Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Veinticinco: Milagros

Share

Capitulo Veinticinco: Milagros

last update Huling Na-update: 2021-09-15 09:39:09

“Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”

“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?”

             Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi.

“Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”

“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.

“Sandali lamang, pagka’t mayroon pang sasama.” Itinapon nito ang tabako sa ilog bago lingunin ang isang kalesang paparating. Ganoon din ang ginawa ni Vahlia na ngayo’y gulat na gulat nang makita kung sino ang babaeng lumundag palabas ng kalesa. “Cielo?”

“¿Llego tarde al viaje? (Nahuli na ba ako para sa biyahe?)”

“Llegan diez minutos tarde, ustedes dos Victoria (Nahuli ka nga ng sampung minuto, kayong dalawa ni Victoria)”

             Nanatiling tinignan ni Vahlia si Cielo na ngayo’y kasama si Javier papalapit sa bangkang sasakyan nito. Hindi inaasahang sasama ito sa kanila. Maya-maya pa’y gumalaw na ang bangka nang masigurong tama na ang dami nilang lahat.

“Hindi ko inaasahan ang iyong pagdating, Cielo.” Tulad ng iba’y nakatuon na rin ang paningin ni Vahlia sa napakalinaw na dagat. Masiyado pang maaga, alas-cinco pa lang ng umaga kung kaya’t makikita ang napakagandang bukang liwayway sa malawak na katubigan.

“Kapatid ko ang siyang pinagbibintangan, sasama ako at patutunayang hindi totoo ang sinasabi nitong si Javier sa kaniya.” Sa sinabing iyon ng katabi ay simpleng napapangiti na lamang si Vahlia. Hindi nga siya nagkakamali ng nilapitan, dahil matutulungan nga siyang talaga ni Cielo.

“Kung gayo’y hindi alam nina doña Vivian at don Gonzalo ang pagpunta nating ito sa norte?” tanong ni Cielo habang sumusubo ng pansit.

              Mataas na ang sikat ng araw nang makarating sila sa Tayabas. Mahigit kalahating araw rin ang inabot ng biyahe. Ang sabi ni Javier ay baka bukas ng hapon pa sila makararating ng Calamba kung kaya’t mamayang gabi ay kinakailangan muna nilang maghanap ng bahay panuluyan.

“Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol rito, paniguradong magagalit si Ama kapag nalaman niya ang tungkol sa ginawa ni Mateo. Kung totoo man iyon,” sagot naman ni Vahlia.

“Mabuti naman, maging ang aming mga magulang ay hindi rin nalalaman ang patungkol rito. Ang aking idinahilan ay kailangan kong pumunta rito sa Maynila upang kitain ang guro ni Guadalupe. Napag-alaman kong bibisita ulit dito sa Pilipinas si señora Johansen.”

“Ngunit batid ninyong hindi rin magtatagal ay malalaman nila ang tungkol kay Milagros at Mateo. Lalo na kapag nahanap silang dalawa ni Alvaro, labis-labis ang galit niya kay Mateo at hindi siya mag-aatubiling isuplong ito sa mga Villamarquez. Gustuhin ko mang ilihim rin ito sa mga Esperanza at Villamarquez ngunit—” Naputol ang dapat sasabihin ni Javier nang sumabat si Cielo.   “Kung totoo ngang nagdadalang-tao si Milagros, ang tanging gagawin na lamang ng aming pamilya ay ang putulin ang koneksyon sa mga Rodriguez. Ang tanging paraan upang hindi masira ang reputasyon ng mga Villamarquez ay ang akuin ni Victoria ang bata.”

               Sa pagkagitla ay nabitawan ni Victoria ang mga kubyertos na hawak at nag-angat ng tingin. Seryosong-seryoso ang kanilang mga mukha at walang bahid ng pag-aalinlangan sa mga binibitawang salita.

“Tama ako, hindi ba? Kung nais mo pa ring makasama si Kuya ay mas mabuting akuin mo bilang anak ang dinadala ni Milagros. Sa ganoong paraan ay walang magiging problema, madaling pagtakpan ang ginawang kapusukan,” dagdag ni Cielo at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Kung iyan ang magiging pasya ninyo ay mangyaring ilalayo rin namin si Milagros. Mananatili sila ni Alvaro sa Cuba,” tugon naman ni Javier.

“Ngunit papaano kung hindi nga totoo ang ginawang ito ni Mateo at Milagros?” wala sa sariling tanong ni Vahlia sa dalawa na agad namang sinagot ni Javier. “Ibinigay at ipinakita ko na sa inyo ang mga patunay at pruweba. Nasa iyo na iyan kung papaniwalaan mo, señora Victoria.”

                  Sa narinig niyang iyon ay tanging buntong-hininga ang nagawa ni Victoria at natuong muli sa labas ang paningin. Maya-maya pa’y isang lalaki ang nagmamadaling naglalakad patungo sa direksyon ni Javier. Nakasuot ito ng puting camisa at itim na pantalon, isang salakot naman ang nakapatong sa ulo nito. Nang makalapit na ay agad itong ibinuka ang bibig na siyang ikinalaki ng mata ni Javier nang marinig ang sinabi ng lalaki.

“Nasa Candelaria ngayon sina Milagros. At patungo na rin doon si Alvaro, pinapasabi niyang magkita na lamang kayo sa kabisera. Mukhang nilinlang tayo ni Mateo, wala sila sa Ilocos pagkat narito sila sa Tayabas.”

*****

“Nakapasok na sa kaniyang silid si ginoong Javier, mabuti na ring matulog na rin tayo,” sabi ni Cielo at nauna nang umupo sa kama. Nasa isang bahay-panuluyan sila ngayon sa bayan ng Lucban. Saktong bukas ay tutungo naman sila sa Candelaria upang maghanap. Kanina ay pinauna ni Javier ang ilan sa mga guwardiyang kasama niya sa bayang nabanggit upang bantayan ang mga daanang posibleng gamitin nila Mateo at Milagros sa pagtakas.

“Walang mga bituin sa kalangitan ngayon, posibleng umulan nga bukas,” tukoy ni Vahlia sa madilim na langit na kan'yang tinitingala ngayon. Sa ikalawang palapag ng bahay panuluyan ay sa kanila natapat ang azotea kung kaya’t malaya siyang nakadudungaw sa labas.

“Uulan nga marahil.” Tumayo si Cielo at lumapit sa azotea kung saan nakatayo si Vahlia. “Naalala mo noong tinanong kita kung talaga bang mahal mo ang aking kapatid? Nais kong tanungin ulit iyon sa iyo, Victoria.”

“May tiwala ako sa kaniya, Cielo. Ngunit hindi ko kayang maghintay na lamang sa pagbabalik ni Mateo sa kabila ng sulat na natanggap kong iyon at sa mga sinabi ni ginoong Javier. Nais kong malaman ang katotohanan, hangga’t mayroon pang paraan upang makita siyang muli ay gagawin ko. At kung totoo man ang tungkol kay Milagros ay maniniwala lamang ako kapag nanggaling na mismo sa kan'yang bibig ang mga katagang nakasulat sa liham na ipinadala niya.”

“Natutuwa akong malaman iyan, mabuti at pinagkakatiwalaan mo ang aking Kapatid. Maging ako’y hindi rin magawang maniwala sa mga sinasabi ni ginoong Javier, kilala ko si Mateo. At alam kong hindi niya ito magagawa ngunit sa ngayon ay nahahati na rin ang aking tiwala kay Kuya. Sa mga patunay na iniharap ni ginoong Javier, halos lahat nga ng mga bagay na sinasabing nakuha sa silid ni Milagros ay pag-aari ni Kuya.”

             Kunot-noo siyang hinarap ni Vahlia, “Paano ka nakasisiguro? Maraming bagay ang katulad ng orasang iyon, o di kaya’y maaaring nagkataon lamang.”

“Ganoon din ang nasa isipan ko, kaya’t hinawakan ko ang reloj de bolsillo na iyon. Si ina ang siyang nagbigay ng relong iyon, sa likuran ay mayroong nakaukit na mga letra. Siyang una kong napansin, iyon nga ang relo ni kuya Mateo.”

             Mariin siyang napapapikit sa nalamang iyon. Unti-unting nalalantad ang mga bagay na nagtuturo sa katotohanang naganap. Nagugulumihanan sa kung ano ang dapat nang paniwalaan.  “P-Papaano nga kung totoo? Paano kung may anak na nga sila ni Milagros? I-Ibig sabihin… ang mga salitang sinabi niya, mga kataga at pangakong binitawan niya ay puro mga kasinungalingan? D-Dahil sa una pa lamang ay si Milagros na ang nagmamay-ari ng kan'yang puso,” wala sa sariling bigkas niya.

“Cielo, kung iyon nga ang totoong nangyari. S-Saan ako lulugar? Asawa niya lamang ako—”

“Binibining Cielo, Señora Victoria, nahanap na si Milagros. Ipinapasabi ni ginoong Javier na kayo’y magmadali na raw pong magbihis at pupuntahan ninyo ang kinaroroonan nila.” Katok ng kung sino sa pinto. Hindi naman nagsayang ng minuto ang dalawa at agad silang nagbihis. Paglabas nila ng silid ay kapwa nakasuot ng makapal na balabal dahil sa hamog sa labas. Ganoon din si Javier na nakabihis na rin sa itim nitong abrigo at pantalon.

“Naharang sila ng mga guwardiya, sa ngayon ay naroon sila sa isang bahay-panuluyan sa plaza.” Pagkasabing iyon ng Ginoo ay agad namang sumulpot sa ibaba ang kalesang sasakyan nila. Nagsisimula na ring pumatak ang ulan sa labas ngunit hindi nila ito alintana sa labis na pagmamadali.

“Victoria, tatagan mo ang iyong loob.” Hinawakan ni Cielo nang mahigpit ang kamay ni Vahlia dahil ramdam din nito ang mabilis na tibok ng kan'yang puso. Marahil ay dahil sa biglaang balita at sa kabang namumuo sa kaniya.

“Alas-nueve na ng gabi, paano nila natunton sina Milagros?” tanong ni Cielo kay Javier na tulad nila’y tila kinakabahan na rin.

“Nakita nila ang mga bagahe nila sa isang barkong tutungo sa Siam, ngunit noong tignan nila ang listahan ng mga pasahero ay wala ang kanilang mga pangalan. Sadyang matalino si Mateo at sa kabila palang barko sila nakasakay,” paliwanag naman nito bago bumaba ng kalesa. Sa tensyong nagaganap ay hindi nila namalayang nakarating na pala sila sa plaza. At nasa harapan na nila ang bahay-panuluyang tinutukoy ni Javier.

“¿Ya están adentro? (Nariyan na ba sila sa loob?)” tanong ng Ginoo sa isang lalaking simpleng nakatayo sa may pintuan. Tumango naman ito kung kaya’t bumaba na rin sina Vahlia at Cielo.

“Pakawalan ninyo ako! Hindi ba ninyo nakikita ang aking kalagayan?” boses ng babaeng nagwawala mula sa loob. Bawat hakbang papalapit ay mas lalong bumibilis nang bumibilis ang tibok ng kan'yang puso. Animo’y sasabog na sa oras na makaharap ang kung sino mang nasa loob. Maya-maya pa’y hinawakan ng kung sino ang balikat nito, si Cielo. Tumango ito sa kaniya, “Kung ano man ang makita mo sa loob, patatagin mo ang loob mo, Victoria.”

              Isang ngiti ang isinumbat ni Vahlia bago ipagpatuloy ang paglalakad papalapit sa isang silid. Sa pagbukas ng pinto ay hindi na ito nagulat sa hitsura ng babaeng kasalukuyang nakaupo sa sahig. Malaki na ang umbok sa tiyan nito at magulo na ang pagkaka-ayos ng buhok nito, maputi ito at itim na itim ang buhok. Ang mga labi’y nahahawig sa kulay ng hinog na presa at ang mga mata’y kulay tsokolate rin. Maganda ang babaeng ito at kung ikukumpara ay halos magkapantay sila ni Cielo.

“Ikaw! Kasalanan mong lahat ito! Kung sana ay hindi kayo ikinasal ni Mateo ay hindi na magiging mahirap pa ang lahat! Kasalanan mo ito!” Nagsisisigaw ito nang makita si Vahlia. Tinangka pa nitong tumayo at lumapit nang biglang pigilan siya ni Javier, “Milagros, tama na. Siya pa rin ang asawa ni Mateo at wala kang karapatang—”

“Walang karapatan? Baka nakakalimutan mo kuya Javier, na ang babaeng ito ang siyang walang karapatan upang pumunta rito!”

              Sa eksenang nakikita niya ay pinilit ni Vahlia na ikubli ang kabang nararamdaman, itinagilid nito ang ulo at ngumisi na animo’y isa lamang itong laro. “Ikaw yata ang siyang nakalimot, Milagros. Sa mata ng lahat, ako pa rin ang asawa ni Mateo. At saan man kayo magpunta ay hindi ka niya magiging asawa dahil mananatili kang isang kalunya ni Mateo. Isa kang kerida!”

“Victoria! Wala kang karapatang sigawan ang aking kapatid,” puna ni Javier na pilit inilalayo si Milagros mula kay Vahlia.

“Papaanong wala, Javier? Siya ang ke—”

“Nagpadala sa iyo ng sulat si Mateo, at ang sinabi niya ay aayusin niya ang inyong paghihiwalay sa oras na maisilang ko na ang aming anak.” Dahan-dahan itong napapaupo sa sahig at nagsisimula na ring tumulo ang luha sa kan'yang mga mata. “Pakiusap… Victoria,  hayaan mo na kami. Hindi ko ibig lumaki ang aking anak na walang tatayong ama para sa kaniya. Mahal na mahal ko si Mateo, a-at ang sabi niya’y ipinagkasundo lamang siya sa iyo kung kaya’t walang namamagitan sa inyong dalawa at tanging ang kasal ang siyang humahadlang.”

                 Nang mag-angat ito ng tingin ay sinalubong nito ang mga blangkong ekspresyon sa mukha ni Vahlia. Tahimik din ang buong silid at tanging ang paghikbi nito ang maririnig. “U-Umasa ako sa kaniya… Nangako siyang pananagutan niya ako at ang magiging anak namin. Nakikiusap ako, Victoria. Hayaan mo na kaming mabuhay nang matiwasay. Siya ang ama ng aking dinadala. Si Mateo Villamarquez ang siyang ama ng aking dinadala.”

                 Hindi maipaliwanag na bagay ang namuhay ngayon sa kaniya, magkahalong galit, awa at sakit. Na kung maaari’y lamunin na sana siya ng lupa. Na kung maaari’y bumalik na siya sa panahong pinanggalingan niya. Sa isang iglap ay tumalikod ito mabilis na naglakad palabas ng bahay-panuluyan.

                  Malakas ang buhos ng ulan ngunit tila hindi ito napapansin ni Vahlia, patalon siyang sumakay sa isang kabayong kumakain ng damong nasa lilim at kumaripas ng takbo. Nagtuloy-tuloy ito sa mabatong kalye, walang tigil ang pagpatak ng kan'yang mga luha tulad ng ulang bumabagsak mula sa kalangitan.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiséis: Babalik

    Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintisiete: Dela Cerna

    “Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”

    Huling Na-update : 2021-09-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiotso: Nakaraang ikinubli

    “Señora, kanina pa po kayo naririto sa labas. Tila may malalim po kayong iniisip.” Kababalik pa lamang niya mula sa mansiyon Esperanza, ngunit magmula kaninang tanghalian ay nananatili pa rin siyang nakaupo sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga palumpong ng gumamela. Gaya ng dati ay tambak ang mga libro sa kan'yang tabi, ngunit hindi naman niya ito binabasa. “Hindi naman ito masiyadong mahalaga, Karolina. Bumalik ka na sa loob,” ngiti ni Vahlia sa babaeng tagapagsilbi. Ganoon pa rin ang mga ngiting nasa kan'yang labi, hindi pilit ngunit hindi rin kusa. Bakas sa kan'yang mga mata ang lumbay at pagkalito, ang kakaibang kalungkutang nasasalamin ng kung sinong tititig nang diretso sa kaniya.

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintinueve: Azul

    “A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Malaman niya ang tungkol sa alin? Victoria, kahapon mo pa bukambibig at ipinapabatid ang tungkol sa isang bagay na hindi mo naman masabi-sabi.” &nbs

    Huling Na-update : 2021-10-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta: Tu y Yo otra vez

    “Walang sinabi ang Matandang manggagamot. Paumanhin, hindi ko na nagawa pang itanong,” sagot ni Vahlia sa tanong ni Alvaro. Nasa harapan na nga sila ng palumpon ng mga Sampaguita at ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak ang siyang bumabalot sa hangin. “Nais ko rin sanang linawin ang lahat sa pagkakataong ito, Alvaro. Nawa’y—”“Kung ito’y patungkol sa atin at sa nakaraan, mangyaring ako na lamang ang siyang maglakad papalayo sa iyo, Victoria. Batid kong hindi ako karapat-dapat sa pangalawang pagkakataong hinihingi ko mula sa iyo. At kahit makailang beses pa akong humingi ng tawad ay alam kong hindi pa rin iyon sasapat sa nagawa kong pagkakamali.”&

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y Uno: Bulong ng hangin

    “A-Anak ng— Kamatis,” napapapikit na daing ni Vahlia habang sinusubukang tumayo mula sa pagkakasalampak. Mabuti na lang at sa isang malawak na lupaing tanging mga makakapal at mayayabong na damo ang nasa ibaba ng bangin na siyang kanilang binagsakan. Dulot pa rin ng pagkahilo dahil sa nangyari ay itinukod nito ang kamay sa kan'yang harapan, dahilan upang biglaang mapasigaw si Mateo. Huli na nang mapagtanto niyang nakaibabaw ito sa lalaki at kamuntikan ng mapisa ang hindi dapat. “P-Paumanhin,” tanging nasabi niya at mabilis na nakalayo mula kay Mateo. Sa labis na sakit sa kanilang pagkakahulog, isama pa na siya ang sumalo’t naging kutson ay siguradong mananakit ang buo niyang katawan. Mababakas ito sa mukha niyang hindi n

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y Dos: Naglalagablab na Pugon

    “Señora! Señor Mateo!” gulat na sigaw ni Ate Delia nang makita ang dalawa sa bungad ng tarangkahan ng mansiyon. Tumila na ang ulan, parehong basang-basa ang mga kasuotan at mga buhok. Nangunot ang noo ng Mayordoma nang makita ang dalawa sa ganitong hitsura, nakayukong tila may itinatago ang Babae samantalang si Mateo ay taas noo at ngiting-ngiti. Napapikit na lamang sa labis na hiya si Vahlia habang nakayuko at nakakulong sa mga bisig ni Mateo. Maya-maya pa’y muntik na siyang mapatalon nang bigla siyang buhatin ni Mateo pababa ng kabayong kan'yang sinasakyan. “Maaari ko bang malaman kung saan kayo nanggaling at kayo’y basang-basa?” nag-aalalang tanong ni Ate Delia sa kanila habang naglalakad papasok si Mateo buhat-buhat si Vahlia sa kan'yang m

    Huling Na-update : 2021-10-31
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Treinta y tres: Panaginip

    “Disculpe Gobernadorcillo Gonzales, pero lo que pido es la prueba de culpa enfatizada en Don Gonzalo. (Mawalang galang na Gobernadorcillo Gonzales, ngunit ang aking hinihingi ay ang mga patunay na pagkakasalang idinidiin kay Don Gonzalo.)” Walang mababakas na emocion at tanging ang tindig nitong kakilakilabot habang kaharap ang balbas saradong gobernadorcillo ng bayan ang mapupuna. Nasa tanggapan sila ngayon na siyang pinuntahan ni Mateo nang malamang dinala rito si don Gonzalo. Apat na guwardiya ang nakapalibot sa kanilang dalawa ngayon, at sa ano mang maling galaw niya ay siguradong dadamputin siya ng mga ito. Ngunit tila hindi niya ito alintana dahil pagkapasok niya pa lamang ay dire-diretso siyang lumapit sa tinitingalang namu

    Huling Na-update : 2021-11-10

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status