ANNA POV: “A-ANO ITO?”Tinakasan ako ng hininga nang tumambad sa akin ang hindi birong laki ng arsenal sa ilalim ng secret room kung saan ako dinala ng recruit na si Raven. 27 years old, nasawi sa planecrash ang mayamang mga magulang at umanib sa grupo sa pamamagitan ni Catherine.Nasa harap ko ang mahigit 300 piraso ng iba’t-ibang armas mula sa ordinaryong paltik, hanggang sa de-kalibreng pistols, revolvers, sub-machine guns, rifles, shotguns, sniper rifles, launchers at mga explosives at IEDs.“Saan galing ang mga armas na ito, Raven?”“From my own inheritance at kay Catherine.”“Kay Catherine?”“Bago siya naaksidente, sinabi niya sa akin na buhay pa ang tunay niyang ama, hindi yong nakalakihan niya na natagpuan niya sa Villasin.”“Sandali lang,” biglang sumakit ng ulo ko sa mga rebelasyon niya dahil hindi ko yon alam. “Isa-isa lang, Raven.” Parang nilalagnat ako sa mga natuklasan ko. Ang batang yon talaga! “Sino muna ang tatay na sinasabi mo?”“Siya ang kinikilalang ama ng Saman
Last Updated : 2024-11-11 Read more