“Maligayang pagdating, Señora Victoria.”
Bahagyang napanganga si Vahlia sa bati ng katiwala, nasa harapan na sila ng tarangkahan. Masisilip ang isang bahay, tulad ito ng mansiyon ng mga Villamarquez. Halos ang lahat sa unang palapag ay yari sa bato at sa pangalawa naman ay sa matibay na kahoy. Sa magkabilang gawi ng pasilyo ay mga tanim na gumamela, lahat ay namumulaklak sa iba’t ibang kulay at disenyo. Malawak rin ang parting nasasakupan ng mga damo. Sa paligid ng bahay ay mga puno ng langka at mga lanzones, pati ang mga ito ay hitik sa bunga.
“M-Magandang araw,” bati niya pabalik na nginitian ang dalagitang nagbukas ng tarangkahan para sa kanila.
“Nagustuhan mo ba ang ating tirahan?” Napalingon si Vahlia kay Mateo, “Bakit naman hindi? Napakaganda rito, saan mo ninakaw ang bahay na ito?”
“N-Ninakaw? Ninakaw talaga?”
“Bakit? Hindi ba? Baka naman inutang mo?” pagbibiro ni Vahlia na siya namang inis na nilingon ni Mateo. “S-Sandali, umirap ka ba?”
“Hindi naman.” Nag-iwas siya ng tingin at pinausad ang kabayo, iniwan nito ang Binibining batid niyang hahagalpak ng tawa ano mang oras mula ngayon. “Umirap ka, huwag mo nang itanggi pa pagkat kitang-kita ko iyon.” Hinabol niya ito hanggang sa bumaba si Mateo mula sa kabayo.
“Hindi nga, baka ika’y namamalik-mata lamang. Pumasok ka na,” muling sulyap ni Mateo sa kaniya.
“Umirap ka na muna, hindi ako susunod sa i'yo kapag hindi ka umirap,” pagmamatigas ni Vahlia. Kumurap-kurap naman si Mateo habang isinisilid sa bulsa ang dalawang kamay nito, walang ano-ano’y naglakad ito papalapit sa babaeng nakasakay pa rin sa kabayo at hinablot ito pababa na animo’y isa lang siyang sako ng mais para sa lalaki.
“A-Anak ng—madaya ka ah! Ibaba mo ako, Mateo. Hindi ito patas! Ibaba mo ako!” pagpupumiglas ni Vahlia habang nakasampa sa balikat ng lalaki. Naglalakad ito papasok sa kanilang tahanan nang bigla niya itong ibagsak sa malawak na settee (malawak at mahabang upuan na may foam, kahawig ng modern day sofa).
“Hindi nga kasi ako umirap,” seryosong sambit ni Mateo habang unti-unting pumapaibabaw sa kaniya.
“M-May sinabi ba ako? Wala naman ah.” Tumatagilid ang ulo ni Vahlia at pilit na iniiwasan ang mga mata ni Mateo. Mahigpit na nakahawak naman sa mga balikat nito ang mga kamay ni Vahlia, pinipigilang mangyari ang hindi dapat mangyari. “Sige lumapit ka pa at iba na ang sasalubong sa’yo,” banta nito na hindi pa rin makatingin sa kaniya.
“Ah ganoon ba, tumingin ka muna sa aking mga mata nang sa gayon ay hindi ko na itutuloy pa ang aking binabalak,” nakangising kondisyon ni Mateo at mas inilapit pa ang mukha sa harapan ni Vahlia. Ilang sentimetro na lang ay mag-aalign na ang tungki ng kanilang ilong! Konting-konti na lang!
“Bakit ba ayaw mo akong tignan? Ikaw naman ang bahala, hahalikan kita sa pagbilang ng isa… dalawa…”
“Heto na.” Agad-agad ay lumingon nga si Vahlia at sinalubong ang tsokolateng mga mata ng nilalang na nasa kan'yang harapan. Ngunit sundin man niya ang sinabi nito o hindi ay maglalapat at maglalapat pa rin naman ang kanilang mga labi. “Huli ka, Tigre.”
Sa ginawang iyon ni Mateo agad na kinurot ni Vahlia ang kili-kili nito, dahilan upang mapabitaw sa pagkakahalik sa kaniya ang lalaki. “Aray! Kahit kailan talaga, Victoria. Palagi mo akong sinasaktan, napakasama ng iyong kamay. Napapaisip na lamang ako kung tunay nga bang—”
“Anong gusto mong gawin ko kung ganoon?” nakangising tanong ni Vahlia at itinulak pahiga ang asawa. Sa gulat ay hindi naman nakapagsalita o nakasagot man lang si Mateo, nanatiling nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Vahlia at sa susunod niyang gagawin.
“Sinabi mong igagalang mo ako, hindi ba?” Dahan-dahang pumapaibabaw sa kaniya ang babae at inilapit pa ang mukha nito. “Ngunit tila yata nakalilimot ka na!” Sa bilis ng kan'yang kamay ay mahigpit niyang pinisil ang ilong nito at dahan-dahang pinapatayo mula sa pagkakahiga.
“A-Aray! Patawarin mo na ako, masakit! Aray! Saan mo ako dadalhin? Aray! Bitawan mo na ako,” sunod-sunod na daing ni Mateo lalo na nang hilahin siya ng asawa patungo sa hagdanang pataas sa ikalawang palapag. “Mananatili tayong ganito hanggang sa lumubog ang araw sa silangan!”
“A-Anong—alas diez pa lamang ng umaga, Victoria!”
*****
“Wala pa ba si Mateo?” tanong ni Vahlia kay manang Delia, isa sa mga tagapagsilbi sa mansion ng kan'yang asawa.
“Naku, wala pa po, Señora Victoria. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo?”
“Hindi nga po, manang Delia eh.”
Alas-seis na ng hapon at nakapagtatakang wala na si Mateo sa kanilang silid nang magising siya mula sa siesta. Hindi na niya ito pinansin dahil baka may kinakailangan lamang itong puntahan. Kung kaya’t tumulong na lamang siya sa paglilinis ng buong bahay at paghahanda ng magiging hapunan nilang lahat pati na rin ang mga tagapagsilbi.
Nakilala niya si manang Delia at ang pamangkin nitong ni Rosa, pito ang tagapagsilbi sa buong mansiyon ngunit ang apat sa mga ito’y umuuwi kung kaya’t tatlo ang naiiwan na siyang kasama niya ngayon sa paghahanda ng hapunan, kabilang na rito sina manang Delia, Flora at Karolina.
“Señora! Señora!” tumitiling tawag ni Karolina sa kaniya galing sa labas ng kusina.
“Karolina, ano’t tila nagmamadali ka? Bakit ngiting-ngiti ka na rin?” nagtatakang tanong ni manang Delia. Napahawak siya sa kan'yang dibdib habang hingal na hingal na nakangiti, “K-Kasi po ay na-naroroon sa labas ang mga kaibigan ni ginoong Mateo, may dala po silang gitara at napakadisente rin po ang ayos nila. Mukhang haharanahin kayo, Señora!”
Labis-labis ang tili ni Karolina at maging si manang Delia ay hindi na rin maiwasang mapangiti. Kahit na anong pigil naman ni Vahlia ay kusang lumalabas ang mga ngiti niya. Maya-maya pa’y tumatakbo na rin papalapit si Flora, tulad ni Karolina ay napapatili na rin ito. “Señora! Naririyan na po sa labas si señor Mateo.”
Hinigit siya ng dalawang dalagita papalapit sa azotea kung saan sa ibaba nga nito’y naroon ang mga binatang binansagang walong agila, si Mateo at ang pito pang mga kaibigan nito.
“Huwag na muna, señora Victoria. Hayaan mo muna silang matapos kumanta,” pigil ni manang Delia nang akmang sisilip na sa labas si Vahlia.
“Mapanglaw na gabing hindi inaasahan Sa unang sulyap, ako'y nahumaling, at ayaw ko ng bitawan
Sigaw ng damdamin, bawat tibok ng puso ko'y ikaw Hindi maikubli, Hindi na mapigil ang paghiyaw
Sa malapita'y ika'y tanaw na tanaw Bawat oras na nagdaraan, tanging ikaw ang hanap-hanap”
Sa pagtugtog ng gitara ay wala sa sariling napangiti si Vahlia, hindi niya inakalang maganda pala ang boses ni Mateo. Napakalinis ng pagkakakanta nito na maya’t maya ay nagiging background vocals nito ang mga kaibigang tumutugtog ng gitara at ang iba naman ay sumasayaw pa.
‘Kung nabuhay kaya ang mga ito sa modernong panahon ay maaari na ba silang matawag na F4×2?’ biro nito sa sarili na maging siya rin ay hindi natawa sa biro niya.
“Sa'yo ko lang nadama ang pag-ibig na walang kahirap-hirap Madali kang mahalin, madali kang iharap dahil ikaw ang aking pinapangarap
Sa puntong nasilayan ko ang iyong nakabibighaning mga mata, ay hindi ko na magawang lumingon pa sa iba
Mahal kita, katagang paulit-ulit na babanggitin ng aking puso, Aking Sinta Sana kung iyong mararapatin,
Panibagong kabanatang ating sisimulan at gagawin, Kuwento nating dalawa ang siyang mailalathala
Kuwentong tayo ang bida, sa pag-iibigang walang kapantay, at pangamba”
Isang pader ang pagitan nila at hindi man magkaharap ay magkatulad ang dahilan ng kanilang pagngiti. Ngiting hindi mapigilan dulot ng kakaibang pakiramdam sa kan'yang puso. ‘Anak ng pating! Ganito pala feeling ng nahaharana? Baka naman pwedeng take two pa?’
“Señora, lalabas na po ba kayo?” impit na pagtili ni Karolina, marahil ay mas kinikilig pa nga siya sa paraan ng patili-tili at igik niya. Sumulyap naman si Vahlia kay manang Delia upang manghingi ng permiso, nakangiting tumango naman ito sa kaniya.
Tatlong hakbang at limang kembot bago tuluyang lumantad ang kabuuan ni Vahlia mula sa azotea. Mas lumawak pa ang ngiti ni Mateo at agad na ibinaba ang hawak na gitara, “Nagustuhan mo ba?” pasigaw na tanong nito sa taas ng azotea mula sa harding kinatatayuan nila.
“Oo na sana ngunit may kulang pa,” sigaw naman ni Vahlia pabalik.
“At ano naman iyon?” kunot-noong tanong niya.
“Bubuhusan pa sana kita ng ihi kaya lang sayang naman ang porma ni'yo kaya’t huwag na muna. Pumasok na lamang kayo’t lalamig na ang pagkain,”
Natahimik naman ang mga kasama ni Mateo sa sinabing iyon ng asawa nito, napansin naman iyon ni Vahlia kung kaya’t ngumiti siya sa pinakamabait na hitsura niya. “Nagbibiro lamang ako, pumasok na kayo. Katatapos lang namin magluto ng menudo, kumain na tayo.”
Maging sa hapag kainan ay tahimik ang lahat, tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig hanggang sa basagin ni Vahlia ang makapangyarihang katahimikan. “Saan nga pala kayo nagkakilalang magkakaibigan? Pakiusap, hindi naman ako nangangain ng tao. Malaya kayong magsalita sa aking harapan.”
“Iyon naman pala, ako ang pinakaguwapo sa aming lahat, Casimiro Rubio ang aking ngalan. Naging kaibigan ko si Mateo sa Madrid, tulad ko’y kagagaling din niya sa bahay-aliwan nang gabing iyon.”
Napanganga na lamang si Mateo sa kuwento ng kaibigan nito, aangal na sana siya nang sumingit naman ang isa pa niyang kaibigang payat. “Aliasar Vicario, sa bahay-aliwan ko rin nakilala ang iyong asawa. Nagagalak akong makausap ka nang ganito, Señorita Victoria. At kapag pinagsawaan mo na itong aking kaibigan ay naririto lamang ako, handang palitan ang talunang aking kaharap ngayon.” Kumindat pa ito na siyang nilakihan ng mata ni Mateo na animo’y sinasabihang, ‘Sige subukan mo’t ibabaon ko ang libo-libong butil ng bigas sa iyong mga mata, Aliasar.’
“Sige ba, iwan mo ang iyong tirahan at nang mapadalhan kita ng sulat kung sakali,” pakikisakay naman ni Vahlia sa ibig mangyari ni Aliasar. Ang makita kung papaano manibugho ang isang Mateo Perez Villamarquez.
“Adriano Cercadilla, ang pangalawang agila. Nagagalak din akong makilala ka, señora Victoria,” pakilala ng isa sa kanilang katamtaman ang tangkad at may bughaw na mga mata. Nginitian naman ito ni Vahlia, “Napakaganda ng iyong mga mata, ginoong Adriano.”
“At ako? Hindi ba?” singit ni Mateo ngunit hindi siya pinansin ng Asawa, nanatiling nakatuon ang tingin sa kaibigang may naiibang mga mata sa kanilang walo. Taas-noong ngumisi naman si Adriano na para bang ipinagmamalaki ang papuring natanggap.
“Felippe Fagundez, ikinararangal kong makaharap at makausap ang isang napakagandang Dilag. Nakilala ko naman si Mateo sa loob ng silid-aklatan ng aming dormitory sa Madrid, kasa-kasama niya si binibining Concha. Ang anak ng aming propesor.” Sunod namang nagsalita ang lalaking may balbas.
“Ibig mo bang sabihin ay naroroon silang dalawa?”
“Ganoon na nga,” tumatawang sagot nito nang mapansing napapahilamos na lamang ng mukha ang kaibigan nilang si Mateo sa kan'yang upuan.
“Sa isang bilihan ng alak ko naman nakadaupang-palad si Mateo, Desiderio Vega nga pala.”
“Eusequio Mejia, kasama niya ako sa kuwadra ni doña Cercilla. Tuwing tagsibol ay naggagatas kami ng baka.”
“Sigurado bang baka ang siyang ginagatasan niya?” Napapangising tanong naman ni Vahlia habang pinaglalaruan ang tinidor na hawak niya.
“Mabait naman ang aming kaibigan, ngunit kadalasa’y kapilyohan ang siyang namumutawi sa buo niyang pagkatao.” Sumingit naman ang isa pa nilang kaibigang nasa pinakadulo. Mayroon siyang kakaibang kulay ng buhok, bahagyang pula at kayumanggi ito. “Diego Alfarro nga pala, nagkakilala kami ni Mateo nang magtungo siya ngcasa de la Cerveza (beerhouse) na pag-aari ng aking pamilya.”
Napuno ng kuwentuhan at tawanan ang comedor (silid-kainan) na halos abutin na ng tatlong oras sa dinami-rami ng paksang kanilang binuksan at pinag-usapan. Alas-nueve na nang lisanin ng mga kaibigan ni Mateo ang mansiyon. Naiwan sa kusina si Vahlia kasama si manang Delia, nauna naman sa kanilang silid si Mateo.
“Oh, Hija? Pumanhik ka na’t naghihintay na ang iyong asawa sa inyong silid,” puna ng Mayor doma nang makitang tulalang nakatayo lang sa isang sulok si Vahlia. nilingon naman siya nito ni Vahlia at ilang ulit na umiling.
“Ha? Bakit naman?”
Hindi sumagot si Vahlia at tanging iling na naman ang naging tugon. “Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman, Hija. Ngunit wala kang ibang pagpipilian kung hindi ang samahan siya sa gabing ito,” Napapabuntong-hiningang paliwanag ni manang Delia na marahang hinihila paitaas si Vahlia.
“Oh siya, pumasok ka na, Hija,” nakangiting utos ni manang Delia nang marating na nila ang harapan ng pintuan ng kanilang silid. Dahan-dahan naman inabot ni Vahlia ang busol (doorknob), ngunit bago pihitin ay lumingon na naman siya kay manang Delia. Tumango’t ngumiti naman ito pabalik. Huminga naman siya ng malalim at lakas-loob na binuksan ang pinto.
Ngunit agad siyang napapikit nang maabutan ang asawang tanging pantalon lang ang suot at basa rin ang buhok nito. “Bakit hindi ka nagsabing maliligo ka pala? Gabing-gabi na ah,” tanong nito habang nakapikit pa rin ang mga mata.
“Bakit? Kailangan ko pa bang ipaalam sa’yo?” nakangising sagot naman ni Mateo habang inaabot ang isang camisa mula sa loob ng aparador. Maya-maya pa’y nagmulat na rin si Vahlia nang marinig ang papalapit na yabag ng mga paa at sa hindi inaasahan ay isang dangkal na naman ang pagitan ng kanilang mga mukha!
“A-Ano na namang—”
Dagliang binuhat siya nito at inilapag sa higaan, nananatili ang titig kay Vahlia. “Naniniwala ka ba sa mga paratang nina Casimiro at Aliasar sa akin?” Sumeryoso ang mukha ni Mateo habang nakaibabaw sa kaniya.
“O-Oo? Ngunit—” Natigil si Vahlia sa dapat sanang sabihin nang lumingon palayo ang kaharap. “Eh? Nagtatampo ka ba?” puna nito sa asawa at tinapik ang pisngi.
“Kung sinabi ko bang ‘oo’, susuyuin mo ba ako?” nakangusong tugon ni Mateo, hindi pa rin ibinabalik ang tingin sa kaniya.
“Hindi, wala naman akong alam sa pagsuyo.”
Nakangiwing nilingon siya pabalik ni Mateo, “Kahit kailan talaga’y hindi ka marunong umalembong.”
“Anong umalembong?” kunot-noong tanong ni Vahlia sa panibagong salitang narinig.
“Kalimutan mo na lamang ang aking sinabi,” napangisi si Mateo at inilapit pa ang kan'yang mukha kay Vahlia. Maya-maya pa’y umikot ang mga mata ni Vahlia nang mapagtanto nito ang ibig na sabihin nito. Ngumiti siya at marahang hinila papalapit ang mukha nito, isang halik ang iginawad nito sa asawang hindi na naman nakakurap sa biglaang asal ni Vahlia.
“Okay na? Napakadami mo pang arte. Nga pala, para saan ang harana mong iyon kanina?” Tumagilid siya ng higa kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Mateo sa kan'yang tabi. “Bakit? Hindi ba maganda ang aking boses?”
“Maganda naman, ngunit para saan nga iyon?” Itinaas nito ang kanang braso at ginawang unan gaya ng ginawa ni Mateo. Maya-maya pa’y gumapang ang kamay ni Mateo sa beywang ni Vahlia at hinatak ang asawa papalapit sa kaniya. “Naisip ko kasing ang lahat ay naging mabilis, mula sa pagkikita hanggang sa kasal. Nais kong maranasan mo ang mga bagay na hindi ko nagawa sa iyo tulad ng panghaharana at panliligaw, sana’y hindi pa huli ang lahat para maparamdam ko sa iyo kung gaano kita pinahahalagahan. Ni hindi nga yata ako naghirap noon upang tuluyang masungkit ang iyong matamis na oo.”
Isang simpleng ngiti ang itinugon ni Vahlia sa Asawa. Oo nga naman, hindi nga siya naghirap. Ngunit ang pakiramdam ng hinaharana at nililigawan ay hindi nga niya naranasan, alam niyang ibang-iba ang paraan ng panliligaw sa panahong ito kumpara sa taong pinanggalingan niya. Mas nakikita ang pagsisikap at kagustuhan ng isang ginoo para sa isang binibining kan'yang iniirog, na talagang paghihirapan mo pa bago mo makamtan ang napakatamis na ‘oo’ mula sa nililigawan at siyempre, pati na rin sa mga magulang nito.
“Bukas nga pala’y magtutungo ako sa Maynila, aking aasikasuhin na ang mga papeles at gawain upang ganap ko nang makuha ang aking certifico bilang isang arkitekto,” saad ni Mateo na siyang ikinatigil ni Vahlia at nanatiling nakatitig lamang sa kaniya. Kasabay niyon ay isang kakaibang pakiramdam ang umusbong mula sa kaniya, bumilis ang tibok ng kan'yang puso na animo’y kagagaling sa isang karera. Tila ba may isang hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw.
Nagpapasalamat din ako sa pag-edit ni kuya S***e sa lirikong nagamit sa panghaharana! Sisikapin kong ituloy ang pag-update hanggang sa kalahati muna, huehue Kasi naman... malapit ang September the 13th, lams niyo na yun hehe Favor nga pala, baka naman.... pa-vote naman nitong akdang ito gamit ang gems... Maraming salamat!
“Isang linggo, Victoria,” paglilinaw ni Mateo kay Vahlia. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Mateo papunta sa Maynila. “Magbabalik ako pagkatapos ng isang linggo.”“Maghihintay ako,” nakangiting sagot naman ni Vahlia habang tinatanaw ang kalesang papalayo sa kan'ya. Lumingon ang asawa nito at kumaway pabalik. Simpleng tumango si Vahlia, pilit na iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam na dumadagundong. Tulad ng kahapon ay tila may kung anong hindi magandang mangyayari, masama ang kan'yang kutob. “Bumalik na po tayo sa loob, Señora. Mahamog pa po rito sa labas,” anyaya ni Karolina. Alas-cuatro pa lamang ng umaga kung kaya’t hindi pa sumisikat ang araw. Sa bawat paghakbang ng kan'yang mga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kan'yang puso sa hindi mawari
“Mag-iingat po kayo, Señora,” paalala ni Flora. Kasalukuyang nakasakay si Vahlia sa kabayong si Morticia at tutungo sa mansiyon Villamarquez. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Cielo kahapon ay nabanggit nitong mas mainam kung bisitahin din niya ang kanilang tahanan sa ibang araw dahil labis itong magugustuhan ni doña Carmen. Bukod doon ay inanyayahan din siya ni Cielo na mamasyal sa kabisera na siyang pupuntahan nila ngayon. “Babalik din ako maya-maya.” Marahan niyang iginalaw ang tali ni Morticia, dahilan upang mapatakbo ang kabayo. Simple na naman ang kasuotang pinili ni Vahlia, isang kayumangging camisa at saya. Kayumanggi rin ang kan'yang panuelo ngunit mas matingkad ang pagkakakulay nito. Sakay ng itim na kabayo ay nagtungo siya sa kabisera ng Isla Oriente. S
“Hindi ko kailangan ang inyong tulong!” Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia. “Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na s
“At naniwala ka rito?” “Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.” Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?” “Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasa
“Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?” Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi. “Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.
Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n
“Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”
“Señora, kanina pa po kayo naririto sa labas. Tila may malalim po kayong iniisip.” Kababalik pa lamang niya mula sa mansiyon Esperanza, ngunit magmula kaninang tanghalian ay nananatili pa rin siyang nakaupo sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga palumpong ng gumamela. Gaya ng dati ay tambak ang mga libro sa kan'yang tabi, ngunit hindi naman niya ito binabasa. “Hindi naman ito masiyadong mahalaga, Karolina. Bumalik ka na sa loob,” ngiti ni Vahlia sa babaeng tagapagsilbi. Ganoon pa rin ang mga ngiting nasa kan'yang labi, hindi pilit ngunit hindi rin kusa. Bakas sa kan'yang mga mata ang lumbay at pagkalito, ang kakaibang kalungkutang nasasalamin ng kung sinong tititig nang diretso sa kaniya.
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit