Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo  Cuatro – Nasaan na ako?

Share

Capitulo  Cuatro – Nasaan na ako?

last update Last Updated: 2021-07-29 14:03:50

Tierra de Oriente, 1871

Volverá…

Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,

Se escribirá otro capítulo.

(Babalik…

Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,

Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.)

             Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.”

              Biglaan siyang napaupo sa gulat. Unti-unti ay nilingon nito ang gilid ng kamang kinauupuan niya.  Isang babaeng napakadisenteng tignan ang bumungad sa kanya, nakapusod ang kulay tsokolate nitong buhok at maayos na nakaipit ang peineta nitong palamuti.  Kulay lila naman ang suot nitong pang-itaas at ganoon din ang saya nito.

“Sino ka?” pasigaw na tanong ni Vahlia sa binibining kaharap niya.

“H-Ha? Batid mo ba ang iyong tinuturan, aking kapatid?” nagtatakang pabalik na tanong naman nito sa kanya. “Ahh, ineensayo mo na naman ang tagpong nabasa mo sa aklat, tama ba ako?”

                Kunot-noo namang tumagilid ang ulo ni Vahlia habang ang binibining kaharap niya ay nakangiti at diretso ang tingin sa kanya. Hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari.  ‘Sino ba ‘tong babaeng nakatingin sa akin? Sandali, nasaan ba kasi ako?’ Inilibot naman niya ang paningin sa kabuuan ng silid na kinalalagyan niya.

‘Anak ng pating! Don’t tell me… oh no, no, no!!! This can’t be happening!!!’  hindi makapaniwalang sigaw nito sa kanyang isipan. Paano nga naman, napapaligiran siya ng mga makalumang kagamitan. At kompleto pa! Nasa isang sulok ang napakalaking aparador at kuwadradong salamin na nakapatong sa isang tukador. Sa kabila naman ay isang lamesita kasama ang partner nitong upuan.

“What year is it? I mean, ano na ang date ngayon?” kinakabahang tanong niya sa babaeng ngayon naman ay siyang nakakunot-noo. Matagal silang nagtitigan, parehong naguguluhan.

“Ibig kong sabihin ay ano… uhhm ano… I was asking—arrgh.” Napapailing na lamang si Vahlia sa hirap ng pag-iisip sa kung ano na nga ba ang translation ng dapat na itatanong niya sa kaharap. ‘Should I regret? Na hindi ako nakinig kay maam Fontejo at sa Filipino teacher ko noon?’ 

“Itatanong ko sana kung ano na ang petsa ngayon.” Muli ay tinignan ni Vahlia ang babaeng nasa kan’yang harapan na nananatiling nakatingin pa rin sa direksyon niya.

            Maya-maya pa’y kumaripas siya ng takbo paalis sa silid na siya namang ipinagtaka ni Vahlia. ‘Am I in a nightmare? Pwede na ba akong magising?’ nagmamakaawang pakiusap niya.

“Pssst. Vahl!”

           Muling nagulantang si Vahlia sa panibagong boses na nadinig niya. Inilibot niya sa buong kwarto ang paningin upang hanapin ang pinagmumulan ng tinig na iyon.

“Vahl! Dito! Sa may libro!”

          Nang lumingon si Vahlia sa bookshelf na nasa isang sulok ay nakita niyang muli ang librong pilit na iniaabot ni ate Sol sa kan’ya kanina lang. Nagmadali siyang tumayo at hinablot ang librong iyon, ngunit bago pa man niya mabuklat ang aklat ay biglaang lumitaw ang pagmumukha ni ate Sol sa pabalat nito. Nang dahil sa pagkagulat ay naihagis muli ni Vahlia ang aklat palayo.

“Aray naman, Vahl! Masakit!” reklamo ng librong nakadapa na sa sahig.

          Nang makabawi naman sa ulirat ay muling inabot ni Vahlia ang libro.  Hindi nga siya namamalik-mata, totoong nagsasalita ang libro! At nakalantad pa ang mukha ni ate Sol sa pabalat niyon.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Vahl. Limitado ang oras kong makausap ka. Narito ka ngayon sa taong 1871,” panimula ni ate Sol habang hinihimas ang noo nito. “Sa panahong ito, ikaw muna si Victoria Esperanza. Maliwanag?”

         Nanatili namang nakatitig lang sa kanya si Vahlia, naghihintay ng kompletong dahilan kung bakit nasa ganito na siyang sitwasyon. Bukod doon ay nakapagtataka din ang set-up ng pag-uusap nila. Isang taong kinakausap ang nagsasalitang libro? So weird.

“May kinakailangan kang gawin dito, bukod sa magiging masaya itong paglalakbay. Muling maiguguhit sa mga bituin ang kuwento, magsisimula ang bagong kabanata sa huling talulot ng rosas,”

“Ano ba! Ate Sol! Kung ano man ang dahilan kung bakit mo ako dinala dito, please. Ibalik mo na ako sa panahon ko!!!” sigaw niya sa harap ng libro. Tipid namang ngumiti ang mukha ni ate Sol bago sagutin ang katanungan ni Vahlia. “Lahat ay may dahilan, Hija. Balang araw ay pasasalamatan mo ako sa gagawin kong ito. Ang maipapayo ko lamang ay huwag mong ipapaalam sa kanila ang tunay mong katauhan. Sa oras na malaman nila ang tungkol sa pagpapanggap mo, magwawakas na ang lahat. Sa puntong may makaalam na hindi ikaw si Victoria, ito na ang katapusan mo,” seryosong saad ni ate Sol kasabay ng pagbubukas ng pinto.

“Kakaiba na ang ikinikilos ni Victoria, Ina.” Bungad ng babaeng nakaharap ni Vahlia kanina. Sa tabi nito ay isang panibagong babae na mahihinuhang may katandaan na din, ngunit hindi maipagkakaila ang kagandahang tinataglay nito. Mala-tsokolate rin ang kanyang buhok tulad ng katabi niya.

“Sa aking pakiwari’y nakalimot na siya dulot ng pagkahulog niya mula sa hagdan, Ina.” Magkasabay na lumapit ang dalawang babae kay Vahlia na siya namang patuloy na inaatrasan nito. ‘Anak ng pating!!! Am I dreaming again? Kung oo, please pakisuntok ako! Ngayon na!’

“Anak, mukhang kinakailangan mo muna ng pahinga. Bumalik ka na muna sa iyong higaan, Victoria. Pakiusap.”

“No! I don’t belong here! Please, ate Sol. Hindi na po ako nakikipagbiruan!” Desperadong pakiusap ni Vahlia sa librong kausap niya kanina na ngayo’y nagmukha nang ordinaryong libro na lang. Paulit-ulit siyang umiiling at umaatras palayo sa dalawang babaeng hindi niya kilala.  Agad namang ipinatawag ng ginang ang isa sa mga tagapagsilbi, “Stella, tawagin mo si doktor Flaviano. Ipabatid mo ang nangyayari sa iyong Senyorita.” Tumango naman ang tagapagsilbi at dali-daling lumabas ng silid upang puntahan ang doktor na ipinapatawag ng ginang.

“Anak, ako’y nagsusumamong ipanatag mo muna ang iyong kalooban. Huminahon ka, pakiusap.  Kung hindi mo ako nakikilala, ako si Vivian. Ang iyong ina, Victoria.”

             Sa kabila ng pakikiusap ng ginang ay parang walang naririnig si Vahlia. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-atras at ganoon din sa paglapit ang dalawang babae. Ngunit napatigil sa paghakbang ang Ginang nang makitang malapit na sa barikada ng azotea si Vahlia. Sisigaw na sana siya upang balaan ang dalaga ngunit huli na ang lahat dahil sa huling paghakbang paatras ay tuluyan na ngang nahulog mula sa azotea si Vahlia.

“Aaahhh!”

“Victoria!”

“Hija!”

               Dali-daling napatakbo ang dalawang babae pababa ng ikalawang palapag upang tignan ang nangyari kay Vahlia. Naabutan nila itong nakahiga sa kumpol ng mga dayami sa ibaba ng Azotea. Doon na lamang nakahinga nang maluwag ang ginang, mabuti na lamang at sa medyo ligtas na parte bumagsak ang dalaga.

               Inis namang napapikit si Vahlia sa kinahantungan niya. ‘Wala nga ako sa panaginip, I have traveled back in time. And this is where am I now, 1871. Aarrrggghhh’  Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan sa kabila ng kagustuhan niyang sumigaw at magwala.

*****

“Señorita, bakit niyo po ako pinatawag?” bungad ng isang tagapagsilbi pagkabukas nito sa pinto ng silid kung saan naroroon si Vahlia. Katatapos lang ng pagsusuri ng Doktor sa kanya. Dahil sa wala na ngang atrasan ang pagsulpot niya sa panahong ito ay pinili na lamang niyang pangatawanan si Victoria. Tatangggapin na lamang niya ang misyon na sinasabi ni ate Sol at nang makabalik na siya sa sariling panahon.

“Sinasabi ninyong ako si Victoria Esperanza. Maaari ka bang magkuwento tungkol sa buhay niya— ay este-- sa buhay ko?” tanong ni Vahlia sa tagapagsilbi.

              Ang sinabi niya sa doktor ay hindi na niya maalala kung sino siya. Dinagnagan niya pa iyon ng drama kung kaya’t dalang-dala naman ang dalawang babae na

napag-alaman niyang ina at nakatatandang kapatid pala ni Victoria. Sina señora Vivian Esperanza at señorita Estrella Esperanza.

“Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa’kin!” madramang aktingan ni Vahlia habang umiiling-iling pa. Mukhang napaniwala naman nito si señora Vivian kung kaya’t masuyong lumapit ito sa dalaga at niyakap siya. “Victoria, hija. Huwag kang mangamba. Hindi ka naming sasaktan dito.”

“Ibig bang sabihin nito ay hindi na kami maalala ng aking kapatid, doktor Flaviano?” nag-aalalang tanong ni señorita Estrella sa doktor na kasalukuyang nakatayo sa tabi ng nakayukong si Vahlia.

“Ikinalulungkot kong sabihin ngunit tila tama ang inyong nahihinuha, señorita Estrella. Dulot na mismo ng pagkabagok ng kanyang ulo kahapon ay ganoon na nga ang naging akto niya kanina. Nagugulumihanan sa kung sino ang nasa paligid niya at kung nasaan siya,”  mahinahong paliwanag ni doktor Flaviano sa kanila. “Ngunit mayroon bang pagkakataong maaaring bumalik ang mga ala-ala niya?” sabat naman ng señora na inaalo pa rin si Vahlia.

“Hindi ko matitiyak, Señora. Nasa maayos nang kalagayan ang señorita, ipanatag niyo ang inyong kalooban. Inyong patuloy na ipaalala sa kanya ang kanyang nakaraan at kung sino-sino ang mga taong nakakasalamuha niya. Ngunit huwag ninyo munang ipagpilitan ang mga parte ng kanyang nakaraan na hindi niya talaga maalala. Bueno, ako’y mauuna na.” Yumuko ang doktor bago umalis na siya namang pinasalamatan ng mag-inang Esperanza.

            Nang makalabas na ang doktor ay agad namang hinarap ng señora si Vahlia. “May nais ka bang kainin, Anak?” tanong niya na ikinailing naman ng dalaga. “Gusto ko na lang pong magpahinga, m-mama… ay este, ina.”

              Lihim na napapangiti na lamang siya nang maalala ang senaryo kanina. ‘Mag-audition na kaya ako sa PBB? Pero ‘wag na lang muna. Atleast, nakahanap ako ng reason for them not to question my actions’

                Oo nga naman, matalinong paraan na pinangatawanan na lamang niya ang pagkakaroon niya ng amnesia.

“Ipapakilala ko na po muna ang aking sarili, Señorita.” Tumango naman si Vahlia. “Stella Garon po ang aking ngalan, isa po ako sa mga tagapagsilbi dito sa mansiyon”

               Sinenyasan naman nito ang tagapagsilbi na maupo sa silyang nasa tabi ng lamesita habang siya ay nakatayo malapit sa azotea at nakatitig sa labas. “Gusto kong malaman ang tungkol sa pamilya Esperanza.” Alanganin naman siyang sinulyapan ni Stella, nangangambang baka ipagkanulo siya ng señorita sa oras na may masabi siyang hindi dapat.

“Kung iniisip mong baka isumbong kita kay ina, rest assured. Hindi ako ganoong tao,” dagdag ni Vahlia nang Makita ang ekspresyon nito. Napatango na lamang ang tagapagsilbi habang ipinagtataka ang kakaibang salitang binigkas ng señorita na ngayon niya pa lamang narinig.

“Kabilang ang inyong angkan sa mga pinakamayayamang pamilya dito sa isla, Señorita. M-Malawak rin po ang haciendang pagmamay-ari ng inyong pamilya at ganoon rin sa inyong mga negosyo, Señorita.”

                Tipid na ngumingisi naman si Vahlia sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Stella. ‘Kakaiba pala sa pakiramdam na tinatawag akong señorita sa panahong ito. I feel so honorable. Unlike sa present year na kapag tinawag kang señorita eh tamad ka. Should I decide to stay?’

“Ang inyong ama’t ina naman po ay sina don Gonzalo Esperanza at señora Vivian Pineda Esperanza. May nakatatandang kapatid din po kayo, si señorita Estrella.”

“Gonzalo? Parang hindi ko pa siya nakikita ah. Nasaan ba si Gonzalo?” Nilingon ni Vahlia ang kausap na ngayo’y nanlalaki ang mga mata. Hindi makapaniwalang tinawag ng señorita ang kanyang ama direkta sa mismong pangalan nito na isang kawalan ng paggalang.

“I mean, nasaan ba si ama?” pagtatama niya nang mahalata ang kakaibang tingin ni Stella sa kanya. Napamura na lamang siya sa kanyang isipan nang mapagtantong nasa katauhan pala siya ngayon ni Victoria. At marapat lamang na matuto na siyang maging mahinhin at kumilos bilang isang butihing binibini. ‘Ngunit paano? Kung sa simpleng paglakad ay nagiging takbo ko na. Sa simpleng paghakbang ay patalon kong ginagawa. Sa pananalita ko naman ay walang mararamdamang lambing. Magiging mahirap para sa’king maging Maria Clara!’

“Kadadaong pa lamang daw ng galleong sinasakyan ni don Gonzalo sa pier galing Madrid, Señorita. Ang akin pong naulinigan ay mamayang hapon na po ang dating ng Don.” Nakayukong sagot ni Stella. Napansin naman ito ni Vahlia kung kaya’t tinanong nito ang tagapagsilbi.

“Bakit kailangan mo pang yumuko, Stella? Hindi naman ako mataas na tao para yumukod ka sa harap ko.”

“Paumanhin, Señorita. Ako’y isang hamak na tagapagsilbi lamang at wala po akong karapatan upang taas noong banggitin ang pangalan ni señor Esperanza.”

             Saglit na pinagmasdan ni Vahlia si Stella na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin. Doon na lamang niya napagtanto kung gaano pinapamukha ng mga dayuhang mananakop ang pagiging mangmang ng mga Pilipino. Dahil doon, bumababa na din ang tingin ng mga Pilipino sa kanilang sarili. ‘Ganito ba talaga sa panahong ito?’

Related chapters

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Cinco- Kasunduan

    Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito. Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’ Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand

    Last Updated : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Seis – Takas

    Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo. ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’ Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba. 

    Last Updated : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Siete- Pangahas

    Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon. Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito. Inakala niyang aalis na ang sawa

    Last Updated : 2021-08-19
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Otso- Aleman

    “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”

    Last Updated : 2021-08-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Last Updated : 2021-08-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diez: Arbol Triste

    Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas

    Last Updated : 2021-08-23
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Once: Feliz Compleanos!

    “Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw

    Last Updated : 2021-08-24
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Doce: Gumamela

    Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).

    Last Updated : 2021-08-25

Latest chapter

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status