Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Veinte Uno: Mitya ng Huling Kabanata

Share

Capitulo Veinte Uno: Mitya ng Huling Kabanata

last update Last Updated: 2021-09-07 14:19:38

“Isang linggo, Victoria,” paglilinaw ni Mateo kay Vahlia. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Mateo papunta sa Maynila. “Magbabalik ako pagkatapos ng isang linggo.”

“Maghihintay ako,” nakangiting sagot naman ni Vahlia habang tinatanaw ang kalesang papalayo sa kan'ya. Lumingon ang asawa nito at kumaway pabalik. Simpleng tumango si Vahlia, pilit na iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam na dumadagundong. Tulad ng kahapon ay tila may kung anong hindi magandang mangyayari, masama ang kan'yang kutob.

“Bumalik na po tayo sa loob, Señora. Mahamog pa po rito sa labas,” anyaya ni Karolina. Alas-cuatro pa lamang ng umaga kung kaya’t hindi pa sumisikat ang araw. Sa bawat paghakbang ng kan'yang mga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kan'yang puso sa hindi mawaring dahilan.

“Señora? May nararamdaman po ba kayong hindi maganda?” puna ni Karolina nang mapansin ang mabagal na paglalakad ni Vahlia at ang paghawak nito sa kan'yang dibdib na tila ba nahihirapang huminga. “W-Wala lang ito, Karolina. M-Mauna ka na muna sa loob, may titignan lamang ako.”

              Tinignan siya nito nang may pag-aalangan, ngunit wala siyang ibang magagawa kundi ang sumunod sa Señora kung kaya’t patango na lamang siyang naglakad pabalik sa loob ng mansiyon. Nang masigurong nakapasok na ang tagapagsilbi ay mabilis na naglakad si Vahlia sa makakapal na palumpong  ng mga gumamela.

‘A-Anong nangyayari sa akin?’ katanungang umiiral sa kan'yang isip. Kasabay ng kakaibang pakiramdam ay ang biglaang pag-iinit ng kan'yang lalamunan, maya-maya pa’y bumulwak ang sariwang dugo mula sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa ilang bulaklak ng puting gumamelang nababahiran ng dugo.

“Mitya ng huling kabanata,

Sinumpaang siyang magiging katapusan.

Sa pagtutugma ng nakatakda,

Kapalit ay hindi inaasahan.”

                 Mga tulang tila iniukit sa magkakalapit na sangang sadyang inilantad upang mabasa. Lipon ng mga salitang nagdala ng kakaibang daloy ng malamig na hangin sa buong paligid. Kasabay ng biglaang paglabas ng nakamamanghang liwanag mula sa suot nitong pulang kuwintas ay ang pagsikat ng araw sa silangan na siyang mas lalong nakapagpakaba sa kaniya.

“S-Señora?” biglang sulpot ng isang boses sa kan'yang likuran. Dagling napatalon sa gulat si Vahlia nang makita sa Flora, nagtataka ang hitsura nito sa nagiging asta ng kanilang Señora. “Tila hindi po maayos ang inyong pakiramdam, mas makabubuti kung pumasok na po muna tayo sa loob.”

“S-Sige,” utal na pagsang-ayon ni Vahlia bago muling nilingon ang parte kung saan siya sumuka ng dugo. Laking-gulat niya nang wala siyang makitang bakas ng pulang likido at tanging mga tubig na namuo mula sa hamog. Wala na rin sa mga sanga ang mga salitang kanina’y malinaw na nakaukit.

“Maaari ni'yo po kaming sabihan, Señora. Kanina pa po namin napapansin na hindi kayo mapakali, ano po ba ang problema?” tanong ng Tagapagsilbi. Nagpilit naman siyang ngumiti at umiling sa tanong ni Flora. Wala siyang maaaring pagsabihan ng tungkol sa bagay na ito, hindi man niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan sakaling may makaalam ng kan'yang sikreto ay batid niyang magiging katapusan na iyon ng lahat.

“Wala naman, Flora. Nahihilo lamang ako nang kaunti, ngunit huwag mo na akong alalahanin pa dahil—”

“Ha?” Napatakip si Flora sa kan'yang bibig sa posibleng dahilang biglaang pumasok sa isipan niya, “Hindi kaya’y nagdadalang-tao na po kayo, Señora?”

“Anak ng—hindi ah. Wala pang nangyayaring—basta 'yong ganoon. Hindi ko na babanggitin pa, alam mo na iyon.”

“H-Hala, namumula po kayo, Señora. Hindi kaya’y muntikan nang—”

“Wala nga… Tigil-tigilan mo ako, Flora,” umiirap siya sa pagbabanta kay Flora na ngayo’y humahagikhik.

“Ahy, Señora. Sigurado po kayo? Halos isang linggo na po kayong kasal, wala pa rin kayong ginaga—”

“Flora, ang iyong bibig!” sita ni manang Delia nang maabutan sila nito sa may antesala. “Bakit ganiyan ang lumalabas sa iyong bibig? Hindi magandang pakinggan lalo na’t dalaga ka pa. Hayy, mga kabataan nga talaga. Señora Victoria, may sulat nga palang ipinadala mula sa hacienda Esperanza.”

“Sige po, manang Delia. Mamaya ko na po babasahin, kain na muna tayo.” Naunang umupo si Vahlia sa kan'yang puwesto. Sumunod naman sina Karolina at Flora nang mailapag na nila ang mga pagkain sa hapag, ganoon din ang ginawa ni manang Delia.

              Buong araw ang iginugol ni Vahlia sa labas ng hardin sa paglipas ng mga araw, nagbabasa ng ilan sa mga librong nakatambak sa silid nila ni Mateo. Nakakapanibago ang mga ginagawa niya ngayon. At kung makikita man ito ng old version niya ay siguradong matatawa ito sa kaniya. Hindi na nga niya akalaing magugustuhan niya ang pagbabasa ng libro. Hindi lang 'yong mga pangkaraniwan pagkat ang mga binabasa na niyang libro ay mga makakapal pa na pwedeng-pwede nang ihampas.

“Señora! Naririto po si binibining Cielo,” sabi ni Flora habang tumatakbo papalapit kay Vahlia. Alas-tres na ng hapon at nakakapanibagong bibisita ang kapatid ni Mateo, ang babaeng madalas tumaas ang kilay at tignan siya mula ulo hanggang paa.

“Sige, sabihin mo dumiretso na siya rito,” utos niya suot-suot ang pilit na ngiting kakailanganin niya sa oras na makaharap ang hipag. Inayos niya ang ilang nakaharang na mga libro at tumayo upang salubungin ang ngayo’y nagmamartsa nang si Cielo papalapit sa kaniya.

Ahora bien, ¿qué está tramando la buena esposa de mi hermano? (Ngayon, ano namang pinagkakaabalahan ng magaling na asawa ng aking Kapatid?)” Bahagyang tumaas pa ang sulok ng kaniyang labi habang naglalakad nang diretso ang tingin kay Vahlia.

“Magandang umaga, Cielo. Ano’t napadalaw ka rito?” ngiting-ngiting salubong ni Vahlia sa hipag. Maya-maya pa’y huminto sa paglalakad si Cielo at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

                Napapangisi na lamang si Vahlia. Hindi kagarbuhan ang suot niyang saya ngayon, malayong-malayo sa kasuotan ng Hipag. Simpleng puting camisa at kulay berdeng saya, berdeng kulay lang din ang panuelong suot niya, habang si Cielo ay maayos na nakatali ang buhok, napapalamutian ng pañuelo at ilang aguhilya. Napakaganda rin ng suot niyang saya at camisa, kulay ginto ang panuelong nasa kaniyang likuran. Idagdag pa ang kumikinang na mga kuwintas, hikaw at pulseras.

“Bakit tila hindi mo ninanais na dalawin ko ang tahanan ng aking kapatid? Asawa ka lamang ni Mateo, ngunit hindi ka makahihigit sa akin na kan'yang kapatid.”

“Ano?” Tumaas ang parehong kilay ni Vahlia. “Sa aking pagkakaalam ay wala pa akong sinasabing hindi ka maaaring tumuntong dito.”

             Dahil sa walang maisagot ay umirap ang Hipag nito, “Nais ko lamang bisitahin ang mansiyon ni kuya Mateo, sa aking pakiwari’y burara ang naging Asawa nito.”

“Ah talaga ba? Kung gayo’y malaya ka namang libutin ang buong bahay, binibining Cielo,” nakangiting suhestyon nito at iminuwestra ang daanang patungo sa likod bahay. Humugot naman ng malalim na hininga si Cielo at nagpumilit na rin ng ngiti, konting-konti na lamang ay mawawaglit na ang pilit na ngiting nakapaskil sa kan'yang labi sa labis na inis. “Nauubusan na ako ng pasensiya sa iyong Babae ka, ngunit hindi na bale. May araw ka rin sa akin,” napapairap na sabi nito at ikinumpas ang pamaypay nito.

“Matanong ko lang, Cielo. Bakit tila napaka-init ng iyong dugo sa akin? Maaari ko bang malaman ang dahilan?” singit ni Vahlia nang akmang hahakbang papalayo ang Hipag.

“Sasabihin ko lamang kapag aking gugustuhin,” mataray na aniya. Sa sinabing iyon ni Cielo ay kumibit na lamang ang balikat ni Vahlia, sa kaunting minuto ng kanilang pag-uusap ay pumasok pabalik ang kan'yang Hipag sa loob ng bahay.

“Hindi ka ba mananatili nang kaunti pang oras, Cielo? Magpapahanda ako ng miryenda.”

                 Tumigil sa paglalakad si Cielo at hinarap pabalik si Vahlia, “Sino bang nagsabing aalis ako?”

“Ah ganoon ba, akala ko kasi ay aalis ka ngang talaga.”

“Nais mo talaga akong paalisin. Huwag kang mag-alala, Victoria. Saglit lamang akong mananatili.” Kumibot pa ang kan'yang pulang-pulang labi na dinampian ng atsuete, nagtuloy-tuloy siyang maglakad sa pasilyong patungo sa comedor (dining room). Nakisabay naman si Vahlia sa paglalakad ng Hipag na ngayo’y nakatingala sa mga kuwadrong nakasabit sa dingding.

               Napakaganda ng mga nakapintang mga larawan, tila isang mahusay na pintor ang siyang gumawa ng bawat isa sa mga nakasabit sa dingding. Kadalasa’y mayroong mga pirma ang bawat obra maestrang ipinipinta, ngunit ang anim na naglalakihang mga kwadrong ito ay kapwa walang mga pirma o palatandaan ng kung sinong gumuhit sa mga ito.

“Ginawa nga niya,” unti-unti ay sumilay ang mga ngiti sa mga labi ni Cielo. “Ipinangako niyang walang ibang hihigit sa amin ni Ina, kahit pa ang babaeng mapapangasawa niya ay hindi papantay sa pagpapahalagang mayroon siya sa amin. At ang mga larawang aking ipinintang narito sa kan'yang tirahan ang siyang patunay.”

                 Nakangiting tumango naman si Vahlia, mukhang naiintindihan na nito kung bakit palagi siyang tinatarayan ng Hipag nito. Siguro ay masiyado lamang niyang pinakaiingatan ang kapatid at ang pagiging mataray ang siyang paraan niya.

“Kaya ba ganito ang iyong pakikitungo sa akin?” nakangising tanong ni Vahlia habang magkakrus ang mga braso nito. Bumalik naman ang supladang ekspresyon ni Cielo nang muli niyang lingunin si Vahlia, “Ano sa tingin mo?”

“Matagal ko na ring napapansin, a—”

“Tatanungin kita, mahal mo bang talaga ang aking Kapatid?” putol ni Cielo sa dapat sana’y sasabihin ng kaharap.

“Ano bang magiging patunay ko kapag ang aking sagot sa iyong tanong ay ‘oo’?”

“Simple lang, ang makitang pinahahalagahan mo si Mateo dahil sa nararamdaman mong tunay at hindi dahil sa kayo’y ipinagkasundo lamang,” nakapameywang na anas niya.

“Paano kung ang dalawang iyan ang aking tugon sa iyong katanungan?” ngiti ni Vahlia na siyang ikinakunot-noo naman ni Cielo. “At anong ibig mong sabihin?”

               Sumandal sa kabilang pader si Vahlia at itinuon ang paningin sa may hardin na namumukadkad ang daan-daang bulaklak ng mga gumamela. “Hindi ko siya makikilala kung hindi ko siya nakatagpo sa gubat. Hindi ko ako mahuhulog sa kan'yang bitag kung hindi kami ipinagkasundo. At hindi ko siya magagawang mahalin kung hindi kami ikinasal. Kung sa ibang kuwento’y nakakatawa ang tagpo naming ito, ngunit para sa amin ay tila ito ang istoryang nakatakda sa mga kabanata ng aming kuwento.”

“Paano kung mangyari ang hindi inaasahan? M-Mananatili ka pa rin ba sa kan'yang tabi? Mamahalin mo pa ba ang aking Kapatid?” tanong ni Cielo na tila ba nangangamba sa kung anong bagay. Bakas sa kan'yang mga mata ang alinlangan at takot na siyang agad namang napansin ni Vahlia. “Bakit, Cielo? May hindi ba magandang mangyayari?”

“W-Wala naman, masama lamang ang aking kutob nitong mga nakaraang araw. M-Maaari ba kitang makausap tungkol sa isang bagay?” Sa puntong ito ay sumeryoso na ang mukha ni Cielo, walang bakas ng katarayan o pagiging maldita niya.

“Tungkol saan?”

                Bahagya nitong hinila ang braso ni Vahlia at iginiya sa may azotea. “Ano na sa tingin mo ang hitsura ng hinaharap? Ganito pa rin ba? Mga indiyong inaalila? Mga prayleng mapagmataas? Hindi pantay na antas ng kabuhayan?” biglaang tanong nito. Saglit na hindi nakapagsalita si Vahlia, nakakapagtakang tanungin ito ni Cielo. Ano kaya marahil ang dahilan?

“Siguro’y ganoon pa rin, may mga ipinagbago man at ikinaunlad ngunit hindi mababago ang mga tao. Nananatili ang pang-aapi at pagtatangi, ang tao ay tao pa rin. Puno ng hangarin, masama man o mabuti. Ang panahon sa hinaharap ay mahirap ilarawan, parehong may kabutihan at kasamaan,” sagot niya ksabay ng malungkot na ngiti. Ang katotohanang mahirap pagtaguan lalo na’t nabubuhay tayo sa mundong ibabaw.

“Ganoon pala.” Mahinang napatawa si Cielo, “Mukhang magiging mahirap nga ang pagpapasiyang aking gagawin. Paano kung nagmahal ka sa isang taong hindi mo yata makakasama habang buhay? I-Itutuloy mo pa ba?”

              Naguguluhan man at nagtataka sa katanungang nagmumula sa katabing nakatitig sa harding napupuno ng mga gumamela ay sinagot niya ito. Bumuntong hininga muna, tutal ay parehas naman ang katanungang iyon sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. “Pag-ibig ang siyang nakataya, kung ako ang tatanungin. Kahit sa maikling panahon na makakasama ko ang taong pinahahalagahan ko ay sasapat na sa akin iyon, kahit hindi sa pinapangarap na habambuhay. Kahit bilang lamang ang mga araw na nakalaan para makasama ko ang taong mahal ko ay pipilitin kong dalhin ang mga ala-alang sabay naming binuo sa aking puso’t isipan. At kung sumapit na nga ang puntong kinatatakutan ko, ang pagdating ng nakatakdang oras kung saan kinakailangan ko nang bitawan ang kan'yang mga kamay, pangalan niya ang huli kong sasambitin.”

Related chapters

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintidos: Brillando Reluciente

    “Mag-iingat po kayo, Señora,” paalala ni Flora. Kasalukuyang nakasakay si Vahlia sa kabayong si Morticia at tutungo sa mansiyon Villamarquez. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Cielo kahapon ay nabanggit nitong mas mainam kung bisitahin din niya ang kanilang tahanan sa ibang araw dahil labis itong magugustuhan ni doña Carmen. Bukod doon ay inanyayahan din siya ni Cielo na mamasyal sa kabisera na siyang pupuntahan nila ngayon. “Babalik din ako maya-maya.” Marahan niyang iginalaw ang tali ni Morticia, dahilan upang mapatakbo ang kabayo. Simple na naman ang kasuotang pinili ni Vahlia, isang kayumangging camisa at saya. Kayumanggi rin ang kan'yang panuelo ngunit mas matingkad ang pagkakakulay nito. Sakay ng itim na kabayo ay nagtungo siya sa kabisera ng Isla Oriente. S

    Last Updated : 2021-09-08
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintitres: Liham

    “Hindi ko kailangan ang inyong tulong!” Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia. “Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na s

    Last Updated : 2021-09-10
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinticuatro: Pupuntahan

    “At naniwala ka rito?” “Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.” Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?” “Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasa

    Last Updated : 2021-09-13
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinticinco: Milagros

    “Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?” Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi. “Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.

    Last Updated : 2021-09-15
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiséis: Babalik

    Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n

    Last Updated : 2021-09-20
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintisiete: Dela Cerna

    “Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”

    Last Updated : 2021-09-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintiotso: Nakaraang ikinubli

    “Señora, kanina pa po kayo naririto sa labas. Tila may malalim po kayong iniisip.” Kababalik pa lamang niya mula sa mansiyon Esperanza, ngunit magmula kaninang tanghalian ay nananatili pa rin siyang nakaupo sa malawak na damuhang napaliligiran ng mga palumpong ng gumamela. Gaya ng dati ay tambak ang mga libro sa kan'yang tabi, ngunit hindi naman niya ito binabasa. “Hindi naman ito masiyadong mahalaga, Karolina. Bumalik ka na sa loob,” ngiti ni Vahlia sa babaeng tagapagsilbi. Ganoon pa rin ang mga ngiting nasa kan'yang labi, hindi pilit ngunit hindi rin kusa. Bakas sa kan'yang mga mata ang lumbay at pagkalito, ang kakaibang kalungkutang nasasalamin ng kung sinong tititig nang diretso sa kaniya.

    Last Updated : 2021-09-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintinueve: Azul

    “A-Alvaro! T-Talaga bang a-aalis ka na? P-Por favor, no por ahora. (P-Pakiusap, huwag muna sa ngayon.)” “Aalis ako, Victoria. Mi decisión está completa, volveré cuando todo esté bien (Buo na ang aking pasya, babalik ako kung kailan maayos na ang lahat).” “Ngunit Alvaro, h-huwag ngayon. Tiyak na magagalit si ama, lalo na kapag nalaman niyang—” “Ano? Malaman niya ang tungkol sa alin? Victoria, kahapon mo pa bukambibig at ipinapabatid ang tungkol sa isang bagay na hindi mo naman masabi-sabi.” &nbs

    Last Updated : 2021-10-06

Latest chapter

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status