang kung ano nang nakikita ko. Sapat na siguro na alam kong napuntahan ko itong paraisong ito at nakita nang personal kung gaano ito kaganda,’ nakangiting aniya sa kanyang isipan. Napatigil si Hudson sa pagkanta nang sumingit si Skye. Ngunit bago niya tugtugin ang gitara ay maangas nitong inayos ang manggas ng kanyang leather jacket. Pinantapat nito ang isang country pop na sinabayan naman ng buong k

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Cuatro – Nasaan na ako?

    Tierra de Oriente, 1871Volverá…Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,Se escribirá otro capítulo.(Babalik…Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.) Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.” Biglaan siyang napaupo sa

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Cinco- Kasunduan

    Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito. Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’ Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Seis – Takas

    Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo. ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’ Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba. 

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Siete- Pangahas

    Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon. Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito. Inakala niyang aalis na ang sawa

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Otso- Aleman

    “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”

    Huling Na-update : 2021-08-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Huling Na-update : 2021-08-22

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status