Share

Kabanata 003

EDWARD MURPHY:

Naupo na ako dahil nakikita ko na ang pagkainis sa mukha ni Claire “okay sige na sorry to offend you, let’s change the topic at mukhang galit ka na talaga. Hindi ko sinasadyang inisin ka. Ang cute mo kasi kapag s*x na ang pinag-uusapan natin. Sya wag mo ng isipin yung nakita mo kanina. Maupo ka nga muna dito , ang hirap makipag usap ng nakatayo ka diyan. (Naupo naman itong si Claire sa aking tabi, sa totoo lng napagod talaga ako sa babaeng kaniig ko kanina,Natatawa ako sa aking naiisip. sh*t teka ano nga bang pangalan ng babaeng iyon? . Ano ka ba naman Edward nakakatalik mo hindi mo kilala . Panenermon ko sa aking sarili. ) kumain ka na ba?! (Tanong ko kay Claire, tumango naman siya at nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nahihiya pa rin si Claire kumilos sa aking harapan. Sabagay sadyang mahinhin naman talaga siya magmula ng magdalaga na siya, noong nakakalaro ko kasi siya sa probinsya ay napaka-boyish pa niya iyon ay noon bago ako lumuwas ng Manila at magdesisyong manirahan na dito) Oo nga pala maiba ako, hindi ba last sem mo na! Saan mo balak pumasok para sa OJT niyo?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang biglang pagbabago sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay apektado ako sa kung anong nararamdaman ni Claire. Napatigil ako sa pagsubo ng aking kinakain at nag demand ng sagot sa kaniya.

“What?! Ano yang mukhang yan?!” Istrikto kong tanong. Hindi ko gustong magsungit sa kaniya pero gusto ko involve ako sa kung ano mang naiisip niya. Para naman itong natakot na naman sa akin kaya nginitian ko na lang siya para isipin niyang nagbibiro na naman ako.

"Yun nga ang problema ko pa. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa confirmation ng mga company na pinasahan ko, malapit na din kasi ang deadline samin ng school . Bahala na. Makakahanap din ako.” Alam kong pinapalakas lang niya ang kaniyang loob. Pero mahirap talagang makahanap ng mapapasukan sa panahon ngayon.

“Send your cv to me , meron ka namang whats*pp number ko diba. Sa company ka na lang muna tutal nangangailangan ako ng personal secretary. Nagpaalam na kasi si Krissa , pinag resign na ng asawa niya. Malapit na din kasing manganak.” Sabi ko sa kaniya at nagpatuloy na ako sa aking pagkain. Namilog ang aking mga mata ng mamalayan kong nakayakap si Claire sa akin. Naramdaman ko ang pagdikit ng kaniyang sus* sa aking dibdib. Para naman akong sinilaban ng biglang nag init ang aking katawan sa pagdidikit ng aming mga balat. Bigla niyang tinulak ang kaniyang sarili papalayo sa akin. Nakita ko ang namumulang mukha ni Claire sa kaniyang ginawa. Para makaiwas sa biglang pag iinit ng paligid at baka hindi ako makapagtimpi ng aking sarili ay binasag ko kagad ang aming naramdaman.

“Okay I know, masaya ka lang. Sumabay ka na lang sakin sa pagpasok araw araw para naman hindi ka na mamasahe pa. Tutal ikaw naman ang magiging personal secretary ko!” Mariin kong pag uutos sa kaniya.

"huh?! naku okay na ako ,naipasok mo na nga ako sa kompanya mo. Malaking tulong nayun para sakin, kaya ko ng mag commute papasok at pauwi tutal malapit lang naman ang sakayan. Maglalakad na lang ako palabas ng village. Isa pa ayokong mag create ng issue sa opisina mo, kakapasok pasok ko pa lang tapos problema kagad kakaharapin ko " tugon niya sa akin na hindi ko nagustuhan. "D*MN it Claire, hindi mo ba alam na ang daming nagkakandarapang maisakay ko sa sasakyan ko. Samantalang ikaw,? ikaw pa ang tumatanggi? D*mn it" himumutok ng aking isipan. Parang inapakan nito ang aking pagkalalaki. Kahit inis ay sinikap kong mapilit pa rin ito. Ayokong may ibang lalaking aali-aligid kay Claire.

“Naku Claire wala naman silang magagawa. Magkasabay lang naman tayo. Hindi naman tayo nag iiy*tan sa kalsada, so anong kinakatakutan mo?!” Walang pakielam kong sabi sa kaniya.

“Pero Edward syempre amo pa rin kita kahit pa sabihin mong kababata kita. Sobrang pang aabuso na yun sayo. Ayokong isipin mong sinasamantala ko ang kabutihan mo sa akin. Isa pa kagaya ng sinabi ko sayo ayokong maging laman tayo ng tsismis sa opisina mo. Nakakahiya” parang napataas naman ang aking kilay sa kaniyang sinabi. Wow huh! Ang daming babaeng nagkakandarapa sa akin at nagpupumilit na makasabay man lang ako samantalang siya ako na ang nag o-offer ayaw pa niya. That’s crazy. Inis kong sabi sa aking utak.

“Fine, kung ayaw mo sige , sasabay ka pa rin sakin araw araw at ibaba kita sa kanto bago ang building ng kumpanya. Ayoko lang na gumastos ka pa sa pamasahe para sa pagpasok. Iisa naman ang way natin.” Bahagya itong nag isip. “Saka isipin mo para mabilis kang makaipon sa pinaghahandaan mo. Just think about it. Bukas ise-send ko na sa HR ang CV mo para makapagsimula ka na ng OJT mo. Balita ko kay Manang nag e-excel ka daw sa school niyo?!” Pagdadahilan ko sa kaniya. Pero syempre alam ko ang lahat ng ngyayari sa kaniya sa eskwelahan dahil nagre-report sa akin ang kanilang dean. Anong silbi ng pagiging may ari ko sa unibersidad na kaniyang pinapasukan kung hindi ko malalaman bawat kilos ng taong nakatira sa aking bahay. Alam ko naman sa sarili kong may kakaiba akong pagtangi para kay Claire. Alam kong espesyal siya sa akin. Pero iniiwasan ko ito noon dahil sa bata pa siya.

“Aah sige pag-iisipan ko kung sasabay ako sayo pero yung pagpasok sa kompanya niyo ay tinatanggap ko.” Tugon niya sa akin. Napangiti naman ako. Atleast ngayon ay masisiguro kong mababantayan ko ang bawat kilos niya. Halos kasama ko na siya 24/7. Sa bahay man o sa trabaho. Wala akong balak pakawalan si Claire.

“Sige na magpahinga ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas.” Sabi ko sa kaniya. Yumuko ako at nag pretend na walang pakielam sa kaniyang pag-alis. Nang tumayo na siya sa kaniyang pagkakaupo at makita ko ang kaniyang paglalakad palabas ay napasandal ako habang pinagmamasdan ang bilugan niyang puw*t na tila bolang nag bo-bounce sa kada paghakbang ng kaniyang paa. Napapailing na napapangiti na lang ako sa aking sarili. Ilang beses ko mang pigilan ang aking utak sa aking mga naiisip pero hindi ko kayang pigilan ang tawag ng aking laman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status