Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Veinticuatro: Pupuntahan

Share

Capitulo Veinticuatro: Pupuntahan

last update Huling Na-update: 2021-09-13 19:33:37

“At naniwala ka rito?”

“Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.”

             Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?”

“Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasahan mo bang lilinisin ko ang kan'yang pangalan sa iyong harapan?” Tulad ng pakikitungo nito ay nakataas pa rin ang isang kilay ni Cielo sa kaniya habang ang isang kamay ay nilalaro ang ilang hibla ng kan'yang mga buhok. Suot ang simpleng asul na traje de mestiza at ang kuwintas na hugis palaso.

“Anong masama sa paghingi ko ng tulong? Hindi mo ba nais malaman kung sino si Milagros? Hindi ba’t nais mong pangalanan ang magiging unang anak ni Mateo? Bakit hindi natin sila—”

“Si Milagros ang kababata nina kuya Mateo at ni Clara, kinakailangan na ni Kuya na magpunta noon sa Madrid. Ngunit sa araw ng kan'yang paglisan ay iyon din ang pagkamatay ni Clara. Hindi man masabi ni Kuya ay batid kong sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kasintahan. Sa tatlong taon niyang pamamalagi sa Madrid ay marami ngang usap-usapang nagkalat tungkol kay Kuya at Milagros,” saad ni Cielo habang hinihigop ang nakahain na tsaa.

              Sa narinig ay napatikhim si Vahlia, “Kung gayon ay maaaring mayroon ngang katotohanan ang nakasaad sa sulat.”

“Paniniwalaan mo ba?”

“Ikaw? Paniniwalaan mo ba?” Nanatili silang magkatitigan na kaunti na lang ay may mamumuong kidlat sa harapan nila sa talim ng mga pinapakawalan nila.

“¿Dónde está Victoria? (Nasaan si Victoria?) Dalhin mo ako sa inyong Señora, Tagapagsilbi!” boses na bumasag sa katahimikang namutawi sa buong azotea. Boses pa lamang ay mahihinuha na kung sino.

“S-Señora, nasa baba po  si binibining Dulce Gonzales,” sabi ni Karolina na ngayo’y nagmamadaling lumapit sa kinauupuan nina Cielo at Vahlia.

“Inimbita mo ba siya?” Nagtatakang nilingon pabalik ni Cielo si Vahlia na siya namang ikinailing nito. Maya-maya pa’y isang babaeng bihis na bihis ang pumasok, suot ang magkakaparehas na kulay ng kan'yang hikaw at mga pulsera.

“Buen dia, Victoria (Magandang araw, Victoria),” bati nito sabay upo sa isa pang upuang katabi ni Cielo.

“¿Qué comiste y viniste aquí, Dulce? (Anong nakain mo't naparito ka, Dulce?)” tanong ni Cielo.

“¡Oye! Aquí tienes, Cielo (Oye! Narito ka pala, Cielo) Isang dahilan lang naman ang mayroon ako kung bakit ko napag-isipang bisitahin itong si Victoria,” nakangiting sambit ni Dulce at nilingon ang entrada. “Nais kong ipakilala sa inyo si ginoong Javier,” sa pagkakasabi niyang iyon ay pumasok ang isang pamilyar na tindig at pagmumukha ng isang lalaki.

             Napatitig na lamang ito sa ginoong ngayo’y naglalakad papalapit sa kanila. Kung hindi siya nagkakamali’y ito ang lalaking tinulungan niya sa ilog ng Tarok noong isang araw, ang lalaking nagkasugat sa binti.

“Magandang umaga, mga Binibini,” bati nito sa kanila. Akmang magsasalita sana si Cielo nang biglang unahan ito ni Dulce, “Nasaan nga pala si Mateo?”

“At bakit mo siya hinahanap?” tanong ni Vahlia.

“Mangangamusta lamang kami, ang alam ko’y ngayon siya babalik mula Maynila. Nasaan na siya?”

“Matatagalan pa siya roon sapagkat marami pa siyang kinakailangang ayusin, maaari na kayong umuwi,” nakangiting sumbat ni Vahlia sabay inom ng tsaang nasa kan'yang tasa.

“Eh? Umuwi? Bakit mo naman kami pauuwiin gayong naririto lang naman kami upang mangumusta?”

“Batid kong si Mateo lamang ang ibig mong kamustahin, gayong wala siya rito ngayon ay siguradong iinit lamang ang iyong ulo sa akin.”

“Aba, talaga. Sa katunayan ay hindi naman ako ang may ibig kumausap sa iyo, naririto si Javier dahil may importante siyang sasabihin sa iyo. Ang mabuti pa nga ay mauuna na ako sa kalesa pagka’t sumasakit ang aking ulo sa tuwing kaharap ang babaeng ito,” naiiritang tugon Dulce bago tumayo at maglakad palayo sa kanila. Sa kalesa marahil ang tungo.

“Kung hindi ako nagkakamali ay kasama mo si kuya Mateo sa pag-aaral ng matematika, si señor Alejandro Abades ang inyong guro.”

“Tama ka nga, Binibini. Nais kong tulungan kayo, batid kong alam ni'yo na ang tungkol sa hindi pagbabalik ni Mateo.” Sa sinabing iyon ni Javier ay biglang nabitawan ni Vahlia ang munting tasa, dahilan upang mabasag ito sa sahig. Ngunit hindi ito pinansin ni Vahlia na ngayo’y nakaharap kay Javier, “Anong nalalaman mo tungkol kay Mateo?” Ipinupukol ang matalim na tingin sa binata.

“Kapatid ko si Milagros, at dinadala niya ang anak nila ni Mateo,” sagot ni Javier. Masasalamin ang galit sa kan'yang mga titig at nakakuyom na mga kamao. “Ipinagkasundo ang kapatid kong si Milagros kay Alvaro, ngunit heto at walong buwan na pala niyang dala-dala ang anak nila ni Mateo. Nilinlang niya si Alvaro at ngayo’y pareho silang nagtatago ni Mateo sa norte, may sakit ang aming ina at mas lalo pang lumala nang malaman ang ginawa nina Mateo at Milagros. Humihingi ako ng inyong tulong, batid kong alam ninyong mas malaking suliranin ang darating sa puntong malaman ito ng inyong mga pamilya.”

“Bigyan mo kami ng mga patunay ng iyong sinasabi,” matapang na utos ni Vahlia dito. Seryoso ang pagmumukha ni Javier nang ilapag sa lamesita ang isang maliit na supot, gawa ito sa seda na kinulayan ng pula. Inabot naman ito ni Vahlia at nakita ang isang singsing nang buksan niya ito.

“Ibinalik ni Milagros ang singsing nila kay Alvaro kasabay ng isang sulat pamamaalam. Ang nakatuping papel ay ang sulat na nagmula kay Mateo nang tumakas sila. Nariyan din ang reloj de bolsillo (pocket watch) ng iyong asawa. Sa aking pakiwari ay nahulog niya ang bagay na iyan sa silid ng aking kapatid.”

               Mahigpit na hinawakan iyon ni Vahlia at tinitigang mabuti. Iyon nga ang huling nakita niyang isinilid ni Mateo sa kan'yang bulsa nang araw na umalis siya sa Isla Oriente. Ngunit hindi pa rin sasapat sa kaniya ang mga bagay na ito para patunayan ang akusasyon kay Mateo.

“Kinakailangan ko ng inyong tulong, alam kong marami kayong koneksiyon sa norte. Lalo na ikaw, binibining Cielo pagkat tubong Ilocos ang iyong ina,” dagdag ni Javier at nilingon si Cielo na pareho ni Vahlia ay nakatitig sa relo. Mariin siyang napapikit at napahinga nang maluwang.

“Bakit ikaw ang nagpunta rito upang humingi ng tulong at hindi ang sinasabi mong asawa ng iyong kapatid?” biglaang tanong ni Vahlia.

“Nauna si Alvaro sa Ilocos Sur, nagpakalat na rin kami ng mga guwardiyang maghahanap sa buong Ilocos. Ngunit hihilingin kong sana ay hindi muna maaaring malaman nina don Gonzalo at don Lorenzo ang patungkol sa paghahanap nating ito. Nais kong maayos natin ang sigalot na ginawa ng aking kapatid at ni Mateo nang walang bahid ng dugo sa ating mga kamay.”

“Gusto kong malaman ang katotohanan, nais kong patunayang hindi magagawa ng aking kapatid ang mga sinasabi ninyo. Inaamin kong palikero nga si Kuya ngunit hindi niya magagawa ang kapangahasang iyon sa isang binibining hindi niya asawa,” sabat ni Cielo.

“Pupunta ako ng Ilocos, pupuntahan ko si Mateo.”

                Gulat na napalingon si Cielo sa sa sinabing iyon ni Vahlia. “Maging ikaw pala ay may agam-agam. Bakit? Sabihin mo. Nawawalan ka na ng tiwala sa aking kapatid, hindi ba? Ano nga bang magagawa ng isang katulad mong ipinagkasundo lamang? Ni hindi mo nga siya nakasama nang higit sa isang taon, kaya’t hindi mo nakilala nang lubusan ang aking kapatid.”

“Malaki ang tiwala ko sa kaniya, Cielo!” Hindi na napigilang magtaas ng boses ni Vahlia sa paratang ng kaniya ni Cielo. “At oo, aaminin kong hindi ko nga siya kilala nang lubusan. Ngunit sino ba ako? Asawa niya ako, Cielo! Anong gusto mong gawin ko? Ang manatili rito at hintayin na lamang siya? Paumanhin ngunit hindi ako ganoong tao, hindi ko ibig maghintay lamang nang maghintay. Kung kaya kong tuklasin at malaman ang katotohanan, gagawin ko. Pupunta ako sa Ilocos.”

“Gawin mo ang nais mong gawin, Victoria.” Pagkasabing iyon ni Cielo ay tumayo ito at naglakad papalabas ng mansiyon.

                    Mariing pumikit si Vahlia at bumuntong-hininga bago harapin ang ginoong nasa kan'yang harapan, “Kailan ka tutungo sa Ilocos, Javier?”

“Bukas na mismo.”

*****

                   Tulalang bumaba mula sa kabayo, naglakad papalapit sa payapang agos ng malinaw na tubig ilog. Naghahalong pula at kahel ang kalangitan, tahimik ang buong kagubatan na tanging mga awit ng ibon ang nagiging musika. Hawak-hawak ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg.

“Quiero conocerte mejor, señorita. (Nais kong makilala ka pa, Binibini.)”

      

“Tss, in denial ka pa.”

Mujer impaciente.”

“Ha? Ano ka’mo? Narinig ko ‘yon. Anong impasyente?”

“Makinig ka muna sa sasabihin ko, Binibini. Una sa lahat, wala akong sinabing iiwan kita rito. Kaya hindi naman kita pinaasa tulad ng iyong inaakusa sa akin. Pangalawa, bilang isang binibini, dapat ay nalalaman mo nang isang kapangahasan ang isama ka sa aming tirahan. Lalo na’t hindi kita kasintahan o kapatid.”

“Bakit namumula ang iyong labi? Sabihin mo nga… nagpapaganda ka ba para sa’kin?” pang-aasar ni Mateo na may namumuong ngisi sa mga kan'yang pagmumukha nang mapansin ang labi ni Vahlia na pilit dinampian ng atsuete kanina ni Estrella.

“Isipin mo ang gusto mong isipin. Ano? Saan mo na naman ako dadalhin ngayon?”

“Hindi tayo hahantong sa ganito kung tunay nga ang iyong pagdududa sa totoong nararamdaman ko sa iyo, hindi ko alam kung ano ang gayumang ginawa mo sa akin noong una tayong magkita. Sa puntong nasilayan ko ang iyong magagandang mga mata ay hindi ko na magawang lumingon pa sa iba, kakatuwang nang sinaktan mo ako at batuhin ng bato ay hindi ko na alam kung papaano pa lumayo sa iyo. Mahal kita, iyon ang tanging isinisigaw ng aking puso, hindi ako nangangarap na ako’y mahalin mo pabalik ngunit patuloy akong aasa’t maghihintay sa iyong tugon. Hindi ako mapapagod, mi Tigresa.”

                Mga salita at boses ni Mateo na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia, kasabay ng patuloy na pagtulo ng mga luha mula sa mga mata nito. “Nagtitiwala ako sa iyo, Mateo. Alam kong hindi mo ito magagawa sa akin.” Sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay ang paglalakad niya pabalik kay Morticia. Nang makasakay na siyang muli sa kabayo ay sinulyapan niya sa huling pagkakataon ang isang palumpong ng gumamela na sabay nilang itinanim noon tabi ng puno kung saan sila unang nagkita.

“Kapag sumibol at namulaklak ito, ang ibig sabihin niyon ay maaari kang humingi ng isang kahilingan mula sa akin,” nakangising sambit ni Mateo sa kan'ya nang tuluyan na nilang maitanim ang gumamela. Nakataas naman ang kilay ni Vahlia nang harapin niya ang asawa, walang anu-ano’y ipinahid nito sa kaliwang pisngi ni Mateo ang putikang kamay.

“A-Ahh, napakarumi naman ng kamay mo. Kahit kailan talaga,” napapailing na reklamo ni Mateo habang naglalakad papalapit sa ilog at hugasan ang putikang pisngi.

“Eh? Kasalanan ko bang nagmumukha kang taong putik?” Tumayo si Vahlia at sumunod kay Mateo. “Sigurado ka? Kahit ano?”

“Pinagdududahan mo ba ang katapatan ko?”

             Inilapit ni Vahlia ang kamay sa malinaw na tubig at hinugasan ito. “Hindi naman. Nga pala, hindi ka pa yata nakaliligo ngayong araw,” puna nito.

“Hindi pa nga, ngu—ahhh!” Napasigaw na lamang si Mateo nang bigla siyang hilahin ni Victoria sa tubig. At sa malalim na parte pa!

“Huwag ka ngang ngumawa, alam ko namang marunong kang lumangoy.” Nakalublob ang buong katawan ni Mateo sa tubig at nagpupumiglas na tila nalulunod, napapatawa na lamang si Vahlia sa pag-aakalang pagkukunwari lamang iyon ni Mateo ngunit maya-maya pa’y tila hindi na gumagalaw ang katawan nitong nasa ilalim ng tubig. Sa pag-aalala ay agad na pumailalim si Vahlia at iniahon paitaas si Mateo.

             Mas lalong itong kinabahan nang makitang tila hinimatay si Mateo. Sa pagkataranta ay agad niyang ipinosiyon ang dalawang kamay sa may dibdib ni Mateo upang simulan ang cardiopulmonary resuscitation, ngunit nang umabot na siya sa puntong itataas na niya ang baba ni Mateo at ilapit ang sarili ay biglang nagmulat ang lalaki kasabay ng paglabas ng mapaglarong ngisi sa kan'yang labi. “Anong ibig mong gawin? Pinagsasamantalahan mo ba ako?”

“Anak ng tokwa! All this time you were just pretending?” pasigaw na protesta ni Vahlia at akmang sasampalin si Mateo nang mabilis itong nahagip ng lalaki.

“Sandali, bakit ikaw pa ang galit? Hindi ba’t ikaw ang siyang nauna? Kung hindi mo ako hinila sa tubig ay—”

“O-Oo, paumanhin,” nakayukong tugon ni Vahlia. “Tungkol nga pala sa hiling na sinasabi mo,” muli ay nag-angat siya ng tingin at salubungin ang mga tingin ng lalaki. “Maaari bang ipangako mong hindi mo ako kalilimutan kahit anong mangyari, Mateo Villamarquez?”

Whiteknight Magico

hola! magandang gabi! mayroon lamang po akong kaunting kahilingan... kung maaari lang naman huehue... please vote, leave a gem for this story.... Maraming salamat!

| Like

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinticinco: Milagros

    “Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?” Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi. “Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.

    Huling Na-update : 2021-09-15
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiséis: Babalik

    Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintisiete: Dela Cerna

    “Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”

    Huling Na-update : 2021-09-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiotso: Nakaraang ikinubli

    “Señora, kanina pa po kayo naririto sa labas. Tila may malalim po kayong iniisip.” Kababalik pa lamang niya mula sa mansiyon Esperanza, ngunit magmula kaninang tanghalian ay nananatili pa rin siyang nakaupo sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga palumpong ng gumamela. Gaya ng dati ay tambak ang mga libro sa kan'yang tabi, ngunit hindi naman niya ito binabasa. “Hindi naman ito masiyadong mahalaga, Karolina. Bumalik ka na sa loob,” ngiti ni Vahlia sa babaeng tagapagsilbi. Ganoon pa rin ang mga ngiting nasa kan'yang labi, hindi pilit ngunit hindi rin kusa. Bakas sa kan'yang mga mata ang lumbay at pagkalito, ang kakaibang kalungkutang nasasalamin ng kung sinong tititig nang diretso sa kaniya.

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintinueve: Azul

    “A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Malaman niya ang tungkol sa alin? Victoria, kahapon mo pa bukambibig at ipinapabatid ang tungkol sa isang bagay na hindi mo naman masabi-sabi.” &nbs

    Huling Na-update : 2021-10-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta: Tu y Yo otra vez

    “Walang sinabi ang Matandang manggagamot. Paumanhin, hindi ko na nagawa pang itanong,” sagot ni Vahlia sa tanong ni Alvaro. Nasa harapan na nga sila ng palumpon ng mga Sampaguita at ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak ang siyang bumabalot sa hangin. “Nais ko rin sanang linawin ang lahat sa pagkakataong ito, Alvaro. Nawa’y—”“Kung ito’y patungkol sa atin at sa nakaraan, mangyaring ako na lamang ang siyang maglakad papalayo sa iyo, Victoria. Batid kong hindi ako karapat-dapat sa pangalawang pagkakataong hinihingi ko mula sa iyo. At kahit makailang beses pa akong humingi ng tawad ay alam kong hindi pa rin iyon sasapat sa nagawa kong pagkakamali.”&

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y Uno: Bulong ng hangin

    “A-Anak ng— Kamatis,” napapapikit na daing ni Vahlia habang sinusubukang tumayo mula sa pagkakasalampak. Mabuti na lang at sa isang malawak na lupaing tanging mga makakapal at mayayabong na damo ang nasa ibaba ng bangin na siyang kanilang binagsakan. Dulot pa rin ng pagkahilo dahil sa nangyari ay itinukod nito ang kamay sa kan'yang harapan, dahilan upang biglaang mapasigaw si Mateo. Huli na nang mapagtanto niyang nakaibabaw ito sa lalaki at kamuntikan ng mapisa ang hindi dapat. “P-Paumanhin,” tanging nasabi niya at mabilis na nakalayo mula kay Mateo. Sa labis na sakit sa kanilang pagkakahulog, isama pa na siya ang sumalo’t naging kutson ay siguradong mananakit ang buo niyang katawan. Mababakas ito sa mukha niyang hindi n

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y Dos: Naglalagablab na Pugon

    “Señora! Señor Mateo!” gulat na sigaw ni Ate Delia nang makita ang dalawa sa bungad ng tarangkahan ng mansiyon. Tumila na ang ulan, parehong basang-basa ang mga kasuotan at mga buhok. Nangunot ang noo ng Mayordoma nang makita ang dalawa sa ganitong hitsura, nakayukong tila may itinatago ang Babae samantalang si Mateo ay taas noo at ngiting-ngiti. Napapikit na lamang sa labis na hiya si Vahlia habang nakayuko at nakakulong sa mga bisig ni Mateo. Maya-maya pa’y muntik na siyang mapatalon nang bigla siyang buhatin ni Mateo pababa ng kabayong kan'yang sinasakyan. “Maaari ko bang malaman kung saan kayo nanggaling at kayo’y basang-basa?” nag-aalalang tanong ni Ate Delia sa kanila habang naglalakad papasok si Mateo buhat-buhat si Vahlia sa kan'yang m

    Huling Na-update : 2021-10-31

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status