CLAIRE SANCHEZ: Bilga akong nakaramdam ng matinding hiya dahil sa aking ginawa, hanggang sa biglang nagsalita si Edward, pilit na binabasag ang tensyon sa pagitan naming dalawa. “Alam mo, Claire, may mga panahon sa buhay ko na parang katulad ng nararamdaman mo ngayon. Kaya maniwala ka man sa akin o sa hindi naiintindihan ko kung bakit ganyan ang nararamdaman mo.” “Paano?” tanong ko sa kaniya, bahagya akong tumingin kay Edward, napuha niya ang aking interes na makinig sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago magsimulang magkwento sa akin, seryoso akong naghihitay sa kaniyang sasabihin. "Meron akong isang sikreto na sasabihin sayo, walang nakakaalam nito hanggang ngayon kundi ako lang pero dahil sa naging open ka sakin ikukwento ko na sayo. Mayroon akong mapait na karanasan saking pagkabata kung bakit ako may matinding galit sa mga babae” Napatingin ako kay Edward, tahimik lang akong nakikinig habang nagpatuloy siya sa kaniyang sinasabi, pakiramdam ko ay tumatagos ako sa paning
Last Updated : 2024-11-02 Read more