ANNA POV: (flashback)Nang makaalis si Ida, kinausap ko siya sa halip na dalhin na ang isang tray ng hugasin na umaapaw sa dami ng mga batang kumain.Naupo ako sa kabilang panig, sa katapat niya. Masyadong maliwanag ang ilaw, nakakailang, nakakapaso. O sa kanya ko yon nararamdaman?“Napapadalas ka na yata dito.” Puna ko, hinintay ko munang tumingin siya sa akin. “At noong minsan, dito ka na raw natulog. Baka naman magalit na ang mama mo sa ‘yo niyan?”“Nag aalala ka na ba sa akin ngayon,” ang saya ng ngiti niya. Lumipat sa tabi ko. Ginitgit ako sa upuan. Umakbay sa armrest ng mahabang upuan pero parang ako talaga ang puntirya ng braso niya. “Kiss na lang. Ako ang bahala sa lahat ng hahadlang sa atin sa buong mundo.”“Ang yabang mo.” Hinayaan ko siyang nanggigitgit pero umiwas ako. Umusod ako palayo.“Di nga biro,” inilabas ang mga muscles niya sa biceps, pinakibot, sabay. Nanghimasok sa ilong ko ang bango niya at ako ang biglang ginutom. Kailangan ko talagang lumayo sa lalaking ito
Last Updated : 2024-11-22 Read more