Share

ONE STEP TO THE GRAVE

ANNA

"Manood ka."

"Hindi ganon ang gusto ko! Gusto kong pahirapan ang walang hiyang 'yon!"

"Hindi mo 'yon puedeng gawin. Walang sapat na panahon para doon. At wala tayong look out para magbantay sa buong location."

Meron, marami, pero inutusan kong manatili sa hindi kami makikita.

"Ikaw ang pinuno pero bakit hindi mo ginawa?"

"Dahil mahalaga ka sa akin, Catherine. Ayokong madungisan ang reputasyon mo kapag nakita ka ng ibang miembro na personal na gumanti sa may atraso sa 'yo. Ang mga ganitong kaso, hindi ibinibigay kahit sa miembro ng samahan na may kakayahang gumanti para sa pamilya nila dahil sa emosyon. Ang paggamit ng emosyon habang nasa trabaho ay malaking kahinaan."

"Hindi ako papayag. Ako mismo ang papatay sa kanya."

"Okay, gawin natin 'yon, pero hayaan mong tulungan kita."

6:30 ng hapon, halos kumakalat na ang dilim, kadalasang nagkikita ang grupo ni Brix Mateo kung nasaan kami. Ayon sa intel, may babaing ginahasa ang grupo matapos ang bullying incident kina Catherine at may pulis na pumunta sa school kahapon.

Malakas ang kutob ko na mag uusap ang grupo ng bullies ngayon.

Hindi nga nagtagal, isa-isang pumasok sa rooptop ang grupo.

Anim lang at puro kabataan.

Sa ibaba, nakita ko ang guards kanina na abala sa dumating na grab driver dala ang mga pagkain mula sa sikat na fastfood chain.

Nagkakagulo sila.

Huhulaan ko na suhol yon ng grupo ni Brix.

Nagsimula ang ingay na nakakabingi nang pumailanlang ang rap song mula sa higanteng speaker na dala ng grupo.

Ang isa, ang dance moves ay parang nasa gitna ng sex act habang nakapikit ang mata.

Napabuntong hininga ako.

Si Catherine ang gustong sumalubong sa grupo. Ako ang magkukubli hanggang sa maisara ko ang pinto.

Bilis ang pinakamagandang sandata para maiwasan ang komosyon.

At nang maisara ang pinto, inatake ko mula sa likuran ang mga miembro sa huli.

Napatumba ko agad ang apat sa mga kabataan gamit ang karate chop sa leeg sapat lang para mawalan ng malay. At mula rin sa likuran, inalalayan ko ang bawat katawan na bumagsak sa sementadong flooring gamit ang binti ko para maihiga sila ng walang pinsala.

Si Catherine, na isa sa pinakamabilis na bumaril pero mahina sa self defense ay biglang nagbago ng aura.

Aura na nakikita ko dahil ganon din ako noon.

Huli na para awatin siya.

Sinalo niya ang suntok ni Brix gamit ang kanang kamay, lumihis ang katawan papunta sa likod ni Brix at gamit ang tuhod, sinipa niya ito para mapaluhod. Binali niya ang leeg nito at walang kurap na sinaksak sa tapat ng puso ang lalaki.

Hindi ko alam na may nakatagong kutsilyo sa manggas ng braso niya kaya hindi ko yon inaasahan.

"Catherine!"

Hawak na agad niya sa kuwelyo ang isa na nasa likod ni Brix kanina. Natakot ako na maulit ang kapusukan niya kaya halos lumipad ako palapit.

Sumingasing sa galit si Catherine. "Nakita mo 'yon?" inalog niya ang lalaki na nakanganga sa tindi ng takot. "Nang araw na pinagtulungan ninyo kami ni Bea, kaya ko yong gawin sa inyong lahat. Pero dahil ayokong isipin ni Bea na halimaw ako kaya nagtimpi ako. Pinigilan ko ang sarili ko dahil akala ko simpleng pananakot lang ang gagawin ninyo!"

"H-Hindi ako kabilang sa mga nanakit sa inyo. Kasama nga ako ng grupo pero wala rin naman akong magagawa. Tinakot lang nila ako at isinama dahil wala silang utusang bumili ng sigarilyo."

"Kasama ka pa rin at nanood ka lang!" Nang umangat ang kamay ni Catherine, pinatulog ko siya mula sa likuran gamit ang kamay ko.

Sa sobrang takot, hindi nagawang sumigaw ng binatilyo. Dinampot ko siya sa damit at itinaas sa ere, habang hawak ko si Catherine sa isa pang kamay.

"Kapag nagsumbong ka kung ano ang nangyari dito, pupuntahan ko ang bahay ninyo kung saan kasama mo ang tatay mo na PWD, ang nanay mo na nagtitinda ng paminta sa palengke at ang girlfriend mo na kapitbahay mo lang at uubusin ko kayo!"

Base sa nakuha kong reaksyon, duwag ang lalaki na napaihi sa pananakot ko.

"O-Opo. Masusunod po. Gagawin ko lahat ng gusto ninyo!"

"Sumunod ka sa sasabihin ko," kinuha ko ang atensyon nito dahil nagsisimula na itong maghyper ventilate. "Hinga," kinalog ko siya, kinukuha ang focus "Kakausapin ka ng mga pulis isa sa mga araw na ito, at isa lang ang isasagot mo: hindi mo nakita ang mukha naming dalawa, maliwanag?"

Tumango nang sunod-sunod ang lalaki. Ibinaba ko siya at niyakap, hindi para konsolahin kundi taniman ng bug ang backpack niya sa likuran saka ko isinalya paupo sa semento.

Binuhat ko si Catherine at kumilos na ang evac sa ibaba na lingid sa rebeldeng batang kasama ko.

Bilang pinuno, hindi ko puedeng ilagay sa panganib ang buhay ko. Dahil ang buhay ko ay naka angkla sa buong organisasyon.

Ang pagiging makasarili ay iresponsableng pasya na puedeng maglagay sa alanganin sa iba pang miembro.

Ang pagsisinungaling, pandaraya at pagiging tuso ay kailangang extra oridinary sa karamihan at sariling mga miembro.

Kung hindi, magpi-fiesta ang mga buhong na nakapila sa posisyon ko.

Ang ano mang kapangyarihan sa mundo kapag napunta sa maling kamay ay nangangahuluhan ng mas malaking gulo at mas karumal-dumal na mga krimen.

Nakalabas kami sa compound sa mismong gate kung saan may mga guards. Na wala ng malay ang iba dahil kasamahan ko ang bagong duty na kasama nila.

Naka-off na rin ang cctv bago pa ako dumating sa rooptop. Kaya wala silang ibidensyang makukuha.

Dalawa sa teachers na naiwan ay bahagi din ng extraction team.

Ganito kumilos ang Black Beretta mula sa kinatatayuan ko hanggang sa mga taong nagpapanggap na ordinaryo sa mga pangunahing lansangan hanggang sa madidilim na isikinita ng lungsod.

Tahimik kaming nakaalis na parang walang nangyaring gulo.

Isang gulo na sa hinahanap pala ay hahabulin ako at ang grupo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status