Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo  Cinco- Kasunduan

Share

Capitulo  Cinco- Kasunduan

last update Huling Na-update: 2021-08-03 18:25:43

             Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito.

                Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’

               Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala maganda tignan ang isang binibining nakasuot ng pulang palda at nagtatatakbo sa buong hacienda.

 “Ahhm, Victoria. Narito na pala si ama, kagagaling niya lamang sa Madrid. Nais ka raw niyang makausap.”

               Nilingon ni Vahlia ang pintong kabubukas ni Estrella. Tulad kanina ay napaka-aliwalas ang hitsura ng babae na siyang napuna ni Vahlia. ‘Nagkakamuta rin kaya ang taong ‘to? Tulo laway? Parang araw-araw eh maganda siya. Samantalang ako… nevermind na lang.’

 “Sige, ate.” Masunurin siyang tumayo at akmang lalapit na sana kay Estrella nang muli itong nagsalita. “Hindi ka maaaring lumabas suot ang iyong pantulog, Victoria. Magpalit ka muna ng iyong damit.”

                 Itinuro nito ang aparador sa silid na siya namang sinundan ng tingin ni Vahlia. ‘Ano bang pinagkaiba ng damit pantulog at panlabas?’ aniya sa kan’yang isipan habang naglalakad palapit ng aparador. Pagkabukas niya ay tumambad ang iba’t ibang kulay at disenyo ng mga traje de mestisa (Filipiniana) na maayos na nakasalansan sa aparador. Naroon din ang mga panuelo, camisa, saya at tapis.

                 Kunot-noó naman itong tinitigan ni Vahlia na animo’y hindi marunong magbihis. ‘Ano klaseng mga damit ‘to? Paano ko isusuot itong mga ‘to? Patong-patong ba? Ngunit anong mauuna?’ naguguluhang tanong niya sa kaniyang sarili.

 “Anong problema, Victoria?” Sulpot ni Estrella sa tabi niya na siyang kan’yang ikinagulat. “Ahh, pati ba naman pagsusuot ng damit mo’y nalimutan mo na rin?” pagbibiro ni Estrella na sinabayan pa ng mahinhing pagtawa.

 ‘Hindi ko nakalimutan! Talagang hindi ko naman kasi alam! Anong klaseng mga tela ba itong mga nandito? Sa baro’t saya lang kaya ako familiar!’  sagot niyang siya na lang muna ang makakarinig.

 “Ang tawag sa damit na ito ay camisa, isinusuot ito bilang ating pang-itaas.” Itinuro nito ang kumpol ng nakatuping damit. Kumuha naman ng isa si Vahlia at tinignan ang kaanyuan nito. Ang mga manggas ay hugis kampanilya (bell) medyo manipis din ang tela nito.

“Pañuelo naman ang tawag dito. Ginagamit upang takpan ang batok at ang pang-itaas na katawan dahil sa mababang leeg ng camisa.” Kinuha niya ang isang piraso ng kuwadradong na tela, manipis din ito at napapalamutian ng binurdang iba’t ibang disenyo. Ngunit karamihan ay disenyong bulaklakin na ikinangiwi ng dalaga.  “Karaniwang gawa ito sa parehong kasangkapan tulad ng camisa.”

            

                Nananatiling nakikinig naman sa kaniya si Vahlia, namamangha sa mga kaalamang ibinabahagi ni Estrella tungkol sa mga kasuotan. Marami pa nga siyang hindi nalalaman sa kasaysayan ng Pilipinas, kung sana lang ay nag-aral siyang mabuti lalo na sa history subject nila ay hindi na sana siya nagpapakahirap at nagiging ignorante sa mga ganitong bagay.

“Saya naman ang tawag sa isang ito, palda na hahapit sa ating baywang at laladlad hanggang sa sahig. Ginagamit upang takpan ang ibabang parte ng ating katawan. Batid kong naiintindihan mo na ang aking pinagsasabi rito, Victoria.”

                  

                Masunuring tumango si Vahlia at patuloy na sinundan ang kinikilalang nakatatandang kapatid nito na ngayo’y naglalakad palapit sa tukador kung saan nakapatong ang salamin. Binuksan nito ang kalsunsilyo (drawer) at tumambad ang iba’t ibang kumikinang na alahas at aksesorya. Ikinaluwa ito ng mata ni Vahlia, ‘Sa dinami-rami ng kinalkal at binuksan kong cabinet at drawer kanina, bakit hindi ko naisip ang isang ‘to?’

“Narito naman ang iyong mga palamuti sa buhok at mga alahas na rin. Nababatid mo naman na siguro ang gamit ng mga alahas at palamuting nakasalansan dito, Victoria. Oh siya, bababa na muna ako.”

“Oo, ate. Thanks.” Sagot ni Vahlia habang nakatitig pa rin sa mga alahas. Iniisip kung maaari niya ba itong dalhin sa oras na makabalik na siya sa sariling panahon.

“Ha? Anong teyngks?” kunot-noó namang napasulyap ulit si Estrella kay Vahlia.

“Ah, ano... Sabi ko salamat.”

“Kakaiba ang salitang iyong tinuran. Saan mo natutunan iyon?” Muli ay lumapit si Estrella kay Vahlia na ngayon ay nakatikom na ang bibig. ‘Why did I even let that word escape from my darn mouth? I should really refrain myself from talking? Haiist.’

“Sa ano… sa… boo-- ay este, libro! Oo, tama! Sa libro nga!” matagumpay na palusot ni Vahlia kay Estrella na mukhang kumagat naman sa kanyang kasinungalingan.

“Nga pala, nakaligtaan kong sabihin ang tungkol sa iyong kalagayan kay Ama. Ngunit huwag kang mangamba, mabait ang ating Ama at natitiyak kong kagigiliwan mo rin siya. Hihintayin ka namin sa antesala, aking Kapatid.” Tuluyan na ngang umalis si Estrella at iniwang nalilito pa rin si Vahlia sa panibagong salitang hindi niya mahinuha kung ano. ‘Antesala? Ano ‘yon? Nakakain ba ‘yon? Or, is it a place in this house?’

                Kibit balikat siyang humarap muli sa aparador na napupuno ng mga kasuotan at isa-isang hinablot ang mga damit na kakailanganin niya. Nagtungo siya sa isang munting silid, ang baño, at nagsimulang magbihis. Hindi naman siya nahirapan dahil madali namang isuot ang mga iyon lalo na at maraming tambak na perdible sa silid na iyon na siyang ipinagpasalamat ni Vahlia. ‘A little clip here, a small knot down there, pin at this side, ipit dito and… Voila! Nakasuot na ako ng prestihiyosong kasuotan ng mga sinaunang tao!’

                Pagkalabas ng baño ay dire-diretso na siyang naglakad patungo sa pintuan. Ngunit napatigil nang mapagtantong hindi pa pala niya alam ang pasikot-sikot sa buong bahay. ‘Ang sabi ni ate Estrella kanina, bababa siya. So basically, sa baba ang tinutukoy niyang antesala.’

              Tinahak niya ng daan pakaliwa at nadatnan ang isang enggrandeng hagdanan na siyang ikinalaki na naman ng kanyang mga mata. ‘Wooaahh, this thing exists in this era? Daig pa nito ‘yong hagdanan sa titanic ah.’

               Sa bawat paghakbang niya pababa ay lumaladlad ang pulang saya na tila isang prinsesang naglalakad pababa ng hagdan. Isinasabay niyang igala ang paningin sa bawat gamit at palamuting nakasabit sa dingding o di kaya’y nakapuwesto sa sulok.

             Escalera ang tawag sa hagdanang ito na siyang karaniwang makikita sa tahanan ng mga Espanyol at ilang mga Pilipinong may matataas na estado sa panahong ito.

Oh! Victoria! ¡Ahí tienes! Como esta mi mas querido hija mas joven (Oh! Victoria! Nariyan ka na pala!  Kumusta naman ang pinakamamahal kong bunsong anak?)” tanong mula sa isang panibagong tinig, ikinagulat ito ni Vahlia dahil sa sobrang lakas ngunit hindi pasigaw na tono. Aakalain mong yayanig ang buong kabahayan nang dahil doon.

“Ven aquí, Victoria. Tengo buenas noticias. (Halika dito, Victoria. May dala akong isang magandang balita.)”

 

               Nang lingunin ni Vahlia ang pinanggagalingan ng boses ay nakaharap niya ang isang balbas saradong lalaking tinatayang nasa cuarenta y años ang edad. Ngunit mahihinuha pa rin naman ang kaguwapuhang taglay nito. Matangkad na tao, matangos ang ilong at mababakas ang awtoridad sa kanyang tindig.

              

                 Nakasuot ito ng puting pang-itaas na pinatungan ng itim na abrigo (coat), itim din ang kanyang pantalon. ‘Uugod-ugod na ba ang tatay ni Victoria? Bakit may tungkod na siya?’ Tanong niya sa kanyang sarili nang mapansin ang tungkod na hawak ng matanda.

“¿Por qué sigues ahí parado, hija? No digas que estás atascado. (Bakit nananatili ka pa ring nakatayo riyan? Huwag mong sabihing ika'y nakadikit na riyan.)” pabirong puna ng matanda.

               ‘Ano bang sinasabi ni Itay? Nagjojoke ba siya? Tatawa na ba ako?’  Nakaawang naman ang bibig ni Vahlia habang pilit na nakikisabay sa halakhak nito. Kahit alam niyang tunog kambing na ang kanyang pilit na pagtawa ay ipinagpatuloy niya pa rin ito.

                Prente siyang naglakad papalapit sa matanda ngunit nang makalapit na ay biglaan siya nitong niyakap na siyang ikinagulat ni Vahlia. “M-Maligayang p-pagbabalik, Ama,” nauutal na bati nito. Mabuti na lamang at naisip niya ito upang hindi magduda ang kanyang Ama-amahan kung bakit kakaiba na siya kumilos. Mukhang hindi pa nasasabi ng kaniyang Ina-inahan at ni Estrella ang tungkol sa pagkalimot niya kuno sa sariling mundo.

“Aking nakausap ang compañero kong si Lorenzo, ipinapabatid niya ang pagbabalik ng kaniyang unico hijo mula sa ibang bansa.” Iginiya niya si Vahlia sa upuan kung saan nakaupo na rin sina señora Vivian at señorita Estrella. “At kalakip niyon ay isang magandang balita para sa ating pamilya! Lalo na sa iyo, Victoria!” nakangiting anas ng Don.

“Ano ba ang balitang iyong tinutukoy, Gonzalo?” tanong si señora Vivian.

“Ikakasal na ang ating bunsong anak, Vivian! Magiging kabiyak na siya ng isa sa mga Villamarquez.” Tuwang-tuwa ang Don sa kaniyang ibinalita at ganoon din ang señora na ngayo’y nakangiti nang nakatingin kay Vahlia.

“Talaga po? Ikakasal ka na pala, aking kapatid! Natutuwa ako para sa iyo.” Nakangiting hinarap ni Estrella ang kapatid nito.

                 Sa kabila ng katuwaan ng pamilya ay nananatiling nakatingin si Vahlia sa Ama-amahan. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang mayakap siya ng isang ama kahit na hindi niya tunay na tatay. Malayo sa totoong ama niya sa kasalukuyang panahon. Ngunit ang paghanga niyang iyon sa Don ay nawaglit nang sabihin nitong ipapakasal siya sa hindi niya kilalang lalaki.

                 Hindi na bago sa kaniya ang dahilan ng sapilitang pagpapakasal, dahil sa sariling panahon niya pa nga ay ito rin ang problemang kinaharap at tinakbuhan niya. Para sa negosyo at pagpapalawak ng estado. Para sa pagpapalakas ng koneksiyon at  kayamanan, kaya nilang ipalit ang kalayaan ng kanilang mga anak, ikukulong sa relasyong pilit at iiwang walang ibang pagpipilian.

“H-Hindi niyo po ba ako tatanungin kung pabor ba sa akin ang kasalang iyan?” wala sa sariling tanong ni Vahlia sa harapan nilang lahat.

                  Biglang tumahimik ang buong  sala sa tanong na kaniyang binitawan. Maya-maya pa’y lumapat ang isang kamay ni Estrella sa braso niyang prenteng nakapatong sa silyon. Umiling ang nakatatandang kapatid bilang senyales na wag na nitong ituloy pa kung ano man sasabihin niya.

                  Agad naman itong naintindihan ni Vahlia kung kaya’t isang buntonghininga na lamang ang kaniyang pinakawalan. Matamlay siyang tumayo, “Doon na muna po ako sa kuwarto,” mahinahong paalam niya na siya namang tinanguan ni señora Vivian.

                  Sa bawat paghakbang niya papalapit sa  pinto ng silid ay bumabalik ang parehong senaryo noong nasa sariling panahon niya pa lamang siya.

“Congratulations, Vahlia! You’re getting married!” sarkastikong bati ng isa sa mga pinsan niya nang makauwi siya ng kanilang bahay. Punong-puno ng mga kilalang mga abogado at mga kamag-anak nila ang buong bahay na siyang ipinagtaka ni Vahlia.

             Maya-maya pa’y sinalubong siya ng kaniyang ama at iginiya sa harapan ng lahat. “My daughter has arrived, ladies and gentlemen! And I proudly announce their upcoming prenup party!” Masigabong palakpakan ang namutawi sa madla habang gulat na gulat si Vahlia sa inanunsiyo ng kaniyang ama.

             Hindi makapaniwala sa narinig niya. Iniisip kung bakit. Ano ang dahilan ng agarang pagdedesisyon ng kanyang papa na dati naman ay ugali nitong sabihin ang bawat desisyon at problema nito pagdating sa negosyo at trabaho sa kanila.

            Nanatiling tahimik sa isang sulok si Vahlia habang mahinahong binabanatan ang limang bote ng alak sa kaniyang harapan. Hinihintay ang pagtatapos ng kasiyahang inorganisa ng mga magulang nito. Alas diez ng gabi na nang matapos at magsiuwian ang karamihan sa kanilang mga bisita.

            Una niyang tinanong ang kaniyang mama tungkol doon, “May problema po ba tayo, Ma? Bakit ganun na lang? Why all of a sudden, Papa was talking about my marriage? I know there’s a reason for this.”

“Anak, this is for your own good. We need to assure your future, and that is marrying Mr. Gimenez’s son.” Napaismid siya sa sinabing iyon ng kan’yang ina.

“Stop lying! You’re tying me up in this early age. If I’m not mistaken, this is because we’re having a problem! Either in business or just me being myself. Ayaw niyo sa ugali kong puro sa bar ang punta, right?” diretsang sagot nito sa kaniyang mama.

“Lower your voice, Vahlia. Ano ba? May mga kausap pa ang papa mo. Nakakahiya,” mahinahong puna naman ng kaniyang ina sa malakas na boses ng anak. Ngunit ipinagsawalang bahala naman ‘yon ni Vahlia na muli siyang sinumbatan.

“I don’t care! They’ll hear what I’ll say! Do you think this decision of yours will change me? Kapag ba pinakasal niyo ako sa kung sino-sino eh magiging matino ba ako? Heck, no!”

             Sa sinabing iyon ni Vahlia ay isang malutong na sampal ang sumagot sa kaniya galing sa mismong ina nito. “Bastos ka na ah! Hindi ka namin pinalaking ganiyan! You fix yourself, Vahlia! Let’s talk tomorrow, kapag nasa huwisyo ka na,” Tumalikod ang Ginang nang maamoy ang espirito ng alak sa sistema ng anak.

           Pasuray-suray na naglakad si Vahlia habang sinusundan ang ina nitong paakyat na ng hagdan.

“Ma, I’m not drunk. Matino akong nakikipag-usap.”

“No you’re not, naaamoy ko ang alak sa hininga mo. Lasing ka na.”

“No! I’m not! Answer me, Ma! Bakit ako? Bakit kailangang ako pa? Tahlia is there! She’s older than me. Why not her?” Patuloy na iniwasan siya ng mama niya hanggang sa makaabot sila sa huling hagdan.

“Vahlia, stop! Will you? Pag-uusapan natin ‘to bukas.”

“Bukas? Bakit hindi ngayon? Bakit kailangan bukas pa?”

“Matulog ka na.”

“But, Ma! Kailangan ko rin naman pong malaman ang dahilan! Bakit kailanga–”

“Because your father needs more support!” pasigaw na sagot na nito sa mapilit na anak.

“Support? What for?” naguguluhang tanong naman ni Vahlia.

“Tatakbong konsehal ang iyong papa at kakailanganin niya ng mas maraming koneksiyon.”

             Napaismid si Vahlia sa nakuhang sagot mula sa ina. “At ako ang gagamitin niyo? Wow! Just wow! Fantastic idea.”

“I’m sorry, Vahlia. May sakit sa puso ang nakatatanda mong kapatid at masyado pang bata si Kahlia para ipakasal. Ikaw na lang ang maaaring—’’

“No, ayoko. Ano pa mang dahilan, ayoko. Nang dahil lang sa kagustuhan ni papa, I’ll let my freedom be snatched away from me? Heck, no!”

*****

Sources: https://ph.asiatatler.com/life/rediscovering-bahay-na-bato-the-parts-of-a-stately-filipino-house-during-the-spanish-colonial-period

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Seis – Takas

    Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo. ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’ Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba. 

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Siete- Pangahas

    Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon. Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito. Inakala niyang aalis na ang sawa

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Otso- Aleman

    “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”

    Huling Na-update : 2021-08-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diez: Arbol Triste

    Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Once: Feliz Compleanos!

    “Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw

    Huling Na-update : 2021-08-24
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Doce: Gumamela

    Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).

    Huling Na-update : 2021-08-25
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Trese: Pulang Kuwintas

    “Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—” Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin. Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela

    Huling Na-update : 2021-08-26

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status