Share

TRICKS AND TREATS

ANNA

(present time)

NAWALANG parang bula sa loob ng isip ko ang mga alaala nang mapansing kong nakalabas na kami ng norte at mula sa ere ay tinatahak ang pamilyar na lugar.

Hindi ko ito makakalimutan kahit sa kamatayan ko.

Ang bayan ng San Luis.

Sa mga panaginip ko mula pa noong bata pa ako, nakakulong ako sa iisang lugar sa loob ng lumang sementeryo ng bayan na ito.

Hinahabol ako ng mga nabubulok na bangkay at ng mga taong gustong pumatay sa akin pero hindi ako makatakas.

Halos gabi gabi iyon at nagigising ako na umiiyak at hinahanap ko ang maantak na sugat na nasa isip ko lang pala.

Sa kalaunan unti unting naging madalang ang mga bangungot, siguro dahil simulan kong tanggapin sa sarili ko na tama ang panaginip ko----matagal na akong patay kahit humihinga pa ako.

Ang eksaktong lugar na yon ay unti-unting lumalapit sa paningin ko ngayon mula sa loob ng helicopter.

Nagpanic ako.

"Sandali, bakit dito tayo pupunta?" Nanginginig ako sa pagkakaupo at tinitigan ko si Jared. Iba ang kutob ko at hindi ko ito gusto.

Iniabot niya sa akin ang tablet bago sumagot. "Nasa mismong bayan na sila ngayon, hindi magsisinungaling ang satellite tracking system namin, Anna."

Pahablot kong kinuha sa kanya ang tablet at tinitigan ang gps ng phone ni Catherine mula doon.

Sa kapal ng pagdududa ko kung gaano katotoo ang lahat, nabuo ang maraming tanong sa isip ko pero wala ni isa sa mga yon ang nagawa kong sabihin.

Ang matinding hilo ko sumusumpong na naman na ilang linggo na akong pinahihirapan.

"H-Hindi," nilabanan ko yon, pero bigla rin akong nakaramdam na nahirapan akong huminga at bigla akong nasusuka. Dinakot ko ang ulo ko sa biglang pag atake ng matinding sakit pero tuluyan na pala akong nawalan ng malay.

"Anna!"

NAGISING ako sa hindi pamilyar na silid. Mataas ang kisame at napapalibutan ako ng tatlong kulay. Prominente ang puti, kulay kahoy at guhit ng itim na pintura sa gilid ng matataas na salaming bintana.

Ang matatayog at makakapal na kurtina ay puti rin.

Parang nasa gitna ako nang isang magandang panaginip bulaklak at paru paro na lang ang kulang.

Sa labas niyon natatanaw ko ang alon ng dagat na humahampas sa dalampasigan na alam na alam ko ang nililikhang tunog dahil sa ganitong lugar ako lumaki at nagka isip.

Sumikip na naman ang dibdib ko.

"Mabuti at gising ka na," si Jared ang nasa kabilang direksyon at nakahawak pala sa kamay ko. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo. Akala ko may nangyaring masama sa 'yo at sa bata."

Lumipad ang tingin ko sa kanya kasabay nang pagtigil ng mundo ko sa sa sinabi niya.

"A-Anong sinabi mo?" Nagtayuan yatang lahat ang mga balahibonko sa buong katawan.

Ako? Buntis?

Nakakakilabot ang mahabang sandali na nakatitig lang kami sa isa't-isa. At sa loob ng mga sandaling iyon isa isang bumalik sa alaala ko ang mga palatandaan na nagsasabi siya ng totoo.

Pinakamalala ang matinding morning sikcness ko sa umaga at ang pagsusuka ko matapos kumain ng kahit ano kaya napipilitan akong gumamit ng insulin kapag may operasyon para makakilos ako.

"Patawarin mo ako, pero totoo ang hinala mo na hindi pagkakataon lang na narito tayo. Alam kong buntis ka at alam din yon ni Catherine kaya nagkasundo kaming----"

Malakas na headbat sa kanyang noo ang nagpahinto sa kanya na napahiga siya sa flooring palayo sa akin kaya hindi na niya natuloy ang iba pang sasabihin.

Papatayin ko talaga siya kaya tinangka kong gumulong sa gilid pababa ng kama pero naka kadena pala ang mga paa ko kaya hindi ko magawa ang gusto ko.

Malayo na rin siya sa akin mula sa kinauupuan kanina sa tabi ko at patuloy na umaatras.

May naghihintay na grandiosong single sofa sa paanan kung saan siya komportableng naupo na parang hari.

"Pakawalan mo ako, hayop ka! Papatayin kita!" Nagwala ako sa abot ng makakaya ko pero hindi ko siya maabot.

"Gawin mo 'yan pero iluwal mo muna ang anak ko mula sa sinapupunan mo, Anna."

Hindi ako makahinga.

Hindi ako makasigaw.

Hindi ko matatanggap na buntis ako higit sa ano mang bagay na puedeng mangyari sa akin.

Paano magiging isang ina ang gaya kong mamatay tao at lider ng mga taong halang ang kaluluwa gaya ko?

Maraming beses akong namatay sa harap niya sa matinding takot na pinagdaraanan ko at pinanood niyang pagdaanan ko yon nang paulit-ulit.

Hayop.

"Hindi kita mapapatawad! Alam mo yan, Jared!"

"Handa ako sa lahat. Bago ako nanghimasok sa buhay mo, handa na ako noon pa man." Nanatili siya sa pagkakaupo na parang walang anoman.

"Hayaan mong mahalin kita sa mga paraang alam ko, Anna."

Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Fuck you!"

Hinding-hindi mangyayari yon kahit sa panaginip.

Isinusumpa ko sa pangalan ng angkan ko sa ilalim ng hukay at sampu ng mga nabubuhay pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status