Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Siete- Pangahas

Share

Capitulo Siete- Pangahas

last update Huling Na-update: 2021-08-19 09:20:02

               Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon.

              Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito.

              Inakala niyang aalis na ang sawa ngunit sa hindi inaasahan ay lumingon pa ito pabalik, sa bilis ng galaw nito ay hindi nakailag si Vahlia. Kanang braso niya ang natuklaw na siyang ikinadaing nito.

              Nang iwaglit nito ang ahas sa pag-aakalang bibitaw ang hayop sa pagkakasakmal sa kaniyang braso ay bigla itong dumugo at tila napunit ang parte kung saan nakakapit ang mga pangil ng sawa. Mahigpit ang pagkakakagat ng ahas sa kaniyang braso kung kaya’t nang tangkain ulit niyang hilahin upang bumitaw ang bibig nito ay mas lalong nagdugo ang sugat niya.                                                                                                        

“Mas lalo mong paduduguin ang iyong sugat sa ginagawa mong iyan, Binibini.” Biglang sulpot naman ng lalaking napagkamalan niyang kapre kahapon.

“At ano namang gagawin ko? Alam mo naman pala ang gagawin, bakit hindi mo ako tulungan?” sarkastikong bitaw ni Vahlia habang pasimpleng itinaas ang braso nitong may nakalawit na sawa.

“Kurutin mo ang ulo niyan,” utos ng lalaki sa kaniya na siya namang ikinakunot ng noo niya.

“Bakit hindi mo ako tulungan? Gumaganti ka ba?” Mahigpit na inipit ni Vahlia ang munting ulo ng sawa hanggang sa unti-unting lumuwang ang pagkakakagat nito sa kan’yang braso.

“Gumaganti? Para saan naman?” Pinunit naman ng lalaki ang laylayan ng kan’yang camiso at inirolyo nang tatlong beses. Samantala, nagtungo naman sa may ilog si Vahlia at hinugasan ang sugat.

“Dahil sa ginawa ko kagabi?” patanong na sagot nito sa binata kasabay ng sarkastikong pag-ismid niya. “Nga pala, matino ka nang maglakad ah. Naisip kong wala pa palang kalahating kilo ang batong inihagis ko sa tuhod mo. Imposibleng mapilayan ka sa liit ng batong iyon.” Naglakad pabalik ang dalaga sa punong kinatatayuan niya kanina at inilahad ang braso sa binata.

“Maliit ngang tunay ang batong iyon, Binibini. Ngunit napakalakas ng iyong pagkakabato. Hindi man ako napilayan ngunit iniinda ka pa rin ang hapdi ng tinamo kong galos.” Itinali nito ang kapiraso ng tela sa dumudugo pa ring braso ni Vahlia. Nakangisi ang binata sa nagiging sagutan nila ng babae, natutuwa sa mga salitang binibitawan nitong walang preno at hinhin man lang.

“Bakit nga pala nananatili ka pa ring mahinahon sa kabila ng pagkakakagat ng sawa sa iyong braso?” tanong ng lalaki.

“Kapag ba tumili ako’t umiyak, magagamot ba agad ang sugat ko? Kung tinatanong mo ‘yan dahil nakikita mo ako bilang babae, pwede bang kalimutan mo na ring naging lalaki ka?”

            Kibit-balikat namang tumango ang lalaki sa sagot na iyon ni Vahlia. ‘Tahasan kung magsalita ang babaeng ito, kakaiba rin ang ilan sa kan’yang salitang binibitawan. Maaaring nanggaling siya sa ibang lalawigan,’ sa isip-isip ng lalaki.

“Ang sugat mo ang aking tinutukoy, Binibini. Hindi ka ba nangangambang maaaring ikaw ay mamatay sa kamandag na dala ng ahas na kumagat sa iyo?”

“Malayopython reticulatus,” tanging sagot ng dalaga.

              Nagtataka naman siyang nilingon ng lalaki, “Malayo poton— Ano?”

“Malayopython reticulatus. Reticulated phyton sa ingles at ‘sawa’ naman ang tawag sa atin. Walang kamandag ang uri ng ahas na ito na karaniwang humahaba hanggang tatlumpo’t isang talampakan,” pagpapaliwanag ni Vahlia sa kaharap na ngayon ay nakatingin na sa kan’ya nang may paghanga sa kaalamang nalalaman nito sa mga hayop.

             Nang maayos na ni Vahlia ang pagkakabenda ng kan’yang sugat ay pinulot niya ang naghihingalo nang ahas sa paanan ng lalaki. “May breakfast na ba tayo?”

“Anong brekfas?” pabalik na tanong nito sa dalaga.

“Umagahan. May makakain na ba tayo?”

             Sa sagot na iyon ni Vahlia ay napangiwi ang lalaki, “Kung iniisip mong iihawin mo’t kakainin ang sawang iyan, ikaw ang bahala. Bagaman wala ngang kamandag ang mga sawa ngunit hindi makabubuting kainin ang mga ito kapag wala pang laman ang iyong sikmura, Binibini.”

            Napatigil ang dalaga sa balak at napabuntonghininga na lamang bago ilapag pabalik sa damuhan ang ahas. Hindi pa naman ito patay at hindi nito inaasahang nalagay sa 50-50 ang buhay niya nang dahil lang sa nagkamali ito ng taong inatake.

              Dahan-dahan itong gumapang palayo habang sinusundan lamang ito ng tingin ni Vahlia. “Bakit tila pinanghihinayangan mo ang ahas na iyon? Maraming prutas sa kagubatan na siyang maaari mong kainin.”

“Alam ko.”

“Nababatid mo naman pala. Kung ganoon, halika na,” aya nito sabay hila kay Vahlia.

“Eh? Saan tayo pupunta?”

“Malalaman mo rin.”

             Ilang puno’t mga halaman ang nadaanan nila bago tumigil sa paglalakad ang lalaki. Napatingala na lamang si Vahlia sa mataas na puno ng abukado na hitik sa bunga.

“Ano pang hinihintay mo? Akyat na!” utos ng lalaki kay Vahlia na siya namang kan’yang hinarap.

             Tinitigan niya ito ng ilang segundo bago pinadapo ang palad niya sa pagmumukha ng lalaki. “Bastos ka ah! Ako ang paaakyatin mo sa punong 'yan? Para ano? Para manilip ka? No way!”

            Gulat na napatingin ang lalaki sa kaharap habang nakahawak sa pisngi niyang nagsisimulang mamumula. “A-anong? Ika’y nagkakamali, Binibini. Paumanhin kung iyan ang iyong naintindihan ngunit kailanman ay wala akong naging balak na bastusin ang isang binibini.”

“Talaga lang huh,” napapairap na puna nito.

“Paumanhin, naisip ko lang naman na baka pati sa pag-akyat ng puno ay kaya mo ring gawin pagkat ang iyong kilos ay hindi pangkaraniwan para sa isang babae.”

               Sa inaakalang iyon ng lalaki ay taliwas naman kay Vahlia pagkat sa katotohanan ay ang pag-akyat ng puno ang pinakahuli na kan’yang gagawin. Hindi siya marunong umakyat ng puno dahil medyo mahirap sa kaniya ang pagbabalanse ng katawan sa isang sanga.

“Bilang aking paghingi ng paumanhin sa isang binibini, ako na lamang ang aakyat,” presenta ng lalaki bago sinimulang akyatin ang puno ng abukado.

             Ibinalanse nito ang katawan nang matunton na niya ang unang sanga. Ikinawit ang isang braso sa isa pang nakausling kamay ng puno. Sa manipis na camisang suot ng lalaki ay mababakat ang matipuno nitong pangangatawang nagsusumigaw.

“Bakit diyan ka nangunguha?  Wala namang bunga diyan ah!” puna ni Vahlia nang mapansing walang bunga sa sangang kinaroroonan ng binata.

“Mayroon, hindi mo lamang nakikita dahil nariyan ka sa baba!” sigaw naman nito mula sa itaas.

              Nakangising umiling ang dalaga at nameywang pa bago muling tumingala sa kinaroroonan ng lalaki. “Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagmayabang yang katawan mong buto-buto!”

“A-anong buto-buto?” angal nito sa sinabi ni Vahlia.

“Bakit? Totoo naman ah.”

“Nasasabi mo lamang iyan dahil nahuhumaling ka sa akin. Batid ko na ang ganiyang kilos ng mga ng mga binibining tulad mo’y naaakit sa akin,” mayabang na aniya na siyang ikinahalakhak ng dalaga at ikinatalikod naman ng lalaki. Lumipat ito sa kabilang sanga na may hinog nang bunga.

“Oo na, nahuhumaling ako sa’yo.”

               Kamuntikan nang mahulog sa sanga ang lalaki nang dahil sa sinabing iyon ni Vahlia. Sa mukha ng dalaga ay walang mababakas na pagbibiro at pag-aalinlangan. “A-anong ibig mong sabihin?” nalilitong tanong nito habang nakakapit sa kabilang sanga at itinuon ang tingin muli sa dalaga.

“Nahuhumaling ako sa iyo, naaakit sa mga galawan mo,” seryosong pag-uulit ni Vahlia habang diretsong nakatitig sa kulay kanela (cinnamon) nitong mga mata.

               Samantala, hindi na mawari ng lalaki kung ano na ang kan’yang isasagot o itutugon sa pag-amin ng Binibini. Pagka’t hindi niya ito inaasahan, talagang tahasan sa pagsasalita ang dalaga at wala nang paligoy-ligoy pa.

“Una pa lamang kitang makita ay nabuo na ang kagustuhan kong hawakan ang iyong mga kamay…”  Ngumiti ang babae, “at putulin isa-isa ang iyong mga daliri.”

“H-ha?”

“Naaakit akong sakalin ang iyong leeg at nahuhumaling ako sa pagpapalipad ng ilang mga sampal sa iyong mukha.” Napahawak si Vahlia sa kaniyang tiyan kasabay ng mga halakhak niya.

               Nanatiling nakatingin  lang naman sa kan’ya ang lalaki, hindi makapaniwalang naniwala siya at umasa sa mga salitang binitiwan ng babae.

“Oh? Why you look stunned there? Huwag mo namang ipahalatang you fell for my words.” Kumunot ang noo nito sa sinabi ni Vahlia. Ipinagtataka ang ilang mga salitang binitawan ng dalagang kaharap.

“Mukha kang nasiraan ng bait,” tanging nasabi na lamang niya at muling itinuon ang pansin sa mga abukado. Nang makakuha na siya ng sapat ay maingat siyang bumaba.

“Trade,” salubong sa kan’ya ni Vahlia sabay abot ng saging. Bago man sa pandinig niya ang salitang iyon ngunit agad niya naman itong naintindihan. Kinuha niya ang isang saging kapalit ng isang abukado.

               Naunang maupo si Vahlia sa ilalim ng puno ng abukado at sumunod naman ang lalaki.  “Saan mo pinitas ang saging na ito?”

“Sa tabi-tabi lang. Nga pala, saan ka nakatira?” tanong ng dalaga habang nilalantakan ang isa sa mga saging.

“Bakit nais mong malaman? Susundan mo ba ako roon?”

“Kind of. Lumayas ako kagabi sa aming tahanan at wala na akong ibang mapupuntahan. Kahit maging katulong na lang ako sainyo o kung hindi pwede ay game naman akong magtanim. Kahit ano, gagawin ko makahanap lang ng pansamantalang matitirhan.”

               Nakangiti siyang hinarap ng lalaki, “Kahit ano?” aniya na siya namang nilingon ni Vahlia. “Oo nga, basta ba’t matino 'yan.”

“Isasama kita sa aming tahanan, sa isang kondisyon.”

“Ano nga? Sabihin mo na,” pamimilit ng dalaga sa kan’ya.

“Ngunit nakatitiyak ka bang makakaya mong gampanan ang gawaing iaatas ko sa iyo?” paniniguro ng lalaki. Makailang ulit namang tumango si Vahlia, “Oo nga, basta 'yong mga gawaing abot ng makakaya ko. Sige, game ako.”

“Talaga?”

“Oo nga!”

“Oh? Bakit mo ako sinisigawan? Hindi ba’t dapat ay nakikiusap ka ng maayos sa akin?”

                 Agad namang tumalikod si Vahlia, inis na pumikit at pilit na pinalitan ng pekeng ngiti ang kanina pang naasar na pagngisi. Nang muli niyang harapin ang lalaki ay prente itong nakangiti, hinihintay ang isasagot ng dalaga.

“Señorito! Handa po akong maging kasambahay ng inyong bahay. Gagawin ko po lahat ng ipag-uutos ninyo. Magiging mabait na po ako at magiging masunurin.” Tumayo pa ang dalaga at akmang luluhod sa harapan nang biglang tumayo ang lalaki.

“Huwag kang lumuhod, isa lamang akong tao. Maiwan na kita,” huling sabi niya bago tuluyang naglakad papalayo.

“E-eh? Iiwan mo ako?”  habol ni Vahlia sa lalaking hindi niya masabayan sa paglalakad man at sa trip nito sa buhay. “Sandali, pinaasa mo akong patitirahin mo ako sa bahay niyo. Tapos ano? Iiwanan mo ako dito?”

                 Parang walang narinig ang lalaki dahil patuloy lang ito sa paglalakad at iniignora ang reklamo ng dalaga. “Ano ba? Kausapin mo naman ako,oh.”

                 Makailang hila na ang ginawa ni Vahlia sa camiso nito ngunit wala pa ring kibo ang lalaki. Maya-maya pa’y sumipol ito, tinatawag ang kabayo nito. “Pacensiya na ngunit may importante pa pala akong pupuntahan.”

“H-ha? Pero paano ako? Nangako ka kaya!”

“Hindi ako nangako.”

“Yes you did! I mean, Oo kaya!”

“Wala akong maalala.”

“Anak ng— nangako ka man o hindi, wala akong paki. Ano ‘yon? Pinaasa mo lang ako para sa wala? Umasa akong may matitirhan na ako pero heto ka, umaalis!”

“Isang kapangahasan ang isama sa aking tirahan ang  isang binibining hindi ko naman kasintahan,” tanging sagot nito habang pinapagpag ang ilang mga dahong kumapit sa balahibo ng kabayo.

              Kumunot ang noo ng dalaga sa naging rason ng kaharap, “A-ano? Eh bakit mo pa ako pinaasa kung ganoon?”

             Kibit balikat na naglakad palapit sa kabayo ang lalaki bago muling lingunin si Vahlia. “Tutungo ako sa bayan, makikisabay ka ba?”

“Pinapaasa mo ba ulit ako?” Magkakrus na ang mga braso ng dalaga at mababakas na rin ang tila nakapinta nang pagngiwi nito.

“Hindi naman kita pinaasa ah.”

“Tss, in denial ka pa.”

Mujer impaciente,” mahinang bulong ng lalaki at nag-iwas ng tingin.

“Ha? Ano ka’mo? Narinig ko ‘yon. Anong impasyente?” Mas lumapit pa ang dalaga sa lalaki.

“Makinig ka muna sa sasabihin ko, Binibini. Una sa lahat, wala akong sinabing iiwan kita rito. Kaya hindi naman kita pinaasa tulad ng iyong inaakusa sa akin. Pangalawa, bilang isang binibini, dapat ay nalalaman mo nang isang kapangahasan ang isama ka sa aming tirahan. Lalo na’t hindi kita kasintahan o kapatid.”

                 Sa sinabing iyon ng lalaki ay tila umurong na ang dila ni Vahlia at napapayuko na lamang sa hiya. Oo nga naman, siya itong babae ngunit siya pa ang naghahabol. Nakakahiyang pangyayari.

“Kung may nakakakita man sa ating nakatatanda ay tiyak na pagagalitan nila tayo. Hindi tamang nagpalipas tayo ng gabi sa gubat na ito nang tayo lamang dalawa, iba ang iisipin nila’t hahayo ang usaping sisira sa iyong dangal at reputasyon.”

                Mababali na ang leeg ng dalaga dulot ng kaniyang pagyuko na parang batang kasalukuyang pinapagalitan ng ama nang dahil sa pagtatanan.

“Idagdag mo pa ang mga sagutan natin kagabi at kanina na animo’y mga bata pa lang. Ganoon din ang mga kilos natin na hindi nararapat, siguradong papatayin ako ng aking ama sa oras na malaman niyang—”

“Tama na! Kinokonsensiya mo ang damdamin ko,” walang bakas ng pagbibirong putol ni Vahlia sa sasabihin sana ng kaharap. “Fine, you win. Im guilty. Saan na ako pupulutin niyan kung hindi ako pwedeng sumama sa’yo?”

                  Tinignan lang siya ng lalaki at itinuloy ulit ang pagsasalita na parang isang gurong may leksyong tinatalakay. “Pangatlo, may plano akong nakahanda. At ang tanging kailangan ko ay ang tulong mo.”

“Anong maitutulong ko?” nakangiting alok niya na biglang nabuhayan ng loob.

“Mamaya ko na sasabihin, baka magbago pang bigla ang isip mo.”

                    Sa pagkakataong ito ay si Vahlia ang napakibit balikat sa sinabi ng lalaki. “Basta ba’t matino ‘yang planong 'yan. Ayaw kong masangkot sa gulo, lalo na’t may tinatakbuhan ako.”

“Tinatakbuhan?” nangingilatis na tanong naman ng kaharap.

“Yep, may tinatakbuhan ako.”

“Umamin ka nga, isa ka bang tulisan? Tinatakbuhan mo ba ang mga guwardiya kaya ka narito sa kagubatan?” Nanlalaki ang mga mata ng lalaki sa kaisipang nahihinuha niya.

“A-anak ng— Mukha ba akong kriminal? Ha?” tanggi ng dalaga sa bintang nito.

“Hindi naman, ngunit baka isa ka sa mga espiya,” ngisi ng lalaki habang inaayos ang ilang mga gamit na nakalawit sa likuran ng kabayo.

                 Napairap na lang sa pagkaasar si Vahlia at walang ano-ano’y patalon siyang sumampa sa kabayo, dahilan upang bahagyang mapunit ang saya niya. Hindi naman makapaniwalang tinignan siya ng lalaki, gulat sa biglaan at pangahas na kilos ng Binibini.

“P-papaano mo nagawang—”

“Tara na! Marami ka pang satsat diyan,” anyaya niya sa binatang nakaawang pa rin ang labi. Ngunit wala nang nagawa pa ang lalaki nang magsimula nang maglakad ang kabayo at baka patakbuhin pa ito ng Binibini kapag hindi pa siya sumakay. Nakangiting napapailing na lang ito bago sumunod na sumampa sa kan’yang kabayo.

                  Dapat ay masanay na siya sa sobrang padalos-dalos ng Binibini nang sa gayon ay hindi na siya magugulat pa sa pabigla-bigla at hindi inaasahang kilos at pagpapasiya nito. Lalo na at medyo komplikado ang planong naiisip niya, hindi sigurado kung aayon ba ang Binibini sa kan’ya.

                  Ngunit ano pa man ay kinakailangan niyang mapapayag ang Binibini pagka’t ito na lamang ang natitirang alas nito para makaiwas sa isang biglaang problemang naghihintay sa kan’ya sa kanilang bahay.

             

              

Whiteknight Magico

Hola! Magandang araw! Natutuwa ako't nakaabot ka rito kung sino ka mang nagpapatuloy pa rin sa pagbabasa ng aking akda... Muchas Gracias!

| Like

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Otso- Aleman

    “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”

    Huling Na-update : 2021-08-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diez: Arbol Triste

    Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Once: Feliz Compleanos!

    “Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw

    Huling Na-update : 2021-08-24
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Doce: Gumamela

    Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).

    Huling Na-update : 2021-08-25
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Trese: Pulang Kuwintas

    “Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—” Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin. Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela

    Huling Na-update : 2021-08-26
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Catorce: Ano nga ba?

    Ika-7 ng Abril, 1871“Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba. “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok.“Kanina pa po, Señorita.” “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.”“Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas. “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”

    Huling Na-update : 2021-08-27
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Quince: Ligaw na Usa

    Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan. Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez at ang Esperanza. “Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang

    Huling Na-update : 2021-08-28

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status