“HINDI MAGSASALITA ANG tauhan natin, Sir!” pangungumpirma sa kanya ng tauhang pinagkakatiwalaan niya. “Gipit ang pamilya niya. Nakikiayon sa atin ang panahon.”Nang mga sandaling iyon, patuloy ang pangungumbinsi sa kanya ng kanyang tauhan. “Bigla-bigla, may malubha siyang sakit na kailan lang nalaman. Ilan din ang mga anak na binubuhay niya—malilit pa iyong iba! Hindi siya magtatraydor sa atin! Higit sa lahat, tayo ang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng pabahay, Mr. Salventez—”“I told you not to call me Salvantez!” may diin na sambit sa tauhan ni Benjamin. “Say that again and you know what will happen next!”Kung hindi niya ito kausap mula sa kabilang linya, maaaring nabatukan niya na ito. Kailangan lang yata ng tauhan niya ng reboot sa utak nito para magkaroon ng magandang takbo iyon at hindi lang puro katangahan ang pinapairal.“Sa ngayon, Sir. Kung sasagutin natin ang mga gastusin nila, wala tayong magiging problema.”Gustong hilutin ni Benjamin ang sentido ngunit kahit ano yata
Last Updated : 2024-09-30 Read more