Beranda / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Quince: Ligaw na Usa

Share

Capitulo Quince: Ligaw na Usa

last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-28 10:23:27

              Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan.

              Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez  at ang Esperanza.

“Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang dibdib?” panimula ni don Gonzalo nang maisubo ang isang kutsarang kanin sa kan'yang bibig.

“Bakit kailangan pa nating patagalin? Aming napag-usapan ng aking unico-hijo na sa susunod na buwan na lamang itakda ang kasal. Tutal ay wala namang nagiging problema sa kanilang dalawa,” nakangiti namang sagot ni don Lorenzo habang umiinom ng alak mula sa isinalin ng isa sa mga tagapagsilbi sa baso nito.

             Sa ilalim ng mesa naman ay pasimpleng sinipa ni Vahlia ang paa ng kaharap nitong si Mateo dahil sa narinig. Binigyan niya ito ng nang-aakusang tingin na animo’y sinasabing, ‘Ikaw ba ang may pakana nito? Bakit kasabwat ka ng iyong ama sa pagdedesisyon?’

            Palihim namang napadaing ang lalaki sa sakit ng pagkakasipa ni Vahlia, sinulyapan naman nito ang binibini na ngayo’y nagpapakawala ng nakakamatay na titig sa kaniya. Kumunot ang noo nito sa ginawa ni Vahlia, ‘Ano ba ang naging kasalanan ko’t sinipa mo ang aking binti?’ Hindi naman makapagsalita si Vahlia sa harapan ng lahat kung kaya’t tanging irap ang isinagot nito.

“Sumasang-ayon ako, nasa wastong edad na rin ang aking anak upang makapangasawa. Nababatid ko namang isang mabuting bata itong si Mateo kung kaya’t inaasahan kong hindi niya pababayaan si Victoria. Tama ba ako, ginoong Mateo?” Bumaling ang tingin ni don Gonzalo sa direksiyon ni Mateo. Saglit na nanlaki ang mga mata nito sa biglaang tanong ng Don.

“O-Opo, señor Esperanza. Makaaasa po kayong hindi ko sasaktan ang iyong anak,” sagot nito na siyang ikinatawa naman ni Vahlia. Halos lahat naman ay nakatapos na ng kanilang kinakain.

“Nasasabi ni'yo pa po iyan kahit na alam niyong pinagkasunduan ni'yo ang kasalang ito? Wala akong magagawa kundi ang sundin ang iyong kagustuhan dahil isa lamang akong anak at kayo ang nararapat na masunod. Ngunit papaano naman po ako? Hindi ko naman po ginusto ang kasalang—”

“Victoria!” paninita sa kaniya ni don Gonzalo at akma pang tatayo upang lapitan ang anak ngunit agad na napigilan ni doña Vivian. Mahigpit nitong hinawakan ang braso ng asawa at umiiling nitong tinignan ang mga mata nito.

             Wala namang nagawa ang don kung hindi ang bumuntong hininga at muling bumalik na lamang sa kaniyang upuan. Hindi nila ito pamamahay at nakakahiyang sigawan nito ang anak sa harapan ng mapapangasawa nito.

             Nanatiling nakayuko naman si Vahlia at walang imik na nakaupo. Maya-maya pa’y lumapit sa kaniya si Estrella at ipinagpaalam ang kanilang pag-uusap, “Paumanhin po sa naging asal ng aking kapatid, hayaan ni'yo pong ako na lamang ang kumausap sa kaniya.”

             Nakangiti naman siyang tinanguan ni doña Carmen, “Mas mabuti pa nga, maaari kayong magtungo sa hardin upang mag-usap.”

“Maraming salamat po, Señora.”

          

             Akmang tatayo at susunod pa sana si Mateo ngunit agad din siyang nahawakan at napigilan ni Cielo, “Huwag ka nang sumunod pa, Kuya.”

             Hinawakan nito ang balikat ng kapatid at isinama sa likuran ng mansiyon. Malawak ang hardin ng mga Villamarquez at napapalibutan ang isang dako nito ng mga bulaklak ng tayabak (Jade vine), nakadisenyo ang namumulaklak na baging sa isang arko. Napakaganda ng hardin na iyon, isama pa ang iba’t ibang klase ng mga orkidiyang nasa paligid.

“Victoria, aking kapatid. Nauunawaan ko ang iyong hinanakit patungkol sa bagay na ito ngunit hinihiling ko sanang hu—”

“Nasasabi mo 'yan dahil hindi ikaw ang pinipilit!” putol ni Vahlia habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Estrella. Gulat naman ang namuo sa buong mukha ni Estrella, hindi makapaniwalang magagawa siyang sigawan ng kan'yang kapatid.

“H-Hindi man ako ang ipinagkasundo ngunit nais kong malaman mong ginagawa lamang ito ng ating mga magulang para sa iyong kabutihan at masiguring hindi sa kamay ng mga masasamang tao ka babagsak.”

“Ngunit bakit ako lang? Ikaw? Bakit hindi ka ipinagkasundo sa kung sinong mayamang pamilya?” nalilitong tanong ni Vahlia.

“Gustuhin ko man na saluhin ang iyong suliranin sa kasunduang iyan ngunit hindi ko magawa…” Nag-iwas siya ng tingin at kusang tumulo ang ilan sa mga luha niya. “Isang gabi, aking naulinigan mula sa labas ng silid nina Ama’t Ina na ika’y ipakakasal sa mga Villamarquez upang mas lumaganap pa ang ating mga ari-arian at negosyo sa buong bayan at maging sa kalapit Isla.”

“Naisin ko mang ako na ang gumawa sa responsibilidad na iyon pagkat ako ang mas nakatatanda ngunit hindi… batid nila Ina’t Ama ang aking karamdaman sa puso. Walang sino mang magkakagusto sa isang binibining may sakit upang tanggapin sa kanilang pamilya. Alam nilang magiging pabigat lamang ako sa kanila kung kaya’t paumanhin kung hindi kita matutulungan.”

                Tahimik na tinitigan ni Vahlia ang kapatid na ngayo’y patuloy na umaagos ang mga luha nito sa kan'yang pisngi. Masasalamin ang sakit at pagdaramdam sa tila nangungusap na mga mata nito. Kapareho ng pangyayaring ito ang huli nilang pag-uusap ni Tahlia, ang kapatid nito sa totoong katauhan niya bilang si Vahlia ng taong 2019.

                Hindi maawat sa panginginig ang mga kamay ni Vahlia habang patuloy na naglalakad papalapit sa harapan kung nasaan ang kan'yang mga magulang at mga kapatid na sina Tahlia at Kahlia. Ngayon ang araw kung saan pormal nang iaanunsiyo sa publiko ang partnership ng dalawa sa nagbibigatang mga pangalan sa larangan ng abogasiya.

              Ang mga Medrano at Gimenez, at upang mas mapagtibay pa ang pakikipagsosyo nila sa isa’t isa ay napagkasunduan nilang ipakasal sa isa’t isa ang kanilang mga anak. At iyon ay sina Hudson at Vahlia.

“Ladies and gentlemen, I would like to thank you for coming over for the grand opening of MG Lawfirm. And in accordance with our partnership, we have a special announcement for tonight.”

             Sa sinabing iyon ng kan'yang papa ay mabilisa na umatras at tumakbo papalayo si Vahlia. Sa pagtakbo ay nakasalubong niya ang kan'yang ate na mabilis siyang hinablot papasok sa isang silid.

“Look, Vahlia. I don’t have much time to talk about this but I badly want to help you even if it means disobeying our parents, alam kong kasalanan ko ito so helping you to escape is my only option. Nasa likod na ng hotel na’to ang motor mo, ready to go.”

              Hindi makapaniwalang tinignan niya ang kapatid, ang dating kontra-bida sa buhay at pagdedesisyon niya ay tinutulungan siya ngayong makalayo. “But how about you?”

“Anong how about me? I’ll be fine, good luck to you. Be safe, don’t worry magkikita pa rin naman tayo. It just hurts seeing you take the responsibility I should do, I hate myself for having this sickness, letting you take over what you shouldn’t be doing. I-I’m sorry, and if this is the only way para makabawi ako sa’yo bilang kapatid mo, I’ll take the consequences.”

“Patawad, aking kapatid. Patawad dahil hinayaan kitang ikaw ang dapat na magdusa sa kasakiman ng pagiging tao. Hindi ko rin mawari kung bakit kailangan pa ni ama na palawigin ang ating mga ari-arian kung sasapat naman ang na ang mayroon tayo upang mabuhay,” pagpapatuloy ni Estrella habang pinapahid ang mga luha.

“Tunay ngang ang isang tao ay hindi nakukuntento sa kung ano man ang napasakamay na, madaling nasisilaw sa ginto. Kung sana lamang ay maaring ako ang pumalit sa’yo ngunit hindi eh, p-patawad, Victoria.”

             Isang yakap ang isinumbat ni Vahlia sa kaniya, walang sinambit na kahit ano at tanging yakap lang ng isang kapatid. Bagay na hindi niya nagawa sa kapatid niyang si Tahlia bago tuluyang ma-comatose, wala siyang lakas ng loob upang bisitahin ito o kamustahin man lang matapos nitong maisugod sa ospital limang araw ang nakalilipas nang tulungan siya nitong patakasin palayo.

*****

“Patungkol nga pala sa sinabi mo kanina,” panimula ni Mateo nang tuluyang makalapit kay Vahlia na nakaupo lang sa ilalim ng namumukadkad na bulaklak ng tayabak. Ilang oras din ang nagdaan nang magpaalam si Estrella na iwan na muna siya upang mapag-isa at pumasok pabalik ng mansiyon.

“Marami akong sinabi, alin doon?” seryoso ang tono ng kan'yang pananalita na hindi man lang nililingon ang bintang umupo sa tabi niya.

“Ang patungkol sa kasal, talaga bang hindi mo ninanais ang kasunduang iyon?”

“Hindi. Bukod sa napipilitan ako, hindi ba’t may kasintahan ka na rin sa ibang lugar? Hindi ko gugustuhing mang-agaw ng pag-aari ng iba.”

              Tumikhim si Mateo bago muling lingunin ang binibini, “Nais mo bang putulin ang kasunduan?”

               Bahagyang napaawang ang labi niya sa tanong na iyon ni Mateo, “Maaari pa ba?”

“Kung gugustuhin mo, bakit hindi?”

              Nag-angat ng tingin ang binibini at sinalubong ang matamlay na mga mata ni Mateo na pilit ikinukubli sa mga ngiting nakapinta sa kan'yang mga labi. Hindi naman nakasagot agad si Vahlia, natigilan sa puntong tila nangungusap ang mga matang nakatingin sa kaniya.

“Narinig mo na ba ang kuwento ng isang ligaw na Usa sa kagubatan?” pag-iiba ni Mateo. “Ahh, marahil ay hindi pa. Sa gubat ay may isang usa, napakaguwapong usa. Mayroon siyang isang kasintahan. Iyon ang una niyang pag-ibig kung kaya’t labis niyang iningatan ang kanilang pagsasama. Ngunit sa kasamaang palad ay nalunod ang kan'yang kasintahan sa rumaragasang ilog nang isang bagyo ang sumalanta sa buong kagubatan.”

“Labis ang naging hinagpis niya sa pagkamatay nito, umabot sa puntong isumpa na nito ang ilog na siyang kumitil sa buhay ng kan'yang minamahal. Nag-iba na ang tingin niya sa dalisay at malinaw na tubig ng ilog na iyon, kinamuhian niya ang lugar at itinuring na isang pook kung saan tanging mga masasamang ala-ala ang nabubuo. Tuluyang kinalimutan ang mga masasayang tagpong naging saksi ang ilog na iyon. Kadiliman, tanging kalungkutan ang nanatili.”

               Tumingala sa magagandang mga bulaklak sa arko si Mateo at ipinikit ang mga mata, isang ngiti ang namutawi sa kan'yang labi. “Ngunit nakahanap muli ng panibagong dahilan ang Usang iyon upang muling balikan ang ilog ng kalungkutan. Isang napakagandang dahilan upang mawaglit ang hinanakit at masasamang ala-alang iniwan ng ilog sa kan'yang puso’t isipan.”

              Nagkakaroon na ng ideya, unti-unting napapalingon sa direksiyon ng lalaki si Vahlia. “Nakilala niya ang isang napakatapang na Tigre, animo’y lalamunin ang guwapong Usa sa isang tingin pa lamang. Unti-unting nahuhulog sa mabangis na Tigre ang kan'yang kalooban nang hindi namamalayan, tila isang patibong upang ang Usa’y madagit ng Tigre. Ngunit ano pa man, magiging sunod-sunuran ang Usa sa kahit na anong ipagawa ng Tigre. Kahit na gawin pa nitong tanghalian ang malusog at guwapong Usa.”

             Sabay silang natawa na parang ewan habang pareho nang nakatingin sa mata ng isa’t isa. “Ngunit isa pang suliranin ang dumating. Sa isang relasyon, napagtanto ng Usa na hindi ito magiging matibay kapag iisa lamang ang magbibigay ng malalim na pundasyon. Ibig nang lumayo ng Tigre mula sa Usa, sa puntong iyon ay tinawanan na lamang niya ang kan'yang sarili. Bakit nga ba ulit siya nahulog sa isang Tigre? Isang kahibangang mahulog ka sa isang nilalang na batid mong sasaktan ka lamang.”

“Napagpasiyahan na lamang niyang hayaan ang Tigre na umalis, ngunit handa ba siya sa pangalawang pagkabigo sa pag-ibig? Mukhang magiging mahirap ang gagawin niyang iyon—”

“Paano kung pati ang Tigre ay hindi rin makapagpasiya?” biglang singit ni Vahlia habang nananatili ang tingin sa mga mata ni Mateo. “Paano kung sa loob niya’y nagtatalo ang puso’t isipan? Na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapagpasya kung ano ang nararapat sundin. Handa bang maghintay ang Usa?”

            Hindi makapaniwalang tinignan niya ang binibini, isang kakaibang kasiyahan ang sumikbi. Hindi alam kung dapat na ba niyang ipagdiwang ang sagot na ito mula kay Vahlia. “O-Oo, hihintayin ko ang tugon ng Tigre. Ngunit… mananatili ba siya?”

            Saglit na napatigil si Vahlia, mananatili nga ba siya? Paano kung dumating ang puntong babalik na siya sa panahon niya kapag natapos na ang misyon niya rito? Paano kung… masabi niyang mahal na nga rin niya si Mateo?

             

Whiteknight Magico

Yay! Magandang araw!

| Sukai

Bab terkait

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Dieceseis: Pansamantala   

    “Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo. “Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo. Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.”“Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ma

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-30
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diecisiete: Panibagong Laro

    “Hindi nga, ngunit isang kapangahasan pa rin ang iyong ginawa.” Patuloy sa pag-atras ang lalaki at ganoon din sa pag-abante si Vahlia. “Sorry na… hindi ko naman—” “Sinasadya? Hindi mo sinasadya ngunit kusa mong hinablot ang aking kuwelyo at ginawa ang karumal-dumal na gawain ng isang mapangahas at mapansamantalang Binibini.” “Sorry na kasi, at saka pwede ba tigilan mo nang umatras? Konting-konti na lang talaga ay itutulak na kita,” banta ni Vahlia nang makita ang punong-kahoy na nasa bandang likuran ni Mateo. Bahagyang nanlaki naman ang kan'yang mga mata sa panibagong kalokohang pumasok sa kan'yang isip. “Itutulak saan? Mapansamantala kang talaga! Sinasabi ko na nga ba’t nagkamali ako ng pinili, dapat sana’y—”

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-30
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Dieceotso: Kasal

    Lumipas na nga ang tatlong araw, walang komunikasyon o pagkikitang naganap sa pagitan nila ni Mateo. Hindi rin lumabas o gumala si Vahlia at nakatuon na lamang sa pagtugtog ng mga instrumentong nakatambak sa sala ang buong atensiyon niya. Minsan ay sinasabayan siya ng kan'yang ate na siyang kasa-kasama niya sa buong magdamag dahil sa pagiging abala ng kan'yang mga magulang sa pag-aayos ng kasal. Tulala siyang nakatingin sa salaaming nasa kan'yang harapan habang inaayusan siya ni Carlotta, magaling siya sa paglapat ng iba’t ibang mga pampaganda mula Europa at pag-aayos na rin ng buhok. “Naalala mo ba noong unang beses kang isama ni ginoong Mateo sa aming tirahan ni Teodoro?” nakangiti niyang tanong habang iniipit a

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-01
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diecenueve: Dalawampung taon sa Buhay

    Kasabay ng pagmulat ng kan'yang mga mata ay ang pagsalubong sa kan'ya ng isang napakatamis na ngiti mula sa lalaking isinisigaw ng kan'yang puso. Sa araw na ito ay ganap na nga silang mag-asawa. Pagkalabas nila mula sa simbahan ay sabay-sabay na naghagis ang mga tao ng ilang butil ng bigas, barya at mga talulot ng puting bulaklak. Isang napakasayang kaganapan ng kahit na sinong hahantong sa puntong ito. Sinalubong sila ng mga pagbati at mga bilin mula sa mga bisita, lalo na nang makabalik sila sa hacienda Esperanza kung saan idaraos ang piging. Maririnig ang mga musika at nagbubunying mga taong nagsidalo sa kanila

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinte: Harana

    “Maligayang pagdating, Señora Victoria.” Bahagyang napanganga si Vahlia sa bati ng katiwala, nasa harapan na sila ng tarangkahan. Masisilip ang isang bahay, tulad ito ng mansiyon ng mga Villamarquez. Halos ang lahat sa unang palapag ay yari sa bato at sa pangalawa naman ay sa matibay na kahoy. Sa magkabilang gawi ng pasilyo ay mga tanim na gumamela, lahat ay namumulaklak sa iba’t ibang kulay at disenyo. Malawak rin ang parting nasasakupan ng mga damo. Sa paligid ng bahay ay mga puno ng langka at mga lanzones, pati ang mga ito ay hitik sa bunga. “M-Magandang araw,” bati niya pabalik na nginitian ang dalagitang nagbukas ng tarangkahan para sa kanila. “Nagustuhan mo ba ang ating tirahan?” Napalingon si Vahlia kay Mateo, “B

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinte Uno: Mitya ng Huling Kabanata

    “Isang linggo, Victoria,” paglilinaw ni Mateo kay Vahlia. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Mateo papunta sa Maynila. “Magbabalik ako pagkatapos ng isang linggo.”“Maghihintay ako,” nakangiting sagot naman ni Vahlia habang tinatanaw ang kalesang papalayo sa kan'ya. Lumingon ang asawa nito at kumaway pabalik. Simpleng tumango si Vahlia, pilit na iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam na dumadagundong. Tulad ng kahapon ay tila may kung anong hindi magandang mangyayari, masama ang kan'yang kutob. “Bumalik na po tayo sa loob, Señora. Mahamog pa po rito sa labas,” anyaya ni Karolina. Alas-cuatro pa lamang ng umaga kung kaya’t hindi pa sumisikat ang araw. Sa bawat paghakbang ng kan'yang mga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kan'yang puso sa hindi mawari

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-07
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintidos: Brillando Reluciente

    “Mag-iingat po kayo, Señora,” paalala ni Flora. Kasalukuyang nakasakay si Vahlia sa kabayong si Morticia at tutungo sa mansiyon Villamarquez. Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Cielo kahapon ay nabanggit nitong mas mainam kung bisitahin din niya ang kanilang tahanan sa ibang araw dahil labis itong magugustuhan ni doña Carmen. Bukod doon ay inanyayahan din siya ni Cielo na mamasyal sa kabisera na siyang pupuntahan nila ngayon. “Babalik din ako maya-maya.” Marahan niyang iginalaw ang tali ni Morticia, dahilan upang mapatakbo ang kabayo. Simple na naman ang kasuotang pinili ni Vahlia, isang kayumangging camisa at saya. Kayumanggi rin ang kan'yang panuelo ngunit mas matingkad ang pagkakakulay nito. Sakay ng itim na kabayo ay nagtungo siya sa kabisera ng Isla Oriente. S

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-08
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veintitres: Liham

    “Hindi ko kailangan ang inyong tulong!” Nasa loob sila ngayon ng mansiyon Villamarquez, pagkarating nila kanina ay agad na lumundag pababa ng kalesa si Guadalupe, dumiretso sa loob ng kan'yang silid na siya namang nagtatakang sinundan nina Cielo at Vahlia. Kibit-balikat na bumaba na rin si Cielo at sinundan ni Vahlia. Halos mag-iisang oras na silang nakatayo sa labas ng silid ni Guadalupe dahil sa ayaw nitong papasukin sina Cielo at Vahlia. “Ngunit nakasisiguro ka bang hindi mo talaga kami kailanngan pa?” pag-uulit ni Vahlia na sinabayan pa ng naaasar nang boses ni Cielo. “Huwag mo nang pilitin pa, Victoria. Napakalaki ng tiwala niya sa kan'yang sarili’t akala mo naman kung sinong marunong. Maiwan ka na namin, Guadalupe! Bumaba ka na lamang sa ibaba kapag natapos ka na s

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-10

Bab terbaru

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status