“Hindi ko kailangan ang inyong tulong!”
Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia.
“Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na sa pagbibihis.”
Akmang hahakbang na sila papalayo nang biglang bumukas ang pinto. “P-Paumanhin, m-masiyado na k-kasi akong n-nahihiya sa aking s-sitwasyon,” nakayukong anas ni Guadalupe na ngayo’y gulo-gulo ang buhok at namumula ang mga mata.
“Ah, ganoon ba? Sige, maiwan ka na namin at nang makapag—”
“Hindi! S-Sandali,” pigil ni Guadalupe. “H-Humihingi ako ng paumanhin sa aking n-naging asal sa i-inyo… M-Maaari bang t-tulungan ninyo ako?” Nanatili ang katahimikan saglit at sabay na nagkatinginan sina Vahlia at Cielo, parehong namuo ang ngiti sa kanilang mga mukha at muling naglakad papalapit sa silid ni Guadalupe.
“Mabuti naman at humingi ka na rin ng tawad,” napapairap na tugon ng kan'yang nakatatandang kapatid habang nakasunod sa kanila sa pagpasok ng silid.
“Maaari ka namang magkuwento sa amin. So, paano mo nalamang may tagos ka?” tanong ni Vahlia habang tinutulungang alisin ang tapis ni Guadalupe na may mantsa ng dugo.
“I-Inaabot ko lang naman ang isang bunga ng abukado mula sa mababang sanga ng puno nang biglang sumulpot ang isang batang lalaki. Hindi ko mawari kung bakit niya ako tinutuksong matabang lumpia gayong hindi naman ako masiyadong mataba,” giit ni Guadalupe.
Sampung taong gulang na si Guadalupe at hindi rin maipagkakailang may katabaan nga siya. Matambok ang pisngi nito at makapal din ang kan'yang buhok, kung hindi lang ito suplada ay siguradong halos lahat ng tao ay panggigigilan ang kan'yang pisngi.
“At nang akmang hahabulin ko na sana ang lalaking iyon ay biglaang sumakit ang aking tiyan. Kasalanan niya ito! Kung hindi niya sana ako ginalit ay hindi makukulong sa kaloob-looban ko ang rabia venenosa (makamandag na galit)! At kung hindi dahil sa sakit ng tiyan ko ay sana’y nahabol ko ang saltamontes (grasshopper) na iyon,” nanggigigil na anas ng bata habang naghuhugas ng katawan sa loob ng baño. Napapailing na lamang sina Vahlia at Cielo na kapwa nakaupo sa kama ni Guadalupe.
“Hinding-hindi ko kaliligtaan ang pagmumukha ng Saltamontes na iyon! At kapag muli ko siyang nakita’y titirisin ko siya na parang kuto!”
“Eeyy! Itikom mo na nga ang iyong bibig at bilis-bilisan mo riyan! Hindi magiging maganda sa iyo ang pagbabad nang matagal sa tubig lalo na’t may dalaw ka, sige ka’t tutubuan ka ng mga bulutong!” sita ni Cielo. Napahiyaw naman si Guadalupe sa pananakot ng kan'yang kapatid, maririnig naman ang ingay ng kahoy na batya at tilamsik ng tubig na tila nagmamadali.
“Kanina nga pala. Saan ka nagpunta?” tanong ni Vahlia sa katabi na ngayo’y unti-unti namang nawala ang ngisi sa labi. Dahan-dahan ay napalingon si Cielo kay Vahlia nang may pag-aalangan. “Mapagkakatiwalaan ba kita kung sasabihin ko sa iyo ang isang mahalagang bagay?”
“Nasa sa iyo naman iyan, kung pagkakatiwalaan mo ba ako o hindi.” Sa sagot na iyon ni Vahlia ay itinaas naman ni Cielo ang isang kilay at itinabingi ang ulo na tila kinikilatis kung mapagkakatiwalaan nga niya ang Hipag. Sa huli ay bumuntong-hininga na lamang ito, “Kakaiba ang aking mga nagiging panaginip nitong mga nakaraang araw. Minsan ay nakararating ako sa kakaibang mundo, nababalot ng mga usok at kakaiba rin ang kanilang pananamit. Isang ginoo ang aking palaging nakikita sa aking mga panaginip, ngunit sa tuwing gumigising ako ay nagiging malabo at minsa’y nawawala sa aking isipan ang pagmumukha ng Ginoong iyon.”
“Nagawa mo ba siyang kausapin?” kunot-noong tanong ni Vahlia. Itinutugma ang mga katanungan rin ni Cielo sa kaniya noong nakaraang araw at sa kuwento niya ngayon.
“Oo, nakakausap ko siya. Ngunit tulad ng kan'yang mukha’y tila inaalis din sa aking isipan kung ano man ang aming napag-usapan. Ang tanging alam ko’t naaalala ko sa tuwing ako’y gumigising ay ang mga labi niyang gumagalaw na tila may sinasabi ngunit hindi ko marinig.”“Ano pa ang mga nakita mo?”
“Mga malalaking gusali’t kakaibang mga bagong gumagalaw at sinasakyan ng mga tao. Napakaraming usok ang inilalabas ng mga ito, animo’y nasusunog ang kaloob-looban ng karitong iyon. Kapansin-pansin rin ang mga maiikling kasuotan ng mga taon roon, hindi ko maatim na tignang nakalabas ang balikat at hita ng mga kababaihan ng mundong iyon.”
Napapalunok na lamang si Vahlia nang makumpirma ang hinala. Kung siya nga ay nagawang maibalik sa nakaraan ng isang simpleng katiwala ng isang silid-aklatan, maaaring napupunta rin si Cielo sa hinaharap!
“M-May nakilala o nakausap ka bang isang matandang babaeng nagngangalang Mira—”
“Tapos na po ako, ate Cielo, ate Victoria.” Paglabas ni Guadalupe mula sa baño ay nakasuot na ito ng damit panloob.
“Ginawa mo ba ang sinabi kong gawin mo?” kausap ni Vahlia sa bata. Inililihis ang pangalang hindi dapat niya banggitin.
“I-Iyon po bang—” nag-aalangang sambit ni Guadalupe habang magkahawak ang dalawang kamay.
“Iyong pasador,” paglilinaw ni Vahlia.
“H-Hindi ko po alam k-kung p-papaano gamitin,” sagot ng batang babae. Dahilan kung upang magkatinginan sina Vahlia at Cielo, at sabay na napabuntong-hininga.
*****
“Mabuti’t nakabisita ka rito, Victoria hija,” salubong ni doña Carmen nang maabutan ang anak at ang manugang na nagmemeryenda sa may azotea.
“Magandang hapon po, Ina.”
“Bien y estás en casa, Mama (Mabuti at nakauwi na po kayo, Ina).”
Nitong umaga ay inanyayahan si doña Carmen ng kaniyang amiga Jimena sa kabilang isla na siya namang pinuntahan nito. Alas-cuatro na ng hapon at kababalik pa lamang ng Doña kung kaya’t ngayon na lamang niya napansing bumisita ang manugang nito.
“Kamusta naman dito, Cielo?”
“Maayos naman po kami, Ina. Nakatutuwang kausap nga po nitong si Victoria. Nga pala, Victoria. Wala bang sulat na ipinadala si Kuya?” tanong ni Cielo nang makaupo sa kaharap nilang silya ang Doña.
“Wala naman, halos mag-iisang linggo na magmula nang umalis si Mateo,” sagot naman nito.
“Hayy, ang batang iyon talaga. Sinabihan ko ng ipagpaliban na muna ang pag-alis at nang mapagtuonan niya ang kaniyang asawa ngunit siya’y nagpumilit.”
“Tulad ng dati nama’y talagang tuon si Kuya sa pag-aaral. At ngayong makukuha na niya ang kaniyang certifico ay hindi na niya maaaring ipagpaliban pa ang pagkakataong ito.”
Sa pag-uusap ng Hipag at Biyenan ay inabot naman ni Vahlia ang tasa ng tsaang inilapag ng tagapagsilbi sa lamesita. Masaya na sana niyang hihigupin ang mainit-init pang tsaa nang biglang—
“Gayunpaman ay dapat nang magdala ni Victoria, marapat lamang na magkaroon na sila ng anak sa lalong madaling panahon at iyon ang siyang mangyayari pagbalik ni Mateo. Tama ba ako, Victoria?”
Kamuntikan nang maibuga ni Vahlia ang tsaang nasa bibig niya nang dahil sa sinabing iyon ng Doña. Nanatili siyang tahimik at pilit na nilunok ang likidong nasa bibig niya kaysa naman ibulwak palabas. Isang pilit na ngiti ang unti-unting sumilay sa kaniyang labi bago tanguan ang Doña.
“Wala pa bang nangyayari sa inyo ni Mateo?”
Sa puntong ito ay napaubo naman si Vahlia, sa loob-loob niya’y nakakahiyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. ‘Anak ng tupa! Bakit biglang napunta sa ganito ang usapan? Sa papaano may mangyayari sa amin eh ni isang percentage para gawin ang bagay na iyon ay wala akong inilaan.’
“Oo nga naman, Victoria. At kung sakali’y maaari bang ako ang magbibigay ng pangalang ng inyong magiging unang anak?” nakangiting hiling ni Cielo. Malayong-malayo sa mataray na pakikitungo nito sa kaniya.
“B-Bakit naman hindi?” May pag-aalinlangan man ay sumang-ayon si Vahlia.
“Bien (Good), kinagigiliwan ni Kuya ang mga bata. Kung magiging babae ang inyong magiging unang anak ay maaari bang Sky ang inyong ipangalan?”
Biglang natahimik saglit si Vahlia, napangiti sa pangalang binanggit ni Cielo. Kakatuwang kapangalan nito ang kan'yang kaibigan sa pinanggalingan niyang taon.
“Sa aking pagkakaalala’y langit ang salitang sky sa wikang ingles. Natutunan ko ito nang makausap ko ang guro ni Guadalupe mula inglatera,” dagdag nito bago inumin ang isang baso ng tsaa.
“Fue bueno que hablara con la señora Johansen antes de que ella regresara a Inglaterra (Mabuti naman at nakausap mo si señora Johansen bago ito magtungo pabalik ng Inglatera),” ani doña Carmen.
“Pero en realidad solo tuvimos poco tiempo para hablar porque tenía que volver a su país (Ngunit sa katunayan ay kaunting oras na lamang ang naging pag-uusap namin dahil kinakailangan na niyang bumalik sa kanilang bansa).”
Ilang oras pa ang lumipas sa kanilang pagkukuwentuhan hanggang sa sumapit na ang ika-pito ng hapon nang magpaalam si Vahlia sa kanila kasabay ng pagbibigay nito sa regalo niyang kulay lilang singsing sa Doña at sa bughaw na pulseras naman kay Cielo. Kasabay rin ng pasasalamat ay ang pagtutol ni doña Carmen dahil sa madilim na sa labas ngunit nagpumilit ito. Ipanatag ang loob sapagkat kaya naman nito ang sarili, tutal ay ilang kilometro lang naman ang layo mula rito sa mansiyon Villamarquez at sa mansiyon A Veces. Wala namang nagawa ang manugang kung hindi ang payagan na si Vahlia at tadtarin na lamang ng sangkatutak na pabaon sa pag-iingat.
“Señora, may sulat pong dumating kanina. Galing raw po ng Maynila,” salubong ni manang Delia pagkarating ni Vahlia. Agad namang namuo ang ngiti sa kaniyang labi at dali-daling bumaba mula sa kabayo.
“Kay Mateo po ba, manang Delia?” nagagalak na paglilinaw niya.
“Mula kay Señor marahil.” Inabot nito ang isang kulay kulay kapeng sobre na may bughaw na selyo. Nang tuluyan na niyang mabuksan ito ay nahulog ang isang makinang na bagay mula sa sobre.
“S-Señora, iyon po ba ay ang—”
Saglit na hindi nakapagsalita ang dalawa nang makita ang bagay na iyon. Isang makinang na bagay ang ngayo’y nagpagulong-gulong sa sahig. “Hindi po ba’t iyon ang singsing ninyo sa kasal, Señora?” Maging si manang Delia ay gulat na tinititigan ang singsing. Isa lamang ang ibig sabihin nito…
“Hindi niya ito magagawa sa akin,” umiiling-iling na aniya. “Kalokohan, sinong walang isip ang gagawa nito? Wala akong nakikitang dahilan upang gawin ito ni Mateo. Gumagabi na, manang Delia. Mas mabuti nang matulog na tayo, nakapagtanghalian na ba kayo?”
“Kanina pa po, Señora,” sagot ng matandang sinulyapan pabalik si Vahlia. “S-Señora, ayos lang po ba kayo?”
Sinalubong naman ni Vahlia ng matamis na ngiti ang kasama, “Oo naman. Matulog ka na rin, manang Delia.” Mahigpit na hinawakan ang sobre at pinulot ang singsing sa sahig bago tunguhin ang kanilang silid ni Mateo.
“Nakikita kong hindi, Hija. Ang masasabi ko lamang ay tatagan mo ang iyong tiwala sa kan'ya. Magandang gabi,” huling saad ng Ginang at tumungo na rin sa silid nito. Naiwang nakatulala sa may escalera si Vahlia, muling ngumiti sa kawalan at hinawakan ang kuwintas sa kaniyang leeg. ‘Nagtitiwala ako sa iyo Mateo, alam kong babalik ka. Hihintayin kita tulad ng aking ipinangako, maghihintay ako.’
Nagpatuloy siyang humakbang patungo sa silid nila. At nang akmang ilalapag na nito ang sobreng nagusot na rin ay biglang nahulog ang panibagong bagay mula roon. Isang kapiraso ng papel, sulat-kamay na parehong-pareho ng kay Mateo.
“Sa kaunting oras, panahong inilaan. Inakalang ang muli’y pagsibol ng kakaibang damdamin ay nahanap ang kahinahunan. Ngunit ang lahat ay mali simula pa lamang, tunay na nararamdaman ay pansamantalang ikinubli ng iyong pagdating. Ngayon ay muli kong kinatagpo si Milagros, ako’y humihingi ng paumanhin sa gagawin kong ito. Nawa’y patawarin mo sana ako, Victoria. Pagkat tuluyan na akong mananatili rito, alam kong maraming katanungan sa iyong isipan—”
Nanginginig na napapaupo sa sahig, pagtulo ng mga luha mula sa kan'yang mga mata ay nagsimulang rumagasa lalo na nang mabasa ang kasunod na mga talata sa liham. Lipon ng mga salitang hindi niya inaasahang manggagaling mula kay Mateo.
“—na siyang sasagutin ko sa abot ng aking makakaya. Ngunit hindi pa sa ngayon, humihingi ako ng kaunting panahon upang makasama ko nang tahimik at payapa si Milagros. Paumanhin dahil hindi ko masabi-sabi sa iyo ang tunay na dahilan ng aking paglisan. At iyon ay dahil dinadala na ni Milagros ang aming unang anak, walong buwan na ang nakalilipas at ngayon ang kan'yang kabuwanan kung kaya’t kinakailangan ko na siyang samahan.”
Halos mapunit na ang papel sa higpit ng pagkakahawak ni Vahlia, nanlalabo na rin ang kan'yang paningin sa mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa kan'yang mga mata. Mula sa kakaunting liwanag sa lamparang nasa kan'yang tabi ay sinikap niyang ipagpatuloy ang pagbabasa sa pag-asang isa lamang itong biro na siyang inaasahan niyang malalantad sa pinakadulo ng sulat.
“Batid kong hindi mo rin ginusto ang kasunduang ito kung kaya’t aasikasuhin ko ang lahat upang pormal nating mapawalang-bisa ang kasal. Mateo Villamarquez.” Kasabay ng pagbanggit niya sa pangalang iyon ay ang pagdausdos ng papel mula sa kan'yang kamay. Paulit-ulit siyang napailing, hindi tuluyang naniniwala sa nilalaman ng sulat. Labis-labis na tiwala ang ibinigay niya kay Mateo at hinding-hindi ito madaling mawawaglit nang dahil sa isang sulat.
.
.
Sa mga hindi pa nakaaalam sa kung ano ang ‘Pasador’ na nabanggit sa kabanatang ito, maaari ninyo itong basahin: h**p://www.girlfromthebarrio.com/sustainable-living-pasador/
“At naniwala ka rito?” “Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.” Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?” “Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasa
“Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?” Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi. “Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.
Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n
“Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”
“Señora, kanina pa po kayo naririto sa labas. Tila may malalim po kayong iniisip.” Kababalik pa lamang niya mula sa mansiyon Esperanza, ngunit magmula kaninang tanghalian ay nananatili pa rin siyang nakaupo sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga palumpong ng gumamela. Gaya ng dati ay tambak ang mga libro sa kan'yang tabi, ngunit hindi naman niya ito binabasa. “Hindi naman ito masiyadong mahalaga, Karolina. Bumalik ka na sa loob,” ngiti ni Vahlia sa babaeng tagapagsilbi. Ganoon pa rin ang mga ngiting nasa kan'yang labi, hindi pilit ngunit hindi rin kusa. Bakas sa kan'yang mga mata ang lumbay at pagkalito, ang kakaibang kalungkutang nasasalamin ng kung sinong tititig nang diretso sa kaniya.
“A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Malaman niya ang tungkol sa alin? Victoria, kahapon mo pa bukambibig at ipinapabatid ang tungkol sa isang bagay na hindi mo naman masabi-sabi.” &nbs
“Walang sinabi ang Matandang manggagamot. Paumanhin, hindi ko na nagawa pang itanong,” sagot ni Vahlia sa tanong ni Alvaro. Nasa harapan na nga sila ng palumpon ng mga Sampaguita at ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak ang siyang bumabalot sa hangin. “Nais ko rin sanang linawin ang lahat sa pagkakataong ito, Alvaro. Nawa’y—”“Kung ito’y patungkol sa atin at sa nakaraan, mangyaring ako na lamang ang siyang maglakad papalayo sa iyo, Victoria. Batid kong hindi ako karapat-dapat sa pangalawang pagkakataong hinihingi ko mula sa iyo. At kahit makailang beses pa akong humingi ng tawad ay alam kong hindi pa rin iyon sasapat sa nagawa kong pagkakamali.”&
“A-Anak ng— Kamatis,” napapapikit na daing ni Vahlia habang sinusubukang tumayo mula sa pagkakasalampak. Mabuti na lang at sa isang malawak na lupaing tanging mga makakapal at mayayabong na damo ang nasa ibaba ng bangin na siyang kanilang binagsakan. Dulot pa rin ng pagkahilo dahil sa nangyari ay itinukod nito ang kamay sa kan'yang harapan, dahilan upang biglaang mapasigaw si Mateo. Huli na nang mapagtanto niyang nakaibabaw ito sa lalaki at kamuntikan ng mapisa ang hindi dapat. “P-Paumanhin,” tanging nasabi niya at mabilis na nakalayo mula kay Mateo. Sa labis na sakit sa kanilang pagkakahulog, isama pa na siya ang sumalo’t naging kutson ay siguradong mananakit ang buo niyang katawan. Mababakas ito sa mukha niyang hindi n
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit