Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Kabanata Tres- Silid-aklatan

Share

Kabanata Tres- Silid-aklatan

last update Huling Na-update: 2021-07-26 18:43:07

             Muli ay napuno ng kantahan ang naging byahe gamit ang bangka. Karamihan sa mga estudyanteng nasa kabilang mga bangka ay kumukuha ng litrato ngunit ang bangkang sinasakyan nina Vahl  ang pinakamaingay dahil sa mga kantahang nagaganap .

‘Hindi ko na siguro kailangan ng camera para picture-an ang kung ano nang nakikita ko. Sapat na siguro na alam kong napuntahan ko itong paraisong ito at nakita nang personal kung gaano ito kaganda,’  nakangiting aniya sa kanyang isipan.

             Napatigil si Hudson sa pagkanta nang sumingit si Skye. Ngunit bago niya tugtugin ang gitara ay maangas nitong inayos ang manggas ng kanyang leather jacket.  Pinantapat nito ang isang country pop na sinabayan naman ng buong klase. Nagmistulang battle of the bands ang nangyayari sa kanilang seksiyon sa palitan ng mga liriko.

“Ang gulo niyo naman!” iritadong reklamo ni Oliver.

“Magbigay kasi kayo ng category,” suhestyon naman ni Shawn, isa sa mga kasama ni Hudson sa banda.

“Category? Country song about love? Parang gano’n?” tanong ng isa.

“Game!”

            Habang tinutugtog ni Hudson ang gitarang ipinuslit niya mula sa music room  ay mapapansin ang makailang sulyap nito kay Vahlia. ‘Hindi ko  maitatangging katanggap-tanggap naman siya, iyon nga lang hanggang kaibigan lamang ang maibibigay ko sa kanya. Bukod doon ay wala pa sa plano ko ang magkarelasyon lalo na’t may problema pa akong kinakaharap.’

            Mas piniling tumalikod ni Vahl mula sa nakakailang na mga titig ni Hudson. At kahit mainit ang panahon ay itinaas nito ang zipper ng tactical jacket nito. Tanging ang dagat na lamang ang hinarap niya hanggang sa makarating na sila sa pampang ng isla.

            Hindi nakakapaglakad ang bangkang sinasakyan nila kaya kinakailangan nilang bumaba. Na-inform naman sila tungkol dito kaya karamihan ay nakasuot ng cargo shorts at may mga nagsuot rin ng knee-length na palda. Tanging si Vahlia lang ang balot na balot, daig pa ang shanghai. Mula sa berdeng t-shirt, itim na leather jacket, maong na pantalon, hanggang sa combat boots nitong animo’y sasabak sa giyera.

“Doon tayo sa likod, bhe,” anyaya ni Oliver sa kanila. Mas masaya nga naman sa dulo.

  

           Unang dinaanan ng bus ay sa kalyeng napapaligiran ng mga bahay sa sinaunang panahon. May mga gawa sa bato at meron ding gawa sa kahoy. Aakalain mo talagang naibalik ka sa panahon ng mga Espanyol dahil halos lahat ng nandito ay maayos na nakatayo pa rin sa kabila ng daan-daang taong lumipas. May ibang moderno na rin  lalo na sa tranportasyon. Pero hindi pa rin nawawala ang makaluma vibes.

           May madadaanan ding malawak na lupaing may mga nakatanim na mga palay. May mga hayop ring nakatambay sa ilalim ng mga puno sa paligid. May ilog din yata na nasa malapit dahil rinig na rinig ang malakas na agos nito. Napuno ng pagkamangha ang buong bus, na halos lahat ng nakaupo ay tumayo para lang makasilip sa bintana.

           Sino ba naman kasing hindi magagandahan sa lugar na ito? Simple ngunit Malaya. Malayo sa magulong modernisasyon. ‘Kung papipiliin man ako, kahit dito na ako tumira. ’Yong mararamdaman mong lahat ng nakukuha mo ay mga pinaghihirapan mo.’

 “Listen up, class! Ipapaalala ko lang na isang makasaysayang lugar ang pupuntahan natin, at marapat lamang na igalang natin ang pook na iyon. Dahil maituturing na kayamanan ng ating bansa ang mga makasaysayang mga lugar,’’ Inayos ni Ma’am Fontejo ang coat niya habang ipinagpapatuloy ang pagsasalita. 

“Tungkulin natin bilang mga mamamayan nito na panatilihin ang kung anumang kuwento ang isinasalaysalay ng bawat lugar na naging parte ng ating kasaysayan. Maliwanag ba?” Taas-kilay  siyang  naglakad papalapit sa exit ng bus at iminuwestra ang mga estudyante palabas.

“Magandang araw, mga binibini at mga ginoo, maligayang pagdating sa Isla Oriente!” nagagalak na salubong ng isang babaeng nasa mid-thirties na siguro.  “Ako nga pala si Mirasol, ang katiwala ng silid-aklatang ito.”

         Inilibot ni Vahlia ang tingin sa silid-aklatang tinutukoy ng babae. Dalawang palapag  ito at makalumang tignan.  Sa terrace naman ay puro tanim na lavender, ganoon rin sa bakuran. Mahilig siguro sa lavender ang may-ari nito.

“Hayaan niyo munang isalaysay  ko sa inyo ang basic history ng Isla Oriente,” panimula ng babae habang naglalakad na sinasabayan naman ng mga estudyante.

“Ay taraaay! May stages,” papuri ni Oliver habang pumapalakpak. Sinagi naman siya nina Skye at Jade dahil sa lakas ng boses niya.

“Ang Isla Oriente ay natuklasan ng mga Espanyol taong 1722. Ilang mga katutubo pa lang noon ang nakatira rito. Dinala nila ang nakagisnang sibilisayon upang gawing parte rin ito ng kanilang kolonya. Tulad ng nangyari sa Mactan, piniling ipagtanggol ng aming mga ninuno ang isla ngunit sa mga makabagong armas ng mga Espanyol ay malaki ang lamang nila.”

        Nang makapasok na lahat sa loob ay bumungad ang maraming bookshelves at siyempre mga libro. Makikita naman sa ikalawang palapag ang iba’t ibang paintings at mga makalumang kagamitan. Mula sa mga aparador, silya, at iba’t ibang mga instrumento.

“ Taong 1801 nang magsimulang magpundar ng mga ari-arian ang pamilya Villamarquez. At hindi naman sila nabigo dahil sa paglipas ng taon ay kalahati sa Isla Oriente  ay  kanila ng pagmamay-ari.” Huminto siya sa paglalakad at itinuro ang isang napakalaking portrait na nakasabit sa isang sulok ng pader. Iyon na siguro ang pamilyang tinutukoy niya.

“Ang pamilyang ito ay isa sa mga pinakamayayamang Espanyol na nanirahan dito sa isla. Si Mateo Villamarquez ang siyang may-ari ng silid-aklatang ito. Siya ang unico hijo ng mag-asawang Villamarquez na kanilang ipinagkasundo sa unica hija naman ng mga Esperanza.”  Tumigil sa pagsasalita ang babae at inisa-isang tingnan ang mga taong na nasa harapan niya ngayon, hanggang sa tumigil ito sa direksyon ni Vahlia at nagpakawala ng isang nakakapanindig balahibong ngiti.

“Upang mapagtibay at mas lumaganap pa ang kapangyarihan at kayamanan ng dalawang pamilya ay ipinagkasundo nila ang kanilang mga anak. Sapilitang ipinakasal sina Mateo at Victoria.”  Nagpatuloy siya sa paglalakad na sinusundan ng buong klase. Nakatungo naman ang paningin ni Vahlia sa mga librong nakahilera. ‘Bakit puro mga makakapal na libro ang nakasalansan sa mga bookshelves? Kung ipapabasa ito ni Ma’am Fontejo sa’kin, mas pipiliin ko na lang maglinis. Tinitignan ko pa lang ay tinatamad na akong basahin ang kung anumang nakasulat doon.’ sambit ni Vahlia sa kanyang isipan.

“Ang silid-aklatang ito ay ipinatayo ni Mateo para sa kanyang asawang si Victoria. Ngunit taong 1872, bumagsak ang pamilya Villamarquez. Dahil sa salang pangungulimbat at rebelyon, pinatawan ng parusang kamatayan ang buong pamilya. Ikinalungkot ito ng asawa ni Mateo kung saan ito’y nagpakamatay. Taong 1890 nang isa sa mga kamag-anak ng mga Villamarquez ang naging katiwala ng aklatang ito.”

“Edi kamag-anak po kayo ng mga Villamarquez?” tanong ng isa sa mga estudyante.

          Nakangiting umiling si ate Sol. “Maaaring oo at maaari ring hindi.”

“Ayy! Pa-mysterious si ate,” bulong ni Oliver mula sa likuran.

“Bueno, hahayaan ko kayong libutin ang buong aklatan. May kailangan lamang akong kausapin.” Ngumiti siya habang nakatingin sa direksyon ulit ni Vahlia na siyang ipinagtaka naman nito. ‘Ano bang meron sa ’kin at palagi akong tinitignan ni ate?’

          Kaya naman nilingon niya ang kaliwa’t kanan, pati front and back ngunit wala siyang makitang nakatayo malapit sa kanya. Nakatitig lang siya nang diretso sa mga mata ni Vahlia na  para bang may gustong sabihin. Sa isang iglap ay natagpuan na lamang niya ang sarili niyang naglalakad papalapit sa kinatatayuan ni Mirasol.

“Nagagalak akong makita ka, binibining Medrano,” nakangiting aniya.

“T-teka, paano po ninyo nalaman ang pangalan ko?” nagtatakang tanong ni Vahlia.

“I.D,” simpleng sagot naman ng babae habang itinuturo nga ang I.D ni Vahlia. Oo nga naman, may pangalang kalakip ang I.D nila.

“Nga pala, may ipapakita ako sayo.” Naglakad si Marisol papalapit sa isang pintuan at marahang binuksan ito.

            Nanatili namang tahimik ang kapapasok lang na si Vahlia . ‘Anong ibig niyang sabihin? Ang creepy, ah!’ sambit niya sa isip niya habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Halos lahat ay gawa sa kahoy, ganoon din ang mga muwebles. Napupuno ng mga antigong kagamitan ang silid na ito!

“Higit isang daang taon na rin ang hinintay ng libro para sa araw na ito,” makahulugang aniya habang may kung anong kinakalkal sa cabinet na kabubukas niya.

“Ah, heto na!” natutuwang sigaw niya at itinaas ang isang napakakapal na libro. Ibinagsak niya ito sa lamesitang nasa harapan nila, dahilan upang mapaubo silang dalawa sa mga nagsiliparang mga alikabok.

            Matiim namang tinitigan ng dalaga ang pamilyar na librong kasalukuyang pinupunasan ni Mirasol. “Pasensiya na, hija, matagal na nang huli ko itong inilabas. Nga pala, maari mo akong tawaging ate Sol.”

“O-okay?” naiilang na sagot ni Vahlia. Nang malinis naman ni Mirasol  nang buo ang libro ay naging malinaw ang kutob niya. Kamukha ’yon ng librong nakita niya sa court—’yong librong nakita rin ng matandang inakala niyang ilusyon  lang!

             Magkaparehong-magkapareho! Mula sa kapal at laki ng libro hanggang sa kulay at tekstura. Hindi maipagkakaila ang pagkakatulad…

“Alam mo bang ang bawat buhay ay may kapalit?” biglaang sambit ni ate Sol.

“Eh?” Kitang-kita ang pagtaas ng labi ni Vahlia sa nakakakilabot na litanya ng ginang na kaharap nito ngayon. ‘She acts really creepy!’

“Sa tingin mo walang kapalit ang pagkamatay ni Victoria? Siyempre meron, at ikaw ’yon.”  Tuluyan na ngang napanganga si Vahlia sa sunod na binitawang pangungusap ng ginang. ‘Ano bang lugar ‘tong napasok ko?’

“Aalis na po ako, salamat na lang ate Sol,” paalam niya at nagmadaling lumapit sa pinto ngunit napatigil siya nang bigla itong nagsara.  ‘M-multo? Multo!!! May multo dito! Binabawi ko na lahat ng sinabi ko! Ayaw ko na dito! Babalik na lang pala ako! Babalik na ako!’  sigaw nito sa kanyang isipan nang mapagtantong walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Parehong-pareho sa naranasan niya noong kinausap siya ng matandang babae sa court.

           

“Marahil ay hindi mo naiintindihan, hija. Ngunit may kinakailangan kang tapusing misyon. Muling maiguguhit sa mga bituin ang kuwento. Sa pangalawang pagkakataon maibabalik sa nakaraan,” mahinahong sambit ng ginang.

“Nasa iyo na ang susi, ikaw na lamang ang hinihintay. Binibining Vahlia Rex Medrano, hinihintay ka na niya.” Nang sabihin iyon ng ginang ay lumabas ang kakaibang liwanag mula sa bulsa ng jogger pants ni Vahlia. Nanatiling nakangiti naman si Mirasol sa kanyang nasasaksihan.

            

         Pinilit na iginagalaw ng dalaga ang mga  kamay nito upang ilayo mula sa sarili niya ang kung anumang bagay na iyon. Sa maliit na kahong regalo ni Hudson nagmumula ang liwanag.

Ang Pulang Kuwintas!!!’  Akmang itatapon na sana niya iyon nang biglang sumulpot si ate Sol sa kanyang harapan dala ang libro na siyang iniaabot niya sa kanya  kasabay ng pagbigkas ng  isang pangungusap sa kakaibang pananalita.

Nuestra historia sera

  Reescrita con las estrellas

     Esperare a que illegue

                    el set

          El tiempo y el tiempo

                   Cambiaran

                      Volver!

(Ang kuwento natin ay muling

   Maisususlat sa mga bituin

      Hihintayin ko ang pagdating

                  ng itinakda

          babaguhin ang takbo ng oras

                  at panahon

                     Babalik! )

          Nilalamon ng liwanag ang paligid na para bang unti-unting naglalaho ang lahat.

‘H-Hindi!!!! Hindi ito nangyayari!!! Ilusyon lang ito, Vahl. Ilusyon lang.’ Ipinikit na lamang niya  ang mga mata  sa pag-asang tama ang pinaniniwalaang ilusyon lamang ang lahat ng ito.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Cuatro – Nasaan na ako?

    Tierra de Oriente, 1871Volverá…Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,Se escribirá otro capítulo.(Babalik…Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.) Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.” Biglaan siyang napaupo sa

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Cinco- Kasunduan

    Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito. Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’ Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Seis – Takas

    Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo. ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’ Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba. 

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Siete- Pangahas

    Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon. Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito. Inakala niyang aalis na ang sawa

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Otso- Aleman

    “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”

    Huling Na-update : 2021-08-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diez: Arbol Triste

    Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Once: Feliz Compleanos!

    “Señorita Victoria! Señorita!” nagkukumahog na tawag ng tagapagsilbing si Stella nang makapasok sa silid ni Vahlia. Kunot-noo naman siyang binalingan ng tingin ni Vahlia, “Ey? Bakit tila nagmamadali ka?”“May ipinadala pong liham si señorito Mateo, para raw ho sa inyo.”“Anong sabi?”“Hala, hindi ko naman ho binuksan. Kayo po ang magbabasa, Señorita.” Iniabot ng tagapagsilbi ang isang puting sobre na may kulay pulang rosas bilang selyo sa gitna nito. Madali naman itong nabuksan ni Vahlia at hinila palabas ang papel na nakapaloob. “Sandali, sulat kamay ba talaga ito ni Mateo?” hindi makapaniw

    Huling Na-update : 2021-08-24

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status