Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Capitulo Seis – Takas

Share

Capitulo Seis – Takas

last update Last Updated: 2021-08-03 19:26:00

              Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo.

            ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’

             Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag  dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba.

              Lumingon naman siya pakaliwa’t pakanan, tinitignan kung mayroon bang nakakita sa kan’ya. Ngunit tila wala namang nakapansin sa pagaala-catwoman niya. Humigpit ang hawak sa balabal na nakatakip sa kaniyang mukha bago simulang tumakbo patungo sa masukal na kagubatan.

              Lakad-takbo ang kaniyang ginawa sa gitna ng kagubatan, tinatahak ang daan ayon sa porma ng mga bituin. Kung sa history ay kulelat siya, asignaturang agham naman ang kalakasan niya. Ngunit napatigil siya nang madatnan na nito ang rumaragasang ilog. Buhat na rin ng matinding pagod ay napagpasiyahan niyang maupo na muna sa ilalim ng puno.

             Akmang ipipikit na sana niya ang pagod nang mga mata nang muli siyang mapatayo dahil sa kaluskos na nagmumula sa kakahuyan. Wala siyang dalang lampara at tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw sa madilim na gubat.

               Sa paghakbang niya papalapit sa punong kahina-hinala ay biglang nagdilim ang paligid dahil sa pagdaan ng malaking porma ng ulap sa liwanag ng buwan. Gayunpaman, ipinagpatuloy niya ang paghakbang papalapit nang biglang bumalaga ang isang dambuhalang nilalang.

               Unti-unting bumabalik ang ilaw mula sa liwanag ng buwan kung kaya’t naaninag nito ang nilalang na nasa harapan niya. Ang mabuhok na balahibo nitong sinasakop ang buo niyang katawan, mga matatalas na pangil na siyang nakasisindak pagmasdan at mga matang umiilaw habang natatamaan ng liwanag.

          

               Napupuno ng mga butil ng pawis ang leeg at noo ni Vahlia, nanlalamig ang mga kamay at nagsimulang lumakas ang dagundong ng dibib niya sa matinding kaba habang patuloy sa pag-atras mula sa kakaibang nilalang.

    ‘This can’t be a bear. Walang oso sa Pilipinas! Isa itong engkanto! Kapre!’

               Dahan-dahan niyang ibinababa ang katawan at kinakapa ang lupa, naghahanap ng kung anumang pwedeng pangdepensa. Maya-maya pa’y bumangga ang kamay niya sa isang malaking bato. ‘Sapat na ba ito? Saan ko itatama? Sa noo ba? Tuhod? O sa—’

napalunok siya nang umabot ang mata niya sa ibabang parte ng nilalang. ‘Sa tuhod na lang!’

 

            Pagkasabi niyang iyon sa kan’yang isipan ay pinakawalan niya ang bato mula sa kamay niya na siyang ikinasigaw ng nilalang, “Aaarrrgghh!” Hindi pa nakuntento si Vahlia at hinablot ang isang patay na kahoy na akmang ihahambalos niya sana sa nilalang nang bigla itong magsalita.

“Huwag, Binibini! Mahal ko ang aking buhay at hindi ko pa ibig mamatay!” pagmamakaawa nito na siya namang ikinakunot ng noo ni Vahlia. “Nagsasalita kayong mga kapre?” tanong niya at maingat na pinagmasdan ang nilalang na nakahiga na sa lupa at patuloy na dumadaing. Gayong hindi pa sapat ang liwanag ng buwan upang makita ni Vahlia ang kabuuan ng kapre ay pinilit niya pa rin itong maaninag.

“A-anong kapre? Hindi ako isang kap—aaarrrgghh, p*tang*na!” Napaupo ang nilalang na iyon sa sobrang kirot ng tuhod niyang tinamaan ng batong inihagis ni Vahlia. Akmang tatakbo na paalis ang dalaga nang muling maghinagpis ang nilalang.

“Kay malas naman ng aking gabi, isang walang pusong binibini ang basta na lamang nanakit sa akin at ngayo’y aalis nang tila walang nagawang masama!”

            

            Kusang umikot ang mga mata ni Vahlia sa pagdadrama ng nilalang na iyon. Inis niyang hinarap at nilapitan ito, “Excuse me, hindi kita babatuhin kung hindi ka nanakot! Isa pa, malaki ang galit ko sa kalahi mong engkanto! Siyang nagdala sa akin sa panahong ito, kaya bakit kita tutulungan?”

“Ilang beses ko bang sasabihing hindi ako kapre at mas lalong hindi ako engkanto, supladang Binibini,” habol ng nilalang nang muling naglakad si Vahlia papalayo.

            Mukhang nairita naman ito sa huling bansag ng nilalang sa kan’ya kaya’t isang maliit na bato na naman ang pinalipad ng dalaga diretso sa tinamaan niyang tuhod ng nilalang.

“Aaarrrgghh! I-isa kang kahila-hilakbot na binibini! Walang awa at napakabarbaro!”

            Hindi na naatim ni Vahlia ang mga salitang binitawan nito kung kaya’t muli niyang  nilapitan ang nilalang na namimilipit na sa sakit. “Ikaw—’’ akmang paaabutin na sana niya ang palad sa mabalahibong mukha ng nilalang nang  biglang lumiwanag. Maaliwalas na ang buwan at wala na ang ulap na nakasagabal dito kanina.

             Dahil doon ay naaninag na ni Vahlia ang buong kaanyuan ng nilalang na kaharap niya. Hindi ito kapre at hindi rin engkanto, kundi isang tao! Hinubad ng lalaki ang balat ng nakapreserbang oso na nagsisilbing abrigo nito sa malamig na gabi.

             Malalim ang mga mata, ang mga makakapal nitong kilay na bumagay sa kulay ng kan’yang mga mata. Hindi masyadong kaputian, Moreno kung tawagin at maaring ihilera sa mga sikat na modelo at endorser ng Bench at Calvin Klein.

             

              Nanatili namang nakatitig sa kaniya ang dalaga na siyang ikinangisi ng lalaki. “Batid kong napakaguwapo kong nilalang ngunit nakakailang ang iyong paninitig sa akin, Binibini.” Parang nakuryente naman si Vahlia nang patalon siyang lumayo mula sa lalaki.

“Huh? At sino ka naman sa tingin mo? At saka anong guwapo? Saan banda?” tutol ng dalaga at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa balabal na nakatakip sa buong mukha niya maliban sa mga mata nito.

“Itatanggi mo pa ba? Iyong aminin na sa unang tingin mo pa lang sa akin ay nahumaling ka na.” preskong pagmamayabang nito sa dalaga na siya namang inirapan ni Vahlia bago tumalikod at humakbang papalayo.

             Ipinagtaka ito ng lalaki kung kaya’t tumayo siya at hinabol ang dalaga. “Sandali! Saan ka magtutungo, binibini?”

             Hindi naman ito pinakinggan ni Vahlia at nagpatuloy sa paglalakad. Mas binilisan naman ng lalaki ang pagsunod sa binibining nakatalukbong kung kaya’t naunahan niya ito. “Malalim na ang gabi, Binibini. Delikado na ang gubat sa ganitong oras.”

“Bakit ba? Kung meron mang mangyaring masama sa’kin, wala ka na dun. Okay?” pagmamatigas ni Vahlia at iwinaglit ang kamay ng lalaking nakahawak sa kaniyang braso.

“Ngunit Binibini, lubhang mapanganib para sa iyo ang maglakad mag-isa rito sa kagubatan. Taga-rito ka ba sa Oriente?” Hinarangan nito ang daang tinatahak ng dalaga na siyang ikinahinto nito sa paglalakad at matalim na sinalubong ang nang-uusisang mga mata ng lalaki.

“Tumabi ka,” tanging sagot lang ni Vahlia.

“Saan ka ba tutungo, Binibini? Ihahatid na kita.”

“Mind your own business, hindi mo ako kailangang pag-aksayaan ng oras.” Pasimpleng nilagpasan niya ulit ang lalaki. Nakailang hakbang palayo na si Vahlia at ipinagpasalamat niyang hindi na siya muling sinundan ng lalaki.

              Labis niyang ipinagtaka niya kung bakit nakatayo at nakapaglakad pa ang lalaking iyon, gayong labis ang hinaing nito kanina nang matamaan ni Vahlia ang tuhod nito. Possible kayang nagkukunwari lamang ang lalaking iyon?

               Maya-maya pa’y nakarinig siya ng kumakaripas na tunog, nang lingunin niya ito ay hindi nga siya nagkamali sa hula. Isang kabayo ang matuling tumatakbo patungo sa direksyon niya!

               At sa bilis ng pangyayari ay natagpuan na lamang niya ang sariling napapasigaw sakay ng kabayo. Sa kan’yang harapan ay ang lalaking tumatawa na animo’y biro lang sa kaniya ang muntikang paghalik ng dalaga sa kamatayan.

“Walang hiya ka talaga! Balak mo ba akong ipategi? Pwess mauna kang damuho ka!” Napatigil sa pagtawa ang lalaki nang biglang hilahin ni Vahlia ang kwelyo nito at buong pwersang itinagilid ang walang hiyang nilalang sa kaniyang harapan, dahilan upang mahulog ito sa sinasakyan nilang kabayo.

                Namutawi ang halakhak ng dalaga nang matagumpay niyang iwinaksi ang lalaki. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang tumigil ang kabayong sinasakyan ni Vahlia, dahilan upang tumilapon ang dalaga sa putikan.

                

               Nasaksihan ito ng lalaki kaya’t agad siyang tumakbo palapit sa putikang binagsakan ng binibini. Naabutan niya itong nakadapa at walang senyales na gumagalaw. Buhat ng pagkataranta ay lumublob na rin siya sa putikan upang tignan at iahon sa patag na lupa ang dalaga.

“B-binibini?” tawag nito.

               Ilang segundo pa ang lumipas ngunit hindi pa rin gumagalaw ang dalaga. Agad itong binaliktad ng lalaki sa pagkakadapa, laking gulat nito nang pagkaharap ng dalaga ay sumalubong sa kanya ang palad ng dalagang napupuno ng putik.

              Sa pagkagitla ay hindi agad nakailag ang lalaki. Muli ay humalakhak ang dalaga sa kabila ng putik na bumabalot sa kanilang dalawa.

“Ano na? Huy! Ahahaha.”

“H-hindi ka—”  

“Ano? Hinihiling mo bang namatay na lang ako? Pwes, ang sabi ko nga di’ba mas mauuna ka pa sa’kin,” putol ni Vahlia sa itatanong sana ng binata.

               

              Napatigil siya sa pagtawa nang mapansing nakatitig lang sa kan’ya ang kaharap at hindi umiimik. “M-may problema ba?” alanganing tanong niya ngunit isang mahigpit na yakap ang isinagot nito. Parang naestatwa naman si Vahlia sa biglaang akto nito sa kan’ya. Ipinagtataka ang kilos ng binatang kaharap. ‘Ano bang ginagawa niya? Bakit niya ako niyayakap? Out of a sudden, why is he—’

                Akmang ilalayo niya ang mga braso ng lalaki ngunit naunahan siya nito, agad siyang humakbang palayo kasabay ng pagtikhim nito. “Paumanhin, Binibini. Nadala lamang ako ng iyong kalokohan.”

“H-heh? At ako pa talaga ang may kasalanan ngayon? Tss, if I know, i-ikaw ‘tong naunang y-yumakap sa’kin.” Nauutal na tutol ni Vahlia habang patuloy ang pagkabuo ng mga butil ng pawis sa kaniyang noo.

                Sandaling nabuo ang pagkailang sa pagitan nila ngunit agad naman itong nawala nang magsimulang umahon ang lalaki mula sa kaputikang kinasasadlakan at iniabot ang isang kamay sa harapan ng dalaga. Tinignan lang naman ito ni Vahlia bago tabigin at umahon mag-isa.

“Kanina mo pa tinatanggihan ang aking mga alok, Binibini. May masama ba sa aking pagtulong?” puna ng lalaki nang sabay na silang naglalakad sa gitna ng kagubatan.

“Ayoko nang umasa sa iba. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. At hindi rin ako tumatanggap ng tulong mula sa nilalang na ngayon ko pa nakita at hindi ko rin kilala.”

“Ngunit paminsan-minsa’y kinakailangan mo din namang humingi ng tulong sa iba. Hindi sa lahat ng bagay ay kakayanin mo mag-isa.” Nakangiting sagot ng lalaki, nakikisabay sa bawat paghakbang ng dalaga.

“Paano kung ang mga taong inaasahan kong tutulong sa akin ay may hihilinging kapalit? Ayaw kong nagkakaroon ng utang na loob sa mga taong alam kong gagamitin lang ako.”

“Ngunit minsan ba’y narinig mo ang kanilang dahilan?”

            Napabuntong-hininga ang dalaga sa tanong na iyon ng kasama. “Oo, ako pa mismo ang nagpumilit na hingin ang dahilan mula sa kanila,” nakangising sagot ni Vahlia. “At alam mo ba ang sagot na nakuha ko? Dahil ako lang daw ang magiging solusyon sa ginawa nilang problema. Tss, kalokohan. Maraming rason at paraan silang magagawa at maiisip, hindi lang ako ang solusyon.”

“Minsan sa inaakala nating maling pagpapasiya ay siyang nagiging tama sa paglipas ng mga araw. May sarili nga tayong buhay at pananaw ngunit hindi lang naman tayo ang nilalang na may pakiramdam sa mundong ito.”

             Nang muli silang napadpad sa tabing ilog ay nagpasiyang umupo sa malaking bato si Vahlia at ganoon din ang lalaking kasama nito. “Nalalaman mo na ba ang kuwento ng bulalakaw at ang batang baboy ramo?” tanong nito sa dalaga habang nakatingala sa kalangitang napapalibutan ng mga makikinang na bituin. Sinulyapan naman siya ni Vahlia at sumunod na tumingala.

“Isang batang baboy ramo ang laging tumitingala sa kalangitan sa tuwing sumasapit ang dilim. Laging humihiling na sana ay naging bituin na lamang siya. Malayang kumikinang at walang mabigat na problemang dinadala. Sumapit ang isang madilim na gabi kung saan nakakita siya ng bumubulusok na bulalakaw mula sa kalangitan.” Tumikhim ang lalaki bago ipinagpatuloy ang kuwento.

“Tuwang-tuwa ang baboy ramo dahil sa wakas ay makikita na niya nang malapitan ang isa sa mga bituing kaniyang hinahangaan. Ngunit ang kan’yang nadatnan ay ibang-iba sa inaasahan niya. Isang walang kulay na bato ang nakita niya. Walang buhay at sigla. Nang lapitan niya ito upang kausapin ay hindi ito sumagot. Alam mob a ang kan’yang itinanong sa bumagsak na bulalakaw?”

“Hindi, kaya nga nakikinig ako para malaman ko,” pamimilosopo nito sa kausap na siyang ikinatawa naman ng katabi nitong nakahiga na sa malapad na bato.

“Itinanong ng batang baboy ramo kung bakit nawalan na ng kulay ang bituing iyon. At ang isinagot naman ng bulalakaw ay dahil hindi mananatiling habambuhay ang pagkinang. Lahat ay aabot sa puntong babagsak.”

“Ano namang  sinabi ng baboy ramo?”

“Wala, umupo lamang siya sa tabi ng bato. Hindi siya muling nagsalita o kumibo. Tanging ginagawa niya lamang ay umupo at samahan ang bulalakaw. Labis itong ipinagtaka ng bulalakaw. Kung kaya’t isang araw ay tinanong nito ang baboy ramo, ‘Bakit hindi ka na nagsasalita?’” Ipinikit ng lalaki ang kaniyang mga mata bago ipinagpatuloy ang kuwento.

“Sinagot naman ito ng baboy ramo, ‘Kung sa puntong ito’y pakiramdam mong nawalan ka na ng pag-asang muling kuminang, sasamahan kita. Hindi ako kikibo hangga’t hindi ka rin kumikibo. Hihintayin kong maging handa ka nang kuminang muli’, iyon ang naging sagot ng baboy ramo sa bulalakaw at sabay nilang pinanuod ang paglubog ng araw.”

“Ha? ‘Yon lang? Ano na ang nangyari sa bulalakaw? Kuminang ba siyang muli?” angal ni Vahlia nang putulin ng lalaki ang kan’yang kuwento. Napatawa na lang ito sa naging reaksiyon ng dalaga, bitin sa kuwento at naghahangad pang muli ng mas magandang katapusan. 

“Pasensiya na binibini ngunit iyon na ang katapusan ng aking kuwento,” sagot ng binata at sinulyapan ang dalagang katabi. Pumipikit-pikit na ang mga mata nito, senyales na inaantok na siya. Napailing na lamang ang binata at binuhat ang dalaga ngunit muli ay tumutol ito.

               Hindi naman nagpadaig ang binata at dahil talagang inaantok na si Vahlia ay wala na siyang lakas pa para itulak ito palayo. Naghanap ng ligtas na masisilungan ang binata at sa ilalim na lamang ng puno nito inilagak ang natutulog na dalaga.

               Sumipol siya, dahilan upang lumapit ang kaniyang kabayo. Kinuha niya ang isang kumot mula sa kabalyas (saddlebag) at inilatag sa damuhan. Muli niyang binuhat ang dalaga pahiga sa kumot.

               Umupo naman siya sa tabi at tahimik na pinagmasdan ang natutulog na si Vahlia. Walang kaide-ideya kung sino ang kakaibang binibining ngayon niya pa lang nakita. Sa gitna ng madilim na kagubatan,  sa tabi ng ilog kung saan inakala niyang tanging mga malagim at malungkot niyang nakaraan lang ang muli niyang maaalala sa tuwing babalikan niya ang lugar na iyon.

               Ngunit tila siya’y nagkakamali dahil mukhang nakahanap na siyang muli ng panibagong dahilan kung bakit gugustuhin niyang  balik-balikan ang lugar na ito.

               Mahimbing na natutulog ang dalaga sa kabila ng hindi komportableng higaan. Nang bumalikwas ito ay natanggal ang balabal na nakatakip sa kaniyang mukha, dahilan kung bakit makita ng lalaki ang mukha nitong kanina pa niya itinatago.

               Hindi siya ganoon kaputi tulad ng karaniwang mga mestiza ngunit hindi rin naman maikukubli ang kagandahang taglay nito. Matangos ang ilong at mahaba ang mga pilik-mata nito.

               Nakita man ito ng lalaki una pa lang ay hindi ang kaniyang pagmumukha ang siyang hinangaan nito.

“Quiero conocerte mejor, señorita. (Nais kong makilala ka pa, Binibini.)”

Related chapters

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Siete- Pangahas

    Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon. Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito. Inakala niyang aalis na ang sawa

    Last Updated : 2021-08-19
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Otso- Aleman

    “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”

    Last Updated : 2021-08-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Last Updated : 2021-08-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diez: Arbol Triste

    Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas

    Last Updated : 2021-08-23
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Once: Feliz Compleanos!

    “Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw

    Last Updated : 2021-08-24
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Doce: Gumamela

    Napalingon ang lahat ng mga panauhing nasa malawak na hardin ng Mancion Villamarquez sa isang kalesang kararating pa lamang. Masisilip sa durungawan ang apat na katao na mapapansing galing sa alta sociedad dahil sa kanilang magarbong pananamit at sa kalesang hindi rin pangkaraniwan sa gawa at disenyo. Naunang bumaba ang padre de pamilya ng mga Esperanza na si Don Gonzalo, suot ang mamahalin nitong abrigo at pantalong yari pa raw sa Espanya. Sunod ay si Doña Vivian sa magkatugmang kahel na pañuelo at camisa, kwintas na may disenyo ng bulaklak at ang kulay kahel rin nitong saya, nang makababa na sa kalesa ay ikinumpas pa nito ang kan'yang abaniko na gawa sa balahibo ng pabureal (peacock).

    Last Updated : 2021-08-25
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Trese: Pulang Kuwintas

    “Tinanong ko sa iyong ama ang tungkol sa paborito mong bagay, ngunit wala siyang nasabi kung ano. Kaya’t napag-isipan kong dalhin ka sa lugar na ito, sana—” Hindi pa rin nawawaglit ang matamis na ngiti ng dalaga nang lingunin nito si Mateo at biglang yakapin nang napakahigpit, “Salamat… Maraming salamat,” tanging nasambit niya. “Mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa kung nagustuhan mo ang tanawing ito,” sambit na lamang ni Mateo nang makabawi sa hindi inaasahang pagyakap sa kaniya ng dalaga bago hayaang humakbang ito papalayo at libutin ang buong hardin. Sa landas na pinaliliwanag ng mga lampara, sa bawat tangkay ng mga palumpong ng gumamela

    Last Updated : 2021-08-26
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Catorce: Ano nga ba?

    Ika-7 ng Abril, 1871“Señorita, nakapag-ayos na po ba kayo?” tanong ng tagapagsilbi mula sa labas ng silid ni Vahlia. Araw ng lingo ngayon, umagang-umaga upang magsimba. “Nakabihis na rin ba si ate Estrella?” patanong namang sagot ni Vahlia na ngayo’y kasalukuyang iniipit ang kan'yang buhok.“Kanina pa po, Señorita.” “Papatapos na rin lang ako, magbihis ka’t sumama ka sa amin.”“Po?” hindi makapaniwalang tugon ni Stella habang nakatayo sa harapan ng pintuan sa labas. “Oo nga, sasama ka sa amin. Wala namang masama roon, hindi ba?”

    Last Updated : 2021-08-27

Latest chapter

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status