Share

THE TIP OF THE ICEBERG

(flashback)

ANNA

"BAKIT dito pa sa loob ng eskwelahan?"

Ilang taon nang intresado si Catherine na makita kung paano nag-o-operate ang Black Beretta. At dahil alam ko na posible siyang gumawa ng masama ano mang oras, isinama ko na siya.

Isang bully na anak ng mayor na matagal nang naghahasik sa loob ng unibersidad sa lungsod ang may personal na atraso sa kanya.

Isa sa mga magulang ng biktima ang kumuha ng serbisyo namin. Na kahit hindi nangyari ay balak ko talagang ayusin ng personal.

Sa loob ng Black Beretta, kapag naibigay na sa isang miembro ang isang assignment, hindi na ito puedeng bawiin.

Kaya ang order na inihanda ko para sa ang misyon, ako ngayon ang gagawa.

Isa sa pinakamadaling trabaho ay ang pagpatay ng malapitan lalo na kung ordinaryong tao lang ang subject.

Walang komosyon, walang mga armas o bakal, walang mortal combat na kailangan at wala ring ingay na maririnig.

Para maiwasan ang ano mang pagkamamali, kailangang handa, sanay, at buo ang loob ng executioner.

May black eye pa rin si Catherine dahil sinuntok siya ng subject sa mata. At nasa hospital pa rin ang kaibigan niya dahil sa nabaling rib sa dibdib.

Posible rin na hindi na makalakad dahil nang tumalon kung nasaan kami ngayon ay nabalian ng isang binti at nabagok din ang ulo.

Nang dumaan sa imbestigasyon ng grupo ang activities ng subject, alam kong malalang kaso ito ng krimen. Dahil may collection ng mga panties na may bahid pa ng dugo ng mga kawawang biktima.

46 counts of rape na walang sapat nakatibayan kaya nadismiss ang kaso at 65 counts of act of lasciviousness, at hindi iyon biro.

Diablo ang batang iyon hanggang sa huling hininga sa mundo.

Kahit ang magmamana ng genes o magiging anak ng ganitong tao, babantayan ko.

Sa batas ng Black Beretta dapat itong mamatay.

Para sa mga simpleng tao ang pagbabanta ay walang kahulugan. Ang mga salitang:

papatayin kita.

papatayin ko ang pamilya mo

at papatayin ko ang alaga mong aso o pusa ay bunga lang ng galit at hindi nila magagawa sa 'yo.

Ang totoo, ang mga taong nakakapagsalita nito ay kinokontrol ang mga mahihina. At kapag nasanay sa pakiramdam na sila ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa iba ay nagiging mitsa para sa higit pa.

Ang mga assassins, killers, gangsters, mobsters at mga may kakayahang pumatay ng tao ay hindi ipinapanganak na kriminal bagaman may pag aaral na namamana ang genes mula sa mga bloodline.

Karamihan, hinasa ng karanasan, maling pagpapalaki ng magulang, environment, peer pressure at mental health problems.

Kaming mga cleaners, kahit bayaran, may sinunsundang batas at paninindigan.

Kung hindi salot sa buhay ng iba, hindi ka rin kasama sa qualified subject namin sa hinaharap.

Pumapatay man kami dahil sa pera pero may kakambal na prinsipyo.

Sa kasamaang palad, sa panahon ngayon at kahit noong nasa probinsya pa ako, ang pang aabuso, rape, domestic abuse at iba pang mas malalang criminal offense ay parang tinanggap na ng mga tao na karaniwang bagay.

Kapag mas mahirap at walang kapangyarihan ang biktima, nananahimik na lang.

Ang bawat subject na dapat linisin ng cleaners ay dumadaan sa tamang investigation. Protocol iyon at may mga ibidensya muna bago kami kumilos.

Sa mga kalaban naming organized crime syndicate, kung wala kang pera, hindi ka rin makakapagbigay ng orders.

Sa amin, sakripisyo muna bago ang gantimpala. At may pagkakataon na ako ang nagdidikta kung anong level ng parusa na dapat sa kanila.

Bago ko pinamunuan ang grupo, dati ring walang kaayusan at mga halimaw na walang puso ang mga leaders ng mas maliliit na grupo.

Ang nakasanayang sistema bago ko nabuwag maraming buhay ang naging kapalit.

Nakakaramdam ba ako ng guilt?

Hindi.

Kung gusto mong makilala na matapang na leon, hindi puedeng nagpapanggap ka lang. Kailangan mong patunayan sa lahat ng pagkakataon na ikaw ang pinakamalakas at nararapat sa posisyon.

At ang isang babaing sapat lang tangkad, maliit ang pangangatawan kaysa sa mga bruskong kasapi ay totoong katawa-tawa talaga.

Kaya nagtanim ako ng takot sa kanila at kinatay ko ng buhay ang isa sa kanilang harapan at yong pinakamalakas at pinaka-kinatatakutan matapos kong barilin ang apat pa sa gitna ng pagpupulong.

Kung gusto mo ng kapayapaan, kailangan ring sapat ka para patahimikin ang mga naghahasik ng lagim. Kung hindi, isa ka lang din sa nakahanay na biktima sa ilalim ng foodchain.

At kapag nasa taas ka, hindi yon oras para mag party at magpakalasing. Mas marami ang mga buwitre na naghihintay umatake mabigyan lang ng tamang pagkakataon.

At wala sa bokabularyo ko ang magpatalo hangga't humihinga ako. Narito ako sa posisyon hindi dahil sa suwerte---pinaghandaan at pinaghirapan ko ito buong buhay ko.

At isa sa kailangan kong protektahan ay si Catherine.

Si Catherine na parang anino ko basta may pagkakataon.

"Bakit sa escuelahan?" ulit ko sa sinabi niya at ipinasa ko sa kanya ang binocular. Nakita ko na ang target at gusto kong ibigay sa kanya ang pagkakataon.

Malamig na gaya ng yelo ang kamay na dumampi sa balat ko habang iginigiya ko siya na hawakan ang gamit.

"Dahil sa bahay nila ang batang katulad ni Brix ay sobrang protektado. At dito sa school, iilan ang bantay na guro at guard na hindi siya ipaglalaban."

Hindi ko aaminin na marami rin kaming miembro sa loob mismo ng escuelahan kaya mabilis ang resulta ng imbestigasyon.

"Paano natin siya malalapitan?"

"Hindi natin gagawin 'yon. Dahil siya mismo ang lalapit sa atin."

"Ano ang balak mo? Itutulak natin siya mula dito sa rooptop? Wala akong nakikitang baril na dala mo o kahit kitchen knife at marami sila."

"Dahil ang armas na kailangan mo ay mismong katawan mo."

"A-Ano?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status