ANNA ATE, paki-check ang phone mo, minura kita sa text. Ate, huhulaan na kita ngayon: tatanda kang masungit, maraming apo at nakikita ko sa hinaharap na hinahabol mo sila nang pamalo kasunod mo si Kuya Jared. Ate, alam ko na kung bakit lagi kang gutom lately, nami-miss mo ang isang tao pero ayaw mong aminin. Ate, sorry kung palagi kitang binibigyan ng sakit ng ulo, hindi ko na uulitin. Ate, payagan mo na akong gumamit ng big bike mo, promise, ibabalik ko agad. Ate, gusto ko palang mag alaga ng husky, tuturuan kong magsalita ng latin. Sumikip ang dibdib ko sa pagpipigil na huwag umiyak habang binabasa ang mga huling mensahe ni Catherine sa messenger ko. Ilang linggo nawawa ang pamangkin ko at hindi pa rin siya nahahanap. Parang mababaliw na ako. Ito ba ang kabayaran sa mga kasalanan ko? Napaunat ako nang gumalaw ang lalaking nakayakap sa akin. Si Jared Salvatore. Pareho kaming hubad sa ilalim ng kumot samantalang kailan lang halos magpatayan kami. Hinihilin
Magbasa pa