Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Veintiséis: Babalik

Share

Capitulo Veintiséis: Babalik

last update Last Updated: 2021-09-20 09:50:31

                   Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat.

“Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina.

                  Magkahalong galit at pighati an gang namumutawi sa buong kalooban niya. Tanging pag-iyak sa harapan ng galit na karagatan ang kan'yang nagagawa. Walang ibang pumapasok sa kan'yang isipan kung hindi ang ilabas lahat ng sakit at humagulhol kasabay ng pagbagsak ng nagbibigatang butil ng ulan.

“Nagpadala ako ng sulat, hindi ka na dapat pumunta pa rito. Ito na ang magiging huling pagkikita natin, Victoria. Paumanhin ngunit hindi ikaw ang tunay na itinitibok ng aking puso. Babalik ako, ngunit hindi upang makasama ka.”

                    Malabong lahat sa kan'yang paningin, ngunit ang lalaking kaharap niya ngayon ay batid niya kung sino. Mula sa buhok nito at suot na mga damit, hanggang sa tindig at boses ay hindi maipagkakaila.

“M-Mateo?” nanghihinang banggit niya bago bumigat at magsarang tuluyan ang kan'yang mga mata.    

*****

“Victoria? Victoria! Mabuti’t nagmulat ka na, dalawang araw kang walang malay at napakataas din ng iyong lagnat. Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?” tanong ni Cielo nang mapansing gumagalaw na nga si Vahlia na maya-maya pa’y nagmumulat na rin ng mata.

                ‘Anak ng—Bakit nandito pa rin ako?’  nagtatakang tanong niya sa kan'yang isipan. Nanlalaki ang mga mata na hindi makapaniwala sa nakikitang ito, pagkat nasa sinaunang panahon na naman siya gayong kanina lang ay nakabalik siya sa taon kung saan siya nanggaling.

“Vahl! Saan ka ba nanggaling? Ano bang pinag-usapan ninyo ng babaeng ‘yon?” tanong ng kaibigan niyang si Skye nang makita si Vahlia na kalalabas pa lamang ng silid. Agad namang tinignan ni Vahlia ang sarili sa salamin na nasa estante at sinipat-sipat ang mukha, maging ang ayos ng buhok at suot na mga damit.

                Walang pinagbago ang kabuoang anyo niya. Suot niya pa rin ang itim na leather jacket, berdeng t-shirt, , maong na pantalon, at ang combat boots nito. Nakalugay ang umaalon-alon nitong buhok at tanging isang pulang clip ang humahawak sa ilang hibla ng kan'yang buhok.

“S-Skye?” Nang lingunin niya ang pinanggagalingan ng boses ng kaibigan ay agad itong napatakbo papalapit sa kaniya na siya namang ikinagulat ni Skye, “V-Vahl, Bakit? Parang di tayo nagkita ng limang taon ah. Ano bang meron?”

“I-I just don’t—Oh my, hindi lang ako makapaniwalang n-nakabalik na ako.” Isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Vahlia nang makalapit na siya kay Skye na ngayo’y kunot na kunot ang noo sa hindi maipaliwanag na asta ng kaibigan.  “Eh? Nakabalik? Wala pa ngang kalahating oras kayo nag-usap ng ate Sol na iyon, ano bang nangyayari sa’yo?”

              Hindi naman sumagot si Vahlia nang alisin na nito ang mga kamay at humakbang papalayo, ngumiti ito at umiling na lamang. “Bahala ka, Vahl. Pero mauuna na ako kung ayaw mong sumabay sa’kin. Hihintayin ka namin sa baba nila Jude.”

“S-Sige, may titignan lang muna ako,” sagot ni Vahlia bago tumalikod at maglakad papunta sa isang pasilyo ng silid-aklatan. Nang makalayo na si Skye ay isang bagay ang sumagi sa kan'yang isipan. 

              Ito ang silid-aklatan ng mga Villamarquez, at wala siyang nalalaman tungkol rito. Ni hindi niya napuntahan ang parteng ito noong nananatili pa lang siya sa sinaunang panahon. Napapatanong na siya kung kailan napagawa at naipatayo ang silid-aklatang ito. Isang naiibang pinto ang bumungad sa harapan ng pasilyong tinatahak niya, kakaiba ang pagkakalilok sa disenyo ng pintong iyon.

             Wala sa sariling hinawakan niya ang busol (doorknob) at marahang pinihit ito hanggang sa tuluyang bumukas ang entrada ng silid na iyon. Sa isang iglap ay tila napako siya sa kinatatayuan, nakatungo ang kan'yang mga mata sa isang painting sa pader. Dalawang taong kapwa nakapustura at napakaaliwalas, sa gitna ay isang sanggol, si Mateo at Milagros ang nasa larawan!

“Hindi pa ito ang takdang oras, binibining Vahlia. Siguro’y kinakailangan mo ng kaunting pahinga, ngunit aking ipinapabatid na hindi pa ito ang kasukdulan ng inyong kuwento. Ang nakikita mong ito ngayon ay dulot ng iyong pilit na pag-alis mula sa iyong misyon. Maaari mong mabago ang kinahinatnang ito kung babalik ka’t aayusin ang lahat,” boses na nagmula sa isang babaeng nakaupo sa isang upuang nakaharap sa bintana. Hindi man nito makita ang mukha ng babaeng iyon ngunit sa boses pa lamang ay alam na niya kung sino.

“Bakit? Ano po bang kinalaman ko sa kuwento ni Victoria at Mateo? H-Hindi naman po ako kabilang sa panahon nila, w-wala akong karapatang manatili. Kahit hindi ko man tanungin ay imposibleng maipagpatuloy ko pa ang misyon.” Sa bawat paghakbang ni Vahlia papalapit kay ate Sol ay ang panginginig ng kan'yang katawan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito pinansin ni Vahlia at nagpatuloy sa paglalakad kahit pa nagsisimula na namang manlabo ang kan'yang paningin at nagbabadya ang mga luhang ano mang oras ay papatak mula sa kan'yang mga mata.

“Kahit saang anggulo tignan ay ako ang magiging hadlang sa buhay ni Mateo, madudurog ako nang tuluyan kapag bumalik pa ako doon! Nagtitiwala akong hindi niya magagawa ang bagay na iyon ngunit tila ako’y nasa isang nakalathalang nobela. Bakit parang sinasadya ng tadhanang sirain ang lahat ng tiwala ko sa kaniya?”

              Nanatiling nakatungo ang tingin ni ate Sol sa malawak na hardin sa labas, animo’y walang pakialam sa lumuluhang babae sa kan'yang tabi. Akmang hahawakan na ni Vahlia ang balikat ng nakaupong si ate Sol nang biglaan siyang napaluhod sa tindi ng panginginig ng kan'yang katawan. Tila nilalamig na mabigat ang pakiramdam, pinagpapawisan at nanghihina. Gayunpaman ay pinilit niyang magsalita.

“I-Ibabalik ni'yo pa po ba ako? B-Bakit pa?” nanghihinang tanong ni Vahlia nang mapansin ang muling pagsilay ng liwanag mula sa suot niyang pulang kuwintas at ang pagkumpas ng kamay ni ate Sol. Maya-maya pa’y nandidilim ang dati’y marilag na sikat ng haring araw sa labas. Sa puntong ito ay kinabahan si Vahlia, nang iniangat niya ang ulo ay sumalubong ang nakangiting mukha ni ate Sol sa kaniya.

“Wala pa sa sukdulang kabanata ang lahat. Kinakailangan mong maging matatag, hindi ikaw ang siyang nakikita kong mahina at duwag na Binibini sa aking harapan. Hindi ikaw ang kaharap ko ngayong umiiyak at nagmamakaawa. Hangga’t sumisikat ang araw ay hindi pa nawawala ang natitirang pag-asa. Hanapin mo ang katotohanang ikinukubli ng kabanatang ito. Matutulungan ka niya at matutulungan mo siya. Hasta nuevamente, Vahlia Medrano. Confío en ti. (Hanggang sa muli, Vahlia Medrano. Nagtitiwala ako sa iyo.)”

“H-Huwag! P-Pakiusap—” Kahit gaano pa piliting magsalita ni Vahlia ay wala ng boses ang lumalabas sa kan'yang bibig na tila namamaos. Ang kabuuan niya ay unti-unting naglalaho kasabay ng paglakas ng liwanag na nagmumula sa pulang kuwintas. Sa tuluyang pagbabalik ni Vahlia sa nakaraang taon ay isang patak ng kan'yang luha ang tumulo sa kinatatayuan niyang kahoy na sahig.

“Dalawang araw? Paanong dalawang araw?” nagtatakang tanong ni Vahlia habang inaayos ang pagbangon mula sa higaan. Inilibot nito ang buong paningin sa silid na kinaroroonan, mukhang nasa bahay-panuluyan pa rin sila.

“Oo, kanina ay nagpaalam na si ginoong Javier. Tutungo silang dalawa ni Milagros sa Mexico. Maiiwan naman daw pansamantala si ginoong Andrada at aasikasuhin ang mga papeles. Isang sulat naman ang ibinigay ni Milagros, hindi ko alam ngunit tila may kung anong mahalaga sa sulat na iyan. Ibinigay iyan ni Milagros sa akin, para sa’yo raw ngunit kalagitnaan na ng gabi nang iabot niya itong sobre.”

“Kailan niya ito ibinigay?” mahinang anas niya habang inaabot ang kayumangging sobre. Nanghihina pa rin siya dala ng pagkakasakit niya nitong nagdaang dalawang araw. Sinisipon at namamaos ang boses.

“Kagabi lamang,” sagot naman ni Cielo. “Sa mga bagay na isiniwalat ni Milagros nang gabing iyon, ano na ang sunod ng gagawin, Victoria?”

              Nag-angat ng tingin si Vahlia sa tanong na iyon ni Cielo, “Babalik… Uuwi na tayo ng Isla Oriente. Kung kagustuhan ni Mateo na bumalik, babalik siya. Maghihintay ako.” Kasabay niyon ay ang pilit na pagngiti ni Vahlia. ‘Hihintayin ko ang tunay na katotohanang ikinukubli ng kabanatang ito,’ aniya sa kan'yang isipan.

“Ibig mo bang sabihin ay mananatiling lihim ang tungkol sa bagay na ito?” Tumango naman si Vahlia bilang tugon sa katanungang iyon ni Cielo, “Nais kong makitang muli ang kan'yang mga mata, sagot na manggagaling sa kaniya ang nais kong dinggin. Ang mga matang iyon ang siyang paniniwalaan ko at hindi isang liham at tanging boses niya lang ang aking naririnig. Nagpakita siya sa akin nang gabing iyon.”

“Sino?”

“Si Mateo… kinausap niya ako. Ang mga katagang lumabas sa kan'yang bibig ay tulad ng mga pangungusap na nakasulat sa liham na kan'yang ipinadala. Nakapandududa ang lahat ng ito, Cielo. Hindi ba?” Sa labis na panghihinang dulot ng trangkaso ay napapikit na lamang si Vahlia. “Uuwi tayo ng Isla Oriente mamayang hapon.”

“Ha? Napakalakas naman yata ng tiwala mo sa iyong sarili. Sa kalagayan mong ito, sa tingin mo ba’y kakayanin mo ang dalawang araw na biyahe?” Tulad ng dating asta ni Cielo ay nagbalik na ulit ang pagiging mataray nito.

“Sabihin mo nga, ano na lamang ang magiging tugon nila kapag nalamang higit limang araw na tayong naririto sa Tayabas?”

“Magpahinga ka na muna. At kapag naging maayos na ang iyong pakiramdam ay saka na tayo uuwi.” Tumayo si Cielo mula sa pagkakaupo sa silya at naglakad papalapit sa pinto palabas ng silid na kanilang inuupahan.

             Tumango naman si Vahlia at kinapa ang kinaroroonan ng sobreng naglalaman ng liham ni Milagros sa kaniya. Nang mapasakamay na niya ito ay hindi na siya nag-atubiling buksan na ang sobre. Kulay ng kahoy ang disenyo ng sobre at mayroon ring ilang tuyong dahon na nakadikit. Kumunot ang noo nito nang makitang apat na linya ng mga pangungusap ang nilalaman ng liham.

“ Mapanlinlang na anino,

Tunay na hunyango’y mailap.

Nagbabadya ang hindi inaasahan

Ang simula ng wakas… ”

*****

“Bienvenido de nuevo. Es bueno que estés aquí porque es muy difícil encontrar una excusa y dar una razón para tu repentina desaparición. (Maligayang pagbabalik. Mabuti't naririto na kayo pagka't napakahirap nang maghanap ng idadahilan at magbigay ng rason sa inyong biglaang pagkawala.)”

             Pagdaong ng bangkang sinasakyan nina Vahlia at Cielo sa pantalán ng Isla Oriente ay hindi inaasahang nag-aabang sa kanila ang bunsong kapatid ni Cielo na si Guadalupe. Isa’t kalahating araw naman ang biyahe nila mula Tayabas hanggang Isla Oriente kung kaya’t higit isang linggo na ang lumipas.

“Narito ka pala, Guadalupe. Mag-isa ka bang pumunta rito?” tanong ni Vahlia nang tuluyan na silang makalabas ng bangka.

“Kasama ko si Ina, naroon siya sa palengke. Masuwerte namang nalaman ko kaagad ang inyong pagdating at nang masabihan ko kayo sa mga nangyari rito sa Oriente,” nagmamayabang na sambit ng bata at pareho silang iginiya sa may dalampasigan.

“Oh? Mayroon bang nangyaring masama nitong mga nagdaang araw?” nagtatakang tanong naman ni Cielo sa kapatid na siya namang nilingon nito.

“Kalat na sa buong bayan ang pagbabalik ng mga Dela Cerna.” Nang banggitin ni Guadalupe ang apilyidong iyon ay kakaibang kaba ang sumiklab kay Vahlia. Lalo na nang matalim na tingin ang ibato sa kaniya ni Guadalupe. “At ang mga Esperanza ang pakay nila. Usap-usapan din ang nakaraang kasunduan ng isa sa mga Dela Cerna kay Victoria Esperanza. Ate Victoria, ibig nilang buwagin ang kasunduan ng mga Esperanza at Villamarquez. Kumakalat na rin sa buong bayan ang patungkol sa inyo ng isa sa mga Dela Cerna, na isa raw po kayong kahihiyan sa inyong angkan.”

“A-Ano? P-Paanong—Saan ba nanggagaling ang mga iyan?” naiiritang anas ni Cielo habang si Vahlia ay nananatiling tahimik at pilit na iniisip ang mga sinasabing iyon ni Guadalupe. Nahihinuhang nabanggit din ni Estrella ang tungkol sa isang Dela Cerna noon na naging parte ng nakaraan ni Victoria. ‘Paano nga kung totoong—’

“Ibinulgar ng isang katiwala ng mga Esperanza ang tungkol sa inyo ng isa sa mga Dela Cerna.”

“Ano ang tungkol sa amin?” tanong ni Vahlia.

“Nababahiran ng madugong nakaraan ang karangyaang taglay ng iyong pamilya, ate Victoria.” Nanlaki ang mga mata ni Victoria sa narinig, paulit-ulit na umiling.

Related chapters

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintisiete: Dela Cerna

    “Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”

    Last Updated : 2021-09-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiotso: Nakaraang ikinubli

    “Señora, kanina pa po kayo naririto sa labas. Tila may malalim po kayong iniisip.” Kababalik pa lamang niya mula sa mansiyon Esperanza, ngunit magmula kaninang tanghalian ay nananatili pa rin siyang nakaupo sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga palumpong ng gumamela. Gaya ng dati ay tambak ang mga libro sa kan'yang tabi, ngunit hindi naman niya ito binabasa. “Hindi naman ito masiyadong mahalaga, Karolina. Bumalik ka na sa loob,” ngiti ni Vahlia sa babaeng tagapagsilbi. Ganoon pa rin ang mga ngiting nasa kan'yang labi, hindi pilit ngunit hindi rin kusa. Bakas sa kan'yang mga mata ang lumbay at pagkalito, ang kakaibang kalungkutang nasasalamin ng kung sinong tititig nang diretso sa kaniya.

    Last Updated : 2021-09-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintinueve: Azul

    “A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Malaman niya ang tungkol sa alin? Victoria, kahapon mo pa bukambibig at ipinapabatid ang tungkol sa isang bagay na hindi mo naman masabi-sabi.” &nbs

    Last Updated : 2021-10-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta: Tu y Yo otra vez

    “Walang sinabi ang Matandang manggagamot. Paumanhin, hindi ko na nagawa pang itanong,” sagot ni Vahlia sa tanong ni Alvaro. Nasa harapan na nga sila ng palumpon ng mga Sampaguita at ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak ang siyang bumabalot sa hangin. “Nais ko rin sanang linawin ang lahat sa pagkakataong ito, Alvaro. Nawa’y—”“Kung ito’y patungkol sa atin at sa nakaraan, mangyaring ako na lamang ang siyang maglakad papalayo sa iyo, Victoria. Batid kong hindi ako karapat-dapat sa pangalawang pagkakataong hinihingi ko mula sa iyo. At kahit makailang beses pa akong humingi ng tawad ay alam kong hindi pa rin iyon sasapat sa nagawa kong pagkakamali.”&

    Last Updated : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y Uno: Bulong ng hangin

    “A-Anak ng— Kamatis,” napapapikit na daing ni Vahlia habang sinusubukang tumayo mula sa pagkakasalampak. Mabuti na lang at sa isang malawak na lupaing tanging mga makakapal at mayayabong na damo ang nasa ibaba ng bangin na siyang kanilang binagsakan. Dulot pa rin ng pagkahilo dahil sa nangyari ay itinukod nito ang kamay sa kan'yang harapan, dahilan upang biglaang mapasigaw si Mateo. Huli na nang mapagtanto niyang nakaibabaw ito sa lalaki at kamuntikan ng mapisa ang hindi dapat. “P-Paumanhin,” tanging nasabi niya at mabilis na nakalayo mula kay Mateo. Sa labis na sakit sa kanilang pagkakahulog, isama pa na siya ang sumalo’t naging kutson ay siguradong mananakit ang buo niyang katawan. Mababakas ito sa mukha niyang hindi n

    Last Updated : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y Dos: Naglalagablab na Pugon

    “Señora! Señor Mateo!” gulat na sigaw ni Ate Delia nang makita ang dalawa sa bungad ng tarangkahan ng mansiyon. Tumila na ang ulan, parehong basang-basa ang mga kasuotan at mga buhok. Nangunot ang noo ng Mayordoma nang makita ang dalawa sa ganitong hitsura, nakayukong tila may itinatago ang Babae samantalang si Mateo ay taas noo at ngiting-ngiti. Napapikit na lamang sa labis na hiya si Vahlia habang nakayuko at nakakulong sa mga bisig ni Mateo. Maya-maya pa’y muntik na siyang mapatalon nang bigla siyang buhatin ni Mateo pababa ng kabayong kan'yang sinasakyan. “Maaari ko bang malaman kung saan kayo nanggaling at kayo’y basang-basa?” nag-aalalang tanong ni Ate Delia sa kanila habang naglalakad papasok si Mateo buhat-buhat si Vahlia sa kan'yang m

    Last Updated : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y tres: Panaginip

    “Disculpe Gobernadorcillo Gonzales, pero lo que pido es la prueba de culpa enfatizada en Don Gonzalo. (Mawalang galang na Gobernadorcillo Gonzales, ngunit ang aking hinihingi ay ang mga patunay na pagkakasalang idinidiin kay Don Gonzalo.)” Walang mababakas na emocion at tanging ang tindig nitong kakilakilabot habang kaharap ang balbas saradong gobernadorcillo ng bayan ang mapupuna. Nasa tanggapan sila ngayon na siyang pinuntahan ni Mateo nang malamang dinala rito si don Gonzalo. Apat na guwardiya ang nakapalibot sa kanilang dalawa ngayon, at sa ano mang maling galaw niya ay siguradong dadamputin siya ng mga ito. Ngunit tila hindi niya ito alintana dahil pagkapasok niya pa lamang ay dire-diretso siyang lumapit sa tinitingalang namu

    Last Updated : 2021-11-10
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y Cuatro: Alejandrino at Milagros

    Nilingon ni Mateo ang bukas na bintana, sa labas ay isang matayog na puno. Dalawang ibon ang tila naglalampungan sa kaniyang harapan na siyang ikinairita niya’t tumalikod na lamang. ‘Kung sana’y hindi ko na tinakasan ang proyektong iyon at tiyak na kasama ko na ngayon si Victoria. Natanggap na kaya niya ang sulat na aking ipinadala?’ aniya sa kaniyang isipan. Maya-maya pa’y hinablot niya ang isang papel at ang pluma. Sinimulan na niyang magsulat ng panibagong liham na kaniyang ipadadala. Ito na marahil ang ikalimang sulat na niya kay Victoria magmula nang makarating siya rito sa Maynila. At ito na siguro ang magiging huli sa oras na lumisan siya papuntang Madrid. Ang kaniyang paglisan at ang dahilan nito a

    Last Updated : 2021-11-10

Latest chapter

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status