Dichas, sol y amores
(ligaya, liwanag at mga pag-ibig)
Te esperare, senorita
Toma unos cientos de anos
En la primera reunion
Te mirare de Nuevo
(Maghihintay ako, binibini
Abutin man ng ilang daang taonS
a unang tagpuan,
Muli kita’y susulyapan)
Tierra de oriente, 1872
(Lupain ng Silangan)
Sa kabisera ng bayan ng Oriente, mga taumbayan ay nagkukumpulan—mga nilalang na ibig makasaksi sa kahihinatnan ng pamilya Villamarquez.
Ngunit isang babae ang nakaaagaw pansin. Siya ay impit napapahikbi at ang kaniyang mga luha ay nag-uunahang bumabagsak habang kaharap ang lalaking may talukbong sa ulo. Mahinahon itong nakaupo at nakaamba ang garoteng tatapos sa kanyang buhay.
Unti-unting umiikot ang kamay ng orasan. Dahan-dahang dumadausdos ang bawat butil ng buhangin sa orasan, ang makulimlim na langit, ang nagbabadyang pagpatak ng nagbibigatang butil ng ulan na tila nakikisama sa malungkot na paligid.
Ngunit bago ikutin ang garote ay tumakbo papalayo ang binibining nakaitim na saya papunta sa ilog ng Tarok. Sa ilalim ng malaking puno , siya’y marahang lumuhod. Tuloy-tuloy na luha ang siyang walang tigil na kumawala mula sa kanyang mga mata.
“Pagsisising sa huli na lamang nang aking napagtanto. Oh, ilog na katha! Rumaragasa sa banayad na lupain ng Oriente. Kalinisa’t dalisay na taglay ng tubig na umaagos, tagapangalaga ng napakarilag na likha, kita’y aking sinasamo!’’
Ito ang bawat hinagpis na umaayon sa malungkot na panahon. Nag-angat siya ng paningin at nahagip nito ang isang binibining nasa isang simpleng saya. Sa isang tingin, nalalamang isa itong indio.
“Victoria Amore Esperanza, isang kahilingan ang aking ipagkakaloob sa iyo,” anas ng misteryosong binibini.
Nakapandududa man ang akto nito ay walang alinlangang sumagot si Victoria.
“Nais kong maulit muli ang lahat, nais kong iguhit muli sa mga bituin ang aming kwento. Na… sa pangalawang pagkakataong iyon….. muli siyang iibig. Sa binibining itinakda para sa kanya, ang binibining masisilayan niyang muli sa tagpuang ito.”
Kakaibang ngiti ang namutawi sa bibig ng indio bago naglabas ng makapal na libro.
“Handa ka ba sa magiging kapalit ng iyong hiling?”
“At ano naman ang nais mong kapalit ng aking hiling?”
Iniabot ng indio ang isang punyal sa binibini. Sandali itong tinitigan ni Victoria. Nahihinuha ang nais kapalit ng indio.
“Kung ako ang dahilan ng kanyang pagkamatay, mabuti yaring bawian na rin ako ng buhay… tatanggapin ko ang iyong inaalok,” sagot ng binibini.
Muli ay ngumiti ang matandang indio at binuklat ang librong hawak nito. “Binibining Esperanza, hindi buhay ang nais kong kapalit. Dalisay na hangarin ang aking nais, ikaw ang siyang magiging tulay tungo sa iyong hiling.” Nalilitong hinarap ni Victoria ang matanda.
“Anong ibig ninyong iparating?”
“Mula ngayon ay tatanggapin mo ang isang katungkulan kapalit ng hiling na iyong ninanais. Tatawagin ka bilang Mirasol, kalakip ng isang mahalagang tungkulin”
Tumila ang ulan kasabay ng pagsilip ng araw. Nagugulumihanan man sa mga ipinapabatid ng matanda, naroon pa rin ang kagustuhan niyang malaman ang punto nito.
“Ikaw ang magiging gabay ng pag-iibigang nasa magkaibang daan at tungkulin mong muli silang magtagpo.” Inilabas ng matanda ang isang kuwintas.
Sing-pula ng mga rosas, kumikislap ito sa tuwing tumatama ang sinag ng araw. Sa pahabang korte nito ay napakagandang pagmasdan.
“Ang iyong hiling ang siyang unang layuning nararapat mong isakatuparan, tatanggapin mo ba... Mirasol?” diretsong sabi ng matanda kasabay ng pagkislap ng pulang kuwintas.
*****
Sa inaakala mong tahimik na buhay, paano kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? Yung tipong hindi mo na nga sineryoso yung history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang bawat kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na’t wala ka nang ibang pagpipilian. Ano ang gagawin mo?
Isang misyon….
Hindi inaasahang pangyayari….
Panibagong paglalakbay….
Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handang abutin nang siyam-siyam.
Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya?
Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat?
Paano kung kinakailangan mo nang mamili?
Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang isang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kanyang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kanyang isipan?
Manila, 2019; present year Sa isang pangkaraniwang klase, mangingibabaw ang pinaka-kakaiba sa lahat.“Miss Medrano!!! Are you listening?” bulyaw ng lecturer sa isa sa mga estudyante niyang nakapandekwatro at tila may sariling mundo habang ngumunguya ng bubble gum. Pagkarinig ay umayos siya ng upo at agarang bumalik sa reyalidad. “Yes, Ma’am,” sagot niya.“Talaga ba? Umayos ka nga ng upo, Miss Medrano.” Tumango naman ang estudyante sa kanilang lecturer na muling nagpatuloy sa kanilang talakayan. Pinagpag niya ang u
SCHOOL CAMPUS, 8;00 AM , MARCH 23 Nakapandekwatrong upo si Vahlia sa isa sa mga bench ng covered court habang ang ibang mga estudyante ay busy sa kanya-kanyang gawain, ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pagkayamot dahil higit sa trenta minutos na siyang nakaupo roon. ‘Alas otso ang departure time tapos wala pa yung mga bus? Tss Pilipino nga naman,’ aniya sa kanyang isipan. Paano ba naman kasi? Hindi pa kompleto ang mga estudyante, idagdag mo pa ang mga napulot niyang mga kaibigan na hanggang ngayon ay wala parin. Ganoon rin ang mga bus na sasakyan sana nila. Maya-maya pa’y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, ano pa nga ba? Pati sa simp
Muli ay napuno ng kantahan ang naging byahe gamit ang bangka. Karamihan sa mga estudyanteng nasa kabilang mga bangka ay kumukuha ng litrato ngunit ang bangkang sinasakyan nina Vahl ang pinakamaingay dahil sa mga kantahang nagaganap . ‘Hindi ko na siguro kailangan ng camera para picture-an ang kung ano nang nakikita ko. Sapat na siguro na alam kong napuntahan ko itong paraisong ito at nakita nang personal kung gaano ito kaganda,’ nakangiting aniya sa kanyang isipan. Napatigil si Hudson sa pagkanta nang sumingit si Skye. Ngunit bago niya tugtugin ang gitara ay maangas nitong inayos ang manggas ng kanyang leather jacket. Pinantapat nito ang isang country pop na sinabayan naman ng buong k
Tierra de Oriente, 1871Volverá…Cambiará el curso del tiempo y el tiempo,Se escribirá otro capítulo.(Babalik…Babaguhin ang takbo ng oras at panahon,Panibagong kabanata ang siyang maisusulat.) Mga pangungusap na nagpapaulit-ulit sa isipan ni Vahlia habang kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Akmang babangon na siya nang sumulpot ang isang mahinhing boses. “Kumusta naman ang iyong siesta, Victoria? Ipinag-init ka nga pala ni Ina ng arroz caldo.” Biglaan siyang napaupo sa
Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito. Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’ Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala magand
Maingat na ibinagsak ni Vahlia ang ilang mga unan at kumot sa ibaba ng azotea sa kaniyang silid. Maging ang ilang mga gamit at malalambot na bagay ay inihagis niya. Plano niyang tumakas mula sa mansiyon Esperanza at magpakalayo-layo. ‘Kung hanggang dito ay hinahabol ako ng kasal-kasal na iyan, pwes! Magagawa kong takbuhan ulit iyan.’ Tatlong hakbang paatras at turbooo! Kumuha siya ng buwelo bago tuluyang lumundag paibaba si Vahlia, mabuti na lamang at ligtas siyang nakatalon mula sa ikalawang palapag dahil sa mga unan at kumot na nakaabang at handang sumalo sa kan’ya sa ibaba. 
Alas-siete na ng umaga nang magising si Vahlia. Hindi na siya nagulat nang matagpuan ang sariling nasa ilalim ng puno pagka’t inaasahan na niya ito. Sino ba namang maglalayas at pupunta sa gubat na kinabukasan ay matatagpuan ang sarili sa loob ng kastilyo kasama ang isang prinsipe? Sana all na lang sa ganoon. Akmang tatayo na sana siya upang mag-inat nang makarinig siya ng sumisitsit sa kan’yang tabi. Nag-aalangang lingunin ito sa pangambang bigla itong umatake. Nag-uunahang tumulo ang pawis mula sa kan’yang noo kasabay ng pasimpleng paglandas ng ahas sa kaliwang binti niya. Nasa isa’t kalahating talampakan ang haba nito. Inakala niyang aalis na ang sawa
“Hindi mo ba talaga sasabihin iyang plano mo?” “Kung nabibilang kong mabuti, panglimang tanong mo na iyan sa akin na nagpapaulit-ulit.” Kasalukuyan silang nakasakay sa kayumangging kabayo habang tinatahak ang maaliwalas na daan patungo ng kabisera. Parehong nababalot ng putik ang kanilang mga kasuotan at ganoon din ang kabayo. Na kung sino man ang makakakita sa kanila ay tiyak na pagdududahan ang kanilang itsura. “Sabihin mo na kasi, bakit kailangan mo pang i-suspense?” makulit na tanong ulit ni Vahlia, at akmang lilingon pa sa kan’yang likuran upang harapin ang lalaki ngunit bigla itong nagsalita, “Huwag kang lilingon, Binibini.” “Heh? At bakit?”
Natutuwa ako sa kagalakang ito… Ano daw? Charrr, nais ko lang ipabatid kung gaano ako natutuwa sa pagtatapos na ito ng kuwento. FYI nga pala, ang orihinal na ending nito ay tragic. Pero ewan ko kung bakit bigla na lamang nag-iba ang ikot ng utak ko nang isulat ko ang wakas nito at pinagkita ko pa silang dalawa. Hayyss, mas masaya sana kung hindi na lang ano? Marahil ay ito na nga ang wakas para sa kuwentong ito. Ngunit batay sa binasa kong mga komento ninyo… tila ginanahan nga akong gumawa ng series. Oh diva, your comments matters noh! Kaya kung pwede ay mag-iwan kayo ng diyamante’t inyong masasabi para sa akda kong ito nang sa gayo’y totohanin ko nga ang agila series nina Casimiro and others noh! Mga dapat abangan: ✨Salao: the Hidden Treasure
“A-Aalis ka na?” “K-Kung i-iyong mararapatin, ginoong Mateo.” “Kung gayo’y mag-iingat ka.” “M-Mahal na mahal kita, Mateo Villamarquez.” “Te amo más de lo que te imaginas. Hasta que nos volvamos a encontrar, mi Tigresa. (Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Hanggang sa muli nating pagkikita, aking Tigresa.)” Nanghihina akong napapaluhod sa tabi ng rumaragasang ilog ng Oriente, sa ilalim ng pag-aagaw ng liwanag at dilim, sa parehong lugar kung saan ko huling nahawakan ang kaniyang mga kamay. Ang huling paalam niya… “Binibini?” tinig na nagmula sa aking likuran na aking nilingon. Halos hindi
“How are you feeling?” tanong ni ate Tahlia na tinanguan ko na lamang. Wala na ang nakabibinging boses na sumasakop sa ulo ko at hindi na rin ito sumasakit. “Mr. Ramos said you can be discharged this afternoon.”“Why not now? Bakit afternoon pa?” angal ko na ikinakunot ng noo ni Ate.“Why? Are you going somewhere?” Nasa ospital kami sa lungsod, ang sabi ni Skye ay dito nila ako isinugod just after they saw me unconscious. Agad nilang tinawagan sina Mom as soon as they saw blood on my thigh and even at my back. Pero ang sabi ng doktor ay tanging sa hita ko lang may malalim na saksak, nakakapagtaka raw na mayroong dugo sa
“Huwag mo nang ituloy pa ang binabalak mo, Victoria.” Mariin akong napapikit at tuluyang niluwagan ang pagkakawahaw sa kamay ni Ina. “At bakit naman hindi?” Pinigilan kong lumabas ang halo-halong emosyon sa aking mukha nang pasimple kong inilabas ang rebolber mula sa aking likuran at itinutok sa kalangitan. Napapangisi kong kinalabit ang gatilyo nito kasabay ng pagliwanag ng kapaligiran sa libo-libong mga sulong mistulang nagkalat sa paligid.“Dunong at katapangang tulad ng agila! Himagsikang magiging hudyat ng pagbagsak, sugod!” puno ng pag-asang sigaw ko kasabay ng magkakasunod na pagsabog at putok ng baril mula sa magkabilang panig.&nb
“Tú ... tú eres la causa de todo. (Ikaw... ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.)” Napatigil ako sa kinatatayuan nang manlisik ang kaniyang paningin sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit hanggang sa magpantay ang aming paningin. “Binalaan na kita noon pa man na huwag mong tanggapin ang pag-ibig niya, masdan mo ang nangyayaring ito ngayon! Masdan mo, Victoria!” sigaw niya na ikinaatras ko.“Anong ikinagagalit mo?” malumanay kong tanong na ikinadabog niya at walang anu-ano’y sumalampak ng upo sa sahig. “Huwag kang magmaang-maangan, kasalanan mong lahat kung bakit nangyari a
“Malaki ang tiwala ng kilusan sa iyo, Victoria. Nawa’y hindi mo kami biguin,” huling paalala ni Ka Simon bago ako tuluyang umalis mula sa kubong himpilan ng kilusan. Maayos nang nakaplano ang lahat sa harapan ng mga itinuturing na pinuno, at hindi ko akalaing isa si Eliana sa mga namumuno. Katuwa-tuwa.“Sandali, mukhang kulang pa ang pasang nakalantad. Hayaan mong tulungan kitang magmukhang naagrabyado,” pagpigil ni Eliana at laking gulat ko nang malakas na isinampal niya sa aking pisngi ang kaniyang kamay. Tulad ng dati ay mariin na lamang akong napapikit at pinigilan ang sariling sampalin din siya pabalik. “Salamat, babawi ako sa iyo sa susunod,” sumbat ko at tuluyang tinahak ang pinto palabas.
“Ilalahad ko sa inyo ang mga nalalaman ko, at makikipagtulungan sa plano at paghahanda kapalit ng isang bagay.” Kumunot ang noo ni Ka Simon habang inilapit ang kaniyang mukha na tila ba interesado sa alok ko. “At ano ang bagay na iyon?”“Ipaubaya ni’yo sa akin ang huling hininga ni Alvaro Dela Cerna,” malapad na ngising sagot ko. Nahagip ng aking mga mata ang dagling paglingon pabalik ni Mateo sa aking direksyon, gulat ang siyang rumehistro sa kaniyang pagmumukha. “Tatanggapin ba ninyo ang aking kondisyones?”“Hanga ako sa katapangan at lakas ng iyong loob, Victoria.” Tumikhim ang matanda kasabay ng paglabas niya sa isang lalagyan ng
Malaya akong napahinga nang maluwag nang tuluyang umalis si Cielo. Pinahid ko na rin ang iilang patak ng luhang tumakas, bakit pa ba kasi ako nandito? Kung hindi lang rin pala misyon ang ipinunta ko dito ay mas mabuti na ring umalis na ako at bumangon na parang walang nangyari. “Kailan mo balak sabihin?” Mariin akong napapikit nang sumulpot na naman ang boses na iyon. Akmang tatayo na sana ako upang lisanin ang lugar na iyon nang hablutin niya ako. Wala na rin naman akong pagpipilian kundi ang kausapin siya. “Ang alin?”“Nagmamaang-maangan ka ba? Il
Vahlia’s POV Napakalakas na kalampag sa pinto ang nakapagpamulat ng aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang tuluyang padabog na bumukas ang pinto.“Madaling araw na’t hindi ka pa nagigising! Hoy, wala ka na sa mansiyon ninyo!” sigaw ng matandang babae, hawak nito ang kahoy na sandok habang nakapameywang na nakatitig sa akin. “Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?” Kusang napakunot na naman ang aking noo, sino ba ang babaeng ito? Kung makasigaw akala mo’y siyang nagpapakain sa’kin. Dali-dali na nga akong bumangon at nang akmang tatayo na ako ay siyang pagsuntok ng sobrang sakit