“Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo.
Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman.
Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.
“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.
Tila nasampal sa pagkakagitla si Vahlia, tumutugma nga ang hinuha nito! Papalapit nang papalapit sa engrandeng tarangkahan ng pamilya Esperanza, pabilis nang pabilis ang tibok ng kan’yang puso, sa isang iglap ay kumalas siya sa pagkakaayos at tumalon palayo kay Mateo.
“Binibini!” sigaw nito sa biglaang paglukso ni Vahlia.
Hindi niya ininda ang pagkakasemplang niya sa mabatong parte ng daan bagkus ay kumaripas siya ng takbo papalayo mula sa tarangkahan at kay Mateo. Paulit-ulit niyang minumura ang sarili sa kan’yang isipan, ‘Stupid self! Stupid! Stupid! Why didn’t I realized it? Darn stupid self!’ Mateo ang pangalan ng lalaking kanina pa niya kasama at Mateo rin ang pangalan ng lalaking binanggit ni ate Sol na siyang maipagkakasundo sa katauhang pinapangatawanan niya ngayon.
‘Ngunit hindi lang naman iisang tao ang nagngangalang Mateo, di’ba? Pero bakit sa pamilya Esperanza siya patungo?’
“Binibining Vahlia! Nakikiusap akong huwag ka nang tumuloy pa sa dakong bahagi ng kaparangang iyon!” babala ni Mateo habang habol-habol siya sakay ng kabayo.
Sa hanganan ng malawak na lugar na iyon ay isang napakataas na bangin, at sa ibaba nito ay ang mabatong parte ng Isla Oriente. Kaharap na nito ang silangang karagatan ng Pilipinas. Nang mapansin ni Vahlia ang matarik an bangin ay biglaan itong napatigil sa pagtakbo. Mukhang wala na nga siyang kawala, mahuhuli at mahuhuli siya ng lalaking nakasakay sa kabayo.
Mariin siyang pumikit at sunod na sinulyapan si Mateo na ngayo’y nasa harapan na niya sakay ni Manolo. “Titigil ka rin pala, akala ko’y tuluyan mo nang tatalunin ang banging iyan. Halika na’t sumama ka na sa akin, at tutuparin ko ang ipinangako kong tirahan para sa iyo.”
“Ikaw ba si Mateo Villamarquez?” mahinahong tanong ni Vahlia na siya namang ikinangisi nito. “Aba, ako pala’y iyong nakikilala. Siguro’y isa ka nga sa mga masugid kong tagahanga.”
“Ako? Kilala mo ba kung sino ako?”
“Hindi ka man nagpakilala sa akin ngunit naulinigan ko kay Carlotta ang iyong ngalan. Ikaw si V—”
“Victoria, hija!”
Sabay silang napalingon sa gawing pinanggalingan ng boses na iyon. Mabilis na naglalakad ang isang ginang sa puting kasuotan patungo sa kinatatayuan nila. Sa likod naman nito ay si Don Gonzalo.
“Señora Vivian,” tanging nasambit ng binata nang makilala ang ginang na iyon. Nanatili naman sa pagkakatayo si Vahlia, sa isip-isip ay napapamura na lamang.
“Victoria! ¿Por qué estás con este hombre? (Victoria! Bakit kasama mo ang lalaking ito?)” Hindi naman makasagot si Vahlia sa katanungan ng kan’yang ina dahil wala siyang naintindihan sa winika nito ni isang salita.
“Perdón por mi preguntar, señora Vivian. Pero ¿conoces a esta dama? (Paumanhin sa aking itatanong, señora Vivian. Ngunit kilala po ninyo ang binibining ito?)” singit ni Mateo na ngayo’y nakakunot-noong nakatingin sa dalawang babae.
“Sí, es mi hija. Victoria, tu prometida. (Oo, siya ang aking anak. Si Victoria, ang iyong mapapangasawa.)” tuluyan na ngang napanganga si Mateo nang marinig ang sagot ng Ginang. Hindi makapaniwalang ang dapat sanang ipapakilala niyang kasintahan upang makaiwas sa kasunduang kasal ay siyang babaeng mapapangasawa niya.
“Mateo, hijo. Sa aking pakiwari’y paparating na rin ang iyong mga magulang upang mamanhikan, mangyaring pumasok na muna tayo sa mansiyon,” wika ni don Gonzalo.
Masunuring tumango ang binata at bumaba mula sa kabayo upang magpakita ng galang sa mga magiging biyenan niya. Sa kabila ng pagkagitla ay lihim na napapangiti si Mateo, nakayukong naglalakad habang iginigiya ang kabayo papasok sa tarangkahan ng mansiyon. Hindi mawari kung bakit kakaiba ang tuwang sumisiklab sa kan’yang puso.
“Maiwan na muna namin kayo rito, Gonzalo, Mateo. May kinakailangan lamang akong tanungin kay Victoria.” Iminuwestra ng Ginang ang sala mayor para sa kanila upang maupo, ngumiti ito bago higitin palayo si Vahlia na kanina pa walang imik at tipid na nakayuko.
“Sagutin mo nang tapat ang aking mga katanungan, Victoria,” seryosong saad ni doña Vivian nang marating na nila ang azotea. Unti-unti namang nag-angat ng tingin sa kanya ang dalaga, hinihintay ang tatanungin ng ina.
“Bakit kasama mo ang lalaking iyon?”
“Nakita ko po siya sa gubat kagabi, Ina. Ngunit hindi ko naman po aakalaing s—”
“Ang ibig mo bang sabihin ay kasama mo ang isang lalaki nang buong gabi?”
“O-opo,” sagot ni Vahlia. Habang ang Ginang naman ay napahawak sa kan’yang dibdib, “Jusmiyo, Hija! Anong kapangahasan ang inyong ginawa ng lalaking iyon?”
Gulat na napamulagat ang mata ni Vahlia sa tanong na nagmula sa bibig ni doña Vivian. “Ha? Wala po kaming ginawang masama, natulog lang—”
“Natulog? Nang magkatabi? Anong naisip mo anak at pinagkatiwalaan mo ang isang lalaking nakilala mo lamang sa kagubatan? Idagdag mo nang sa gitna iyon ng dilim.” Napapayuko na lang si Vahlia sa hiya, tama nga naman ang Ginang. “Papaano kung nagkataong ibang lalaki ang iyong nakadaupang-palad? Mapalad ka’t si ginoong Mateo iyon at hindi ibang mga ginoong may bahid ng alak sa kanilang pagkatao.”
Tatlong pagtango ang naisagot ni Vahlia sa ina, hindi alam kung dapat ba niyang pasalamatan si Mateo dahil sa pagiging maginoo kuno niya o panatilihin ang pagtutol dahil sa kalokohang ginawa nito sa kan’ya. Idagdag pa ang katotohanang siya ang lalaking ipinagkasundo sa kan’ya.
“Tungkol sa pagtakas mo rin pala kagabi, bakit mo ginawa iyon?” dagdag ni doña Vivian.
“Kasi po… hindi ko naman po ginusto ang kasunduang sinasabi ni Gonza—ni ama.”
Sa sagot na iyon ni Vahlia ay ngumiti ang Ginang at hianwakan ang kamay ng dalaga. “Matuturuan ang puso, Hija. Nasa tao iyon at kung kagustuhan mo ang mahalin at pahalagahan ang isang tao, kusa mo itong mararamdaman hanggang sa unti-unti ay hindi mo namamalayang nahuhulog ka na sa bitag ng pag-ibig. At kapag sa tamang tao mo naipagpalagay ang kahinahunan ng iyong puso, asahan mo ang pag-ibig na dalisay.”
Gamit ang palad ay iniangat ng Ginang ang nakayukong ulo ni Vahlia, isang matamis na ngiti ang isinalubong nito sa anak. “Ngunit hindi ko masasabing ang pagmamahalan at pagkakaroon ng asawa ay palaging masaya at maliligayang karanasan ang hatid. Asahan mong mas marami ang pait at pighating inyong mapagdadaanan sa oras na humakbang kayo papalapit sa isa’t isa.”
‘Bakit ako pinagsasabihan ni doña Vivian ng ganito? Mukha p oba akong atat magkaasawa?’ tanong ng dalaga sa kan’yang isipan.
“Sinasabi ko ito pagkat kailangan mo ang mga payo kong ito kapag ikinasal ka na kay ginoong Mateo,” tugon ng doña na animo’y nabasa niya ang nasa isipan ni Vahlia. Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang tumango bilang pagsang-ayon, sa ayaw at sa gusto niya ay ikakasal sila ng mayabang na lalaking iyon.
Ang kailangan lang naman niyang gawin dito sa nakaraan ay just go with the flow. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa kan'ya ang dahilan kung bakit siya naibalik muli sa nakaraan. At tanging mga key words lang ang iniwan ni ate Sol— muling maiguguhit sa mga bituin ang kuwento, magsisimula ang bagong kabanata sa huling talulot ng rosas.
*****
“Amiga Carmen, ¿cómo estás? Ha pasado mucho tiempo desde que nos volvimos a encontrar, (Amiga Carmen, kamusta ka na? Matagal na rin nang muli tayong nagkita,)” salubong ni doña Vivian sa isang kaedaran niyang kapapasok pa lang ng bahay.
“¡Encantado de verte de nuevo, Vivian! Hasta el día de hoy todavía no puedo creer que mi único hijo se case con tu chica, (Nagagalak akong makita kang muli, Vivian! Hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ang aking nag-iisang anak na lalaki sa iyong dalagita,)” tugon naman ng kausap nitong Babaeng nagngangalang Carmen.
“Mama!” singit naman ng isang baritonong boses na nagmula kay Mateo. Prente itong naglalakad papalapit sa kan’yang mga magulang na ngayo’y parehong nanlalaki ang mga mata. Hindi inaasahang mas mauuna pa ang kanilang anak sa pamamanhikan kaysa sa kanila.
“Mateo? Naririto ka na pala, tila mas sabik ka pang makita ang iyong mapapangasawa. Oh siya, magandang bagay na rin iyan.” Puna ng kan’yang ina habang naglalakad papalapit sa sala mayor ng mansiyon.
Kadarating pa lamang ng mag-asawang Villamarquez sa mansiyon Esperanza, saktong alas-tres na lang rin ng hapon kung kaya’t ipinag-utos ni don Gonzalo na maghanda ang mga tagapagsilbi ng meriendang maihahain sa mga panauhin.
Magkaharap naman ang dalawang pamilya na pinapagitnaan ng lamesitang yari sa puno ng narra. Ang mga upuan ay gawa sa rattan na kung titignan ay napakaeleganteng tignan dahil sa pagkakaukit ng mga disenyo at mabusising pagkakagawa.
“Masaya akong nakarating kayo ngayon rito at mapag-usapan ang tungkol sa kasunduan,” panimula ni don Gonzalo.
“Ganoon din kami, Amigo. Tutal ay naririto na ang ating mga anak, mas mainam na sigurong pag-usapan natin ang kasunduan,” sagot naman ng ama ni Mateo na si don Lorenzo.
Sa kabila naman ng pag-uusap ng kanilang mga magulang, lihim na nagtutunggalian sina Mateo at Vahlia sa kanilang pagtititigan. Mayabang na nakangisi ang binata na sinusuklian naman ng nagbabagang pagmumura at pagkasuklam ang ipinapahiwatig ng mga titig na ipinupukol ng dalaga sa kan’ya.
“Maaari bang malaman ang edad ng aming magiging manugang?” tanong ni doña Carmen habang nakatuon ang pansin kay Vahlia na walang imik at hindi man lang siya hinaharap o sinagot. Abala sa pakikipagsagutan ng titig kay Mateo kung kaya’t bahagya siyang siniko ni doña Vivian, “Po?” tila nagulantang na wika nito sabay lingon sa kan’yang ina.
“Nahuhumaling ka na yata sa akin, binibining Victoria? Ako naman ang kasama mo buhat pa kagabi, hindi pa ba sapat ang paninitig mo sa akin?” preskong pagkakasabi ni Mateo na tila sinasadyang ipahiwatig sa kanilang mga magulang na mayroon nga silang ginawang masama kagabi.
Sa hindi inaasahan ay tinalon ni Vahlia ang mababaw na lamesita na nasa pagitan nila at gigil na kinuwelyuhan si Mateo. Ipinantay niya ang kan’yang mukha sa kaharap at tinitigan na tila tinutusta ito sa mainit na apoy.
“Anong ibig mong sabihin, Hijo?”
“Victoria! Anong asal iyan!”
“Anong buhat pa kagabi? Sinasabi mo bang magkasama kayo buong magdamag?”
“Jusmiyo! Ipinapahiwatig ni'yo bang may ginawa nga kayong hindi nararapat?”
Sunod-sunod na reaksiyon mula sa mga magulang nila na hindi naman pinansin ni Vahlia at patuloy na hinihigpitan ang pagkakahawak nito sa kuwelyo ni Mateo. Nakakailang man ang posisyon nila dahil mistulang nakapatong siya sa hita ni Mateo ngunit hindi ito nakaapekto sa dalaga. Sa kan'yang isip-isip ay sinasadyang sabihin iyon ni Mateo, marahil ay nais niyang panindigan ang kasunduan at kagustuhang painitin ang ulo niya sa tuwing nagtutugma ang kanilang mga mata.
“Kung ganoon ay kinakailangan nating madaliin ang magiging kasal, hindi maaaring malaman ng taumbayan na may nangyari sa kanilang dalawa bago pa man sila ikasal,” suhestiyon ni doña Carmen na siya namang nilingon nilang lahat.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nila nang ilang segundo nang biglang dumaing si Mateo, “A-aray! eres realmente cruel alguna vez. (napakalupit mong talaga kahit kailan.)” Hinimas niya ang pisnging namumula nang dahil sa pagkakasapak ni Vahlia sa kan'ya.
“Victoria! Anong asal iyan? Lumayo ka na muna mula kay ginnong Mateo.” Utos ni don Gonzalo sa anak, wala namang nagawa si Vahlia kung hindi ang sumunod. Lumampas na siya sa linya ng pasyensiya at pagtitimpi.
“Hindi pa ba sapat ang pasa ko sa tuhod para markahan mo ulit ang aking pisngi ng panibagong pasa?” gatong na naman ni Mateo sa paraang tila siya pa ang inocente. Nang dahil doon ay akmang lalapit na naman ang dalaga sa kan'ya at magpapalipad ng suntok tungo sa pisngi nito nang mahagip ni Mateo ang kaniyang kamao. “Maawa ka naman sa akin. Kung nagawa mong ako’y saktan kanina, hindi na mauulit sa pangalawang pagkakataon, mi Tigresa. (aking tigresa.)” Kindat nito sa kan'ya na ikakunot naman ng noo ni Vahlia.
“At ginawa mo pa talaga akong hayop! Loko ka talaga, napakayabang mo! Isa pa talaga, pupunitin ko iyang ipinagmamalaki mong pagmumukha!” tugon ng dalaga sa kan'ya habang nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ng binata sa kamay nito.
Sa gawing kanan naman nila ay napapahawak na lamang sa sentido ni doña Vivian at napapahilamos naman ng mukha si don Gonzalo. Samantalang ang mag-asawang Villamarquez naman ay nananatiling tahimik sa nangyayari sa pagitan ng kanilang anak at ng dalagang Esperanza. Hindi makapaniwalang nagagawa nitong sapakin at kalmutin ang isang lalaki.
“Victoria! Umayos ka sa harapan ng iyong mapapangasawa, tila ika’y nawawalan na ng galang,” puna ni doña Vivian habang hinihila palayo ang anak mula sa binata. Bumuntong-hininga na lamang si Vahlia at napagpasiyahang huwag na lang niyang patulan pa ang pang-aasar ng mayabang na si Mateo.
“Paumanhin po ngunit kinakailangan ko na munang lumabas,” mahinahong pamamaalam niya na siya namang tinanguan ng mag-asawang Villamarquez.
Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas
“Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw
Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).
“Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—” Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin. Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela
Ika-7 ng Abril, 1871“Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba. “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok.“Kanina pa po, Señorita.” “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.”“Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas. “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”
Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan. Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez at ang Esperanza. “Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang
“Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo. “Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo. Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.”“Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ma
“Hindi nga, ngunit isang kapangahasan pa rin ang iyong ginawa.” Patuloy sa pag-atras ang lalaki at ganoon din sa pag-abante si Vahlia. “Sorry na… hindi ko naman—” “Sinasadya? Hindi mo sinasadya ngunit kusa mong hinablot ang aking kuwelyo at ginawa ang karumal-dumal na gawain ng isang mapangahas at mapansamantalang Binibini.” “Sorry na kasi, at saka pwede ba tigilan mo nang umatras? Konting-konti na lang talaga ay itutulak na kita,” banta ni Vahlia nang makita ang punong-kahoy na nasa bandang likuran ni Mateo. Bahagyang nanlaki naman ang kan'yang mga mata sa panibagong kalokohang pumasok sa kan'yang isip. “Itutulak saan? Mapansamantala kang talaga! Sinasabi ko na nga ba’t nagkamali ako ng pinili, dapat sana’y—”
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit