CLAIRE: Pagkatapos ng tensyonadong pag-uusap sa pagitan naming dalawa ni Edward, walang akong nagawa kundi sumama kay Edward pauwi. Naging tahimik ang aming biyahe, walang usapan, walang tinginan. Ako ay abala sa aking mga iniisip, iniisip kung paano ko muling haharapin ang araw sa opisina matapos ang gabing ito. Samantala, si Edward, na tila walang alalahanin, ay huminga nang malalim habang minamaneho ang kotse. Nang makarating kami sa bahay ni Edward, napansin ko kaagad ang mga asul at pulang ilaw na kumikislap mula sa di kalayuan. Mabilis kong napansin ang maraming ambulansya at mga pulis na nakatayo sa harapan ng bahay. Ang tahimik na lugar na kanilang iniwan noong umaga ay puno ng ingay ng sirena at usapan ng mga nakamasid. Madaming mga kapitbahay ang nakasilip. “Ano’ng nangyayari?” tanong ko kay Edward, nababalot ng kaba habang tumitig ako sa eksena. Pumarada si Edward sa gilid ng kalsada, at nang bumaba kami, agad kaming sinalubong ng isang pulis. Ang mukha ng pulis ay
Last Updated : 2024-11-01 Read more