Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Once: Feliz Compleanos!

Share

Capitulo Once: Feliz Compleanos!

last update Last Updated: 2021-08-24 10:43:35

“Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”

“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”

“Anong sabi?”

“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito.

Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob.

“Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniwalang anas ni Vahlia nang mabuklat ang buong papel at tumambad ang isang napakagandang kaligrapiya. Sa isang tingin ay aakalain mong nakaimprenta.

“Ayon po sa ilang mga usaping naulinigan ko sa panganay ng mga Villamarquez ay talagang may itinataglay na talento ang señorito. Bukod sa nakamamanghang pagsulat ay mahusay rind aw po siya sa panunula.”

             Napapatango na lang si Vahlia sa mga sinasabi ni Stella. Hindi na alam kung paniniwalaan na nga ba niya ang mga nabanggit ng katabi at isali pa ang mga taong bumati kay Mateo kahapon sa kabisera.

“Hay? Ginoong Mateo! Hindi nga ako namamalik-mata, nagbalik na po pala kayo ng bansa,” bati ng isa sa mga tindera ng gulay. Nilingon naman ito ni Mateo at nginitian, “Aling Betchay, kumusta po? Matagal-tagal na rin po pala noong huli tayong nagkita.”

“Oo nga, Hijo. Eh sino naman ang magandang dilag na iyong kasama?” Bumaling ang tingin ng matabang babae kay Vahlia na kasalukuyang nakatingin sa kabilang kariton ng mga pakwan ngunit ang tainga’y nakatuon pa rin sa pag-uusap nila aling Betchay at Mateo.

“Kasintahan mo ba siya?” dagdag ng Ale habang nakangiting nakatingin sa dalaga at sa pakwan. “Kay buti mong bata, Mateo hijo. Ngunit tila kakaiba ang ikinikilos ng iyong kasintahan… Ika’y magtapat nga sa akin, tila naglilihi sa pakwan ang binibining ito.”

“Po?” magkasabay na angal nilang dalawa sa sinabi ni aling Betchay. Humalakhak naman ang ale habang umaalog-alog ang bilbil nito. “Iyan na nga ba, huwag ni'yo nang itanggi dahil nalalaman ko ang mga palatandaan ng pagdadalang tao.”

           Isang pekeng ngiti naman ang iniharap ni Vahlia sa ale bago palitan at ilipat ang kan’yang nakamamatay na tingin kay Mateo. Pasimple nitong kinurot ang tagiliran ng Binata, pahiwatig na ipaliwanag ang totoong sitwasyon sa Ale na hanggang ngayon ay humahagikhik pa rin.

“A-aray naman… oo na,” bulong ng Binata kay Vahlia habang dumadaing sa sakit ng pagkakakurot nito sa kaniya. “Ah, Aleng Betchay. Ang totoo po niyan ay hindi ko pa po k-kasintahan ang binibining aking kasama.”

          Tumigil sa pagtawa ang matabang babae, “Kung ganoon, bakit kayo lamang dalawa ang magkasama?”

“Hindi ko po siya kasama,” sagot ni Vahlia. “Sa katunayan po ay nadaanan ko lang po ang ginoong ito rito.”

“Ha? Hindi mo ako maloloko, Hija. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan ng iyong nobyo. Magkasabay kayong dumating rito sakay ng kabayo. Ngunit huwag kayong mag-alala pagka’t ligtas ang lihim ni'yo sa akin.” Kumindat pa ang Ale sa kanila.

“Mauuna na po muna kami, aling Betchay,” pagpapaalam ni Mateo sa kausap kasabay ng isang ngiti bago higitin papalayo ang dalaga.

          Walang imik namang nagpahila si Vahlia kay Mateo, maya-maya pa’y bumagal ang kanilang paglalakad kasabay ng pagtawag kay Mateo mula sa isang panibagong boses ng babae. “Mateo? Eso es exactamente lo que escuché de mi padre. ¡estás de vuelta! (Mateo! Tama nga ang aking naulinigan mula kay ama. Nagbalik ka na!)”

         Nang mag-angat ng paningin si Vahlia sa harapan nila ay nagtama ang paningin nila sa isang babaeng nakasuot ng magarbong saya. Tulad ng isinusuot ng mga kababaihan sa Espanya noong pamumuno ni haring Amadeo I. Isang napakahabang palda na tila may umbok sa likuran at sumasayad sa lupa, napakakitid din ng beywang niya na animo’y nirolyohan nang makailang ulit ng bakal na paha (corset). Sa ulo niya ay may nakapatong na sambalilo (hat), sa kaliwang bahagi ay may nakaipit na balahibo ng kung anong ibon bilang disenyo. Sa kabuuan ay napakaganda at elegante ng kaniyang suot, hindi maipagkakailang siya’y anak ng Gobernadorcillo ng bayang ito.

“Dulce, yo también me alegro de verte, (Dulce, nagagalak din akong makita ka,)” bati pabalik ni Mateo na siyang ikinakunot-noo ni Vahlia.

“Eehh, Mateo. ¿Sabes que estoy molesto contigo? (Eehh, Mateo. Alam mo bang nagtatampo ako sayo?)” Lumapit ang babae sa kanila at ikinawit ang braso kay Mateo. Tumagilid naman ang ulo ni Vahlia na siyang nasa likuran na nila dahil hinihila ng babae si Mateo palayo sa kan’ya.

“¿P-por qué, señorita Dulce? (B-bakit naman, binibining Dulce?)” nakangiwing sagot ni Mateo dahil sa malagkit na titig ng babae sa kan'ya.

            Nang mapansin ito ni Vahlia ay minabuti na nga lang niyang manatili sa likuran nila. Nakalikod ang dalawang kamay habang taas noong tinatahak ang daan pabalik sa kinaroroonan ni kabayong si Manolo. Umiiling-iling habang pinipigilan ang pagtawa, muli ay sinulyapan niya pabalik si Mateo at ang babae na ngayo’y nakangiwi pa rin at tila napipilitang pakisamahan ito.

           Samantalang ang babae ay hindi naman mapigil sa pagngiti at pagkausap kay Mateo habang nakaangkla ang braso sa lalaki. Nang lumingon naman pabalik si Mateo ay muling nagtama ang mga paningin nila, isang ngiti lamang ang isinagot ni Vahlia sa kaniya at kumaway pa.

“Anong nilalaman ng sulat, señorita Victoria?” pangungulit ni Stella sa kaniya at nagsumiksik pa sa kan'yang tabi.

“Sandali lang naman, eto na! Babasahin ko na.”

           Nagsimula na ngang basahin ng Señorita ang liham ni Mateo, “Naghahalong kahel at pula ang tintang bumabalot sa buong kalangitan, paglubog ng araw ang siyang mamamasdan. Tulad ng isang rosas, sa huling talulot, panibagong kabanata ang maisusulat. Hudyat ng pagtatapos ng isang buong araw na laging ikaw lamang ang laman ng aking puso’t isipan.” Napatigil sa pagbabasa si Vahlia at humigpit ang hawak sa papel.

“Hala, ang Señorita’y kinikilig,” tukso ni Stella habang tutop ang bibig at hindi na maawat sa pagngiti.

“Sige, magsalita ka pa at hindi ko na itutuloy ang aking pagbabasa.”

“Ahy, paumanhin po, Señorita.” Tinakpan nito ang buong bibig at hinayaang basahin ni Vahlia ang buong liham. “Sa panibagong bukas ay ikaw na naman ang walang pakundangang sasakop sa aking buong isipan. Pakiwari ko’y hindi mo na yata ako lulubayan pa. Hindi ko na batid kung papaano ko aalisin ang iyong hitsura at pangalang nakaukit sa aking puso.”

           Nang mabuklat na niya ang huling tupi sa papel ay isang piraso ng munting tela ang nahulog mula roon. Kunot-noo nitong pinulot ang puting tela at napansing may nakasulat doon. “Tigresa, ang anumang nakapaloob sa liham na iyan ay gawa-gawa lamang ng aking kapatid. Nawa’y huwag mo munang papaniwalaan ang ano mang nakasulat diyan. Ginoong sukdulan ng kaguwapuhan, Mateo.”

          Nagkatinginan sina Stella at Vahlia nang mabasa ang nilalaman ng munting piraso ng tela. Parehong hindi makapaniwala at nakangiwi. Bukod sa nalaman nila ang pamemeke sa liham ay napakapangit din ng sulat kamay roon. Ibang iba sa pagkakasulat ng liham sa papel. Mukhang wala palang katotohanan na ang panganay na Villamarquez ay may napakagandang kaligrapiya.

“S-Señorita? M-mayroon po ulit kayong liham mula sa katiwala ng mga V-Villamarquez,” nauutal na kataok ng kung sino mula sa labas ng silid. Agad namang tumayo si Stella upang pagbuksan iyon ng pinto, “Risa, ikaw pala. Ano ang iyong sadya?”

          Walang imik na yumuko at iniabot ng batang tagapagsilbi ang isang panibagong pulang sobre na may kaparehong selyo sa naunang liham na binasa nila, “Salamat,” bati ni Vahlia kay Risa na ngayo’y gulat na nag-angat ng tingin sa kaniya. “O-Opo,” tanging nasabi niya bago muling yumuko at tumakbo papalabas.

“Bakit tila nahihiya ang batang iyon?” puna ni Vahlia habang sinusundan ng tingin na isara ni Stella ang pintuan.

“Siya po si Risa, Señorita. Labing tatlong taong gulang po siya nang ipasok siya ng kan'yang mga magulang dito dahil sa hindi po sapat ang buwis na ibinabayad nila sa tributo.”

“Ganoon ba? Magkano ba ang bayad sa tributo?”

“Isáng daán at dalawáng pû’t isáng sentimos po, Señorita.”

            Saglit na napaisip si Vahlia, ‘Sa halagang sentimo pala ay mahal na sa panahon na ito. So, kapag may one-hundred ako ngayon, mayaman na ba ako? But kidding aside, hindi na biro ang ganito sa panahong kinasasadlakan ko. Hindi nga nagbibiro si ma’am Fontejo nang sabihin niyang malupit ang pamamalakad ng mga mananakop noong unang panahon. Halos ‘yon lang yata ang nasiksik sa kukote ko nang mag-lecture si Ma’am.’

          Ang tributo and tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw ng mga español sa mga Pilipino. Ang paniningil nito ay nagsimula pa noong panahon ng sistemang encomienda. Ang lahat ng Pilipinong lalaki na mula 19 hanggang 60 taong gulang ay may obligasyong magbayad ng 8 reales ng buwis sa bawat taon. At noong 1589, tumaas ito ng 12 na reales. Ang katumbas ng isang real noon ay 121/2 sentimos. Noong 1884 tinanggal ito ng tributo at pinalitan ng cedula personal. And cedula personal ay hindi nakabatay sa edad kundi sa laki ng kinikita. 

“Ano naman po kaya ang laman ng liham ng Ginoo sa i'yo, Señorita?”

            Saglit na nawaglit sa isipan ni Vahlia ang tungkol sa liham na nasa kamay na pala niya. Walang gana niya itong binuksan sa pag-aakalang isa na naman iyong kalokohan nang bumulaga ang iginuhit na anino ng isang binibini na nakatayo malapit sa ilog.

          Napakaganda ng pagkakaguhit kahit ang tanging kulay lamang na ginamit ay itim at abo. Sa unang tingin ay mapapansing simpleng guhit lamang ngunit kung tititigang mabuti ay may kung anong ipinapahiwatig. Sa anino ng mga puno, halaman at maging ang mga bato ay tila may ikinukubli. Ang kabuuan naman ng babae ay hindi masyadong mawari at maging ang ilog ay medyo magulo.

           Binuklat niya ang isa pang liham, “Paumanhin sa laman ng aking unang liham na ipinadala ko sa i'yo. Narito ang aking munting regalo sa i'yo, nawa’y magustuhan mo. Ang iginuhit kong larawan ay maaari mo bang buhusan ng tubig?”

           Pagkabasa niyon ay kunot-noo niyang inutusan na kumuha ng tubig si Stella na siya namang agad nitong sinunod. “Narito na ho ang tubig mula sa kusina. Señorita,” aniya sabay abot ng isang basong tubig.

           Inilapag ni Vahlia ang buong papel na may guhit sa lamesitang nasa tabi ng bintana at maingat na binuhusan ng tubig. Unti-unti ay lumitaw ang sari-saring kulay na tinataglay ng bawat bagay na nakaguhit. Sa mga berdeng dahon at malinaw na tubig ilog, sa ilalim ng liwanag ng buwan. Ganoon din ang kremang baro’t saya na suot ng binibini sa larawan na hawig ng suot ni Vahlia nang gabing una silang nagtagpo sa ilog na iyon.

           Tila ito’y ipininta gamit ang mga pangkulay at kung anong langis bago budburan ng abo. Nang mabasa ng tubig ang buong papel ay napagtanto rin niyang gawa ito sa kakaibang tela. Sadyang nakamamangha ang likhang sining na iyon, napakaganda!

Ultimo pétalo de la rosa, se escribirá un nuevo capítulo. (Huling talulot ng rosas, bagong kabanata ang maisusulat.)” Mali-mali man ang tono ng kaniyang pagkakabigkas at hindi rin niya maintindihan ngunit sinikap niyang basahin ang nakasulat na mga salita sa ibaba ng ipininta ni Mateo.

            Binalikan niya ang liham na kalakip ng painting na iyon at itinuloy na binasa, “Bukas ay ang aking kaarawan, hilingin ko mang kahit huwag nang maghanda ng piging ngunit kasiyahan ito ng aking kapatid na siyang aking kasabayan, ang aking kakambal. Nais kitang imbitahan at ang iyong pamilya para sa magiging piging mamayang sa aming tahanan. Sana’y paunlakan mo ang aking paanyaya. Maghihintay, Mateo.” Isang simpleng ngiti naman ang namuo sa mga labi ng babae.

*****

“Ano, Victoria? Suot mo ba ang pinakamaganda mong panggayak?” katok ni Estrella mula sa pintuan. Alas cuatro pa lamang ng hapon ngunit heto at sabik na sabik ang kan'yang nakatatandang kapatid na si Estrella na bihisan at ayusan si Vahlia.

            At ang rason? Kaarawan daw ngayon ng kan'yang mapapangasawa at marapat lamang na siya ang pinakamaganda sa lahat. Tutol sa ideyang ito ang nakababatang kapatid niya ngunit nagpumilit si Estrella kung kaya’t hinayaan na nga lang niya ito sa ninanais.

“Maaari ka nang pumasok, ate Estrella,” buntong hininga ni Vahlia nang naipit na niya ang huling tela ng saya.

           Ngunit laking gulat niya nang makita si Estrella na may dala-dalang isang kahong nakabukas at napupuno ng mga kumikinang na mga alporhas at iba’t ibang pang-ipit. “I-Ikakabit mo ang lahat ng iyan sa kasuotan ko?”

“Sí, todo, (Oo, lahat nga nito,)” Tumatangong sagot niya habang humahakbang papalapit.

Sources:

Ang Tributo-h**p://kristinebraga22.blogspot.com/

Related chapters

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Doce: Gumamela

    Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).

    Last Updated : 2021-08-25
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Trese: Pulang Kuwintas

    “Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—” Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin. Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela

    Last Updated : 2021-08-26
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Catorce: Ano nga ba?

    Ika-7 ng Abril, 1871“Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba. “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok.“Kanina pa po, Señorita.” “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.”“Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas. “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”

    Last Updated : 2021-08-27
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Quince: Ligaw na Usa

    Sa loob ng mansiyon ng pamilya Villamarquez, naroon sa malawak na hapag-kainan ang dalawang pamilya at sama-samang kumakain ng tanghalian. Sa pinakagitna ay ang paella na may mga hipon, tahong at itlog, nakalapag din ang putaheng pochero na sinahugan ng karne ng baboy, saba at kamatis, naroon din ang malinamnam na adobo. Siyempre, hindi mawawaglit ang kanin at mga prutas gaya ng saging, mansanas, ang mamahaling presa at pakwan. Pinag-uusapan ang mga bagay patungol sa kasunduan ng kanilang pamilya, isang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa sa mga tanyag na pamilya sa buong Isla Oriente. Ang Villamarquez at ang Esperanza. “Ano nga ba ang magiging takdang petsa ng kanilang pag-iisang

    Last Updated : 2021-08-28
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Dieceseis: Pansamantala   

    “Mateo, hijo! Magandang umaga,” bungad ni señora Vivian nang makita ang kararating lamang na si Mateo sakay ng kabayo nitong si Manolo. “Magandang umaga rin po sa inyo, Señora. Ibig ko po sanang ipagpaalam ang inyong anak upang mamasyal,” sagot naman ng lalaki nang makababa sa kan'yang kabayo. Malungkot na napabuntong hininga ang Señora bago muling harapin si Mateo, “Tungkol nga pala sa nangyari noong nakaraang lingo, humihingi ako ng pasiyensiya sa iniasal ng aking anak.”“Naiintindihan ko po iyon, Señora. Nakausap ko naman po si binibining Victoria patungkol sa bagay na iyon. Marahil ay ma

    Last Updated : 2021-08-30
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diecisiete: Panibagong Laro

    “Hindi nga, ngunit isang kapangahasan pa rin ang iyong ginawa.” Patuloy sa pag-atras ang lalaki at ganoon din sa pag-abante si Vahlia. “Sorry na… hindi ko naman—” “Sinasadya? Hindi mo sinasadya ngunit kusa mong hinablot ang aking kuwelyo at ginawa ang karumal-dumal na gawain ng isang mapangahas at mapansamantalang Binibini.” “Sorry na kasi, at saka pwede ba tigilan mo nang umatras? Konting-konti na lang talaga ay itutulak na kita,” banta ni Vahlia nang makita ang punong-kahoy na nasa bandang likuran ni Mateo. Bahagyang nanlaki naman ang kan'yang mga mata sa panibagong kalokohang pumasok sa kan'yang isip. “Itutulak saan? Mapansamantala kang talaga! Sinasabi ko na nga ba’t nagkamali ako ng pinili, dapat sana’y—”

    Last Updated : 2021-08-30
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Dieceotso: Kasal

    Lumipas na nga ang tatlong araw, walang komunikasyon o pagkikitang naganap sa pagitan nila ni Mateo. Hindi rin lumabas o gumala si Vahlia at nakatuon na lamang sa pagtugtog ng mga instrumentong nakatambak sa sala ang buong atensiyon niya. Minsan ay sinasabayan siya ng kan'yang ate na siyang kasa-kasama niya sa buong magdamag dahil sa pagiging abala ng kan'yang mga magulang sa pag-aayos ng kasal. Tulala siyang nakatingin sa salaaming nasa kan'yang harapan habang inaayusan siya ni Carlotta, magaling siya sa paglapat ng iba’t ibang mga pampaganda mula Europa at pag-aayos na rin ng buhok. “Naalala mo ba noong unang beses kang isama ni ginoong Mateo sa aming tirahan ni Teodoro?” nakangiti niyang tanong habang iniipit a

    Last Updated : 2021-09-01
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diecenueve: Dalawampung taon sa Buhay

    Kasabay ng pagmulat ng kan'yang mga mata ay ang pagsalubong sa kan'ya ng isang napakatamis na ngiti mula sa lalaking isinisigaw ng kan'yang puso. Sa araw na ito ay ganap na nga silang mag-asawa. Pagkalabas nila mula sa simbahan ay sabay-sabay na naghagis ang mga tao ng ilang butil ng bigas, barya at mga talulot ng puting bulaklak. Isang napakasayang kaganapan ng kahit na sinong hahantong sa puntong ito. Sinalubong sila ng mga pagbati at mga bilin mula sa mga bisita, lalo na nang makabalik sila sa hacienda Esperanza kung saan idaraos ang piging. Maririnig ang mga musika at nagbubunying mga taong nagsidalo sa kanila

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status