Share

THE DEAL WITH THE DEVIL

"Kape o ako?"

Tinanggap ko muna mula sa kamay ni Jared ang mug ng umuusok na kape at dinala ko sa ilong ko ang aroma niyon nang walang sagot sa kanyang tanong.

Tila may nakalimutan, bigla siyang tumalikod at pinanood ko siyang bumalik sa pinto para ilapat iyon. Marami kaming kasama sa loob ng bahay at naninibago siya sa pagiging handa sa lahat ng oras.

Ang ilang segundong pagkakadikit ng kamay niya sa kamay ko, gaano man kalakas ang dalang boltahe ay binalewala ko gaya nang kung paano ko itinatago sa madilim na bahagi ng isip ko ang masasayang sandali na naliligayahan kami isa isat isa habang nasa kama at mapusok na nagtatalik.

Malalim ang sugat namin mula sa mga alaala mula pagkabata, pero kung titingnan mo siya ngayon, wala ng bakas na dati siyang iyakin at duwag na binatilyo sa bayan ng San Luis habang ako ay kabaliktaran.

Sakto ang lasa ng kape, ang pait at tamis at ang ekstrang affection na galing sa nagbigay. Ang damdamin ni Jared para sa akin ay gaya ng maligamgam na tubig sa bukal na hindi ako karapat dapat na umangkin.

Kabaliwan yon.

Gusto kong matuwa kahit paano sa prebilihiyo pero wala akong maramdaman.

Nag echo sa alaala ko ang mga sigaw ni Jared noong mga bata pa kami.

Walang magmamahal sa 'yo, Anna!

Pero heto siya ngayon: payag na payag maging sagigilid ko, alipin, nakataya ang buhay at literal na humahalik sa aking mga paa.

Napayaman, napakabata, makapangyarihan, respetado at nasa kanya na ang lahat lahat maliban sa isang bagay na noon pa niya gustong makuha....ang puso ko.

Ang puso ko na walang kakayahang magmahal sa nakalipas na mahabang panahon dahil dinurog ng malupit na realidad at kawalang pag asa.

"Salamat." Tahimik kong sabi nang pabalik na siya at palapit sa akin.

"Yon lang?"

Gaya ng madalas mangyari, hindi na ako iimik pa at mananahimik na lang.

Palagi kong iniiwasan ang kakulitan niya na umiikot madalas sa iisang bagay---ang sabihin kong mahal ko siya at mahalaga siya sa akin.

Titigan ko siya sa ibabaw ng mga usok, na napakagandang tanawin. Ang mga bahagi ng katawan niya na sumisilip sa ilalim ng roba na hindi nakabuhol ay totoong nakaka prito ng utak.

Totoo na may mga diyos sa lupa at nasa harapan ko ang isa.

Ang napaka-guapong mukha, masinsing kalamnan mula sa leeg, pababa sa dibdib, sa washboard stomach at sa bukol ng pagkakalaki na walang kapaguran pagdating sa akin ay totoong espesyal na regalo.

Tumungo siya sa harap ko.

"Mahal kita." H******n ako sa buhok, ang malayang kamay ay dumapo sa batok ko. Naririnig ko ang marahas na tibok ng puso niya na palaging nagtitimpi sa tigas ng ulo ko.

Ibinaba ko ang kape sa ibabaw ng bedside table nang bitiwan din niya ang kape niya roon at lumuhod sa harapan ko at sinalubong ko ang halik na alam kong para sa akin.

Mabagal, may respeto at palaging naghahangad ng higit pa na halos mahirapan akong lumayo.

"Maliligo na ako." Sabi ko, nailagan ko ang halik niya sa leeg ko bago pa 'yon dumapo.

Hinuli ako ng kamay niya sa pulso. "Palagi kang ganyan kapag kinakausap kita. Hindi mo masabi ang nararamdaman mo."

"Sabi nila, action speaks louder than words. Baka iyon ang love language ko."

Ikinulong niya ang bewang ko sa pagitan ng mga kamay at iniharap sa kanya kasabay nang kanyang pagtayo. Idinikit niya ako sa matigas na bulto niya na lagi akong pinasusuko.

Nagbabala ang isip ko:

Kasalanan.

Nakakalasing.

At bawal maging bisyo.

Ang labi niya na gusto akong hulihin, huminto sa tapat ng bibig ko at idinikit ang noo niya sa noo ko.

"Maghihintay ako kung kelan mo ako mapapatawad, Anna."

"Ang alam ko kinalimutan ko na ang lahat," totoo sa loob ko ang sinabi ko. Inilayo ko ang mukha niya gamit ang mga kamay ko para makuha niya ang punto ko. "Natural na nangyayari 'yon at mga bata pa tayo. Wala akong galit, nakikita mo ba?"

O matagal na akong walang emosyon, nakalimutan ko na rin?

Hindi siya nagsalita pero pakiramdam ko hindi siya naniniwala.

Kumawala ako sa kanya. At tahimik na humakbang papunta sa bathroom.

Naiwan si Jared na nag aalala at nahulog sa malalim na pag iisa.

Sa buhay na meron ako, wala akong kaibigan na maaasahan. Marami at malawak ang samahan pero walang lugar ang emosyon at kahinaan ang maging sentimental.

Imposible ang magtatag ng koneksyon na walang pundasyon na naka angkla sa totoong pagmamahal.

Walang ibang paraan para manatili kang buhay maliban sa isang bagay:

gawin mong matalik na kaibigan ang sarili mo at lagi mong itanim sa isip mo, sa bawat paghinga mo ang nag iisang mantra:

Trust no one.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status