Beranda / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Otso- Aleman

Share

Capitulo Otso- Aleman

last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-21 11:16:38

“Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?”

“Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.”

            Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura.

“Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.”

“Heh? At bakit?”

“Huwag ka nang magtanong pa. Panatilihin mo ang iyong paningin sa daang dapat mong tignan.”

            Masunuring tumango naman si Vahlia at itinikom na lamang ang bibig, nagmamasid sa paligid at sa mga tanawing dinaraanan nila. Malalawak na bukirin at mga punong-kahoy na sagana sa bunga. Nakalulungkot lamang isipin na tanging sa mga probinsiya’t tagong lugar madalas na nakakakita ng ganito ang mga taong nasa modernong panahon. Matatawag na nga bang pag-unlad ang pagkakaroon ng sementadong daan at matataas na gusali?

“Nga pala, maaari ko bang malaman ang pangalan mo, Binibini?” basag ng lalaki sa katahimikang kanina pa namumutawi sa pagitan nilang dalawa.

“Vahlia,” tanging sagot ng babae. Nananatiling nakatuon sa harapan ang kan’yang paningin na animo’y hindi na niya ibig pang gumalaw. Ngayon lang niya napagtanto kung bakit hindi ibig ng lalaking lumingon siya sa kaniyang likuran pagkat isang munting kibot lamang ay magtutugma ang kanilang mga labi!

“Natutuwa akong makilala ka, binibining Vahlia. Bakit tila hindi ka nakagagalaw?”

“P-pwede bang lumayo ka pa ng kaunti?” naiilang na aniya lalo na nang maramdaman na niya ang paghinga at tibok ng puso ng lalaking nasa kan’yang likuran.

“A-ah paumanhin, Binibini.” Umusog patalikod ang lalaki at hinila ang tali ng kabayo upang pahintuin ito. Bumaba ito at iginiya ang hayop sa ilalim ng mayabong na puno ng manga. Kunot-noo naman itong sinulyapan ni Vahlia, “Bakit tayo huminto? Pinapaurong lang naman kita, ah.”

                 Sa halip na sumagot pabalik ay inilahad ng ginoo ang palad nito sa harapan ni Vahlia. “Bakit?” nagtatakang tanong ng dalaga habang inaabot ang kamay ng lalaki. Nang makababa na siya ay isang panyo ang inilabas ng binata mula sa alporhas (saddle bag) at marahang idinampi sa noo ng dalagang napupuno ng mga butil ng pawis na namuo sa matinding sikat ng araw.

“Ayusin mo ang iyong hitsura, Binibini bago tayo tumuloy sa ating patutunguhan,” utos niya na siya namang ikinangiwi ni Vahlia. Oo nga naman, nagmumukha siyang dugyutin sa kan’yang maputik at punit na saya, sa magulo niyang buhok at mga tuyong maliliit na sanga’t dahong sumabit sa kanya. Daig pa niya ang ginahasa at tinapak-tapakan ng mga unggoy sa gubat.

“M-may damit ba diyan sa bag mo?” Kumunot naman ang noo ng binata sa salitang tinuran ng kaharap, “Ibig mo bang sabihin ay ang alporhas na nakasabit kay Manolo?”

“Alporhas? Ano iyon?”

“Sako ng siya,” sagot ng lalaki habang itinuturo ang Alporhas sa kabayo.

“Ah, oo. I mean, the saddle bag,” Napapatangong tugon ni Vahlia. ‘Kailan ba ito na-discuss ng Filipino teacher namin? Parang wala akong maalala, o baka naman ay tinulugan ko lang talaga iyong time na ‘yon?’

“Pacensiya na ngunit wala akong dala-dalang damit para sa babae, ngunit may kaibigan akong may malapit na tirahan mula rito. Maaari tayong makahiram ng damit sa kan’yang asawa.” Hinarap ng lalaki ang kabayo at kinausap sa salitang banyaga, “Manolo, espera aquí. Tan pronto como corras me reiré de ti. (Manolo, maghintay ka rito. Sa oras na tumakbo ka ay kakatayin kita.) ”

            ‘Mabuti pa ang hayop nakaiintindi ng espanyol,’ papuri ng binibini sa kabayong kasalukuyang humahalinghing habang sinusuklay ng lalaki ang kanyang buhok. “Humayo na tayo, marahil ay naghihintay na si ina sa ating patutunguhan.” Naguguluhan man sa tinutukoy ng kausap ay sumunod na lamang siya sa daang tinatahak ng lalaki.

            Halos labing-limang minuto ang itinagal nila sa paglalakad bago matunton ang isang bahay sa hindi kalayuan. Dalawang palapag ito at lahat ng makikita sa panlabas nitong kaanyuan ay gawa sa kahoy,  simple lamang kung pagmasdan ngunit maayos at malinis ang pagkakagawa. Hindi man masyadong malaki ay nasisilip pa rin ang kasaganaan ng pamilyang nakatira roon. Payapa at napapalibutan ng mga kahoy ang bahay, resthouse ang datingan.

“Emilio! Naririyan ka ba?” katok ng lalaki nang makaharap nila ang pintuan ng bahay.

“Sandali! Kay aga-aga’t nambubulabog ka— Mateo? A-anong— kailan ka pa nakabalik ng bansa?” salubong ng isang lalaking may bigote at nakasuot ng puting kamiso na tinernuhan ng itim na pantalon nang mabuksan ang pinto. Gulo-gulo rin ang buhok nitong mahihinuhang talagang kagigising lamang.

“Emilio! Sino ba iyan? Bakit hindi mo sila papasukin at—jusmiyo! Anong nangyari sa inyo?” Isang babae naman ang sumulpot mula sa likuran ng lalaking nagngangalang Emilio, tutop nito ang kan’yang bibig habang budlat ang mga matang tinitigan si Vahlia sa likuran naman ni Mateo.

“A-anong ginawa mo sa binibining ito, Mateo? Pinagsamantalahan mo ba a—”

“Hindi, Carlotta. Nagkakamali ka ng iniisip, wala akong ginagawang masama sa kanya. Sa katunayan nga ay siya pa ang nanakit sa akin,” depensa ni Mateo habang iginiya si Vahlia upang humakbang papalapit sa mag-asawang parehong nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa. “Manghihiram lang sana kami ng inyong mga damit, masyadong marumi ang aming kasuotan buhat pa kagabi dahil—”

“Dahil?” magkasabay na tanong ng mag-asawa, diretso ang tinging nang-aakusa kay Mateo na animo’y nakagawa ito ng napakalaking kasalanan.

“Itinapon niya ako sa putikan,” simpleng sagot ni Vahlia na siyang sunod namang binalingan ng tingin ng mag-asawa, muli ay nalukot ang kanilang mukha na tila may iba silang nahihinuhang bagay na siyang hindi nararapat ginagawa ng babae at lalaking hindi pa ganap na ikinasal.

“Binibini, batid kong mahal mo ang kaibigan naming si Mateo ngunit sana’y inisip mo muna ang kahihinatnan ng inyong pagtatanan,” pangaral ni Carlotta habang tinatapik ang kaliwang balikat ni Vahlia na ngayo’y siya namang nakakunot-noo. “Anong pagtatanan? No, we didn’t elope atsaka hindi ko naman gugustuhing sumama sa lalaking ‘eto ah. Wala lang talaga akong ibang mapagpipilian pa.”

         Muli ay suminghap si Emilio, nagtutugma ang kutob niya sa kan’yang isipan. Nagpakawala siya ng matalim na titig sa kaibigan, “Heto na nga ba ang sinasabi ko, Mateo. Marami namang dilag sa Europa na maaari mong pakasalan, bakit kinakailangan mo pang piliting sumama sa’yo ang Binibining ito?”

“Hindi ko naman siya pinilit, Emilio. Natagpuan ko siyang nag-iisa sa gubat kung kaya’t isinama ko na siya rito,” paliwanag ni Mateo.

“Maglinis na nga kayo ng inyong mga katawan bago tayo makapag-usap, ako’y naguguluhan sa inyong dalawa,” singit ni Emilio habang kinakamot ang ulo nito. “Dito ka maghugas, Kaibigan.” Iginiya niya si Mateo sa likod-bahay kung saan naroroon ang poso. Malawak din ang likod-bahay ng mag-asawang Vergillo, naroon sa tabi ang mga alaga nilang mga pato at mga manok. Sa kabilang banda ay bodega ng mga gamit pangsaka at iba pang mga lumang kagamitan.

“Magkuwento ka naman, Mateo. Ika’y nakagugulat sa pagsulpot mo nang walang pasabi,” panimula ni Emilio habang nag-iigib ng tubig para sa mga alaga niyang pato.

“Katatapos lamang ng aking pag-aaral sa Madrid, napag-alaman ito ni ama kung kaya’t agad niya akong pinauwi ng Pilipinas. Ang certifico ko na lang daw ang luluwas mula Espanya patungo rito sa ating bansa,” biro ni Mateo habang sinisimulang linisin ang kan’yang katawan.

              Sa kabilang dako naman ng bahay ay nasa silid sina Carlotta at Vahlia, “Maglinis ka na muna ng iyong katawan, Binibining?” patanong na ani ni Carlotta.

“V-Vahlia, Vahlia Rex,” sagot naman ng babaeng kaharap niya.

“Kakaiba ang iyong ngalan, marahil ay mula ka sa pamilya ng mga Aleman (German)”

“Hindi naman, obsess lang talaga sa last word na ‘lia’ si Mama.”

“Obsis? Kakatwa ang salitang iyong binanggit. Ahh, pacensiya na’t nawiwili akong kakuwentuhan ka. Sige na, pumasok ka na sa baño at mamaya na kita kukulitin. Ihahanap na muna kita ng damit,” paalam ni Carlotta nang mapansing nangangati na ang dalaga dahil sa marumi nitong saya at akmang tatalikod nang muling magsalita si Vahlia, “S-salamat pala.”

“Naku, wala iyon. Sa aking palagay ay sasakto sa iyo ang ilang mga damit ko noong kadalagahan ko, tutal ay mas payat ang hubog ng iyong katawan kaysa sa akin.” Kamakailan lamang nang mapagtanto niya ang umbok sa tiyan ni Carlotta pahiwatig na buntis ito. Gayunpaman, litaw pa rin ang taglay nitong kagandahan. Maayos na nakapusod ang buhok nito at ganoon din ang peinetang nakaipit dito. Malinis at napakadisente ring tignan ang suot nitong traje de mestisa.

            Nang matapos na nga siya sa paglilinis ng katawan ay maayos na nakabalandra sa malawak na kama ang isang pares ng bughaw na saya at puting camisa, bughaw rin ang panuelo na naroon sa tabi. “Tapos ka na pala, heto ang mga kasuotang maibibigay ko sa iyo. Pagpasensyahan mo na’t medyo may kupas na kulay sa ibang bahagi ngu—”

“No, it’s okay— Ibig kong sabihin ay ayos lang, hindi naman ako maarte. Salamat, ate Carlotta,” pasasalamat ni Vahlia na siya namang ikinangiti ng buntis.

“Walang anuman, nakikita ko sa iyo ang nakababata kong kapatid. Kung sana lamang ay maaari ko pa siyang makitang muli.” Bakas ang lungkot sa kan’yang boses nang mabanggit niya ang tungkol sa kan’yang kapatid. Akmang bubuka ang bibig ni Vahlia upang tanungin si Carlotta kung ano ang nangyari ngunit minabuti na lamang niyang itikom ang bibig, mukhang sariwa pa ang mapait na pangyayari sa kan’ya.

“Oh siya, magbihis ka na at mamaya’y magkukuwentuhan pa tayo.” Ngiti niya bago lisanin ang silid upang hayaan siyang makapagbihis. Ngunit tulad ng pagkakasuot niya sa unang damit na ipinasuot sa kan’ya ni Estrella ay hindi niya makuha ang wastong pagkakaipit at higpit ng bawat kasuotang dapat isuot.

              Maya-maya pa’y isang katok ang narinig niya mula sa pintuan at saktong naisuot na niya ang panuelo sa kanyang balikat, “Vahlia, aking itatanong lang sana kung nakabihis ka na ba?” boses ni Carlotta mula sa labas ng silid.

“Oo, ate. Lalabas na po ako,” mahinahong tugon ni Vahlia at akmang hahawakan na ang busol ng pintuan busol ng pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa si Carlotta. “Dumito ka na muna, Vahlia. Nagbibihis si Mateo sa labas at hindi mo nanaising makita ang kung ano mang bagay iyon,” pinagpapawisang saad niya habang isinasara pabalik ang pinto. Masunurin namang tumango si Vahlia bilang tugon.

“Sa ngayon ay ayusin na muna natin ang iyong kasuotan, tila ika’y nagmamadali,” puna ni Carlotta sa kan’ya at marahang iniayos ang ilang bahaging litaw ang pagkakabuhol at maluwang ang pagkakahigpit. “May tinatakbuhan ka ba?”

              Saglit na huminto ang tibok ng kanyang puso sa gulat. Isa pa ito sa umiikot sa kanyang isip kanina pa, tanyag na pamilya ang pinanggalingan ng katauhang pinangangatawanan niya ngayon. At imposibleng walang makakilala sa kanya. Dapat ay iwas-iwasan niya muna ang pakikihalubilo.

“Wala naman po,” pagsisinungaling niya. Hindi makatingin sa mga mata ni Carlotta ngunit ramdam niya ang pagngiti nito sa kan’ya. “Bakit ni’yo po natanong?”

“Kalimutan mo na lang iyon, Vahlia. Ang importante ay ligtas kang nakalabas ng gubat, nais ko na rin sanang tanungin kung ano ang iyong pananaw sa aming Kaibigan.”

“Sino po?”

“Si ginoong Mateo.” Mapapansin sa reaksiyon ni Vahlia ang pagkalito na siyang napuna ni Carlotta. ‘Siguro ay wala ngang pagtingin ang babaeng ito kay ginoong Mateo. Ngunit dapat ay mayroon lalo na’t ikakasal na sila,’ bigkas ni Carlotta sa kan’yang isipan.

*****

“Hindi ba muna kayo kakain?” anyaya ni Carlotta ngunit umiling si Mateo.

“Paumanhin ngunit may kinakailangan pa akong datnan sa aming tirahan at ganoon din si binibining Vahlia, mauuna na kami. Maraming salamat, Emilio! Carlotta!” paalam ni Mateo na sinundan naman ni Vahlia ng pasasalamat, “Salamat, ate Carlotta, ginoong Emilio.”

                Binati naman sila pabalik ng mag-asawa bago tumuloy sa kanilang patutunguhan. “Nakakatuwa ang mga kaibigan mo, sana’y muli ko silang makita,” sabi ni Vahlia, tutok ang paningin sa madamong daanan.

“Mga kababata ko silang dalawa, hinahangaan ko nga ang kanilang pagmamahalan pagkat umabot sila sa kasalan.” Nang sumipol ang lalaki ay dali-dali namang kumaripas ng takbo papalapit ang kabayong si Manolo na kanina’y abala sa pagkain ng damo.

               Bago pa man mahawakan ni Mateo ang tali ay hinablot na ito ni Vahlia, “Maaari ba?” pagpapaalam niya. Ipinapahiwatig ang kagustuhang patakbuhin ang matikas na kabayo sa malawak na kaparangan. Wala namang nagawa si Mateo kundi ang tumango na lamang lalo nang ngitian siya ng dalaga.

              Matagal na rin noong huli siyang nakapagtakbo ng kabayo, anim na taon na rin siguro. Sumampa siya sa kabayo nang walang kahirap-hirap at ganoon din ang pagpapatakbo nito. Naiwan naman sa ilalim ng punong manga si Mateo, simpleng pagsulyap sa babaeng ngayo’y napakalawak ang ngiti habang pinapatakbo ang kabayo.

              Isang kakaibang pagtingin na muli niyang naramdaman sa isang Binibini. Pilit itinatanggi ng isip ngunit siyang unti-unting iniuukit sa puso.

Whiteknight Magico

Hola! Natutuwa akong nadadagdagan ang mga subscribers ng aking akda.... Isang malaking pasasalamat sa inyo, aking mga mambabasa. Los quiero mucho a todos!

| Sukai

Bab terkait

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diez: Arbol Triste

    Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-23
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Once: Feliz Compleanos!

    “Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-24
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Doce: Gumamela

    Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-25
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Trese: Pulang Kuwintas

    “Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—” Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin. Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-26
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Catorce: Ano nga ba?

    Ika-7 ng Abril, 1871“Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba. “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok.“Kanina pa po, Señorita.” “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.”“Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas. “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-27
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Quince: Ligaw na Usa

    Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan. Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez at ang Esperanza. “Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-28
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Dieceseis: Pansamantala   

    “Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo. “Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo. Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.”“Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ma

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-30

Bab terbaru

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status