Kasabay ng pagmulat ng kan'yang mga mata ay ang pagsalubong sa kan'ya ng isang napakatamis na ngiti mula sa lalaking isinisigaw ng kan'yang puso. Sa araw na ito ay ganap na nga silang mag-asawa.
Pagkalabas nila mula sa simbahan ay sabay-sabay na naghagis ang mga tao ng ilang butil ng bigas, barya at mga talulot ng puting bulaklak. Isang napakasayang kaganapan ng kahit na sinong hahantong sa puntong ito.
Sinalubong sila ng mga pagbati at mga bilin mula sa mga bisita, lalo na nang makabalik sila sa hacienda Esperanza kung saan idaraos ang piging. Maririnig ang mga musika at nagbubunying mga taong nagsidalo sa kanilang kasal. Naroon din ang pitong kalalakihang nakalinya kaninang umaga sa entrada ng simbahan.
Sila’y mga kaibigan pala ni Mateo sa Madrid, kapwa mga magagandang lahi kung kaya’t sila’y pare-parehong mga palikero. Hindi naman masiyado… ngunit gayunpaman ay masasabing mga babaero nga sila dahil sa aktong nanggagayuma. Otso talaga sila at sa Madrid ang kanilang pugad, kaya lang ay tila tumino naman na ang isa, si Ginoong Mateo.
“¡Mira, una de las alas del águila se ha caído! (Tignan mo nga naman, nalagas na ang isa sa mga pakpak ng agila!)” tumatawang anas ng isa sa mga kaibigan ni Mateo, payat ito at matangkad. Buto’t balat man ay bumawi naman ito sa pagmumukha.
“Cuando realmente encuentres a tu contraparte, me reiré de ti, Aliasar. Esperaré ese día (Kapag talaga nahanap mo na ang iyong katapat ay tatawanan kita, Aliasar. Hihintayin ko ang araw na iyon),” nakangising sumbat naman ni Mateo sa kaibigang nakatayo sa harapan nila ni Vahlia.
“Heh, eso no sucederá. De los ocho seré el último (Heh, hindi mangyayari iyon. Sa ating walo ako ang magiging huli),” tugon naman pabalik ni Aliasar bago nagpakawala ng nang-iinis na ngiti at sinulyapan si Vahlia na ngayo’y malayo naman ang tingin sa dagat ng mga taong nagsidalo sa kanilang kasal.
“Por cierto, tu esposa es muy hermosa. Cuando estés cansado, ¿puedes dármelo? (Nga pala, napakaganda ng iyong napangasawa. Kapag nagsawa ka na, maaari bang ibigay mo na lamang siya sa akin?).”
Napahalakhak naman si Mateo sa biro ng kaibigan, “Por supuesto, siempre que puedas tolerar su comportamiento. Ella se convierte en bruja por casualidad (Oo naman, basta ba't matitiis mo ang kaniyang ugali. Nagiging bruha siya kapag nagkataon).”
Biglang napalingon sa kan'ya si Vahlia dahil sa narinig, hindi man niya naintindihan ang buong pangungusap ngunit hindi naman niya kailangang intindihin lahat para hindi makatunog na siya ang pinag-uusapan nila. “Sinong bruha, Mateo? Sino?” Pasimple namang kinapa nito ang ang hita ng katabi at walang anu-ano’y kinurot iyon nang walang awa, dahilan upang mapahiyaw sa sakit si Mateo.
“Oh? Bakit?” nagmamaang-maangang anas niya habang kaharap ang hindi na maipintang mukha ni Mateo. Unti-unti namang napapaatras palayo ang mga kaibigan niya at isa-isang nagpaalam, “Naiintindihan na namin, Mateo. D-Doon na muna kami ah, binabati ka namin sa iyong pagpapasakal. Buena Suerte, pobre Amigo (Pagpalain ka na lamang, kaawa-awang Kaibigan.”
Nang tuluyan na ngang makalayo ang mga kaibigan nito ay humiling naman ang mga bisita ng isang sayaw mula sa kanila. Ang tradisyon kung saan sasabitan sila ng pera habang nagsasayaw. Naunang tumayo si Mateo bago ilahad ang palad nito sa harapan ni Vahlia.
“Maaari ba kita maisayaw, mi Esposa (aking Asawa)?” Kasabay ng ngiting parehong namuo sa kanilang mga labi, tinanggap ito ni Vahlia nang hindi na nagpapaligoy-ligoy pa. Sa pinakagitna ng malawak na hardin sa labas ng mansion, sa mga bulaklak na nakapalibot, pinaglalaruan ng pinaghalong kulay ng maputlang azul at lila.
Sa saliw ng malamlam na musika tila hanging banayad na sinasabayan ng bawat kumpas at bawat paghakbang, nanatili silang magkatitigan. Sa gitna ng kumpol ng mga tao, walang ibang nililingon kundi ang isa’t isa. Araw kung saan natagpuan na ng bulalakaw ang kahinahunan sa piling ng baboy ramo.
*****
“Mag-iingat ka roon, Hija. Gampanan mo ang iyong tungkulin bilang isang maybahay. Itinuro ko naman na sa i'yo ang mga nararapat gawin, pagsilbihan mong mabuti ang iyong asawa. Naririto kaming pamilya mo kapag kailangan mo ng tulong, Victoria hija. Alam kong napakabata mo pa para sa buhay mag-asawa ngunit napagkasunduan na ito ng ating pamilya at ng mga Villamarquez, isa pa’y nahihinuha kong mayroon ka na ring pagtingin kay ginoong Mateo,” nakangiting bilin ni doña Vivian sa anak kasabay ng panunukso nito.
“Nakakaiyak ang mga panatang binitawan ninyo kahapon, hayyy, naalala ko tuloy noong araw na ikinasal kami ng iyong ama. Tulad ninyo ay ipinagkasundo lang din kami. Noong una’y hindi ko pa alam kung kakayanin ko bang mahalin si Gonzalo. Ngunit kalaunan nama’y natutunan ko naman siyang tanggapin at mahalin, doon ko na rin nalamang siya pala ang batang lalaking nasilayan ko sa puno ng manga na kamuntikan nang mahulog. Siyam na taong gulang ako noon. Mas pinili ko pa siyang tawanan kaysa ang tulungan, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang siya tinulungan,” pagkukuwento ng kan'yang Ina.
“Lumipas ang ilang mga araw at ako naman ang siyang nahulog sa isang putikan nang makipaglaro ako sa baka ni mang Ambrosio. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang tumawa sa aking inapit, sa labis na inis ko ay hinabol ko ang lalaki hanggang sa makarating kami sa kanilang tahanan. Dito sa Hacienda Esperanza, pinagalitan ako ng kan'yang ina dahil sa ginawa ko kay batang lalaki, sa hindi ko inaasahan ay nagpaliwanag ang batang lalaking iyon at inako ang lahat. Na siya raw ang siyang nagtulak sa akin sa putikan.”
Nawiwili sa pakikinig sa kaniya si Vahlia at nilingon na rin ang malawak na lupaing natatamnan ng iba’t ibang mga puno na kanina pa tinitignan ni doña Vivian. “Nang araw ring iyon ay bumalik kami ng Cebu. Hindi na rin matanggal sa aking isipan ang batang lalaking iyon hanggang sa humantong ako sa edad na dalawampu. Bumalik kami ng Isla Oriente dahil sa alok na kasal ng isang pamilya sa akin daw, iyon pala ay galing sa pamilya Esperanza. Napag-alaman ko ring ang kasunduan ay sinasadyang imungkahi ng nag-iisang anak ng mga Esperanza, hanggang sa magkita na nga kami ng iyong ama. Si Gonzalo Esperanza pala ang lalaking siyang magiging asawa ko at siya rin ang batang lalaking nakilala ko sa putikan at sa punong manga.”
Napapaluha na rin ang doña sa pagkukuwento sa nakaraan, hindi naman ito inaasahan ni Vahlia. Mukhang may hindi pa siya nalalaman tungkol sa pamilyang mayroon ang katauhang ginagampanan niya, ang pamilya Esperanza.
Matapos ang piging sa kasal kahapon ay nakiusap si Vahlia kay Mateo na kung maaari ay sa dito na muna siya sa kanilang tirahan magpalipas ng gabi. Pinayagan naman siya nito nang may pagtataka, kung kaya’t tinanong nito sa Binibini ang dahilan. Hindi naman siya sumagot at tanging ngiti ang pinakawalan nito bago iwan ang asawa niyang nakakunot-noo.
Hingal na hingal siyang pumasok sa kan'yang kuwarto, hawak ang kan'yang dibdib at tila hindi makapaniwalang ikinasal na nga siya. “D-Did I just married him? Ow my gosh! Nineteen ka pa lang, Vahlia!” Napapailing siyang naglalakad-lakad sa buong silid, hawak ang buhok nitong nagugulo na mula sa pagkakaayos. “Anak ng tupa! Hindi nga ako nagkajowa sa present year but look at this! May asawa na ako! Like how the anak ng tupa?”
Maya-maya pa’y ngingiti siya habang kagat-kagat ang labi at biglang gugulong sa kama na parang may kung anong nakain. Kalaunan ay tatayo at maglalakad-lakad na kung maaari pa siyang tumalon-talon at suntok-suntukin ang ere ay ginawa na niya. Mabuti na lamang at mag-isa siya sa kan'yang silid kung kaya’t walang makakakita sa nakapagtatakang iniaasta niya, dahil kung mayroon man ay iba na ang aakalain nilang takbo ng pag-iisip nito.
“Opo, Ina. Ngunit maaari ko po bang isama si ate Estrella?” muling pakiusap nito sa kan'yang Ina.
“Susmaryosep ka, Victoria. Bakit mo ako isasama? May asawa ka ng bagong pagsisilbihan at makakasama,” gulat na tutol ni Estrella sa nais ng kapatid. Kabababa pa lamang nito mula sa kan'yang silid nang maabutan sa may entresuelo ang Ina at kapatid.
Bahagyang natawa naman sa reaksiyon ng kapatid, nilapitan niya ito at niyakap nang mahigpit. “Sumama ka na kasi, Ate. Para may nakakasama naman ako doon.”
“Hindi nga maaari, nakakailang sa inyong mag-asawa.” Niyakap siya nito pabalik, “Oh siya, tila nariyan na ang iyong Asawa. Basta’t ang tanging maipapayo ko sa i'yo ay ang maging mabuti kang asawa at ina sa iyong magiging anak. Ganoon din ang maayos at magalang na pakikitungo sa inyong mga panauhin at maging sa mga biyenan mo. Nawa’y magbunga nang maganda ang inyong pagsasama ni ginoong Mateo.”
“Salamat, Ate,” nakangiting sagot naman ni Vahlia nang maghiwalay na nga sila sa pagyayakapan. Maya-maya pa’y maririnig ang sunod-sunod na yabag ng mga paa, nang lingunin ito ni Vahlia ay tumambad sa kaniya ang kan'yang asawa. Suot ang isang simpleng itim na camiso at pantalon, gayunpaman ay nagmumukha pa rin itong isang prinsipeng nakatakas sa piitan ng palasyo.
“Magandang umaga po, Mama, señorita Estrella,” bati ni Mateo sa manugang at hipag.
“Magandang umaga rin, Hijo. Naririto ka ba upang sunduin na ang aking anak?”
“Opo, Señora,” masunuring tugon naman ng Ginoo.
“Pero, Ina… hindi po ba talaga pwedeng dito na lamang ako?” angal pa ni Vahlia nang itulak na siya ni doña Vivian papalapit kay Mateo. Tanging pag-iling naman ang isinagot ng kan'yang Ina at ni Estrella. Wala na talaga siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod at manirahan kasama si Mateo. Ngunit bakit ba niya iniiwasan ngayon ang asawa niya?
“Siyempre naman, Señorita. Ang unang aasahan nila ay isang supling mula sa inyo ni ginoong Mateo.”
Sa sinabing iyon ni Stella nang mag-usap sila sa azotea ay biglang nangunot ang buong mukha ni Vahlia, animo’y sinakluban ng langit at lupa. “A-Anak? Sa edad kong ito? Wala pa nga akong dalawampung taon sa buhay, kailangan ko nang magkaanak? I-Ibig sabihin… kailangan naming… aahh, ayaw ko, Stella. Hindi ko gustong gawin ang bagay na iyon. Nakakahiya!”
“H-Hala, Señorita. Isang kamalasan para sa mag-asawa ang hindi mabiyayaan ng anak.”
Tuluyan na nga siyang napanganga sa kailangang gampanan niya sa oras na magsama na sila ni Mateo sa iisang bubong!
“May problema ba, Victoria?” nagtatakang tanong ni Mateo nang mapansin ang biglaang pananahimik ni Vahlia. “W-Wala naman. Mauuna na po kami, Ina, Ate Estrella,” pamamaalam nito sa kanila bago tuluyang magpatangay kay Mateo.
“Mauuna na po kami.”
“Siya sige, mag-iingat kayo.”
“Magpakabait ka, Victoria.”
Sa labas ng mansyon ay naroroon na rin ang dalawang kabayo nilang sina Manolo at Morticia, parehong ngumangata ng damong kabibigay lamang ni mang Simeon sa kanila. “Pinakain ko na sila’t mukhang malayo pa ang inyong lalakbayin,” sambit ng matanda nang makita nito ang mag-asawang papalapit.
“Magandang umaga po, Mang Simeon,” pagbati ni Vahlia nang makalapit na ito sa matandang nasa tabi ni Morticia at Manolo. “Ganoon din sa inyo, nawa’y maging masaya ang inyong pagsasama.”
“Maraming salamat po, Tay,” tugon ni Mateo nang abutin ang tali ni Manolo mula kay Mang Simeon. Ngumiti naman ang matanda at kinawayan pa silang dalawa na ngayo’y parehas nang nakasakay sa kani-kan'yang mga kabayo. Kumaway naman pabalik ang mga ito at pati na rin kina doña Vivian at señorita Estrella na nakatanaw mula sa azotea.
“Bakit tila hindi mo pa ibig ang sumama sa akin?” tanong ni Mateo sa kalagitnaan ng kanilang biyahe. Bumagal naman ang pagpapatakbo ni Vahlia sa kaniyang kabayo upang maintindihan ang tanong ng lalaking katabi niya. “Wala naman, may bumabagabag lamang sa aking isipan tungkol sa… ano… dito, sa magiging pagsasama natin.”
“At ano naman iyon? Maaari mo bang sabihin sa akin?”
Naiilang siyang nilingon ni Vahlia, kagat-kagat ang labing ikinahihiyang tanungin ang nais niyang sabihin. Napansin ito ni Mateo kung kaya’t mas lumapit pa siya rito at hinawakan ang kamay ni Vahlia. “Maiintindihan ko kung hindi mo pa masabi, ngunit tila napakalaking suliranin ang bumabagabag sa i'yo.”
Tumikhim ang babae at sinalubong ito ng tingin, “K-Kailangan ba talagang m-magkaanak t-tayo?” Natulala naman sa kan'yang harapan asawa nito, hindi makapagsalita sa hindi inaasahang tanong nito. “A-Ano? Sumagot ka naman, Mateo.”
Maya-maya pa’y humagalpak ng tawa si Mateo na siya namang ikinagulat ni Vahlia. Kumunot ang noo nito at bahagyang dumistansiya. “Hindi iyan ang katanungang inaasahan ko mula sa i'yo, Victoria. Ngunit upang liwanagin ka, tatanungin kita kung kagustuhan mo ba ang bagay na iyon.” Nakatutok na ang mga mata ng lalaki sa daang kanilang tinatahak ngunit hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kan'yang mga labi.
“Maaari bang huwag na muna?” sagot ni Vahlia at itinuon na rin ang paningin sa daan.
“Oo naman, hindi kita pipilitin sa bagay na iyan. Naiintindihan kong masiyadong minadali ang lahat at hindi ko ibig na pati sa ating pagsasama ay nagiging mabilis na rin ang mga pangyayari. Iginagalang kita, Victoria.”
Naisingit ko ang kuwento ng baboy ramo at usa, kung inyong maaalala ay nasa Capitulo Seis ang kuwentong iyon, hihi. Napag-isipan ko ring palitan ang book cover ng akdang ito. Maraming salamat nga pala sa aming butihing kuya B**y na siyang nag-edit at nagbigay disenyo sa bookcover!!! Maraming salamat na rin sa inyong nagpapatuloy pa ring basahin ang akdang ito. *hugs*
“Maligayang pagdating, Señora Victoria.” Bahagyang napanganga si Vahlia sa bati ng katiwala, nasa harapan na sila ng tarangkahan. Masisilip ang isang bahay, tulad ito ng mansiyon ng mga Villamarquez. Halos ang lahat sa unang palapag ay yari sa bato at sa pangalawa naman ay sa matibay na kahoy. Sa magkabilang gawi ng pasilyo ay mga tanim na gumamela, lahat ay namumulaklak sa iba’t ibang kulay at disenyo. Malawak rin ang parting nasasakupan ng mga damo. Sa paligid ng bahay ay mga puno ng langka at mga lanzones, pati ang mga ito ay hitik sa bunga. “M-Magandang araw,” bati niya pabalik na nginitian ang dalagitang nagbukas ng tarangkahan para sa kanila. “Nagustuhan mo ba ang ating tirahan?” Napalingon si Vahlia kay Mateo, “B
“Isang linggo, Victoria,” paglilinaw ni Mateo kay Vahlia. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Mateo papunta sa Maynila. “Magbabalik ako pagkatapos ng isang linggo.”“Maghihintay ako,” nakangiting sagot naman ni Vahlia habang tinatanaw ang kalesang papalayo sa kan'ya. Lumingon ang asawa nito at kumaway pabalik. Simpleng tumango si Vahlia, pilit na iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam na dumadagundong. Tulad ng kahapon ay tila may kung anong hindi magandang mangyayari, masama ang kan'yang kutob. “Bumalik na po tayo sa loob, Señora. Mahamog pa po rito sa labas,” anyaya ni Karolina. Alas-cuatro pa lamang ng umaga kung kaya’t hindi pa sumisikat ang araw. Sa bawat paghakbang ng kan'yang mga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kan'yang puso sa hindi mawari
“Mag-iingat po kayo, Señora,” paalala ni Flora. Kasalukuyang nakasakay si Vahlia sa kabayong si Morticia at tutungo sa mansiyon Villamarquez. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Cielo kahapon ay nabanggit nitong mas mainam kung bisitahin din niya ang kanilang tahanan sa ibang araw dahil labis itong magugustuhan ni doña Carmen. Bukod doon ay inanyayahan din siya ni Cielo na mamasyal sa kabisera na siyang pupuntahan nila ngayon. “Babalik din ako maya-maya.” Marahan niyang iginalaw ang tali ni Morticia, dahilan upang mapatakbo ang kabayo. Simple na naman ang kasuotang pinili ni Vahlia, isang kayumangging camisa at saya. Kayumanggi rin ang kan'yang panuelo ngunit mas matingkad ang pagkakakulay nito. Sakay ng itim na kabayo ay nagtungo siya sa kabisera ng Isla Oriente. S
“Hindi ko kailangan ang inyong tulong!” Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia. “Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na s
“At naniwala ka rito?” “Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.” Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?” “Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasa
“Ang akala ko’y hindi ka na sisipot pa, señora Victoria.”“Paumanhin, may dinaanan lamang ako. Nakahanda na ba ang lahat?” Nasa pantalan na si Vahlia at nadatnang nakatayo habang nananabako si Javier. Tuon ang tingin sa dalampasigan na animo’y nay napakalalim na iniisip. Nang kalabitin ito ni Vahlia ay saka siya nito nilingon, nang may ngiti sa mga labi. “Nasa bangka na ang ilan sa mga gamit na iyong binigay kahapon, nakaayos na ngang lahat.”“Ano pang hinihintay natin kung ganoon?” tanong ni Vahlia nang mapansing hindi sumunod si Javier sa kaniya sa loob ng bangka.
Masiyadong madilim ang malamig na gabi, idagdag pa ang malakas na buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ni Vahlia. Patuloy na tumakbo ang kabayo hanggang sa makatapat na nila ang malawak na dagat. Malakas ang hampas ng alon, maging ang kulog at kidlat ay nakikiayon sa pangyayari. Pagbaba nito sa kabayo ay agad itong lumapit sa mataas na bangin, sa ibaba na nito ay ang dagat. “Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito? Para masaktan?” sigaw niya sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Umihip ang hangin sa direksyon nito, dahilan upang matanggal nang tuluyan ang balabal na kan'yang suot. Patuloy pa rin ang mga luhang rumaragasa mula sa kan'yang mga mata, napapaluhod na siya sa sobrang panghihina. &n
“Ano ang ibig mong sabihin?”“Nagdulot ng kahihiyan sa inyong pamilya ang ibinunyag ng mga dela Cerna,” pagpapatuloy ni Guadalupe. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa babaeng kaharap niya, at ganoon din ang mabilis na tibok ng puso ni Vahlia sa kabang nararamdaman niya. “Sabihin mo kung ano iyon.”“Ngunit sa tingin ko po’y hindi po ako ang nararapat magsabi ng bagay na ito sa iyo, ate Victoria.” Yumuko si Guadalupe lalo na nang biglang sumulpot ang dalawang guwardiya personal at hinablot si Vahlia. Sa gulat ay nanlaban si Vahlia sa dalawang kalalakihang humablot sa kaniya, nilingon nito pabalik si Guadalupe na nananatiling nakayuko. “A-Anong ibig sabihin nito? Bakit ni'yo ako—”
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit