ANNA POV: (Flashback)“Sa batang babae ako, kay Amasona! 100 pesos!”Nilapitan ko ang mamang yon. “Manong puede bang balatuhan mo ako ng 20 kapag nanalo ka?”Tumawa ito. Mataba, mid-40s, mukhang may kaya at hindi sunog sa araw ang balat. “Oo ba! Kaso, sa laki ng kalaban mo, baka umuwi ka na namang lumpo.” Napapa-iling ito at nakita ko ang awa para sa akin habang nakatitig sa akin mukha. “Asan ang tatay mo?”Umiling ako at tumalikod na.Nitong mga nakaraang linggo, ayaw nang sumama ni Diego dahil madalas malaki kaysa sa akin ang nakakalaban ko at natatalo ako.Nangyari nga, pagkatapos ng laban ko ngayon, duguan ako sa mano-mano kahit may gloves. Madaya rin ang nakalaban ko kapag tinatamaan at napipikon. Gumagamit ng atake na below the belt. Naninipa, nandudura at nangmumura.At dapat bawal yon pero lalong nagkakagulo ang mga tao at maraming natutuwa kapag tinatamaan ako. Yong galit nila na para kay Diego—ako ang sumasalo.Siraulo daw ang tatay ko.“Ito, bente, sa yo na lang.” Isang
Last Updated : 2024-11-21 Read more