Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Trese: Pulang Kuwintas

Share

Capitulo Trese: Pulang Kuwintas

last update Last Updated: 2021-08-26 13:36:48

“Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—”

            Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya.

“Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin.

              Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela ay nagniningning dahil sa mga sulong dala ng mga alitaptap. Muling lumapit si Mateo kay Vahlia na siya namang hinarap ng dalaga, naroon pa rin ang mga ngiting nakapinta sa kan'yang mukha.

              Mula sa kaliwang bulsa ng pantalon nito ay isang munting itim na kahon ang kinuha ni Mateo, kunot-noo naman itong sinulyapan ni Vahlia hanggang sa kusa itong buksan ng mga kamay ni Mateo.

“Para sa’yo nga pala.”

             Mariing napatitig si Vahlia sa laman ng kahon… Ang pulang kuwintas! Iyon ‘yong laman ng kahon! Kawangis at kaparehong-kapareho ng kuwintas na binigay ni Hudson at ni ate Sol!

            ‘Hindi kaya… kay Mateo mismo nanggaling ‘yong kuwintas? Kasehodang hindi ako nainform sa original na kuwento nina Victoria at Mateo.’

“H-Hindi mo ba nagustuhan?” pambabasag na tanong ni Mateo sa pagkakatulala ni Vahlia sa laman ng kahon.

“A-Ah n-nagustuhan ko… ngunit para saan? Hindi ko naman kaarawan para bigyan mo ako nito. Dapat nga ay ako pa ang magbigay ng regalo sa’yo.”

“Nabigay mo na ang inaasam kong regalo mula sa i'yo.”

            Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Vahlia sa sinabing iyon ni Mateo, nasa ilalim sila ng isang mayabong na puno. Malinaw na naaaninag ang isa’t isa sa liwanag ng buwan, tila kumikislap ang kapaligiran sa ningning na hatid ng mga alitaptap na tulad ng sa tagpong nagkita ang dalawang bida sa isang nobela. Nanatiling nagkakatitigan at parehong nakikiramdam sa tibok ng kanilang mga puso.

           Ang mga ngiti sa kanilang mga labi, ang kislap sa kanilang mga mata. Dahan-dahang inilalapit ni Mateo ang sarili sa kaniya, dahilan upang mas lalong maghumirentado ang pagtibok ng puso niya. Papalapit nang papalapit… unti-unti ay napapikit siya at hinintay ang paglapat ng labi ng ginoo sa kan—

“Maaari bang iyong hawiin ang iyong buhok?”

          Gulat na napamulat si Vahlia sa sinabing iyon ni Mateo, magkalapit pa rin naman ang kanilang mga mukha ngunit taliwas ito sa inaasahan niya. Hindi siya si Cinderella o Sleeping Beauty para makatanggap ng tumataginting na ‘True Love’s Kiss’!

          Dahan-dahang hinawi pataas nito ang kan'yang buhok upang maikabit ni Mateo ang pulang kuwintas sa leeg niya. “Bakit ka pumikit kanina? May iba kang inaasahan, tama ba?”

          Iritadong napairap naman ang Binibini bago tuluyang hayaang lumadlad na naman ang ilang hibla ng buhok niya. “Wala.”

“Huwag mo na ngang itanggi pa, Binibini. Ngunit paumanhin pagkat hindi pa kita maaaring halikan hangga’t hindi pa tayo ikinakasal,” tumatawang anas ni Mateo. Umupo siya sa paanan ng puno na siya ring ginawa ni Vahlia, pulang-pula ang buong mukha nito sa pagkapahiya. Siya pa ngayon ang lumalabas na nang-aayang gumawa ng kapusukan.

         Dahil sa haba ng sayang suot nito ay halos sakupin na ng kan'yang damit ang buong damuhan. Kung titignan mula sa malayo ay para nga silang mga prinsipe at prinsesa sa kanilang pananamit, si Mateo na nasa azul na tunic (Isang maluwag na damit, karaniwang walang manggas at umaabot hanggang tuhod, tulad ng isinusuot sa sinaunang Greece at Roma) at si Vahlia sa kan'yang magarbong saya na ipinilit ipasuot ni Estrella.

“Bumalik na tayo? Ipagtataka ng ating mga magulang kapag hindi nila tayo nakita sa loob,” Pagsingit niya sa katahimikang biglaang naghari sa kanilang dalawa.

“Bakit parang kasalanan ko pa?” angal ni Vahlia habang pinapagpagan ang likuran ng kan'yang saya.

“Aba, sino bang mas namangha sa tanawing ito? Hindi ba’t ikaw?”

“Sino bang nagdala sa atin dito? Hindi ba’t ikaw?”

“Sino bang sumama sa akin? Hindi ba’t pumayag ka?”

“Sino bang naunang lumapit at nag-anyaya sa’kin? Hindi ba’t ikaw?”

             Sa mga sagutan nila ay hindi na nila namamalayang naglalakad na pala sila pabalik sa mansiyon ng mga Villamarquez. Pagsulpot nila sa kanina’y walang katao-taong parte ng hardin ay laking gulat nila nang makita ang kanilang mga kapatid na mistulang kanina pa sila minamanmanan at hinihintay.

             Ang mga kapatid na babae ni Mateo na sina Cielo at Guadalupe ay pawang magkakrus ang mga kamay. Si Estrella naman ay prenteng nakatayo lamang at kagat-kagat ang labi sa pagpipigil niyang ngumiti at kantiyawan ang kapatid.

“Bakit narito kayong lahat? Kanina pa ba kayo sumunod?” gulat na tanong ni Mateo sa kanila na nakangising namang sinagot ng kakambal niyang si Cielo habang nakataas ang isa sa mga kilay niya, “At bakit? Masama ba?”

“Hindi naman ngunit—”

“Baka may gawin pa sa i'yo ang babaeng iyan kung kaya’t minabuti naming sundan kayo, lalo na’t hindi ko pa lubusang nakikilala ang babaeng ito.” Sinulyapan nito ang ngayo’y nakakunot-noong si Vahlia at tinaasan pa ng kilay bago hilahin palayo ang dalawa nitong kapatid, si Mateo at Guadalupe.

            Hindi naman nagawang makapag-paalam ni Mateo pagkat sa tuwing lilingon ito pabalik ay mas binibinilisan pang maglakad ni Cielo at Guadalupe, tila sinasadyang paglayuin ang dalawa.

            Samantala, naiwang nakataas na rin ang kilay ni Vahlia at humahagikhik naman sa kan'yang tabi si Estrella. “Ano bang ginawa ko sa Cielo na iyon? Mainit yata ang dugo niya sa akin,” nagtatakang sambit ni Vahlia.

“Huwag mo nang pansinin pa ang babaeng iyon, sadyang maldita ang mga señorita ng mga Villamarquez,” sagot naman ng kapatid habang ipinulupot na naman ang kamay kay Vahlia at hinila rin ito sa kabilang direksyon ng tinahak ng mga Villamarquez.

“¡Ahh, espera un minuto, Victoria! Escuché que aún no has aprendido a tocar el violin, (Ahh, sandali nga lang, Victoria! Balita ko'y hindi mo pa raw natututunang tumugtog ng biyolin,)” salubong ng isang nanglalait na boses. Pamilyar din ang tono nito kung kaya’t taas-kilay na sinulyapan ito ni Vahlia.

           Hindi man niya naintindihan ang sinabi ng babaeng kaharap niya ngayon na namumukhaan niya na kung sino ay nahihinuhang namang isang pang-iinsulto ang binanggit nito batay sa tono nito. Siya ‘yong babaeng biglaang sumulpot kahapon nang magtungo sila sa kabisera ni Mateo.

“Señorita Dulce, nos alegra verla aquí, (Binibining Dulce, nagagalak po kaming makita kayo rito,)” sagot ni Estrella ngunit hinawi lang siya nito ng babaeng nagngangalang Dulce. “Cállate Estrella, porque no te hablo. (Tumahimik ka nga, Estrella, pagkat hindi ikaw ang aking kinakausap.)”

          Kumunot ang noo ni Vahlia sa naging pag-uusap ni Estrella at ng babaeng nakapostura. Tinignan niya ito mula ulo hanggang baba, hindi naman maipagkakailang maganda ang binibining ito. Maputi ito at matangos ang ilong, mapula ang labi at makapal ang mga pilik-mata, paniguradong nabibilang siya sa mataas na antas ng lipunan sa paraan ng kan'yang pananamit at mga alahas na suot.

“Ano bang ipinagmamayabang mo at ganiyan ka magsalita?” Ikinumpas ni Vahlia ang hawak nitong abaniko sabay sa pagtaas ng kan'yang noo. Nakangisi namang tumabingi ang ulo ni Dulce at ikinumpas na rin ang puting abaniko.

¡Ah, mira la mujer de sangre poderosa de españoles que habla la lengua de los indios! Criatura divertida. (Ah, tignan mo nga naman ang babaeng tinataglay ang makapangyarihang dugo ng mga Espanyol ay nagsasalita ng wika ng mga indio! Nakakatawang nilalang.)”

“I don’t care about what you’re saying or whatever that is. Keep it yourself, so pathetic of you to act that way in front of other people. Pinapaalam mo lang sa iba kung gaano kapangit ang ugali mo,” pambabara nito sa kaharap na ngayon ay siya namang nakakunot-noo at dahil sa huling sinabi nito ay biglang nag-init ang ulo nito.

“Anong sinabi mong hampas-lupa ka?” pasigaw na sabi ni Dulce kung kaya’t halos lahat ng mga panauhin sa buong sala ay napatingin sa kan'ya.

“Lo que dijo esa mujer fue vergonzoso. (Nakakahiya naman ang tinuran ng babaeng iyan.)”

“Napakatabil naman ng dila ng binibining iyan.”

“¿Cómo podía decir eso frente a una mujer muy elegante? ¿No sabe con quién está hablando? (Paano niya nasasabi iyan sa harapan ng isang napakaeleganteng babae? Hindi ba niya nakikilala kung sino ang kausap niya?)”

“¿No es el único hija del gobernadorcillo? (Hindi ba't siya ang nag-iisang anak ng gobernadorcillo?)”

           Sari-saring mga komento mula sa mga tao ang natanggap ni Dulce, dahilan kung bakit mas lalong mag-init ang ulo nito. Ngunit hindi siya maaaring padaig, lalo na’t siya ang anak ng Gobernadorcillo ng bayang ito, wala sa bokabularyo niya ang salitang umatras.

“Nagtatanong lang naman ako kung maaari mong tugtugin ang biyoling ito,” pag-iiba niya sa usapan at umakto pang siya ang inaapi.

“Ah, ganoon ba? Bakit hindi mo naman sinabi agad? Sinigawan mo pa ako bilang ‘hampas-lupa’, batid mong ika’y nakakasakit ng damdamin sa ginawa mong iyon.”

           Mas humigpit pa ang hawak nito sa kaniyang saya at mariing nagtatangis ang kaniyang bagang, mukhang mapipilitan pa siyang magpakumbaba. “P-Paumanhin, binibining Victoria.”

           Nakangiti namang kinuha ni Vahlia ang biyoling nakapatong sa mesa at marahang tinugtog ito sa saliw ng hanging pumapalibot sa kanila. BRAHMS Violin Sonata No. 3 in D minor, Op. 108.

          Halos pukawin na nila ang atensiyon ng buong tao sa paligid dahil sa biglaang pagtugtog na iyon ni Vahlia, malinis at suave ang pagkakahilis. Damang-dama at nakapupukaw-damdamin ng kung sinong makaririnig. Nagtagal iyon ng mga ilang minuto at nang papatapos na ang tugtog ay sumulpot si doña Carmen kasama ang kanniyang asawa at nagsimulang magsayaw sa gitna ng mga tao.

           Napangiti naman si Vahlia at iniba naman ang piyesang tinugtog na naaayon sa pagsayaw ng waltz na dinaluhan ng iba pang mga magkapareha, ang buong pagdiriwang ay naging gabi ng pagsayaw at katuwaan sa mga dumalo. May kasintahan man o wala, may asawa man o wala ay nagkaroon ng pagkakataong isayaw sa gitna ng bulwagan.

           Mula naman sa kabilang direksiyon ay hindi napansin ni Vahlia na abala sa pagtugtog ang paparating na si Mateo. Suot-suot nito ang ngiti nito habang patuloy ang paghakbang papalapit sa dalaga ngunit bigla itong hinarang ni Dulce na agad nitong hinila papunta sa gitna ng bulwagan upang magsayaw.

            Sa pagkagitla ay hindi nito napigil ang anak ng Gobernadorcillo at hinayaan na lamang magpahila rito, wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang isayaw ang Binibini. Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasayaw ay hindi maiwasang lingon-lingunin ni Mateo si Vahlia sa harapan, umaasang sulyapan siya nito at mabuo ang paninibugho sa kaniyang damdamin.

            Samantala, nang imulat naman ni Vahlia ang mga mata upang tignan ang mga taong nagsasayaw ay hindi nga nakalampas sa kaniyang paningin si Mateo at Dulce na kasalukuyang ngiting-ngiti na halos mapunit ang bunganga habang kaharap at kasayaw ang lalaki.

“Sige na, Binibini. Kami na pong magpapatuloy sa pagtugtog,” wika ng isa sa mga musikerong kararating lamang.

             Napangiti naman sa kanila ang dalaga, lalo na nang makita ang magkakaibang instrumentong dala ng mga musiquero,  mas lalo pa siyang ginaganahang tumogtog at ignorahin na lamang ang nakita niyang dalawang daga kanina.

“Hindi po, makikisabay na lamang po ako sa inyo. Mas pipiliin ko pa pong tumogtog.”

             Sa pagsisimula ng panibagong piyesa ay nakisabay na lamang si Vahlia, ngunit bago pa man matapos ang unang linya ay bigla na lamang siyang hinigit ng kung sino papasok sa centro ng bulwagan.

“Kanina pa kita hinihintay, bakit hindi mo ako pinapansin?”

“At bakit naman kita papansinin? Bakit? Sino ka ba para pansinin ko?” pambabara nito kay Mateo habang pilit na nakikisabay sa bawat paggalaw at paghakbang. Kung sa musika ay madali siyang natututo, pwes… kulelat siya sa pagsayaw. Kaya laging naglalaban ang Physical Education at Music niya sa high school.

“Ako? Sino ako? Ako lang naman ang iyong nobyo na hinahayaan mong agawin at pagnasahan ng iba,” mayabang nitong sagot.

“Sino ba itong hinayaang kaladkarin siya ng linta?”

            “A-anong sabi mo?” Unti-unti ay namuo ang munting ngiti sa kaniyang labi, sumikbo nang kaunti ang kaniyang puso, “Naninibugho ka ba, mi Tigresa?”

“A-Anak ng— ako? Naninibugho? Huwag ka ngang magbiro,” napapairap na sagot ni Vahlia habang iniiwasan ang nanunuksong mga mata ni Mateo.

“Ulitin mo nga… Sabihin mo iyan nang nakatingin sa akin.” Matapang namang lumingon sa kan'ya ang dalaga ngunit ang mga mata ay nasa labi lang ng binata. Muli namang natawa si Mateo at ikinumpas ang galaw sa saliw ng musika upang sadyaing mahagip ang mga mata ni Vahlia. “Huli ka,” aniya nang masalubong ang mga nakakabighaning mga mata ng Binibini.

“Te amo, mi Tigresa.”

Whiteknight Magico

Sa mga patuloy pa ring nagbabasa... Maraming maraming salamat...

| Like

Related chapters

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Catorce: Ano nga ba?

    Ika-7 ng Abril, 1871“Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba. “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok.“Kanina pa po, Señorita.” “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.”“Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas. “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”

    Last Updated : 2021-08-27
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Quince: Ligaw na Usa

    Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan. Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez at ang Esperanza. “Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang

    Last Updated : 2021-08-28
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Dieceseis: Pansamantala   

    “Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo. “Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo. Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.”“Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ma

    Last Updated : 2021-08-30
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diecisiete: Panibagong Laro

    “Hindi nga, ngunit isang kapangahasan pa rin ang iyong ginawa.” Patuloy sa pag-atras ang lalaki at ganoon din sa pag-abante si Vahlia. “Sorry na… hindi ko naman—” “Sinasadya? Hindi mo sinasadya ngunit kusa mong hinablot ang aking kuwelyo at ginawa ang karumal-dumal na gawain ng isang mapangahas at mapansamantalang Binibini.” “Sorry na kasi, at saka pwede ba tigilan mo nang umatras? Konting-konti na lang talaga ay itutulak na kita,” banta ni Vahlia nang makita ang punong-kahoy na nasa bandang likuran ni Mateo. Bahagyang nanlaki naman ang kan'yang mga mata sa panibagong kalokohang pumasok sa kan'yang isip. “Itutulak saan? Mapansamantala kang talaga! Sinasabi ko na nga ba’t nagkamali ako ng pinili, dapat sana’y—”

    Last Updated : 2021-08-30
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Dieceotso: Kasal

    Lumipas na nga ang tatlong araw, walang komunikasyon o pagkikitang naganap sa pagitan nila ni Mateo. Hindi rin lumabas o gumala si Vahlia at nakatuon na lamang sa pagtugtog ng mga instrumentong nakatambak sa sala ang buong atensiyon niya. Minsan ay sinasabayan siya ng kan'yang ate na siyang kasa-kasama niya sa buong magdamag dahil sa pagiging abala ng kan'yang mga magulang sa pag-aayos ng kasal. Tulala siyang nakatingin sa salaaming nasa kan'yang harapan habang inaayusan siya ni Carlotta, magaling siya sa paglapat ng iba’t ibang mga pampaganda mula Europa at pag-aayos na rin ng buhok. “Naalala mo ba noong unang beses kang isama ni ginoong Mateo sa aming tirahan ni Teodoro?” nakangiti niyang tanong habang iniipit a

    Last Updated : 2021-09-01
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diecenueve: Dalawampung taon sa Buhay

    Kasabay ng pagmulat ng kan'yang mga mata ay ang pagsalubong sa kan'ya ng isang napakatamis na ngiti mula sa lalaking isinisigaw ng kan'yang puso. Sa araw na ito ay ganap na nga silang mag-asawa. Pagkalabas nila mula sa simbahan ay sabay-sabay na naghagis ang mga tao ng ilang butil ng bigas, barya at mga talulot ng puting bulaklak. Isang napakasayang kaganapan ng kahit na sinong hahantong sa puntong ito. Sinalubong sila ng mga pagbati at mga bilin mula sa mga bisita, lalo na nang makabalik sila sa hacienda Esperanza kung saan idaraos ang piging. Maririnig ang mga musika at nagbubunying mga taong nagsidalo sa kanila

    Last Updated : 2021-09-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinte: Harana

    “Maligayang pagdating, Señora Victoria.” Bahagyang napanganga si Vahlia sa bati ng katiwala, nasa harapan na sila ng tarangkahan. Masisilip ang isang bahay, tulad ito ng mansiyon ng mga Villamarquez. Halos ang lahat sa unang palapag ay yari sa bato at sa pangalawa naman ay sa matibay na kahoy. Sa magkabilang gawi ng pasilyo ay mga tanim na gumamela, lahat ay namumulaklak sa iba’t ibang kulay at disenyo. Malawak rin ang parting nasasakupan ng mga damo. Sa paligid ng bahay ay mga puno ng langka at mga lanzones, pati ang mga ito ay hitik sa bunga. “M-Magandang araw,” bati niya pabalik na nginitian ang dalagitang nagbukas ng tarangkahan para sa kanila. “Nagustuhan mo ba ang ating tirahan?” Napalingon si Vahlia kay Mateo, “B

    Last Updated : 2021-09-06
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Veinte Uno: Mitya ng Huling Kabanata

    “Isang linggo, Victoria,” paglilinaw ni Mateo kay Vahlia. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Mateo papunta sa Maynila. “Magbabalik ako pagkatapos ng isang linggo.”“Maghihintay ako,” nakangiting sagot naman ni Vahlia habang tinatanaw ang kalesang papalayo sa kan'ya. Lumingon ang asawa nito at kumaway pabalik. Simpleng tumango si Vahlia, pilit na iwinawaglit ang kakaibang pakiramdam na dumadagundong. Tulad ng kahapon ay tila may kung anong hindi magandang mangyayari, masama ang kan'yang kutob. “Bumalik na po tayo sa loob, Señora. Mahamog pa po rito sa labas,” anyaya ni Karolina. Alas-cuatro pa lamang ng umaga kung kaya’t hindi pa sumisikat ang araw. Sa bawat paghakbang ng kan'yang mga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng kan'yang puso sa hindi mawari

    Last Updated : 2021-09-07

Latest chapter

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status