“Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo.
“Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo.
Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.”
“Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay masiyado pa pong mabilis para sa kaniya ang mga pangyayari, humingi siya ng ilang araw upang mapag-isa at makapag-isip na muna.”
“Kaya ka ba naririto ay upang siya’y kausaping muli?” tanong ng Ginang.
“Opo, Señora—”
“Mama, tawagin mo na lamang akong mama, Hijo.”
“O-Opo, Mama. Kahapon po’y nagpadala siya ng liham, nais niya raw po akong kausapin ukol sa isang bagay,” sagot ni Mateo.
“Mabuti nga iyan at nang magkapagpalagayan kayo ng loob. Ngunit, Hijo. Batid kong alam mo ang dahilan ng kasunduang ito,” Malungkot na ngumiti ang Ginang. “Kung kaya’t nais kitang tanungin… may pag-asa bang mahalin mo ang aking anak? Naisin ko mang tumutol sa kasunduan ngunit wala akong magawa, ang tanging magagawa ko na lamang ay ang masiguro ang kalagayan ng aking anak. Magagawa mo bang mahalin ang aking anak, ginoong Mateo Villamarquez?”
Sa pagkagitla sa tanong na iyon ni señora Vivian ay hindi agad nakasagot si Mateo. Ngunit nang mapansing naglalakad na papalapit sa kanila ang Binibini ay muling nagsalita ang Ginang, “Aasahan ko ang iyong sagot, ginoong Mateo.”
“Ina, magpapaalam po muna akong mamasyal kasama si Mate—Ginoong Mateo,” paalam ni Vahlia nang makalapit na sa kanila. Simple lang ang suot nito na animo’y hindi pa naligo.
“A-Ano ang ginawa mo sa iyong buhok?” puna ng Señora nang makita ang pagkaka-ponytail nito sa kan'yang buhok. Hindi man ganoon katas ay bahagyang nakikita pa rin ang ibabang bahagi ng kan'yang batok. Agad naman itong napansin ni Vahlia kung kaya’t iniayos nito ang panuelo.
“Paumanhin, Ina. Nagmadali po kasi akong bumaba,” nakayukong sagot niya.
“Ikaw talaga, tila nakaliligtaan mo nang mag-ayos. Paano na ang magiging buhay mag-asawa ni'yo niyan.” Napapailing na lumapit sa kaniya ang Ginang at maingat na iniayos ang magulong pagkakatali ng buhok nito, pati na rin ang hindi maayos na pagkakasuot ng anak sa kan'yang panuelo. Talagang mahihinuhang nagmadali ngang bumaba ang Señorita.
“Iyo bang nakalimutan ang mga itinuro ko sa’yo ukol sa pag-aasawa?” Kusang nakagat ni Vahlia ang kan'yang labi, hindi niya nakalimutan iyon. Sadyang hindi niya talaga alam pagkat hindi naman siya ang totoong Victoria. “Oh siya, hindi na bale at saka ko na papayuhan kang muli. Tila mahalaga ang iyong pag-uusapan,” nakangiting sabi ni señora Vivian at sinulyapan silang dalawa na animo’y may ibang ipinapahiwatig.
“Sige po. Mauuna na po kami, Ina,” pamamaalam ni Vahlia sa nakangiting Ginang. “Mag-iingat kayong dalawa. Victoria, hija, talaga bang sasakay ka sa kabayo?” paalala naman nito.
“Opo, Ina. Huwag po kayong mag-alala pagkat kaya ko naman pong magpatakbo ng kabayo.”
“Ngunit mag-iingat ka pa rin. Mateo, ingatan mo ang anak ko,” pag-uulit ng Señora na animo’y nasa altar na sila at ipinapaubaya na nito ang anak sa magiging manugang.
“Si, Mama.”
“Sige po, Ina. Mauuna na po kami.”
Magkasabay nilang tugon bago maglakad papaalis, naunang sumampa sa kabayo si Vahlia bago sumunod si Mateo sa likuran. “Tinawag mong mama ang aking Ina?” sarkastikong tanong nito nang magsimula nang maglakad ang kabayo.
“Ha? May masama ba roon?”
“Wala naman. Nga pala, saan tayo patutungo?”
Nang makalampas na sa hacienda Esperanza ang kabayo ay agad lumiko pakanan ang kabayo, “Hindi kakayanin ni Manolo ang iyong bigat.”
“Anak ng—ako pa talaga?” pag-angal ng Vahlia nang hindi nililingon ang binata. “Saan ba kasi tayo pupunta?”
“Isa iyong sorpresa, Binibini. Sa ngayon ay tutungo muna tayo sa kuwadra, makikita mo ang aking munting regalo para sa i'yo, Binibini.”
“Tss, siguraduhin mong matino iyan. Kapag isa na naman ito sa kalokohan mo’y hindi na talaga kita kakausapin pa,” napapairap na tugon niya sa kasama habang tumatakbo ang kabayo.
“Siguraduhin mo ring matutuwa ka, kung hindi ka man lang ngingiti’y hindi ko tuluyang ibibigay sa i'yo ang aking regalo.”
Maya-maya pa’y narating nila ang isang gusaling yari sa kahoy, malaki ito at maihahawig sa tirahan ng mga baka at kabayo. Ang kuwadra ng buong Isla Oriente, dito maaaring paupahan o ibenta ang iba’t ibang uri ng kabayo. Napakaganda ng malawak na parang kung saan nagkalat at malayang nakatatakbo ang mga kabayo.
Nanlaki naman ang mga mata ni Vahlia sa nakita. Oo na, taong kabayo si Vahlia. Nakahiligan ang mga kabayo simula pagkabata hanggang ngayon. “Oh, bababa ka ba riyan o tititigan na lamang sila?” sita ni Mateo na hindi namalayan ni Vahlia na nakababa na pala mula sa kabayo.
“Sabihin mo… Ipagpapalit mo na ba si Manolo?” pagbibiro ni Vahlia nang makababa ng kabayo. Umungol naman ang kabayong si Manolo sa kanilang likuran na animo’y naintindihan ang sinabi ng Binibini at tumututol dito.
“Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi si Manolo ang aking ipagpapalit, ikaw ang ibibigay ko kapalit ng isang kabayo.”
“Nakatatawa, hahaha,” pamemeke ni Vahlia sa tawa nito bago magsimulang maglakad sa daang patungo sa kuwadra at iwan si Mateo.
“Kahit kailan talaga, magaling ka mang-iwan.” Saglit na napatigil si Vahlia sa sinabing iyon ni Mateo dahilan upang madali itong maabutan ng lalaki sa paglalakad nito at sabay silang pumasok sa loob ng kuwadra.
“Oh? Bakit?” nagtatakang tanong ni Mateo nang mapansin ang tahimik at seryosong paninitig sa kaniya ng dalaga. Napailing na sumagot naman si Vahlia, “Wala naman, napakapangit mo lang pagmasdan,” pag-iiba niya na siya namang ikinangiwi ng lalaki.
“Mapanlait na nilalang. Sa guwapo kong ito matatawag mong pangit? Nanlalabo na yata ang iyong mga mata.”
“Bahala ka, isipin mo ang gusto mong isipin. Narcissictic—”
“Magandang umaga, señor Mateo! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” salubong ng isang matandang lalaki na nasa edad apat na pu't lima hanggang limampu. Nakangiti ito na abot tenga at suot-suot ang isang salakot sa kan'yang ulo.
“Mang Ambo! Magandang umaga rin po nais ko sanang ipagpalit ang Binibining nasa aking tabi kapalit ni Fransiska.”
“Po?” naguguluhang anas ng may-ari ng kuwadra. Pasimpleng kinurot naman ni Vahlia ang tagiliran ni Mateo na siyang ikinadaing nito. Ngumiti siya at humarap sa matandang si mang Ambo, “Maaari po bang makita ang mga kabayong maaari kong mahiram? Pagkat ang isa kasi riyan ay may reklamo sa akin.”
“Walang problema, Señorita. Dito po tayo.” Iginiya ng matanda ang isang pasilyo tungo sa malawak na parang na nababakuran upang hindi makatakas ang mga kabayo. “Anong kulay po ang nais ni'yo, Señorita?”
“Mayroon po bang itim?” hindi inaasahang sagot ng Binibini na siyang ikinagulat naman ni mang Ambo.
Ang mga purong itim na hayop ay karaniwang pinapapatay o ikinukulong na lamang sa isang maliit na kulungan dahil sa sila’y pinaniniwalaang nagdadala ng kamalasan.
“M-Mayroon po, Señorita. Dito po sa gawing ito.”
Sa likuran ng napakalaking kuwadra ay isang maliit na silungan ng kabayo. Simple lamang ito at nababakuran upang panatilihin ang tatlong itim na kabayo sa loob at hindi humalo sa ibang mga kabayo.
Dalawa sa kanila ay mga bata pa lamang at hindi pa maaaring sakyan. Ang isa naman ay nasa tamang gulang na, itim ito mula ulo hanggang paa. “Amazing…” salitang tanging lumabas sa bibig ni Vahlia habang tinititigan ang hayop na nasa harapan. Matikas ito at naaakma sa karera o pag-akyat sa bundok.
“Morticia ang kan'yang ngalan, limang taong gulang na ang kabayong ito. Hindi nais ng mga mamimiling nakikilahok ang mga itim na kabayo sa iba kung kaya’t dito ko na sila inilagay. Nakakatuwang nagustuhan mo si Morticia, Binibini.”
“Magkano ang kabayong ito?” tanong ni Vahlia habang hinihimas ang buhok nito.
*****
“Hindi riyan ang daan!” sigaw ni Mateo mula sa likuran ni Vahlia na ngayon ay hindi masiyadong makontrol si Morticia.
“Sandali, medyo makulit si Morticia! Saan ba ang daan?” Kanina pa sila nagsisigawan dahil sa direksyon at pag-ilag ng itim na kabayo sa dapat na tatahakin nitong daan.
“Ang mabuti pa’y bumaba ka na muna riyan, dito na muna tayo magpahinga!” suhestiyon ni Mateo habang bumababa mula sa kabayo nito at iginiya sa ilalim ng punong manga na hitik sa bunga.
Sumunod naman sa kaniya si Vahlia at bumaba nga mula kay Morticia, ngunit may naisip siyang sulosyon. “Manolo! Halika nga muna,” tawag niya sa kabayo ni Mateo sa pinakawalan mula sa pagkakatali. Kumunot naman ang noo ng lalaki.
“Ano ang gagawin mo pagkatapos mong makalabas mula sa pagkakakulong nang mahabang panahon?” tanong ni Vahlia kay Mateo na ngayon ay naglalakad papalapit sa kaniya.
“Tatakbo, ano pa ba? Hindi ko naman ibig ang gumapang.”
“Marahil ay ganoon din si Morticia, paano kung hayaan na muna natin siyang makipaglaro kay Manolo?”
“Magandang ideya nga ang naisip mo. Manolo, quiero que guíes a nuestra nueva amiga Morticia, ¿puedes? ( nais kong gabayan mo ang bago nating kaibigang si Morticia, maaari ba?)” Humalinghing naman ang kabayo na animo’y naintindihan ang sinabi ni Mateo.
Kinalas naman ni Vahlia ang taling nakapalibot sa kaniya, sa una ay sumulyap ito sa direksyon nina Vahlia at Mateo na tila nanghihingi ng permiso. Maya-maya pa’y kumaripas ito ng takbo nang tumango ang babae sa kaniya.
“Ano na nga ba ang sinasabi mong pag-uusapan natin?” panimula ni Mateo habang sinusundan si Vahlia na naglalakad papunta sa silong ng puno.
“Pa’no ko nga ba ito sisimulan…” Hindi siya makatingin sa lalaki, ‘di alam kung dapat nga ba niyang sabihin ang tungkol sa bagay na ito.
“Tungkol ba ito sa huling pag-uusap natin? Kung oo, nais kong malaman ang sagot mo sa itatanong ko.” Diretso ang tingin nito sa kakahuyang nasa harapan nila. “Kung sakaling hindi tayo ipinagkasundo at ako’y isang ginoong nakilala mo lamang sa kakahuyan, matatanggap mo ba ako kung sabihin kong nais kong maging parte ng iyong buhay? Kung naisin kong makasama ka habang buhay? Nang higit pa sa pagkakaibigan?”
Napapikit si Vahlia habang nakatukod ang mga kamay sa likuran upang suportahan ang kan'yang katawan, “Nakatutuwang saglit lang, na parang ilang araw pa lang ang lumipas nang makita ko ang pagmumukha mo sa kagubatan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa’yo. Ewan, nakikita kita hindi bilang isang kaibigan at hindi rin bilang isang kasintahan.”
“Aaminin kong mayroong isang bagay na pumipigil sa akin upang tuluyang kilalanin ko ang tunay na nararamdaman ko sa’yo, at iyon ay takot. Na baka sa puntong tuluyan nang mahulog ang loob ko sa iyo ay baka hindi ko na gugustuhin pang umalis. Natatakot akong isugal ang kung anumang damdaming maaari kong itaya. Dahil kapag umabot na sa puntong dapat na akong bumitaw… alam kong mas magiging mahirap nang kumalas.” Sumulyap ito sa katabi nito.
“Sa buhay ng tao, maraming pansamantala lamang. Pati ang sarili nating buhay ay pansamantala rin, ngunit sa maikling pagkakataong iyon ay maraming magiging kaganapan. Sa pagkakataong mayroon ka ngayon, nasa i'yo ang pagpapasiya kung uubusin mo ba ang lahat ng oras na nakalaan sa iyo upang matakot at mangamba o gugulin ang pagkakataong ibinigay sa i'yo sa mga bagay na maaari mong gawin.”
Sa muling pagtatagpo ng kanilang paningin ay kakaibang kislap ang namuo, panibagong katanungan ang umikot sa isipan ni Vahlia. Kung oras na ba para itaya na niya ang puso para sa isang lalaking nagmula sa sinaunang panahon. Kung bubuksan na ba niya ang pinto patungo sa panibagong paglalakbay kasama ang lalaking ito.
“Maghihintay pa rin ako sa iyong tugon,” akmang tatayo ang lalaki ngunit agad itong nahagip ni Vahlia at ginawa ang isang pinaka-hindi inaasahang pangyayari. Biglaang naglapat ang kanilang mga labi at sa pagkakataong ito ay ang babae ang nagkusang gumawa! Eksenang titigil talaga ang mundo ng kung sinong makakakita sa kanila.
Nagtagal iyon ng ilang segundo… minuto! Bago sila naghiwalay. Nanlalaki ang mga mata ni Mateo habang nakatingin sa kan’ya, hindi makapaniwala sa kapangahasang ginawa ng isang Binibini. Samantala, muling tinitigan naman siya ni Vahlia at sinagot ang huling mga salitang binitawan ng Lalaki, “Oo, susubukan ko. Susubukan kong mahalin ka, M-Mateo.”
Humakbang paatras si Vahlia, hindi inaalis ang paninitig sa nakakahumaling na mala-tsokolateng mga mata ng ginoong kaharap. Hindi naman nakapagsalita kaagad si Mateo ngunit maya-maya pa’y bumuka ang kan'yang bibig, “P-Papatayin ako ng aking ama kapag nalaman niya ang tungkol dito,” tulalang sambit niya. Habang unti-unting napapaatras at tinatakpan pa ang katawan nito na animo’y ginawan nang napakasamang bagay.
Umawang naman ang labi ni Vahlia at tumagilid ang ulo, “A-Anak ng— bakit parang kung makaasta ka daig mo pa ang babae? Hindi naman kita ginahasa.”
“Hindi nga, ngunit isang kapangahasan pa rin ang iyong ginawa.” Patuloy sa pag-atras ang lalaki at ganoon din sa pag-abante si Vahlia. “Sorry na… hindi ko naman—” “Sinasadya? Hindi mo sinasadya ngunit kusa mong hinablot ang aking kuwelyo at ginawa ang karumal-dumal na gawain ng isang mapangahas at mapansamantalang Binibini.” “Sorry na kasi, at saka pwede ba tigilan mo nang umatras? Konting-konti na lang talaga ay itutulak na kita,” banta ni Vahlia nang makita ang punong-kahoy na nasa bandang likuran ni Mateo. Bahagyang nanlaki naman ang kan'yang mga mata sa panibagong kalokohang pumasok sa kan'yang isip. “Itutulak saan? Mapansamantala kang talaga! Sinasabi ko na nga ba’t nagkamali ako ng pinili, dapat sana’y—”
Lumipas na nga ang tatlong araw, walang komunikasyon o pagkikitang naganap sa pagitan nila ni Mateo. Hindi rin lumabas o gumala si Vahlia at nakatuon na lamang sa pagtugtog ng mga instrumentong nakatambak sa sala ang buong atensiyon niya. Minsan ay sinasabayan siya ng kan'yang ate na siyang kasa-kasama niya sa buong magdamag dahil sa pagiging abala ng kan'yang mga magulang sa pag-aayos ng kasal. Tulala siyang nakatingin sa salaaming nasa kan'yang harapan habang inaayusan siya ni Carlotta, magaling siya sa paglapat ng iba’t ibang mga pampaganda mula Europa at pag-aayos na rin ng buhok. “Naalala mo ba noong unang beses kang isama ni ginoong Mateo sa aming tirahan ni Teodoro?” nakangiti niyang tanong habang iniipit a
Kasabay ng pagmulat ng kan'yang mga mata ay ang pagsalubong sa kan'ya ng isang napakatamis na ngiti mula sa lalaking isinisigaw ng kan'yang puso. Sa araw na ito ay ganap na nga silang mag-asawa. Pagkalabas nila mula sa simbahan ay sabay-sabay na naghagis ang mga tao ng ilang butil ng bigas, barya at mga talulot ng puting bulaklak. Isang napakasayang kaganapan ng kahit na sinong hahantong sa puntong ito. Sinalubong sila ng mga pagbati at mga bilin mula sa mga bisita, lalo na nang makabalik sila sa hacienda Esperanza kung saan idaraos ang piging. Maririnig ang mga musika at nagbubunying mga taong nagsidalo sa kanila
“Maligayang pagdating, Señora Victoria.” Bahagyang napanganga si Vahlia sa bati ng katiwala, nasa harapan na sila ng tarangkahan. Masisilip ang isang bahay, tulad ito ng mansiyon ng mga Villamarquez. Halos ang lahat sa unang palapag ay yari sa bato at sa pangalawa naman ay sa matibay na kahoy. Sa magkabilang gawi ng pasilyo ay mga tanim na gumamela, lahat ay namumulaklak sa iba’t ibang kulay at disenyo. Malawak rin ang parting nasasakupan ng mga damo. Sa paligid ng bahay ay mga puno ng langka at mga lanzones, pati ang mga ito ay hitik sa bunga. “M-Magandang araw,” bati niya pabalik na nginitian ang dalagitang nagbukas ng tarangkahan para sa kanila. “Nagustuhan mo ba ang ating tirahan?” Napalingon si Vahlia kay Mateo, “B
“Isang linggo, Victoria,” paglilinaw ni Mateo kay Vahlia. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Mateo papunta sa Maynila. “Magbabalik ako pagkatapos ng isang linggo.”“Maghihintay ako,” nakangiting sagot naman ni Vahlia habang tinatanaw ang kalesang papalayo sa kan'ya. Lumingon ang asawa nito at kumaway pabalik. Simpleng tumango si Vahlia, pilit na iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam na dumadagundong. Tulad ng kahapon ay tila may kung anong hindi magandang mangyayari, masama ang kan'yang kutob. “Bumalik na po tayo sa loob, Señora. Mahamog pa po rito sa labas,” anyaya ni Karolina. Alas-cuatro pa lamang ng umaga kung kaya’t hindi pa sumisikat ang araw. Sa bawat paghakbang ng kan'yang mga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kan'yang puso sa hindi mawari
“Mag-iingat po kayo, Señora,” paalala ni Flora. Kasalukuyang nakasakay si Vahlia sa kabayong si Morticia at tutungo sa mansiyon Villamarquez. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Cielo kahapon ay nabanggit nitong mas mainam kung bisitahin din niya ang kanilang tahanan sa ibang araw dahil labis itong magugustuhan ni doña Carmen. Bukod doon ay inanyayahan din siya ni Cielo na mamasyal sa kabisera na siyang pupuntahan nila ngayon. “Babalik din ako maya-maya.” Marahan niyang iginalaw ang tali ni Morticia, dahilan upang mapatakbo ang kabayo. Simple na naman ang kasuotang pinili ni Vahlia, isang kayumangging camisa at saya. Kayumanggi rin ang kan'yang panuelo ngunit mas matingkad ang pagkakakulay nito. Sakay ng itim na kabayo ay nagtungo siya sa kabisera ng Isla Oriente. S
“Hindi ko kailangan ang inyong tulong!” Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia. “Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na s
“At naniwala ka rito?” “Bakit hindi? Masiyadong kapani-paniwala ang pagkakasulat. Nais kong linawin at hanapin ang mga katibayang magtuturo sa katotohanan. At ikaw lamang ang naisip kong makatutulong sa akin, Cielo.” Tatlong araw, sapat na upang makapag-isip si Vahlia sa magiging tugon. Sa mga nakalipas na mga araw ay ninais nitong mapag-isa at tumitig sa kawalan habang mahigpit na hinahawakan ang pulang kuwintas sa kan'yang leeg. At ngayon ay inanyayahan nito si Cielo, sinabing ang dahilan ay ukol sa pagpipinta. Ngunit ang katotohanan ay hihingi siya ng tulong, “Masasamahan mo ba ako?” “Ano namang naisip mo at sa akin ka lumapit? Kapatid ko ang inaakusahan at sinisira ng kung sino mang nagpadala ng liham na iyan. Inaasa
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit