"KAILANGAN uli nating lumipat ng lugar." Nag e-empake na si Jared nang lumabas ako mula sa banyo. "May pumasok na intel mula sa satellite, malayo na ang grupong tumangay kay Catherine."
Huminto siya sa pagsasalita nang makitang nagtutuyo ako ng buhok sa paanan ng kama. Nagmura. "Lintek," ibinaba niya ang hawak na phone. At parang may sinasabi sa sarili. "Problema talaga ang balls ko kapag malapit ka. Parusa ito." Halata nga, banat na banat ang panga niya at kumakalat sa tenga niya ang matinding pamumula. Ngumisi ako, dinampot ang damit ko sa ibabaw ng kama para simulan ang pagbibihis. "Gusto mong putulin ko?" Inilaglag ko ang towel sa buhok ko pero hindi ang nakabalot sa katawan ko, tumalikod ako at nagmamadaling maikabit ang kapirasong bra. "Akin ka hindi ba?" Nasa tabi ko na agad ang pasaway na lalaki. Binihag ako palapit sa kanya kahit nakatalikod. Hindi ko matakasan ang mga kamay niya na sumakop sa dibdib ko. Gumagawa ng mga bagay na bago pa rin sa pandama ko. Pumipisil, humihigit sa mga tuktok niyon at nag iiwan ng marka na may kaunting sakit at sarap. Gumuhit ang init sa loob ng puson ko na napasandal ako sa kanya. Hiningal ako dala ng nabubuhay na pagnanasa. Lalo na nang halikan niya ako sa leeg papunta sa batok. Literal na binabasa ako ng dila at parang gusto akong kainin. Pero naglaho ang lahat nang maalala ko si Catherine. Ang tanawin sa loob ng isip ko na tumatakbo siya sa tabing dagat habang hinahabol ng mga dumukot sa kanya. Dinampot ko ang kanan niyang kamay na nagmamasahe sa dibdib ko at pinilipit ko yon paharap sa paraang hindi naman siya mababalian. "Awww .." sigaw niya, parang bata. "Sa tuwing naglalambing ako sa 'yo, nananakit ka!" reklamo niya pero hindi naman totoong galit. Dinampot ko ang towel na nalaglag na pala sa paanan ko. At ibinalot ko uli sa sarili ko. Nagmamadali akong hanapin kung nasaan ang panty na isusuot ko. Na sinisinghot na ni Jared ngayon na parang drugs. "Hindi ako magsasawang kainin ang may ari nito. Habangbuhay." Umikot sa ere ang mga mata ko. Gaano ba kahaba ang habang buhay sa gaya kong kriminal? Sigurado akong walang katiyakan. "May mga taong naghihintay sa labas, Boss Jared." Ginising ko siya sa masarap na panaginip. Malala na siya sa totoo lang. "Tanghali na. Kailangan na nating umalis." Tumayo siya at lumapit sa akin. "Ikaw lang naman ang problema. Alam na alam mo ang dapat gawin sa problema pero ayaw mong harapin." "Ah," humahakbang ako paatras dahil nahuhulaan ko ang iniisip niya. At desidido na naman ang mga mata niya, nakakahawa ang ngiti."Ako pala talaga ang laging problema. Akala ko ang libido at sex drive mo." Lumuhod siya sa harapan ko. At ibinuka ang panty ko sa paraang siya na yata ang magsusuot. Salamat naman. "Kapag may oras ka, puede mo bang tapusin ang problema ko?" Naisuot ko naman ng maayos ang kapirasong tela sa isang binti ko. Lace panty at sing itim ng budhi ko. "Sa loob ng chopper, gusto mo?" Isinuot ko ang isa pa. "Blow job habang pinagmamasdan mo ang mundo sa ibaba, kaya mo ba yon?" Umunat siya at pumantay sa akin. "Binabaliw mo talaga ako, 'no? Parang ayaw mo ring umalis dito." Tinapik ko siya sa noo. "Tantanan mo nga ako. Joke lang yon. Kung may balak kang gawin akong lumpo, pakasalan mo muna ako." Nawala ang ngiti niya. "Alam kong wala 'yon sa plano mo. Alam kong ayaw mo akong pakasalan." Hinuli niya ang kamay ko at hinahalik-halikan. "Alam mo naman pala. So, alam mo rin na walang imposible sa mundo?" Shit. Saan galing yon? "Hindi sapat 'yon. Pinaaasa mo lang ako. Sinabi mo na ng maraming beses na hanggang ganito lang tayo. Payag naman ako. Pero sana huwag mo akong pagtaguan kapag tapos na ang problema mo." "Hay, Jared..." "Kinakagat mo ang labi mo at tumitingin ka sa ibaba kapag nagsisinungaling ka, alam mo ba 'yon?" "Kung nababasa mo ang body language ko, maging sapat na sana sa 'yo yon sa ngayon dahil talagang marami akong problema." "Makakapaghintay ako, alam mo yan." "Salamat," h******n ko siya sa labi, segundo. "Tayo na?" Nang nasa loob na kami ng chopper, pumikit ako at nagkunwaring matutulog. Nakaunan ako sa balikat ni Jared. Pero ang isip at puso ko, na kay Catherine pa rin.(flashback) ANNA "BAKIT dito pa sa loob ng eskwelahan?" Ilang taon nang intresado si Catherine na makita kung paano nag-o-operate ang Black Beretta. At dahil alam ko na posible siyang gumawa ng masama ano mang oras, isinama ko na siya. Isang bully na anak ng mayor na matagal nang naghahasik sa loob ng unibersidad sa lungsod ang may personal na atraso sa kanya. Isa sa mga magulang ng biktima ang kumuha ng serbisyo namin. Na kahit hindi nangyari ay balak ko talagang ayusin ng personal. Sa loob ng Black Beretta, kapag naibigay na sa isang miembro ang isang assignment, hindi na ito puedeng bawiin. Kaya ang order na inihanda ko para sa ang misyon, ako ngayon ang gagawa. Isa sa pinakamadaling trabaho ay ang pagpatay ng malapitan lalo na kung ordinaryong tao lang ang subject. Walang komosyon, walang mga armas o bakal, walang mortal combat na kailangan at wala ring ingay na maririnig. Para maiwasan ang ano mang pagkamamali, kailangang handa, sanay, at buo ang loob ng executioner.
ANNA "Manood ka." "Hindi ganon ang gusto ko! Gusto kong pahirapan ang walang hiyang 'yon!" "Hindi mo 'yon puedeng gawin. Walang sapat na panahon para doon. At wala tayong look out para magbantay sa buong location." Meron, marami, pero inutusan kong manatili sa hindi kami makikita. "Ikaw ang pinuno pero bakit hindi mo ginawa?" "Dahil mahalaga ka sa akin, Catherine. Ayokong madungisan ang reputasyon mo kapag nakita ka ng ibang miembro na personal na gumanti sa may atraso sa 'yo. Ang mga ganitong kaso, hindi ibinibigay kahit sa miembro ng samahan na may kakayahang gumanti para sa pamilya nila dahil sa emosyon. Ang paggamit ng emosyon habang nasa trabaho ay malaking kahinaan." "Hindi ako papayag. Ako mismo ang papatay sa kanya." "Okay, gawin natin 'yon, pero hayaan mong tulungan kita." 6:30 ng hapon, halos kumakalat na ang dilim, kadalasang nagkikita ang grupo ni Brix Mateo kung nasaan kami. Ayon sa intel, may babaing ginahasa ang grupo matapos ang bullying incident kina Catherin
ANNA (present time) NAWALANG parang bula sa loob ng isip ko ang mga alaala nang mapansing kong nakalabas na kami ng norte at mula sa ere ay tinatahak ang pamilyar na lugar. Hindi ko ito makakalimutan kahit sa kamatayan ko. Ang bayan ng San Luis. Sa mga panaginip ko mula pa noong bata pa ako, nakakulong ako sa iisang lugar sa loob ng lumang sementeryo ng bayan na ito. Hinahabol ako ng mga nabubulok na bangkay at ng mga taong gustong pumatay sa akin pero hindi ako makatakas. Halos gabi gabi iyon at nagigising ako na umiiyak at hinahanap ko ang maantak na sugat na nasa isip ko lang pala. Sa kalaunan unti unting naging madalang ang mga bangungot, siguro dahil simulan kong tanggapin sa sarili ko na tama ang panaginip ko----matagal na akong patay kahit humihinga pa ako. Ang eksaktong lugar na yon ay unti-unting lumalapit sa paningin ko ngayon mula sa loob ng helicopter. Nagpanic ako. "Sandali, bakit dito tayo pupunta?" Nanginginig ako sa pagkakaupo at tinitigan ko si
TINALIKURAN ako ni Jared.Naiwan akong parang baliw na nagwawala sa galit na walang kaaway.Nang bumalik, may itinutulak na trolley ng napakaraming pagkain sa mesa na halos dalawang metro ang haba. Parang fiesta ang isang higanteng glass platters ng mga prutas at higanteng basket na may balat pa na sobra pa sa isang buwan kong kunsumo. Naka-disenyo iyon na gaya ng sa mamahaling hotel. Feastive rin ang mga putahe ng karne at seafoods sa mga metal na lalagyan na para bang bibitayin na ako. May makukulay na pastries na sa gutom ko ay parang ang sarap dakutin agad at isubo.Literal akong naglaway na itinatanggi ng isip ko.Sa sobrang dami ng mga pagkain na yon ay puede na sa 20 katao.Hinihingal pa rin ako dala ng galit kaya paano niya naisip na magagawa kong kumain?Matutunawan ba ako gayong wala pa ring malinaw na sagot kung nasaan si Catherine?Kanina, nagde-deliryo na yata ako sa galit nang marinig ko na parang binanggit niya si Catherine at isang kasunduan pero malabo sa isip ko.
ANNA ATE, paki-check ang phone mo, minura kita sa text. Ate, huhulaan na kita ngayon: tatanda kang masungit, maraming apo at nakikita ko sa hinaharap na hinahabol mo sila nang pamalo kasunod mo si Kuya Jared. Ate, alam ko na kung bakit lagi kang gutom lately, nami-miss mo ang isang tao pero ayaw mong aminin. Ate, sorry kung palagi kitang binibigyan ng sakit ng ulo, hindi ko na uulitin. Ate, payagan mo na akong gumamit ng big bike mo, promise, ibabalik ko agad. Ate, gusto ko palang mag alaga ng husky, tuturuan kong magsalita ng latin. Sumikip ang dibdib ko sa pagpipigil na huwag umiyak habang binabasa ang mga huling mensahe ni Catherine sa messenger ko. Ilang linggo nawawa ang pamangkin ko at hindi pa rin siya nahahanap. Parang mababaliw na ako. Ito ba ang kabayaran sa mga kasalanan ko? Napaunat ako nang gumalaw ang lalaking nakayakap sa akin. Si Jared Salvatore. Pareho kaming hubad sa ilalim ng kumot samantalang kailan lang halos magpatayan kami. Hinihilin
"Kape o ako?"Tinanggap ko muna mula sa kamay ni Jared ang mug ng umuusok na kape at dinala ko sa ilong ko ang aroma niyon nang walang sagot sa kanyang tanong.Tila may nakalimutan, bigla siyang tumalikod at pinanood ko siyang bumalik sa pinto para ilapat iyon. Marami kaming kasama sa loob ng bahay at naninibago siya sa pagiging handa sa lahat ng oras.Ang ilang segundong pagkakadikit ng kamay niya sa kamay ko, gaano man kalakas ang dalang boltahe ay binalewala ko gaya nang kung paano ko itinatago sa madilim na bahagi ng isip ko ang masasayang sandali na naliligayahan kami isa isat isa habang nasa kama at mapusok na nagtatalik.Malalim ang sugat namin mula sa mga alaala mula pagkabata, pero kung titingnan mo siya ngayon, wala ng bakas na dati siyang iyakin at duwag na binatilyo sa bayan ng San Luis habang ako ay kabaliktaran.Sakto ang lasa ng kape, ang pait at tamis at ang ekstrang affection na galing sa nagbigay. Ang damdamin ni Jared para sa akin ay gaya ng maligamgam na tubig s