“Mag-iingat po kayo, Señora,” paalala ni Flora. Kasalukuyang nakasakay si Vahlia sa kabayong si Morticia at tutungo sa mansiyon Villamarquez. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Cielo kahapon ay nabanggit nitong mas mainam kung bisitahin din niya ang kanilang tahanan sa ibang araw dahil labis itong magugustuhan ni doña Carmen. Bukod doon ay inanyayahan din siya ni Cielo na mamasyal sa kabisera na siyang pupuntahan nila ngayon.
“Babalik din ako maya-maya.” Marahan niyang iginalaw ang tali ni Morticia, dahilan upang mapatakbo ang kabayo. Simple na naman ang kasuotang pinili ni Vahlia, isang kayumangging camisa at saya. Kayumanggi rin ang kan'yang panuelo ngunit mas matingkad ang pagkakakulay nito. Sakay ng itim na kabayo ay nagtungo siya sa kabisera ng Isla Oriente.
Sumalubong ang maingay na palengke at mga abalang tao sa kani-kan'yang gawain. Sa isang tindahan ng mga alahas ang nasabing lugar ni Cielo kung saan sila magkikita, may nakasabit na karatulang ‘Brillando Reluciente’. Halos lumuwa naman ang mga mata ni Vahlia sa kakamulat kung saan banda ang nasabing lugar. Sa bandang kaliwa ay halos mga tindahan ng mga prutas at gulay ang nakahilera, sa pinakadulo ay mahihinuhang mga karne at sariwang isda naman. Sa kanan ay mga patahian, tindahan ng mga gamit at mga bagay na iniangkat mula pa sa ibang bansa.
“So, you’re late, missus Victoria Villamarquez?” tinig na mula sa bandang kaliwa ng kabayong sinasakyan ni Vahlia. Hindi nito agad napansin ang paglapit ng batang babaeng iyon dahil sa nakatuon ang tingin niya sa bawat tindahang naroon.
“It’s you again, nagagalak akong makita kang muli. Guadalupe ang iyong ngalan, hindi ba?” Bumaba si Vahlia mula sa kabayo at lumuhod upang makapantay niya ang isa pang Hipag, si Guadalupe Villamarquez. Isa pa itong malditang tulad ng ate niyang si Cielo.
“Mabuti naman at alam mo, napakiusapan ko na si tío Carpulo. Maaari mo nang iwanan ang iyong kabayo sa likuran ng kan'yang tindahan.”
Napapailing namang iginiya ni Vahlia si Morticia sa likuran ng isang tindahan ng mga porcelana at paso. Kahit naman magkaparehas silang maldita ni Cielo ay mabait pa rin naman, ngunit ang isang ito’y tila ipinipilit suotin ang maskara ng pagiging mataray.
“Maaari mo bang ituro sa akin ang kinaroroonan ng iyong kapatid, Guadalupe?”
“Kahit hindi mo naman po sabihin iyan ay talagang ituturo ko, pipingutin ako ni tandang Cielo kapag hindi ko ginawa,” nakasimangot na anas ni Guadalupe at nanguna sa paglalakad.
Wala pala ang tindahang iyon sa mga nakahilera dahil ito’y tila nakatago, ang Brillando Reluciente ay nasa likuran ng pinakamalaking tindahan ng mga aparador at mga muebles. Nang matuntong nila ito ay namangha si Vahlia sa istruktura ng tindahang iyon, halos lahat ay gawa sa marmol at masasabing talagang napakayaman ng may-ari.
“Mauna na po kayong pumasok, ate Victoria,” biglang saad ni Guadalupe with matching matamis na ngiti pa!
Sa paghakbang palang ni Vahlia ay maririnig na niya ang pamilyar na nakakairitang pagtawa mula sa isang hindi inaasahang tao, “Te lo digo, Cielo. Te arrepentirás de haber confiado en esa mujer. ¿Por qué si no sería la esposa de tu hermano? (Sinasabi ko sa iyo, Cielo. Magsisisi kang nagtiwala ka sa babaeng iyon. Kung bakit pa kasi siya ang naging asawa ng iyong kapatid).”
“No parece así con su hábito, supongo que ella es amable, Dulce (Tila hindi naman ganoon kasama ang kanilang ugali, mabait siya sa aking hinuha, Dulce).”
Pag-uusap ng dalawang babae habang papalapit nang papalapit na siya sa mismong tanggapan ng tindahan. Kamangha-mangha ang mga alahas at mga hiyas na nakapalibot sa entrada pa lamang ng Brillando Reluciente. Kumikinang at kumikislap ito at talagang ginawa’t hinulma nang puno ng ingat at dedikasyon.
“Oh? Nandito na pala siya,” nakangising pansin ng isang Binibining nakasuot ng napakagandang bestidang kulay lila. Napakaraming alahas ang kumikinang sa kan'yang leeg, tainga at mga braso. Makikita ang karangyaang taglay at siguradong nabibilang sa alta sociedad.
“Nandito ka rin pala, nakakagulat ka.” Nagkunwaring gulat na gulat at nilakihan pa ni Vahlia ang kan'yang mga mata nang tuluyan na ngang makaharap ang tanyag na anak ng Gobernadorcillo, si Dulce Gonzales.
Unang tingin pa lang ay namumukhaan na niyang ang babaeng ito ang makailan nang nagpumilit dumikit at iangkla ang mga kamay kay Mateo nitong mga nakaraang araw at buwan. Una ay noong magkita sila sa Calle Oruga dito rin sa kabisera, pangalawa ay noong kaarawan nila at hinila nito si Mateo patungo sa bulwagan ng mansiyon upang magsayaw.
“Huwag mo akong kausapin pagkat kumukulo ang aking dugo sa tuwing naririnig ko ang nakakairitang boses mo,” mataray na sabi ni Dulce at napairap-irap na rin. Ikinumpas nito ang pamaypay na gawa sa magagandang pakpak ng isang paboreal (turkey) at naglakad papalayo.
“Hindi ko inaasahang naririto ang tukong iyon, Cielo. Inimbita mo ba siya?” tanong ni Vahlia kay Cielo na ngayo’y pinaglalaruan ang isang kuwintas na may hugis ng isang palasong pandigma.
“Hindi naman, nagkasalubong lamang kami nang makapasok na ako rito sa lugar ng aming pinsan, nga pala… ¡Kael! La esposa de Matthew está aquí, quieres conocerla, ¿no (Kael! Narito na ang asawa ni Mateo, nais mo siyang makilala, Hindi ba)?” tawag nito at lumingon sa bandang likuran ng marmol na lamesang paikot. Sa tambak ng ilang mga nakahilerang libro at mga kahon ng alahas ay lumabas mula sa lungga ang isang lalaking nakasuot ng kremang abrigo at malinis na puting pang-itaas.
“Oh? Siya na ba?” nakangising tanong niya habang nakatitig sa kaharap niyang si Vahlia. Nang-aakit ang mga sulyap nito, idagdag mo pa ang pagkindat nito nang magtama ang kanilang paningin. May ilan silang pagkakatulad ni Mateo at iyon ay ang kanilang mga mata, parehong kulay na kung tatakpan mo ang kan'yang mukha pwera ang mata ay mapagkakamalan mong si Mateo.
“Magandang araw, Señora Villamarquez. Natutuwa akong makita kang muli,” makahulugang sambit nito. Kumunot naman ang noo ni Vahlia at nagpalabas ng munting ngiti, “Muli? Hindi pa naman tayo nagkikita noon ah. Anong ibig mong sabihin?”
“Ahhh, binibiro lamang kita. Ano nga palang sadya ninyo ni Cielo at dito ni'yo napagkasunduang magkita?”
“Kael Santiago, hindi pa ba halata? Simpleng dahilan, bakit ba nagpupunta ang mga tao rito sa iyong tindahan?” patanong na sagot ni Cielo habang nakataas ang kilay at nananatiling nilalaro ang kuwintas na palaso.
“Siyempre para makita’t masulyapan ang angkin kong kaguwapuhan,” mayabang na tugon ng lalaki at napasuklay pa sa buhok gamit ang kamay. Kumindat ulit siya at ngumiti nang buong galak na animo’y lahat ng tao’y nakatutok sa kaniya. My gosh! Heto na ba ang killer smile ng sinaunang panahon?
“Napakalaki naman yata ng tiwala mo sa iyong sarili, Kael?” nanunuyang sambit ni Cielo at hinila papalayo ang hipag. Dumiretso sila sa isang estante ng mga pulseras at tinignan ang iba’t ibang kulay at disenyong nakalilok sa mga ito.
“Mamili ka na lamang sa mga ito, Victoria. May gagawin lang ako,” paalam ni Cielo bago maglakad papalayo mula sa estante at tumungo palabas ng tindahan. ‘At bakit niya pa ako inimbitang sumama rito kung wala naman pala kaming pag-uusapan?’
“Destino de hecho (Kapalaran ngang talaga).” Akmang kukunin ni Vahlia ang isang bughaw na pulseras ay isang boses ang sumulpot kasabay ng pag-agaw nito sa alahas na dapat sana’y kukunin niya. Namuo ang ngisi sa kan'yang labi nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon.
“Naririto ka pa pala, binibining Dulce. May sasabihin ka ba?”
“Wala naman, nais lamang kitang kamustahin sa inyong bagong buhay,” nakangiting tugon ni Dulce at isinabay pa ang pagpapa-ikot ng asul na pulseras sa kan'yang kamay.
“Maayos naman,” simpleng sagot ni Vahlia.
“Mabuti kung ganoon, mas mainam ngang tamasahin mo ang karangyaang taglay mo ngayon nang sa gayo’y hindi ka manghinayang sakaling mapunta sa akin ang lahat ng sa iyo.”
Tumikwas naman ang ulo ni Vahlia dala ang ngiti niyang nang-iinis, nilingon nito ang babaeng nakatayo sa kan'yang tabi at walang ano-ano’y tinaasan ng kilay. “Kung hanggang ngayo’y naghahabol ka pa rink ay Mateo, huwag kang mag-alala dahil hindi kita pagbabawalan. Papayagan kitang sundan siya o kahit akitin mo pa, ano pa man ang gawin mo’y hindi mo na mababago pa ang mga nangyari.”
Itinaas nito ang kaliwang kamay niya at sandaling sinulyapan ang singsing na naroon bago ibinalik ang tingin kay Dulce na ngayo’y unti-unti nang napapawi ang pekeng ngiti at napapalitan ng pagtatagis ng kan'yang bagang.
“Ang patunay ay narito, kahit na akitin mo pa siyang matulog sa iyong tabi’y wala akong magiging problema. Sa mata ng lahat, ako ang kan'yang asawa at ikaw ang mababansagang kerida,” nakangising dagdag ni Vahlia bago hablutin pabalik ang bughaw na pulseras sa isang kamay ni Dulce. Tila mga ulap ang disenyo nito sa puti at bughaw na kulay.
Lumipat naman siya sa isang estante kung saan nakalatag naman ang mga kuwintas. Agad namang kinuha ng isang bituing palawit ang atensiyon ni Vahlia, sa paligid nito ay simpleng kulay itim, black tourmaline marahil ang ginamit rito. Walo ang sinag nito na maihahambing sa octagram. Sa pinakagitna ay apat na kumikinang na mga bato, white sapphire.
“Talagang sinasagad mo ang aking pasiyensiya sa tuwing nagkikita tayo, alam mo bang sa tuwing naririnig ko lamang ang iyong ngalan ay nanaisin ko pang ilublob ang aking mukha sa—”
“Kumukulong tubig? Aba, napakagandang ideya nga iyan. Sasabihan ko na lamang ang ibang tao upang palagiang banggitin ang aking pangalan sa tuwing makikita nila ang isang Dulce Gonzales.”
Patuloy na naglakad si Vahlia sa panibagong estante ng mga hikaw. Ang kakaibang disenyo ng isa sa mga berdeng hikaw sa pinakadulo ng estante. Napapalibutan ito ng mga maliliit na tipak ng malinis at purong puting bato, kilala hiyas na ito sa tawag na white Agate. Sa pinakagitna ay ang kuwadradong piraso naman ng berdeng bato, emerald agate.
“Bakit nga ba ikaw pa? Nakapagtatakang ikaw pa ang pinakasalan ni Mateo gayong mas maraming kababaihan ang mas nakahihigit pa sa iyo,” dagdag ni Dulce habang sinusundan na naman si Vahlia sa estante ng mga kumikinang na singsing.
“Siguro’y ako’y sapat na para sa kaniya, marami ngang nakahihigit ngunit ako ang tumapat sa kan'yang kagustuhan.” Pinulot ni Vahlia ang isang singsing na parisukat, matingkad ang kulay pagkakakulay nito sa lila. Napaelegante lalo na’t isang ginang ang binabalak niyang pagbigyan nito.
“Napakarami mong rason, mag-ingat ka at baka hindi na siya muli pang bumalik sa iyo. Marami siyang kasintahang nagkalat sa Maynila, iyong katakutan kung sakaling nagkatotoo ang aking mga sinasabi sa iyo,” anas ni Dulce habang nakataas ang isang kilay at iwang nakatulala si Vahlia. Nanatiling nakatitig sa napakalinaw na batong nasa alahas na iyon, hanggang sa makita na niya ang kan'yang repleksiyon.
“Ate Cielo!!!”
Nabalik sa ulirat si Vahlia mula sa pagkakatitig sa lilang Kristal nang dahil sa sigaw na iyon. Nababatid niyang galing iyon kay Guadalupe kung kaya’t agad siyang naglakad papunta sa marmol na lamesa na nagsisilbing tanggapan ng tindahan, binayaran niya ang apat na alahas at nagmadaling umalis.
“Ate Victoria,” naiiyak na salubong ni Guadalupe. Nakatayo sa tapat ng isang punong-kahoy at tila hindi makagalaw, sa tabi naman niya ay kapwa niya bata na pareho niya’y kinakabahan na rin at animo’y may masamang nangyari sa kanila.
“Guadalupe? Bakit? Anong nangyari sa iyo?” Kumunot ang noon i Vahlia at mas binilisan pa ang paglalakad papalapit sa kanila.
“M-Mamamatay na po ako, ate Victoria.” Tumulo ang ilan sa mga luha niya na pilit niyang pinahihinto gamit ang mga kamay niyang inihaharang niya sa mukha. Dahil doon ay biglang sumiklab ang kaba kay Vahlia kung kaya’t marahas niyang nilingon ang batang lalaki sa tabi ni Guadalupe. “Anong ginawa mo sa kaniya?”
“W-Wala po, Señora. Nais ko lamang pong makipagkilala sa kaniya kung kaya’t t-tinukso ko lamang po siyang matabang l-lumpia ngunit bigla pong lumabas ang mga d-dugong iyon mula sa k-kaniya. Hindi ko naman po siya sinaktan, S-Señora. Paumanhin po,” pautal-utal na sagot ng bata, kinakabahang lumingon-lingon mula kay Guadalupe at Vahlia.
“Dugo? Anong dugo?” Nagtatakang pinatalikod ni Vahlia si ang lumuluhang si Guadalupe upang kumpirmahin ang hinala. “H-Hala, Guadalupe! Dinudugo ka nga!” Mas lalo namang lumakas ang atungal ng batang babae sa pananakot na iyon ni Vahlia.
“Po? Ano pong nangyari sa kaniya? N-Nagkasugat po ba siya?” ninenerbiyos na tanong ng batang lalaki, maging siya’y naiiyak na rin at tumutulo na ang mga pawis nito sa sobrang pag-aalala.
“Ano ba kasing ginawa mo, Guadalupe?” gatong ni Vahlia at nagkunwari pang talagang napakalala na ng sitwasyon. Maya-maya pa’y tumawa ito, inalis ang kayumangging panuelo mula sa kan'yang balikat at itinali sa beywang ni Guadalupe. “Tumahan ka na, walang masamang nangyari sa iyo, Lupe.”
“Bakit ka tumatawa? Ako ba’y iyong pinagtatawanan?” naluluha pa ring sita ni Guadalupe. Ganoon din ang reaksiyon ng batang lalaki, naghahalo ang luha’t pawis sa kanilang mga mukha sa sobrang kaba at takot.
“Walang masamang nangyari sa iyo, Lupe. Ang ibig sabihin ng dugo sa bandang ibaba ng iyong likuran ay dahil ika’y nagdadalaga na. Pangkaraniwan ang paglabas ng dugo mula sa mga kababaihang nagdadalaga tulad mo. Kung kaya’t wala kang dapat na ipangamba tungkol sa bagay na ito, ang mabuti pa’y umuwi na muna tayo sa inyo.”
Iginiya nito ang bata patungo sa kanilang kalesa at muling nilingon ang batang lalaking ngayo’y hindi na maipinta ang pagmumukha, para siyang natalo sa isang pustahan kasabay ay inakusahan siya sa salang pandaraya. Tinanguan niya ito at nginitian bago tulungang makasakay si Guadalupe sa kanilang kalesa.
Maya-maya pa’y sumulpot na rin si Cielo galing sa likuran ng isang pagawaan ng mga sapatos. Dali-dali ay umangkas rin ito sa kalesa. Sa kabilang kalye naman ay pinalabas ni Vahlia mula sa likuran ng tindahan ni tiyo Carpulo ang itim na kabayo nitong si Morticia at nakisabay sa kalesa ng mga Villamarquez.
“Hindi ko kailangan ang inyong tulong!” Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia. “Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na s
“At naniwala ka rito?” “Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.” Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?” “Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasa
“Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?” Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi. “Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.
Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n
“Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”
“Señora, kanina pa po kayo naririto sa labas. Tila may malalim po kayong iniisip.” Kababalik pa lamang niya mula sa mansiyon Esperanza, ngunit magmula kaninang tanghalian ay nananatili pa rin siyang nakaupo sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga palumpong ng gumamela. Gaya ng dati ay tambak ang mga libro sa kan'yang tabi, ngunit hindi naman niya ito binabasa. “Hindi naman ito masiyadong mahalaga, Karolina. Bumalik ka na sa loob,” ngiti ni Vahlia sa babaeng tagapagsilbi. Ganoon pa rin ang mga ngiting nasa kan'yang labi, hindi pilit ngunit hindi rin kusa. Bakas sa kan'yang mga mata ang lumbay at pagkalito, ang kakaibang kalungkutang nasasalamin ng kung sinong tititig nang diretso sa kaniya.
“A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Malaman niya ang tungkol sa alin? Victoria, kahapon mo pa bukambibig at ipinapabatid ang tungkol sa isang bagay na hindi mo naman masabi-sabi.” &nbs
“Walang sinabi ang Matandang manggagamot. Paumanhin, hindi ko na nagawa pang itanong,” sagot ni Vahlia sa tanong ni Alvaro. Nasa harapan na nga sila ng palumpon ng mga Sampaguita at ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak ang siyang bumabalot sa hangin. “Nais ko rin sanang linawin ang lahat sa pagkakataong ito, Alvaro. Nawa’y—”“Kung ito’y patungkol sa atin at sa nakaraan, mangyaring ako na lamang ang siyang maglakad papalayo sa iyo, Victoria. Batid kong hindi ako karapat-dapat sa pangalawang pagkakataong hinihingi ko mula sa iyo. At kahit makailang beses pa akong humingi ng tawad ay alam kong hindi pa rin iyon sasapat sa nagawa kong pagkakamali.”&
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit