Share

Kabanata 004

Tinawgaan ko kaagad ang aming HR department pagkalabas ni Claire. Hindi ko ito kalimitang ginagawa hindi ko din maintindihan sa akong sarili bakit para akong sunod-sunudan kay Claire.

“Hi Ricky , I send you an email. I want you to secure position for Ms.Claire Sanchez. Ayokong malaman niyang wala talagang available position sa aking kompanya bilang personal secretary . She will conduct her OJT in my company and when she finish give her an offer right away for being a regular employee. Payagan mo na si Andrea sa hinihingi niyang bakasyon starting tomorrow pagsimulain mo na siya sa kaniyang leave . Ako ng bahalang magturo kay Claire ng mga dapat niyang gawin sa kaniyang trabaho bilang personal secretary ko. Gawan mo ng paraan na malagyan siya ng slot sa aking kompanya. I don't care kung paano mo gagawin pero gusto kong bukas na bukas din ay magsimula na siya. Hindi ko pa rin aalisin si Andrea. Bale magiging 2 silang sekretarya ko. Hindi niya alam na wala talaga akong perosnal secretary at gawa gawa ko lang ang aking dahilan ,kung magtatanong siya sa iyo siguraduhin mong iisa ang ating alibi, na si Krissa ang aking Personal Secretary noon at pinagresign ng kanyang asawa dahil buntis. Gusto kong i-pwesto mo ang kaniyang desk sa tapat ng aking opisina. I want you to do it first thing in the morning. Is it clear?" nakangisi kong sabi habang kinakausap ko sa telepono ang aming HR Head.

"hahaha, naiintriga naman ako sa bago mong kasamabahay. Ano bang itsura niyan at ganun mo na lang alagaan?, una kinuha mong kasambahay kahit walang alam sa gawaing bahay tapos pinag aralan mo pa sa eskwelahan mo. Knowing na ang mahal mahal ng tuition f*e. Tapos ngayon gusto mong mapalapit sayo. Don't tell me Edward na malakas ang tama mo sa babaeng iyan?" pang-aasar na sabi ng aking tauhan/kaibigan na si Ricky.

"Cut that thought. Napakadumi ng utak mo. Ibahin mo si Claire, hindi siya kagaya ng ibang babae na nakakasama ko. Isa pa kababata ko siya kaya wag mo siyang idamay sa mga kalokohan ko. Gusto ko lang na maayos ang kaniyang mapapasukan sayang naman ang katalinuhan niya lalo at candidate siya bilang suma-cum laude ngayong school year. Ang mga ganitong klaseng tauhan ang kailangan nating i keep sa aking kompanya. " defensive kong sagot sa aking kaibigan. Alam ni Ricky lahat ng kalokohan ko kaya ang hirap talagang magtago sa kaniya.

"Oh FVCK Edward! (hindi siya naniniwala sa aking sinasabi) ang huling beses na nagkaganyan ka ay kay Lexie lang. Don't tell me si Claire na ang bagong babae na ipapasok mo sa red room? hahaha Bro i think she is." paninigurado niya sa akin. Natawa na lang ako sa kaniyang naiisip. Oo nga no, bakit nga ba pagdating kay Claire ay nag-iiba ako. Pati desisyon ko ay nagbabago din. Hindi ko siya kayang tiisin at baliwalain. I don't know parang natural na sa puso ko ang diktahan ang isip ko sa tamang mga dapat kong gawin para mapalapit sakin si Claire. Kahit pa ito ay sa selfish way ay gagawin ko basta makita ko lang ito palagi ay wala aking pakielam.

" ewan ko sayo Ricky. I'm just doing it for the benefit of the company. Hindi dapat pinakakawalan ang mga top natcher sa kanilang pag-aaral. Sa galing niya at abelidad ni Claire siguradong madaming kompanya ang mag-aagaw agawan para bigyan siya ng offer at hindi natin iyon hahayaan. Kaya para hindi mag init ang ulo ko sayo, gawin mo ang sinasabi ko." istrikto kong pag-uutos kay Ricky bago ko siya binabaan ng tawag.

Kinabukasan kagaya ng aming napag usapan ay pinukaw ko ang atensyon ni Claire. Malayo na naman kasi ang kaniyang paningin. Nakatulala na naman siya sa kawalan. Minsan na wiwirdohan ako kay Claire, mapailang ulit ko na siyang naabutang malayo ang iniisip, masasalamin ko din sa kaniyang mata ang matinding kalungkutan, hindi ko naman siya matanong dahil ayokong isipin niyang interesado ako sa kaniya. Hindi ang isang Edward Murphy ang magtatanong sa nararamdaman ng isang babae. Never! , ang babae ang dapat na naghahabol sa akin at magpapakita ng kaniyang interes at hindi ako ang unang gagawa ng the moves.

"Claire let's go mala-late na tayo, unang araw mo pa lang late ka na kagad. Hindi magandang panimula iyan." kunwari ay nagagalit kong sabi . Sinadya kong mag-madaling lumabas ng bahay at naunang sumakay sa kaniya ng sasakyan. "oo nga pala nakabakasyon ngayon si Andrea, ang office secretary ko . 1 month leave siya kaya naman ikaw ang gagawa ng aking meeting calendar, reports, scheduling, filling of documents at kung ano ano pang mga dokumento na ginagawa ni Andrea. " nagulat siya at napatingin sa akin. Alam kong nabigla ito sa aking sinabi dahil sa biglang pag-iba ng ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Pero Edward, unang araw ko pa lang sa trabaho ko?! baka kung anong gawin ko dun." na-ra-rattle niyang sabi sa akin.

"Don't worry within 2 days pina cancel ko lahat ng meetings ko para maturuan kita. You just need to do the basic. Mabilis mo lang makukuha yun alam ko. Matalino ka naman, kaya mo yan . Wag kang matakot." nakangiti kong sabi sa kaniya saka ko pinaandar ang sasakyan paalis ng aking bahay. Nang dumating na kami sa kanto ay nagpababa na si Claire. Naiinis talaga ako dito. Bakit parang allerging allergy siya na makita ng mga taong kasama niya ako.Bugnot na bugnot ako sa ganitong set-up. Habang mabagal akong umaandar ay sinisilip ko siya mula sa aking side mirror, ng masiguro kong malapit na siya ay saka na ako nagmabilis ng paandar ng aking sasakyan. Hinayaan ko na lang din siya sa kaniyang gusto. Nauna na ako sa opisina at pumasok na sa loob ng aking opisina. Sinalubong ni Ricky si Claire ng ito ay dumating. Alam na niya ang dapat niyang gawin dahil nabilinan ko na siya. Habang tinuturo sa kaniya ni Ricky ang kaniyang magiging desk ay nakamasid ako sa kanilang dalawa mula sa glass window mula sa aking opisina. Full tinted black ito kaya naman hindi nila ako nakikita sa loob kahit na nakikita ko ang bawat kilos ng nasa labas. Pinagmamasdan kong maigi ang aksyon ni Ricky dahil kagaya ko ay tuso din ito pagdating sa babae.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status