Home / History / Ang Pulang Kuwintas / Kabanata Dos – Happy   Birthday!!!

Share

Kabanata Dos – Happy   Birthday!!!

last update Huling Na-update: 2021-07-26 18:41:47

SCHOOL CAMPUS, 8;00 AM , MARCH 23

          Nakapandekwatrong upo si Vahlia sa isa sa mga bench ng covered court habang ang ibang mga estudyante ay busy sa kanya-kanyang gawain, ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pagkayamot dahil higit sa trenta minutos na siyang nakaupo roon.   ‘Alas otso ang departure time tapos wala pa yung mga bus? Tss Pilipino nga naman,’  aniya sa kanyang isipan.  Paano ba naman kasi? Hindi pa kompleto ang mga estudyante, idagdag mo pa ang mga napulot niyang mga kaibigan na  hanggang ngayon ay wala parin. Ganoon rin ang mga bus na sasakyan sana nila.

           Maya-maya pa’y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, ano pa nga ba? Pati sa simpleng pagmulat ay tinatamad siya. Hindi naman na niya kailangang magmulat pa dahil sa amoy pa lang ay kilala na niya kung sino ang  nilalang na tumabi sa kanya. Ang mala-kabute sa pagsulpot-sulpot na si Hudson Gimenez A.K.A ang kabuteng palaging nambubwisit sa kanya.

“Tibo ka ba?” panimula ni Hudson na handa na muling sirain ang araw ni Vahlia.

“Ikaw? ’Di ka straight, noh?”  buwelta naman niya. Aba hindi rin siya papatalo. Hindi pwedeng siya lang ang masira ang araw, dapat pati rin ang asong kabute.

“Pwede ko bang patunayang hindi?”

          Sa sagot na iyon ni Hudson ay agad napamulagat si Vahlia. Konting-konti na lang… konting-konti na lang talaga ay maglalapat na ang nguso nilang dalawa sa lapit nila sa isa’t  isa.  Nasa ibabaw niya ito na para bang sa anumang maling galaw  ay  magkakahalikan na nga.

         Sa ’di inaasahang pangyayari ay isang bola ng Basketball  ang tumakas mula sa kamay ng isang manlalaro at diretsong tumama sa batok ni Hudson, dahilan kung bakit biglaang nag-hello at nagbeso ang mga labi nila.

         Wala ito sa plano.

         Parang mga nakuryente nang maghiwalay ang dalawa.  ‘Jusme! Nakakahiya!’ bulalas ni Vahl sa kaniyang isipan.

         Saksi ang ibang mga tao sa loob ng court sa trahedyang nangyari sa kanila. Ganoon rin ang mga napulot na kaibigan ni Vahlia na ngayon ay nakanganga na rin sa nakitang… censored scene.

“H-Happy birthday, Vahliangot!” muling banat ni Hudson nang mabawi na nito ang ulirat. Inilahad nito ang isang maliit na kahon kay Vahl  na mukhang hindi pa rin nakababawi. Ngunit maya-maya pa’y kumuyom ang mga kamao niya at diretsong pinatama sa mukha ni Hudson.

“Ang yabang mong kabute ka!” sigaw niya at handa na sanang  muling pakawalan ang kamao niya ngunit sumagot ang kabute.  “S-sorry na Vahl… masakit…heto na oh! Peace na tayo.” Iaabot na sana ni Hudson ang isang maliit na kahon nang biglang umalingangaw sa buong gym ang boses ni Mrs. Fontejo. “Class that’s enough! Get ready for departure.”

         Pulang-pula pa sa hotdog ang mukha ni Vahl, hiyang-hiya sa kabalastugang ginawa ni Hudson. ‘Sino ba siya sa tingin niya para gawin iyon sa akin?’ aniya sa kanyang isipan.

          Naglakad si Vahlia papalayo kay Hudson at kinuha ang kanyang mga gamit na nasa bench na kinauupuan niya kanina. “Anong nangyari do’n, Rexy?”  salubong na tanong ni Jade sa kanya nang makalapit na siya sa mga ito.

          Hindi naman siya nagsalita at tanging iling lamang ang isinagot nito.  “By the way, bhe, happy birthday!!!”  bati ni Skye sa kaibigan nito.

         Kunot-noo namang hinarap siya ni Vahlia. “Anong birthday?”

         Nagkatinginan ang mga kaibigan nito na parang hindi makapaniwalang nakalimutan ni Vahlia ang kaarawan nito.

“Bahala ka, Vahlia, masyado mo kasing ini-stress ang self mo…. Basta happy birthday,” pairap na sabi ni Oliver  bago iniabot ang isang paperbag kay Vahlia at naunang sumakay ng bus.

“Same… Rexy naman kasi, break ka muna ha? Here, happy birthday,”  nakangiting bati ni Jade at nag-abot na rin ng paperbag sa kaibigan. Ganoon rin ang ginawa ni Skye na siyang nagbigay ng regalo niyang nasa loob rin ng paper bag at isang maliit  na kahon. Pamilyar ang isa sa mga iyon, ’yon ’yong kahong hawak ni Hudson kanina.

“Happy birthday, bhe, my gift and my brother’s gift for you.”

         Tinanggap ito ni Vahlia at tinitigan ang bawat regalong natanggap niya. Oo nga pala, birthday nga niya ngayon.  Napangiti siya sa naisip, kahit kailan talaga ay may silbi rin ang mga napulot niyang mga kaibigan. Madalas nga lang topakin. Dagli namang pumasok sa isipan niya ang huling pag-uusap nila ng kanyang ina.

“Tumatanda na ang pangalawang prinsesa ko,” natututuwang sabi ng ina ni Vahlia habang sinusuklay nito ang napakahabang buhok ng kanyang dalagita. “Kapag tumuntong ka na sa wastong edad, ipangako mong hindi mo kakalimutan si mama”

          Kunot-noo naman siyang hinarap ng kanyang anak. “Bakit ko naman po kayo kakalimutan, Mama?”

           Umiling naman ang kanyang ina. “ Sa puntong iyon, magbabago na ang pananaw mo sa mundo. Mag-iiba na ang paraan ng pakikitungo mo sa mga taong nakasasalamuha mo. Ibang-iba ang inaakala mo sa katotohanang masasaksihan mo. May mga bagay na maaaring hindi mo matatanggap ngunit kinakailangan. I hope you would understand someday, Vahlia.”

“Hoy! Vahlia Rex Medrano! Sasama ka ba o magpapa-iwan?!?”  sigaw ni Skye mula sa loob ng paandar nang bus. Nagmadali niyang isinilid ang mga paperbag sa backpack niya bago kumaripas ng takbo. ‘Aba hindi ako magpapa-iwan, sa isang isla ang destination ng field trip namin at magandang stress reliever iyon,’  aniya sa kanyang sarili. Ngunit ang tanong, stress reliever nga ba o madadagdagan lang ang problema niya?

           Habang nasa biyahe ay naglabas ng gitara si Hudson.

           Karamihan sa mga nasa seksiyon nila ay kabilang sa iba’t ibang banda sa kanilang lugar kung kaya’t ang pagkanta at pagtugtog ay nagsilbing pampalipas oras na nila. Sumang-ayon din ang kanilang guro, pati na rin ang driver na ayaw buksan ang stereo ng bus dahil sayang lang daw ang gasolina.

           Isang gitara lamang ang pinagpapasahan ng dalawang grupo dahil ito lang ang naipuslit ni Hudson. Sa kanang bahagi ng bus ay ang grupo ni kabute  samantalang sa kaliwa ay kina Vahlia naman.

“Alam mo bang may gusto akong sabihin sa’yo,” pakantang sambit ni Hudson na siya namang nilingon ni Vahlia. “Magmula nang makita ka’y naakit ako, simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko”

“Ayy chaka, nanghaharana ang peg. Ikaw, Vahl, papatalo ka ba?” gatong ni Oliver na siyang ikinangisi naman ni Vahlia at inilahad ang kamay sa harap ni Hudson, nagpapahiwatig upang ipasa naman nito ang gitara sa kanya.

“Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita. Oo na crush kita—”

“Totoo?” pasigaw na tanong ni Oliver sa kaibigan, dahilan upang maantala  ang pagkanta nito.

“It’s just a song, Oliver,” sagot ni Vahl sa kaibigan at iniba na lamang ang kantang inaawit niya.

         Sa bawat lirikong binibitawan ni Vahl ay dinadama nito ang mensahe ng kanta. Bata pa lamang siya ay musika na ang nakahiligan niya. Sa simpleng pagkanta at pagtugtog ay nagiging malaya siya. Musika ang kanyang takbuhan sa tuwing nasa mahirap na sitwasyon ang kinalalagyan niya. Hindi nga naman simple ang musika, minsan ito pa ang nagiging inspirasyon upang maabot ang mga pangarap.

“When you feel like standing at the edge of a cliff, remember there are hopes and dreams that you have. Stairs you can climb, ropes you can hold on…”

*****

             Nagising mula sa pagkakatulog si Vahl nang katukin ng kung sino ang bintanang nasa gilid niya.  “Uyy bhe! Kain na tayo bumaba ka na!”  Mukha ni Oliver ang bumulaga, isama na ang pulang-pula nitong labi na akala mo ilang layer na ng lipstick ang itinapal niya sa kanyang nguso.

               Tinanguan siya ni Vahl bago inilibot ang paningin sa kabuuan ng bus, mayroong iba pa ring tulog at karamihan ay nasa labas na. Nang sumilip naman siya sa bintana ay asul na dagat na ang matatanaw sa ‘di kalayuan. ‘Mukhang nasa dulo na nga kami ng Pilipinas’  

           Tumayo siya’t nagpasiyang lumabas mula sa bus at tinahak ang daan papalapit sa dagat. Sementado sa parteng kinatatayuan niya, sa baba nito ay ang malawak na lupaing nasasakupan ng mga buhangin. Nasa taas na rin ang araw at mahihinuhang  alas dose na nga. Mariin siyang pumikit at pinakinggan ang hampas ng alon, ganoon din ang huni  ng mga ibon sa paligid. ‘Masarap sigurong mabuhay sa ganitong lugar, tahimik at simple.’

           Nang ilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon ay isang bagay ang nakapa niya. Iyon yung maliit na kahong kinalalagyan ng regalo ni Hudson. Dala ng kuryosidad ay binuksan niya ito.

           Isang pulang kuwintas ang nasa loob niyon.  ‘Ito ba yung ruby gem na sinasabi ni maam Fontejo?’  tanong nito sa kanyang sarili nang makita ang kabuuan ng kuwintas. Inilabas niya ito mula sa kahon at itinapat sa sinag ng araw. Napakalinaw ng bagay na iyon, ngunit sa likod ng dalisay na hitsura ng krystal  ay may itinatagong kuwento. Nakaraang nakatakdang maungkat sa lalong madaling panahon.

“Rexy, kain na!” tawag ni Skye kaya ibinulsa na lamang niyang muli ang kuwintas bago patakbong lumapit sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan.

          Pagkarating niya sa loob ng kubo ay diretso na sa lamesa ang kanyang paningin. ‘My gosh! tahong, inihaw na isda, crabs, lobsters, and oh my shrimpssss!’  

Dali-dali naman siyang umupo at akmang isusubo na ang isa sa mga hipon nang biglaang sumulpot si Ma’am Fontejo.

“Pagkatapos ng lunch niyo, diretso na agad sa mga bangka, alright? We need to arrive there according to the meeting arrangements. Nang sa ganoon ay hindi tayo makaabala sa mga tao doon. Is that okay?”

“Yes, Ma’am,” sagot ng lahat bago bumalik muli sa pagiging maingay ang buong klase.

*****

“So what do you think to my gift?”  natutuwang tanong ni Jade kay Vahl sa kabubukas na regalo niya.

“Ahhm great! Yeah, maganda naman,” sagot na lamang niya habang nakangiwing tinitignan ang isang floral croptop. ‘Hindi naman sa ayaw ko pero… Hindi lang ako sanay.’

“You’re lying, but its okay. Ang akin lang naman eh sana masanay ka nang magsuot ng mga damit pambabae. Hindi yung puro jersey at joggers napagkakamalan ka tuloy na tibo”

          Pasimple siyang tumango bilang sagot sa komento si Jade.

“Open mine, bhe.” Sunod naman niyang kinuha ang regalo ni Skye. “Hephep!  Kapain mo muna, hulaan mo,” aniya na ikinangiwi ulit ni Vahl. ‘Itong si Skye talaga kapag nagsalita kasabay ng mga ngiting iyan, ibang meaning ang pinaparating niya.’

“Mataba... mahaba… sandali… Skye! Huwag mo akong pinaglololoko. Ano to?” angal niya habang ipinupukol sa kaibigan ang nandidiring tingin.

          Bumungisngis naman ang tatlo habang binubuksan ni Vahl ang paperbag. ‘Anak ng tupa!’

Happy birthday, Vahlia!” bati ng mga kaibigan niyang hindi na maawat sa pagtawa.

          Inis na ibinato ni Vahl kay Skye ’yong regalo niyang… uhhm… paintbrush  at sunod na binuksan naman ang regalong galing kay  Oliver.  

          Sinulyapan niya muna ang tatlong mga kaibigan niya na ngayo’y  nagpipigil ng tawa. ‘Ano na naman kayang kalokohan ang nasa loob nito?’’ tukoy niya sa regalong kasalukuyan na niyang binubuksan.

           Nang maalis na niya ang sangkatutak na duck tape sa paper bag ay tumambad ang isang puting turtle-neck longsleeve. Simpleng disenyo ngunit napakaganda, napakadisenteng tignan.

“Oh, matino na yan… ngumiti ka na birthday gurl!” nakangiting sabi ni Oliver na siya namang sinunod ni Vahl  bago pinasalamatan ang mga napulot niyang kaibigan. “Thank you, Olivia!”

“Mga tao diyan sa likuran ng Bangka!!!! Umayos kayo!! Kung hindi, tataob tayo!!!” sita ni Miss Fontejo sa kanila at taas kilay na lumingon sa gawing likuran ng bangka kung saan malikot na nagyayakapan at naghahagikhikan sina Vahl at ang mga kaibigan nito.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Kabanata Tres- Silid-aklatan

    Muli ay napuno ng kantahan ang naging byahe gamit ang bangka. Karamihan sa mga estudyanteng nasa kabilang mga bangka ay kumukuha ng litrato ngunit ang bangkang sinasakyan nina Vahl ang pinakamaingay dahil sa mga kantahang nagaganap . ‘Hindi ko na siguro kailangan ng camera para picture-an ang kung ano nang nakikita ko. Sapat na siguro na alam kong napuntahan ko itong paraisong ito at nakita nang personal kung gaano ito kaganda,’ nakangiting aniya sa kanyang isipan. Napatigil si Hudson sa pagkanta nang sumingit si Skye. Ngunit bago niya tugtugin ang gitara ay maangas nitong inayos ang manggas ng kanyang leather jacket. Pinantapat nito ang isang country pop na sinabayan naman ng buong k

    Huling Na-update : 2021-07-26
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Cuatro – Nasaan na ako?

    Tierra de Oriente, 1871Volverá…Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,Se escribirá otro capítulo.(Babalik…Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.) Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.” Biglaan siyang napaupo sa

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo  Cinco- Kasunduan

    Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito. Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’ Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Seis – Takas

    Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo. ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’ Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba. 

    Huling Na-update : 2021-08-03
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Siete- Pangahas

    Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon. Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito. Inakala niyang aalis na ang sawa

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Otso- Aleman

    “Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”

    Huling Na-update : 2021-08-21
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Nueve-Daan pabalik

    “Ang totoo niyan, hindi talaga sa kabisera ang sadya ko,” pag-amin ni Mateo. Sakay silang dalawa ng kayumangging kabayo at kasalukuyang tinatahak ang isang kalsadang gawa sa ladrilyo (brick), lupa, at malambot na bato. Kanina pa napapansin ni Vahlia ang pagiging pamilyar ng ilan sa mga istruktura at porma ng mga halaman. Unti-unting sumisiklab ang kaba sa kanya, kung kaya’t lakas loob siyang nagtanong. “Saan ka ba pupunta?” Iniiwasang mautal sa kan’yang pananalita.“Sa mansiyon ng mga Esperanza,” tugon naman ni Mateo at binilisan ang pagpapatakbo kay Manolo.

    Huling Na-update : 2021-08-22
  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Diez: Arbol Triste

    Natanaw ni Vahlia ang isang mayabong na puno ng narra, nag-iisa ito sa gitna ng bukirin na tanging mga damo at mga pananim na palay ang nakapaligid dito. Hindi na nakapagtataka kung bakit mayabong at mataba ang punong ito dahil walang ibang punong kaagaw sa sustansiya at sinag ng araw. “Ang árbol triste,” sulpot ng isang boses sa kaniyang likuran. Mariing napapikit sa inis si Vahlia nang mapagtanto kung kanino galing ang tinig na iyon, “Sumunod ka pa talaga ah, sadyang iniinis mo ba ako?” aniya nang hindi man lang nililingon ang kausap. “Hindi naman, nakatutuwa lamang na ika’y pagmasdan lalo na sa tuwing lumulukot ang iyong pagmumukha.” “Tchh, wala ka talagang kwenta,” tanging sagot mula kay Vahlia, mas

    Huling Na-update : 2021-08-23

Pinakabagong kabanata

  • Ang Pulang Kuwintas   Author's Note:

    Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Nueve: Me gustas cuando callas

    “A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Otso: Multo ng nakaraan

    “How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Siete: el último adiós

    “Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Seis: Dulce Gonzales

    “Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cinco: Pinto

    “Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Cuatro: Pagkakasundo

    “Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Tres: Kapanalig

    Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il

  • Ang Pulang Kuwintas   Capitulo Cincuenta y Dos: Kuta

    Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit

DMCA.com Protection Status