Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Dieceotso: Kasal

Share

Capitulo Dieceotso: Kasal

last update Huling Na-update: 2021-09-01 10:14:20

            Lumipas na nga ang tatlong araw, walang komunikasyon o pagkikitang naganap sa pagitan nila ni Mateo. Hindi rin lumabas o gumala si Vahlia at nakatuon na lamang sa pagtugtog ng mga instrumentong nakatambak sa sala ang buong atensiyon niya. Minsan ay sinasabayan siya ng kan'yang ate na siyang kasa-kasama niya sa buong magdamag dahil sa pagiging abala ng kan'yang mga magulang sa pag-aayos ng kasal.

          Tulala siyang nakatingin sa salaaming nasa kan'yang harapan habang inaayusan siya ni Carlotta, magaling siya sa paglapat ng iba’t ibang mga pampaganda mula Europa at pag-aayos na rin ng buhok.

“Naalala mo ba noong unang beses kang isama ni ginoong Mateo sa aming tirahan ni Teodoro?” nakangiti niyang tanong habang iniipit ang buhok ni Vahlia paitaas. “Sa una’y inakala kong namamalik-mata lamang ako sa Binibining nakatayo sa likuran, ngunit hindi pala. Aking napagtantong ikaw si binibining Victoria Esperanza, at sa puntong iyon ay marahil hindi pa kayo magkakilala ni ginoong Mateo. Ipinagtaka ko na rin kung bakit kayo’y magkasama nang araw na iyon, bakit nga ba?”

         Sinulyapan siya ni Vahlia sa salaming pareho nilang kaharap at bahagyang ngumiti, “Natagpuan ko siya sa gubat at napagkamalang kapre.” Mahinhin namang natawa si Carlotta at tinakpan pa nito ang bibig, “Tignan mo nga naman ang tadhana, sadyang mapaglaro. Kung sino pa ang iyong hindi inaasahan ay siyang ibibigay sa i'yo. Minsan nga ay magugulat ka na lamang.”

          Kapansin-pansin ang pilit na ngiting nakapaskil sa mukha ni Vahlia na siyang kanina pa napuna ni Carlotta, “Bakit tila hindi ka nagagalak sa araw na ito, binibining Victoria?”

“Wala naman, isa lamang itong simpleng araw para sa akin.” Napabuntong-hininga na lamang ang babaeng nasa kan'yang likuran na marahang ikinakabit ang velo. “Alam kong hindi ko dapat sabihin ito sa i'yo ngunit tila kinakailangan, lumapit sa aking asawa si ginong Mateo upang kumbinsihin akong kausapin ka ngayong araw patungkol sa kasalang ito. Sa katunayan ay hindi ko alam kung kaaawaan ko ba siya o tatawanan na lamang.”

         Kumunot naman ang noo ni Vahlia sa biglaang paghagikhik ni Carlotta na ngayo’y inaayos naman ang kaunting gusot sa mahabang sayang suot niya. “Alam mo bang nakiusap siyang kung maaari ay bantayan daw kita ngayong araw at baka tumakas ka sa kasal. At kung may napansin daw akong kahina-hinala sa iyong kilos ay talian na raw kita bago ka pa makatakbo.”

“Wala naman akong balak tumakas, wala rin naman akong mapupuntahan pa kung sakali,” tanging sagot ni Vahlia na wala pa ring pagbabago sa emosyong nasa mukha niya. Napatigil naman sa pagtawa si Carlotta at malugod na hinarap si Vahlia, “Hindi ko man alam kung ano ang tumatakbo sa isipan o maging ang nagiging suliranin ninyong dalawa, nahihinuha kong tila may pag-aalinlangan ka kay ginoong Mateo.”

“Oo, may pag-aalinlangan nga ako. Pero hindi ko na yata kailangang problemahin pa iyan, sa ayaw at sa gusto ko naman ay ikakasal pa rin ako sa kaniya.”

“Matalik na magkaibigan si Teodoro at ginoong Mateo at halos magkasabayan sila ng aking asawa sa paglaki. Aaminin kong minsan ay nakakainis nga ang mga biro at kalokohan niya ngunit masasabi ko namang isang mabuting tao si ginoong Mateo. Nakikita kong tila hindi mo pa siya tuluyang tinatanggap sa iyong puso, ngunit kung kayo talaga ang talagang nakalaan para sa isa’t isa ay asahan mong mas maraming pagsubok pa ang kailangan niyong lampas an nang magkasama.”

“Paano kung hindi, ate Carlotta?” tanong ni Vahlia, diretso ang tingin sa salaming nasa harapan. “Paano ako makakaahong muli kapag ang katotohanan ay hindi pala kami ang para sa isa’t isa, bakit parang ako lang itong umaasa sa kaniya?”

“Ikaw lang nga ba? Napansin mo ba kung paano siya tumingin sa i'yo na hindi niya magawa sa iba? Napansin mo rin ba ang kakaibang ngiting tanging sa’yo niya lang naibibigay? Sa mga salitang binibitawan niya habang kayo’y magkasama, minsan ba’y naramdaman mo ang pag-aalinlangan sa kaniya sa tuwing binabanggit niya ang mga katagang nagpapahiwatig kung gaano ka niya itinatangi sa lahat ng mga binibining nagdaan sa buhay niya?”

            Saglit na napatigil si Vahlia at bumuntong hininga, magsasalita na sana siya nang biglang nagpatuloy muli si Carlotta, “Gayunpaman, may ilan akong nabasa sa mga liham na ipinadala niya noon kay Teodoro. Ganoon din ang mga usap-usapan mula sa mga kakilala niyang nag-aaral din sa Madrid.”

“Ano iyon?” kunot-noong bumaling ang tingin niya sa katabi.

“Na isang dakilang palikero si ginoong Mateo, marami raw siyang naging kasintahan at kababaihang kasa-kasama sa Madrid. Karamihan ay mga dayuhang binibini, mga Espanyoles,” anas nito sa tenga ni Vahlia na animo’y si Marites na nakasagap ng panibagong chismis.

           Maya-maya pa’y nagbago ang awra sa paligid ni Vahlia, hawig ang isang dragong umuusok ang tenga at ano mang oras ay magbubuga ng apoy!

*****

‘Anak ng tupa! May pa- hayaan mo akong magpaliwanag pa siya! Sa hindi lang naman pala iisa ang Binibining nananatili sa kan'yang puso’t isipan, mas marami pa pala. Napakasinungaling!” hiyaw ni Vahlia sa kan'yang isipan. Lulan ng kalesang napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak, papunta na sila sa simbahan ng Isla Oriente. Sa daan pa lamang ay makikita ang dami ng taong nakaabang sa entrada ng simbahan hindi maaaring pumasok pagkat ang pinahihintulutan lamang ay mga taong may mataas na katayuan sa lipunan.

              Ang iba’y ang kasalang magaganap ang inaabangan, ngunit karamihan ay ang mga pagkaing maiiwan ng mga dumalo ang siyang kanilang habol lalo na’t ang ikakasal ay nagmula sa dalawang mayamang pamilya ng buong bayan. Sinabi na ni Stella ang patungkol dito kung kaya’t maging silang mga tagapagsilbi ay hindi rin maaaring pumasok sa loob ng simbahan.

            Napabuntong hininga na lang ulit si Vahlia sa nakikita, hindi alam kung magpapasalamat na lang ba dahil hindi niya naranasan ang ganitong pag-uuri sa lipunan. Mapapasabi ka na lang ng ‘napaka-unfair ng mundo’. Na siyang patuloy na nangyayari hanggang sa kasalukuyang panahon, hindi magbabago ang mundo dahil nasa tao na mismo ang pagbabago. Sa sariling pagpapasya at galaw.

“Señorita Victoria, puedes salir del carro (maaari na po kayong lumabas ng kalesa).” Isang lalaking posturing-postura ang sumalubong sa kaniya at naglahad ng kamay. Bago ang pagmumukha nito at wala rin siyang maalalang nakita o nakilala niya ito. “Nu prometido está esperando adentro, salga, señorita Victoria (Naghihintay na po ang iyong mapapangasawa sa loob, lumabas ka na, binibining Victoria),” pag-uulit ng lalaki.

            Mapagkakatiwalaan naman siguro ang taong ito kung kaya’t inabot na nga ni Vahlia ang palad nitong nakalahad sa kaniyang harapan at maingat na lumabas ng kalesa. Dahil sa mahaba at maraming mga burluloy na nakasuot sa kan'ya ay naging mabagal ang pagkilos niya, malayo sa dating patalon o patakbong paglalakad niya. Sa wakas! Nagmukha na siyang Binibining mahinhin sa kauna-unahang pagkakataon!

             Kapansin-pansin din ang anim na kalalakihang tulad ng una niyang nakita ay posturang-postura at tila mga guwardiyang nakalinya sa magkabilang gilid ng daanang gawa sa bato patungo sa malaking pintuan ng simbahan. Nang makalagpas na nga sa mga nakahilerang kalalakihan ay bumitaw n asa pagkakahawak ang lalaki.

“Eso es todo lo que tengo, Señorita. Porque Mateo incluso podría matarme cuando me vea sosteniendo tus manos (Hanggang dito na lamang ako, Binibini. Pagkat baka patayin pa ako ni Mateo kapag nakita niyang hinawakan ko nga ang iyong mga kamay),” nakangiting sambit ng lalaki. Hindi naman nakasagot si Vahlia dahil bukod sa kakaiba ang pagngiti ng lalaki ay hindi rin naman niya naiintindihan ang sinabi nito.

             Nang makaharap na ni Vahlia ang kahoy na entrada ng simbahan ay nagsimula na ring tumugtog ang piyano at biyolin mula sa loob ng simbahan kasabay ng pagbubukas ng pinto. Unti-unting inilibot naman ni Vahlia ang paningin sa kabuuan ng simbahang napapalamutian ng iba’t ibang kulay at porma ng gumamela.

             Sa pasilyong may nakalatag na pulang alfombra (carpet), dahan-dahang sumasayad ang puti niyang kasuotan. Nakapatong ang velo nito sa napakagandang pagkakatali ng kaniyang buhok, bahagya itong kinulot at tinirintas nang maluwang bago iniikot sa kaniyang ulo na parang korona. Napapalamutian din ito ng mga maliliit na perlas at kumikinang na mga aguhilya (hair pins).

             Nang maabot na nito ang kalagitnaan ng pasilyo ay naroon sina don Gonzalo at doña Vivian sa kanilang magarang kasuotan, naghihintay sa kanilang anak upang mag-martsa patungo sa harap kung nasaan ngayon si Mateo at kan'yang mga magulang.

“Ngumiti ka naman, Hija. Ngayon ang araw ng iyong kasal,” puna ng señora sa mahinang tono na siya namang sinunod ni Vahlia. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin nga ang sinabi sa kaniya ng ina.

“Binabati kita sa araw ng iyong kasal, Aking Anak,” anas naman ni don Gonzalo suot-suot ang ngiti ng tagumpay.

             Diretso naman ang tingin ni Vahlia sa harapan, kasalukuyang nilalabanan ang mga titig ng ginoong nakasuot ng puting barong at itim na pantalon. Nakangiti ito sa kaniya, kasiyahang nararandaman nito na taliwas naman ng kay Vahlia. Konting-konti na lang ay makakalmot na niya ang nakangising pagmumukha ni Mateo. Konting-konti na lang!

Amiga Carmen, Compadre Lorenzo, enviamos formalmente a nuestra hija a tu unico hijo. Mateo, esperamos tu feliz y buen matrimonio con nuestro hijo (Amiga Carmen, Compadre Lorenzo, amin nang pormal na ipinapaubay ang aming anak sa inyong unico hijo. Mateo, aasahan namin ang inyong masaya at magandang pagsasama ng aming anak),” nakangiting saad ni don Gonzalo at iniabot ang kaliwang palad ng anak sa ginoong mapapangasawa nito.

“No hay problema, solo espero que Matthew cuide bien a su hijo (Walang magiging problema, umasa kayong aalagaang mabuti ni Mateo ang inyong anak),” sagot naman ni don Lorenzo na ngayo’y binigyang daan naman ang kaniyang anak.

“No te preocupes porque cuidaré y amaré a tu hija (Huwag po kayong mag-alala pagkat aalagaan ko po at mamahalin ang inyong anak).” Nagpilit na namang ngumiti si Vahlia nang tanggapin na nito ang palad ni Mateo, mariin niya itong pinisil nang pareho na silang makalayo sa kanilang mga magulang.

“Huwag naman, binibining Victoria. Pati ba naman sa ating kasal ay sinasaktan mo pa rin ako, napakasama mong talaga!” mahinang anas ni Mateo na hindi makatingin kay Vahlia dahil sa tuwing tatangkain nitong lumingon ay mas pinipisil pa nitong lalo ang kaniyang kamay. “I-Ibig sabihin ba nito ay hindi mo na ako bibitawan pa sa pagkahigpit-higpit ng iyong pagkakakapit sa akin?” pagbibiro nito, dahilan upang gamitin na ni Vahlia ang mga kuko niya na siyang ibinabaon niya sa balat ng binata.

            Nagsimula naman ang seremonyas at kasalukuyang nagsasalita na rin ang pari, binitawan na rin siya ni Vahlia at nanatiling tahimik na nakatingin sa pari. Walang planong makinig dahil una sa lahat ay wala siyang maintindihan sa pag-eespanyol nito hanggang sa marinig na lamang niyang nagpalakpakan ang mga tao at muling bumulong sa kan'ya si Mateo, “Humarap ka raw sa akin.”

            Kumunot ang noo nito at tumaas pa ang isang kilay ni Vahlia nang harapin na nga nito si Mateo , muling nagsalita naman ang pari at marahang inabot naman ni Mateo ang kamay ni Vahlia. May pag-aalinlangang hawakan ito sa pangambang muli siya nitong kalmutin, nang mapansin ito ng Binibini ay masunurin naman niyang ibinigay ang kamay. Mukhang oras na siguro para sa marriage vows dahil sa singsing na parehong nasa harapan nila at ang pagsasalita ng pari na sa wakas ay tagalog na.

Ginoong Mateo, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Señorita Victoria Amore Quiñones Esperanza?”

             Nanatiling nakatitig naman si Mateo sa mga mata ng Binibining kaharap na ngayo’y sinasadyang umiiwas, bahagyang ngumisi ang ginoo at humakbang nang mas malapit pa sa kaniya na siyang ikinalaki ng mga mata ni Vahlia. Sinasadya rin ito ni Mateo upang lingunin siya ng Binibini.

“Opo, Padre. Na maging kabiyak ng aking puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin ko siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon.” Isinuot nito sa kamay ni Vahlia ang singsing na napapalamutian ng munting mga ruby at muling sinulyapan ang magiging reaksiyon nito. Bahagyang nakanganga naman habang nakatitig si Vahlia sa singsing na nasa daliri niya at ngayo’y hindi na makatingin kay Mateo.

              Sa mga ngiting nakapinta pa rin sa kaniyang mga labi ay marahang iniangat ni Mateo ang nakayukong ulo ni Vahlia, “Hindi tayo hahantong sa ganito kung tunay nga ang iyong pagdududa sa totoong nararamdaman ko sa iyo, hindi ko alam kung ano ang gayumang ginawa mo sa akin noong una tayong magkita. Sa puntong nasilayan ko ang iyong magagandang mga mata ay hindi ko na magawang lumingon pa sa iba, kakatuwang nang sinaktan mo ako at batuhin ng bato ay hindi ko na alam kung papaano pa lumayo sa iyo. Mahal kita, iyon ang tanging isinisigaw ng aking puso, hindi ako nangangarap na ako’y mahalin mo pabalik ngunit patuloy akong aasa’t maghihintay sa iyong tugon. Hindi ako mapapagod, mi Tigresa.”

                                                               

              Kakaibang kasiyahan ang umusbong kay Vahlia, hindi alam kung iwawaglit na ba ang mga kuro-kuro at pagdududang namuo sa kaniyang isipan. Tila unti-unti nang natatalo ng kaniyang puso ang kaniyang utak sa usaping ito, handa na ba niyang tanggaping buong buo ang isang lalaking imposibleng makasama niya habang buhay? Kahit sa pagkakataong ito lang… pwede bang maniwala ulit siya sa isang fairytale?

“Señorita Victoria, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Señor Mateo Perez Villamarquez?” Sunod naman siyang binalingan ni Padre Narciso na siyang bahagyang ikinalaki na naman ng kan'yang mata. Oh shocks! Wala nga pala siyang inihandang vow!

“O-Opo, Padre,” biglang singit niya ngunit maya-maya pa’y napangiwi dahil sa hindi nga pala niya memorize ang mga salitang dapat sabihin. “A-Ah ano…”

“Na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo ba siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?” pagtutuloy ni Padre Narciso.

             Hindi tulad ng mahigpit na pagkakahawak niya kanina ay naging banayad na ang pagabot nito sa mga kamay ni Mateo, tulad ng dating tingin ay sinalubong nito nang buong giliw ang mga matang bumihag sa kaniya. Ang mala-tsokolateng mga mata nito na siyang pinakamagandang tanawing palaging hinahanap-hanap ng Binibini. Isang ngiti ang pinakawalan niya, ngiting tuluyan nang nagpapahayag ng kan'yang nararamdaman kasabay ng isang pagtango.

“Inaamin kong marami akong pagdududa at mga katanungang bumabagabag sa aking isipan, at hindi ko na alam kung alin ang aking paniniwalaan. Hindi ba’t sinabi ko ng talo na ako… talo na ako dahil sa i'yo na ang bagsak ko. Hindi ko na alam kung papaano umahon pa, siguro ay takot ang siyang humahadlang sa akin. Natatakot akong maiwang mag-isa sa malalim na bangin at malaman ang katotohanang hindi ikaw ang nakalaan para sa akin. Ngunit ano pa man, handa akong iwaglit ang mga iyon sa aking isipan. Ngunit sakaling humakbang ba ako papalapit sa’yo at ipagkatiwala ang lahat, matatanggap mo ba ako kapag nakilala mo ang totoong ako?”

“Bakit naman hindi? Minahal kita dahil sa kung ano ka, at hindi dahil sa kung sino ka at ano ang katayuan mo sa buhay. Mas nauna kitang nakilala bilang isang tigre sa kagubatan at hindi bilang Victoria.”

              Ilang mga patak ng luha ang tumakas mula sa mga mata ni Vahlia, hindi mawaglit ang matamis na ngiti sa kan'yang labi. Marahan naman itong hinaplos ni Mateo sa kan'yang pisngi, “T-Tinatanggap kita, Mateo Villamarquez.” Kasabay ng katagang iyon ay isang halik ang kan'yang natanggap mula sa Ginoo, at sa pagkakataong ito ay hindi na siya ang nagkusa. Marahan niyang ipinikit ang kan'yang mga mata at malugod na tumugon. Bulong mula sa kanilang puso, sundin ang ihip ng tadhana…ang pagbubukas ng bagong kabanata.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diecenueve: Dalawampung taon sa Buhay

    Kasabay ng pagmulat ng kan'yang mga mata ay ang pagsalubong sa kan'ya ng isang napakatamis na ngiti mula sa lalaking isinisigaw ng kan'yang puso. Sa araw na ito ay ganap na nga silang mag-asawa. Pagkalabas nila mula sa simbahan ay sabay-sabay na naghagis ang mga tao ng ilang butil ng bigas, barya at mga talulot ng puting bulaklak. Isang napakasayang kaganapan ng kahit na sinong hahantong sa puntong ito. Sinalubong sila ng mga pagbati at mga bilin mula sa mga bisita, lalo na nang makabalik sila sa hacienda Esperanza kung saan idaraos ang piging. Maririnig ang mga musika at nagbubunying mga taong nagsidalo sa kanila

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinte: Harana

    “Maligayang pagdating, Señora Victoria.” Bahagyang napanganga si Vahlia sa bati ng katiwala, nasa harapan na sila ng tarangkahan. Masisilip ang isang bahay, tulad ito ng mansiyon ng mga Villamarquez. Halos ang lahat sa unang palapag ay yari sa bato at sa pangalawa naman ay sa matibay na kahoy. Sa magkabilang gawi ng pasilyo ay mga tanim na gumamela, lahat ay namumulaklak sa iba’t ibang kulay at disenyo. Malawak rin ang parting nasasakupan ng mga damo. Sa paligid ng bahay ay mga puno ng langka at mga lanzones, pati ang mga ito ay hitik sa bunga. “M-Magandang araw,” bati niya pabalik na nginitian ang dalagitang nagbukas ng tarangkahan para sa kanila. “Nagustuhan mo ba ang ating tirahan?” Napalingon si Vahlia kay Mateo, “B

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinte Uno: Mitya ng Huling Kabanata

    “Isang linggo, Victoria,” paglilinaw ni Mateo kay Vahlia. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Mateo papunta sa Maynila. “Magbabalik ako pagkatapos ng isang linggo.”“Maghihintay ako,” nakangiting sagot naman ni Vahlia habang tinatanaw ang kalesang papalayo sa kan'ya. Lumingon ang asawa nito at kumaway pabalik. Simpleng tumango si Vahlia, pilit na iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam na dumadagundong. Tulad ng kahapon ay tila may kung anong hindi magandang mangyayari, masama ang kan'yang kutob. “Bumalik na po tayo sa loob, Señora. Mahamog pa po rito sa labas,” anyaya ni Karolina. Alas-cuatro pa lamang ng umaga kung kaya’t hindi pa sumisikat ang araw. Sa bawat paghakbang ng kan'yang mga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kan'yang puso sa hindi mawari

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintidos: Brillando Reluciente

    “Mag-iingat po kayo, Señora,” paalala ni Flora. Kasalukuyang nakasakay si Vahlia sa kabayong si Morticia at tutungo sa mansiyon Villamarquez. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Cielo kahapon ay nabanggit nitong mas mainam kung bisitahin din niya ang kanilang tahanan sa ibang araw dahil labis itong magugustuhan ni doña Carmen. Bukod doon ay inanyayahan din siya ni Cielo na mamasyal sa kabisera na siyang pupuntahan nila ngayon. “Babalik din ako maya-maya.” Marahan niyang iginalaw ang tali ni Morticia, dahilan upang mapatakbo ang kabayo. Simple na naman ang kasuotang pinili ni Vahlia, isang kayumangging camisa at saya. Kayumanggi rin ang kan'yang panuelo ngunit mas matingkad ang pagkakakulay nito. Sakay ng itim na kabayo ay nagtungo siya sa kabisera ng Isla Oriente. S

    Huling Na-update : 2021-09-08
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintitres: Liham

    “Hindi ko kailangan ang inyong tulong!” Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia. “Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na s

    Huling Na-update : 2021-09-10
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinticuatro: Pupuntahan

    “At naniwala ka rito?” “Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.” Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?” “Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasa

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinticinco: Milagros

    “Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?” Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi. “Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.

    Huling Na-update : 2021-09-15
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiséis: Babalik

    Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n

    Huling Na-update : 2021-09-20

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status