Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw.
“Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap.
“Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.”
“Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas mabuting huwag na lang niyang patulan ang pang-aasar ni Mateo. Tutal ay wala naman siyang mabuting maidudulot sa kan’ya.
Sa kabila ng mga salitang sinambit ng dalaga ay nagawa pang tumawa ni Mateo na animo’y isa iyong kakatuwang biro. “Nais mo bang marinig ang kuwento ng árbol triste?”
“Pagtambang kay Mateo sa ilalim ng tulay, Oo. Mas magiging masaya pa ako.” Muli ay ngumiti at tumawa lang ang binata, at humakbang papalapit upang pumantay sa dalaga. “Nang maipanganak ang islang ito, tatlong magkakapatid na diwata ang ipinadala ng Bathala. Sina Airam, Alain, at Alma, magkakaiba ang kulay ng kanilang buhok ngunit sila’y magkakamukha. Mala-tanso ang kay Airam na siyang panganay at berdeng hawig ng mga malalagong dahon naman ang kay Alain. Ang bunsong si Alma ay mayroong itim na buhok na tulad ng sa mga tao.”
Tahimik na nakikinig sa kan'ya si Vahlia habang nakikisabay sa paglalakad ni Mateo patungo sa punong tinutukoy nito. “Isang araw, nagpasiya ang magkakapatid na bumisita sa bayan. Dahil sa kakaibang kulay ng kanilang mga buhok ay agad nilang naagaw ang pansin ng mga tao, sa isang tingin ay mapagkakamalan talagang isang engkanto at hindi pangkaraniwang nilalang. Ngunit ang dalawang magkapatid lamang na sina Airam at Alain ang itinuring bilang mga diwata ng mga taumbayan dahil ang bunsong si Alma ay may pangkaraniwang hitsura tulad ng mga tao.”
Naupo ang dalawa sa ilalim ng malagong puno ng narra, nanatiling tahimik at walang kibo si Vahlia habang nakikinig sa kuwento ng katabi na ngayo’y nakahilig sa matabang katawan ng puno.
“Pilit na ipinaintindi nito na siya ang bunsong kapatid ng mga diwata ngunit hindi naniwala ang mga tao, bukod sa hindi siya nabiyayaan ng kapangyarihan at kakayahang tulad ng tinataglay ng kaniyang mga kapatid ay mas nagmumukha pa siyang tao. Nabuo ang inggit at galit niya sa kaniyang dalawang kapatid, lalo na nang siya’y itanggi nina Airam at Alain bilang kanilang kadugo. Nasilaw sila sa papuri at luwalhating ibinibigay ng mga tao sa kanila kung kaya’t nagawa nilang itakwil ang nakababata nilang kapatid.” Binalingan niya ng tingin si Vahlia na ngayo’y nakatuon pa rin ang mga mata sa malawak na bukirin.
“Dahil dito ay nagalit ang Bathala sa dalawang diwatang nalimutan ang kanilang tanging tungkulin sa islang ito. Nang malaman ni Alma ang tungkol sa galit ng nasa itaas ay nagmadali siyang bumalik sa kanilang pinanggalingan, siya’y nag-ulat kay Bathala ukol sa masasamang gawain at pagkasakim ng kaniyang mga kapatid. Dinagdagan niya ng kasinungalingan ang isinumbong niya sa kanilang ama sa pag-aakalang mabigat na parusa ang ipapataw nito kina Airam at Alain.” Saglit na tumigil sa pagkuwento si Mateo kaya’t agad itong nilingon ni Vahlia. “At ano na ang sumunod na nangyari?”
Nang magtama ang paningin nila kay Mateo na kanina pa pala nakatitig sa kan'ya ay unti-unting ngumiti ang binata bago nagpakawala ng maikling pagtawa, “Nakikinig ka pa pala sa kuwento ko, akala ko’y balewala na ang pagsasayang ko ng laway rito. Bueno, sa halip na sina Alain at Airam ang maparusahan… si Alma ang siyang nakatanggap ng kaparusahan. Nang dahil sa pagsisinungaling at pagtataglay ng inggit sa kaniyang mga kapatid. Kung tatanungin kita… tama ba ang kinahinatnan ng bunsong diwata?”
Tumagilid ang ulo ni Vahlia sa tanong ni Mateo at pinagkrus ang dalawang braso bago ibalik ang tingin sa harapan, “Kung tatanungin din kita… Sino ang mas may mabigat na kasalanan, ang makaramdam ng inggit at galit o ang magpakabulag-bulagan sa nangyayari sa paligid?”
“Ang makalimot sa katauhang ipinagkaloob mula sa itaas,” sagot naman ni Mateo. “Sa puntong malimutan mo kung sino at ano ang tungkuling iniatas ng poong Maylikha, asahan mong masisilaw ka sa mga makamundong bagay at ganoon din sa pag-usbong ng galit at inggit.”
Napapatango na lamang si Vahlia bilang pagsang-ayon sa mga salitang tinuran ng lalaking nasa kaniyang likod. Minsan ay hindi niya maunawaan si Mateo, minsan ay loko-loko na nakakairitang nilalang ngunit sa isang iglap ay maglalabas ng mga salitang talagang tatarak sa konsiyensiya at damdamin.
“Bilang kaparusahan, si Alma ay naging puno ng Narra na umusbong sa gitna ng kaparangan. Dahil sa inggit, ibinigay sa kan'ya lahat ng pansin at sustansiyang makukuha niya bilang isang puno. Walang ibang punong magiging kaagaw o katunggali, tanging siya lang ang nakatayo at malagong yumayabong. Samantala, sina Airam at Alain ay naging ordinaryong mga tao. Nakiramdam at namatay na tulad ng mga tao.”
Sa malawak na bukirin pa rin nakatunghay ang mga titig ng dalaga, ‘Kung ganoon ang malawak na parang ay naging bukid na at nananatili pa ring malago ang punong ito. It may be a legend but it does make sense, letting you chose between your wants and needs. Kung atensyon at papuri ang ginusto mo, asahan mong maiiwan kang mag-isa ng mga taong kailangan mo. In the sibling’s case, it’s just the proof of how anyone can be lured into darkness just for desires and aims. Forgetting almost everyone who really cares for you.’
*****
Lumipas ang isang buong lingo at nagiging normal naman ang pamumuhay ni Vahlia sa katauhan ni Victoria Esperanza na ngayo’y unti-unti nang nakakasabay sa kilos at ganap sa sinaunang panahon. Isang linggo ring araw-araw niyang nakakaharap ang pagmumukha ni Mateo. Magmula kasi nang mamanhikan ang pamilya Villamarquez ay napagkasunduan din nila ang araw-araw na pagkikita ng dalawa upang mas mapagtibay ang pagsasama nila bago pa man din sila ikasal.
“Victoria, kapatid ko. Suotin mo na ang pinakamaganda mong baro! Pagka’t maya-maya ay paparito na si ginoong Mateo!” nakangiting anas ni Estrella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Impit na tumitili na tila mas kilig na kilig pa kaysa sa kan’yang kapatid.
“Tumahimik ka nga, Ate. Kahapon ka pa gan'yan,” sita ni Vahlia sa kaniya habang abala sa pagsuklay ng mahaba nitong buhok. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harapan ng salamin nang humakbang palapit sa kan'yang likod si Estrella at kinuha ang suklay mula sa kamay ng kapatid. “Huwag mo nang itanggi pa, aking Kapatid. Nakikita ko rin ang iyong pagkasabik sa kaniya. Hindi mo maikukubli iyang mga ngiting iyan,” pang-aasar nito kay Vahlia habang sinusuklay at iniaayos sa paikot na disenyo ang buhok nito.
“Bahala ka, Ate. Isipin mo ang nais mong isipin.”
“Ayyiee, talaga ba? Nalalaman ko ang ibig sabihin ng mga ngiting iyan,” aniya nang mapansin ang pagpipilit nitong tago ang ngiti sa kan’yang mga labi. “Hay, ewan ko ba sa i'yo kung bakit hindi mo na amining nahuhulog ka na kay ginoong Mateo. Puro mga pambabara at minsa’y inaaway mo pa siya, bakit hindi mo sabihing mahal mo na siya?”
Mula sa salamin ay tinitigan niya si Estrella na abala sa pag-aayos ng buhok niya bago ngumiwi. ‘Seriously? Mukhang magiging happy na siya sa pagiging single.’
“Oh hayan, naayos ko na ang iyong buhok. Ngayon, kunin mo ang kulay lilang saya mo, Dalian mo!” kinikilig na utos nito kay Vahlia habang nakadungaw sa bintana. “Naririto na si ginoong Mateo, Victoria! Nakabihis ka na ba?”
“Kapapasok ko pa lang naman ng baño, Ate. Papaano naman ako makakapagbihis agad-agad?” sigaw nito mula sa baño na siyang nakapagpaalik-ik kay Estrella. “Pacensiya na, natutuwa lamang akong mayroon ka nang ibang lalaking kinatatagpo at hindi na ang Alvaro na iyon.”
Saglit na napatigil sa pagbibihis si Vahlia sa pamilyar na pangalang binanggit ni Estrella. ‘Alvaro? Saan ko na nga ba iyon narinig?’
“Victoria! Bilisan mo, marahil ay naiinip na siya sa ibaba.”
“O-Oo, saglit lang.”
Binilisan niya ang pagbibihis at pagbubuhol-buhol sa mga tela at damit sa kan’yang katawan. Nang matapos ay lumabas siya mula sa baño, natagpuan ang kapatid na si Estrella na tulala sa paninitig sa labas ng bintana. Dahan-dahan ay sinundan niya ng tingin ang kung ano man ang nasa labas na tinititigan nito.
“Anong tinitignan mo, Ate?” tanong niya nang makalapit kay Estrella na siyang nakapagpatalon sa kaniya sa gulat.
“Victoria naman. Huwag ka namang nanggugulat basta-basta,” reklamo niya habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib nito.
“Eh? Nagtatanong lang naman ako ah. O baka naman,” nagpakawala ng nang-aasar na ngisi si Vahlia at bahagyang kinurot ang tagiliran ng kapatid. “May iba kang tinititigan, ayiieee! Sino naman ang malas na lalaking iyong nagugustuhan?”
“Heh! Victoria, magtigil ka nga! Puntahan mo na si ginoong Mateo sa baba at marahil ay naiinip na siya sa’yo,” pag-iiba nito sa usapan. Sa halip na sumunod ay nginisihan na naman siya ni Vahlia kung kaya’t marahas nitong pinatalikod ang kapatid at tinulak ito palabas ng pinto. “Umalis ka na nga.”
Napatawa naman si Vahlia sa mariing pagtanggi ng kapatid, masasalamin naman talagang may kung sinong tinititigan si Estrella sa labas ng bintana. Inlababo siya!
“Kahit kailan talaga, gustong-gusto mo akong pinaghihintay,” salubong ni Mateo. Ang dalawang kamay nito ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng itim niyang pantalon. Sa simpleng itim na camiso nitong suot ay litaw na litaw ang maganda nitong pangangatawan. Mula sa tila nakaukit nitong umiigting na panga at sa mala-tsokolate nitong mga matang nang-aakit kung tititigang mabuti.
Tanging pag-irap ang isinagot naman ni Vahlia na ngayo’y bumababa mula sa escalera (staircase) ng mansion. Sa buhok nitong nakatirintas paikot at sa patusok na disenyo ng peinetang nakaipit dito. Suot-suot ang puting baro at lilang saya na pinatungan ng tapis na kulay itim at puting dama-rama (chekered).
“Bakit namumula ang iyong labi? Sabihin mo nga… nagpapaganda ka ba para sa’kin?” pang-aasar ni Mateo na may namumuong ngisi sa mga kan'yang pagmumukha nang mapansin ang labi ni Vahlia na pilit dinampian ng atsuete kanina ni Estrella.
“Isipin mo ang gusto mong isipin. Ano? Saan mo na naman ako dadalhin ngayon?” Naka-taas ang kilay nitong sinalubong ang mga tingin ni Mateo nang tuluyan na siyang makababa.
“Mamaya ko na sasabihin, Binibini. Nakapagpaalam ka na ba sa iyong mga magulang?” Inilahad ni Mateo ang isang kamay nito sa harapan ng dalaga na siya namang inabot ni Vahlia. Walang kaemo-emosyon o ngiti man lang na ihaharap sa binata. Dahil sa isip niya, para saan pa?
“Wala sila, tanging si ate Estrella lang ang aking kasama rito.”
Tinanguan naman siya ni Mateo at iginiya palabas. “Ano? Maglalakad ba tayo o kalesa na naman?” Nang lingunin niya ang binata ay tanging pag-iling ang sagot nito na siyang nakapagpakunot ng noo ni Vahlia. Maya-maya pa’y isang tunog ng kumakaripas na kabayo ang maririnig mula sa zaguan (corridor kung saan maaaring dumaan ang mga carruaje patungo sa entrada principal).
“Manolo, ven aquí. (Manolo, halika rito.)”
Biglang napalitan ng malawak na ngiti ang dating busangot na mukha ni Vahlia nang makita ang kabayo. Halos ilang araw rin niyang hindi nakita ang hayop na ito. Nang makalapit na si Manolo sa kanila ay hinablot ni Mateo ang tali at magiliw itong iniabot sa binibini. “Mukhang hindi ako nagkamaling dalhin siyang muli palapit sa iyo. Nasilayan kong muli ang mga ngiting iyan.”
Nakatitig sa mga kumikinang nitong mga mata at ngiting paulit-ulit niyang hahanapin sa dalaga. “Ano pang hinihintay mo? Tara na!” anyaya ni Vahlia na ngayo’y ngiting-ngiting nakasakay sa kabayo. Napapailing na sumampa naman si Mateo sa likuran bago hatakin bahagya ang tali, dahilan upang tumakbo ang kabayo palayo sa mansiyon at patungo sa Calle Vasque. Ang daan patungo sa kabisera ng bayan.
“Salamat, Mateo,” sambit niya sa kalagitnaan ng pagpapatakbo nito sa kabayo.
“De nada, mi Tigresa,” sagot nito.
Nang marating nila ang kabisera ay namangha ang dalaga sa mga nasasaksihan nito sa paligid. Animo’y hindi nakakakita ng palengke. Ngunit iba pa rin talaga ang hitsura ng abalang bayan noong unang panahon. Nakahilera ang mga nagtitinda at nakapwesto batay sa produktong kanilang ibinebenta.
“May nais ka bang bilhin?” tanong ni Mateo habang inaalalayan bumaba ang dalaga. Umiling naman si Vahlia, “Wala naman, ilibot mo lang ako sa buong kabisera. Kung maaari?”
“Bakit naman hindi?” nakangiting sagot ni Mateo habang itinatali ang lubid ng kabayo sa isang puno.
“Marami na rin palang ipinagbago ang itsura ng kabisera mula nang lumisan ako.”
Nilingon naman si Vahlia sa katabi habang naglalakad, “Umalis ka?”
“Nagtungo ako ng Madrid noong diecisiete años pa lang ako upang doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral,” tugon nito.
“So, kababalik mo lang ngayon? As in noong nagkita tayo sa gubat?”
“Oo, naisipan kong dumiretso na muna doon. Hindi ko rin mawari kung bakit dinala ako ng aking mga paa sa Ilog ng Tarok, bukod sa mga masasamang ala-alang naroroon ay tila muli Kong nababalikan ang sakit sa tuwing nakikita ko ang lugar na iyon.”
Kibit-balikat naman siyang sinagot ng dalaga, “Siguro ay may dapat kang balikan doon, o kaya naman ay—”
“O kaya naman ay may dapat pa akong makilala roon.” Muli ay nagtama ang mga paningin nila nang sabay silang mapalingon sa isa’t isa. “Isang panibagong ala-ala upang maging dahilan para muli kong balikan at mabago ang pananaw sa masalimoot na nakaraan ng ilog na iyon.”
Again! Maraming salamat sa mga patuloy pa ring sumusubay sa aking kuwento. Sisikapin kong pagbubutihin pa ang aking pagsusulat para sa inyo.... Umaasa akong patuloy niyong subaybayan ang napakakulit at napaka-in denial na kuwento nila ginoong Mateo at binibining (kunno) Vahlia.
“Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw
Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).
“Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—” Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin. Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela
Ika-7 ng Abril, 1871“Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba. “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok.“Kanina pa po, Señorita.” “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.”“Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas. “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”
Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan. Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez at ang Esperanza. “Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang
“Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo. “Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo. Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.”“Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ma
“Hindi nga, ngunit isang kapangahasan pa rin ang iyong ginawa.” Patuloy sa pag-atras ang lalaki at ganoon din sa pag-abante si Vahlia. “Sorry na… hindi ko naman—” “Sinasadya? Hindi mo sinasadya ngunit kusa mong hinablot ang aking kuwelyo at ginawa ang karumal-dumal na gawain ng isang mapangahas at mapansamantalang Binibini.” “Sorry na kasi, at saka pwede ba tigilan mo nang umatras? Konting-konti na lang talaga ay itutulak na kita,” banta ni Vahlia nang makita ang punong-kahoy na nasa bandang likuran ni Mateo. Bahagyang nanlaki naman ang kan'yang mga mata sa panibagong kalokohang pumasok sa kan'yang isip. “Itutulak saan? Mapansamantala kang talaga! Sinasabi ko na nga ba’t nagkamali ako ng pinili, dapat sana’y—”
Lumipas na nga ang tatlong araw, walang komunikasyon o pagkikitang naganap sa pagitan nila ni Mateo. Hindi rin lumabas o gumala si Vahlia at nakatuon na lamang sa pagtugtog ng mga instrumentong nakatambak sa sala ang buong atensiyon niya. Minsan ay sinasabayan siya ng kan'yang ate na siyang kasa-kasama niya sa buong magdamag dahil sa pagiging abala ng kan'yang mga magulang sa pag-aayos ng kasal. Tulala siyang nakatingin sa salaaming nasa kan'yang harapan habang inaayusan siya ni Carlotta, magaling siya sa paglapat ng iba’t ibang mga pampaganda mula Europa at pag-aayos na rin ng buhok. “Naalala mo ba noong unang beses kang isama ni ginoong Mateo sa aming tirahan ni Teodoro?” nakangiti niyang tanong habang iniipit a
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit