All Chapters of Kidnapped by the Billionaire After Divorce: Chapter 151 - Chapter 160

226 Chapters

CHAPTER 151: What Happened Again?

GANOON NA LAMANG ang matinding pagtataka ni Duncan nang walang Liberty na magpakita sa kanya nang araw na iyon. Kung may isang bagay siya na hinahangaan sa asawa ay iyon ang hindi ito marunong bumali sa usapan. Tutuparin nito ang ipinangako kahit na mahirapan ito sa ibang mga dapat na gawin.Pagkatapos lumampas ng isang oras sa tinakda nilang usapan ng pagbisita nito, ang taong inutusan niya para sundan si Liberty ang tinawagan ni Duncan. Inalam niya kaagad dito ang nangyari. Sa pagsagot pa lamang niya ng tawag at marinig ang pagkahapo rito ay ganoon na lamang ang matinding kaba na nadarama niya. “Anong nangyayari?” malakas niya kaagad na bulyaw nang marinig ang kakaiba sa boses nito.“S-sir, ano kase—”“Ano nga?” malakas at galit niyang sigaw sa kausap. “May kumuha kay Miss Liberty! Ibang tao po ang nakasakay sa sasakyan niya nang makita ko siyang palabax ng parking lot pauwi!”“You've got to be kidding me!” may gali
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

CHAPTER 152: The Way She Plays 

PAULIT-ULIT ANG NAGING paghilot ni King sa kanyang sentido. Sa pagkakataong iyon, hindi na lamang ang mga pulis ang kasama niya sa pakikipagtulungan upang mahanap kaagad ang kinaroroonan ni Liberty. Maging ang mga ipinaggigiitan na kaibigan niya raw ay naroong lahat para maging moral support niya.“Tungkol ito kay Liberty mga, P're!” galit na turan ni Cole. “Siya ang my one and only kapitbahay na aking pinaglulutuan!”Gustong paikutin ni King ang mga mata at ipagsigawan na ang lahat ng ibinibigay nitong ulam ay siya ang nagluto. Dinadalhan niya ito sa tuwing nawawalan ng gana ang babae na kumain. Maswerte lang ang magaling niyang kaibigan dahil nakalilibre ito ng pagkain kaya pumayag na magpanggap.“At ikaw?” tanong ni Cole muli sabay turo kay Charles. “Anong ginagawa mo rito?”“I'm the representative of her bestfriend!” may pagmamalaking sagot nito.Ganoon na lamang tuloy ang muling pag-ikot ng mga mata ni King. Mukhang hindi titigil ang mga magagaling na ulupong hanggang hindi siya
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more

CHAPTER 153: Don't Fool Around 

ALAM NIYANG GALIT sa kanya ang binata kaya hinahabol niya ito ng tingin ngayon at gustong makapagpaliwanag dito ngunit hindi niya alam kung paano. Paulit-ulit niya na lang itong inilalagay sa alanganin. Ngayon lamang din napagtanto ni Liberty na masyado niya na palang naaabuso ang lalaki. Ito ang parating sumasalo sa kanya mula nang pagdaanan niya ang pakikipaghiwalay sa asawa ngunit wala siyang naging sukli sa mga kabutihan nito. Tahimik ang buhay dati ng binata ngunit magsimula nang makilala siya ay nagkandaletse-letse na iyon.Akala niya hindi na tuluyang iimik si Kng dahil nasa parking lot na sila ng police station para makapagsumiti siya ng medical record ngunit tamang-tama nang makabababa ng sasakyan at sila na lamang ang naiwan ay ganoon na lamang ang malakas na pagtatanong sa kanya nito.“Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” malakas na tanong ng binata.Dahil nasa likuran niya ito, hindi magawang lingunin ni Liberty si King. Natatakot siya na makita ang ekspresyon ng binata. Hi
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

CHAPTER 154: Amidst of Chaos 

“SINO PA ANG mga sisirain mo?” iyon kaagad ang naging bungad ni Merideth nang dalawin niya si Duncan sa hospital. “Hindi ka pa titigil hangga’t hindi bumabagsak ang pamilyang ito?”Ganoon lamang ang pag-iling ni Liberty. Hindi na yata lilipas ang araw niya nang walang nangyayaring drama sa kanila. Kung alam niya lang, hindi na sana siya nag-programming at nag-artista na lang.“Wala ka ba talagang konsenya—”Hindi mapigilan ni Liberty na huwag mapa-palakpak at malakas na matawa. Pinapatawa talaga siya ng mga ito! Hindi ba talaga sampal sa kanila ang mga lumalabas sa bibig nila? “Konsensya?” Tumatawa niya pa ring tanong kay Merideth. “ Sumasakit ang tiyan ko sa inyo! Hindi ba dapat sa sarili mo iyan sinasabi? Ano ba talaga kayo? Mga manhid? O tanga? Pwede ring sadyang walang mga delikadesa—”“Liberty!” awat ni Merideth habang pinipigilan ang sarili na ilakas pa ang boses dahil baka magising si Duncan.“Grabe magpaikot ang gulong ng palad ano? Dati ako itong pinagtutulungan niyong apihi
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

CHAPTER 155: What He Feels

GANOON NA LAMANG ang sunod-sunod na pagmumura ni Benjamin habang nakantingin sa tiyan at binti niyang tinamaan ng bala noong papapatakas sila sa mga awtoridad. Sa dami ng dugong lumabas sa tinamaan ng bala, makita na sa kanya ang matinding pamumutla. Balot na rin siya ng matinding pawis. Sa loob ng isang oras, ganoon ang itsura niya kaya tumatakbo pa rin sa isipan niya kung paano pababagsakin ang kapatid niyang pumanig sa kanyang kaaaway. Lalo na kay Liberty na matagal ng tinik sa lalamunan ng kanilang pamilya dahil sa paulit-ulit na pasakit na ibinibigaynito. Magsimula kase nang dumating ito sa buhay nila ay hindi na sila nagkaroon ng katahimikan. Ngayon, nagsisisi na siyang hindi nakinig kay Duncan. Kung alam niya lang na ganito ang kanyang kahihinatnan ay naghintay pa sana siya ng magandang pagkakataon. Hindi niya naman kase akalain na magiging pain iyon sa kanya ni Liberty. Ginamit nito ang galit niya upang makakuha ito ng mas matibay na ebidensya. Dahil nahuli siya sa akto
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

CHAPTER 156: Let's Get Divorce

HINDI MAKATINGIN SI Liberty kay King nang ihatid siya nito sa parking lot ng hospital. Heto na naman ang matindi niyang pagsisisi nang hayaan ang sarili na mahulog sa masuyong halik ng lalaki kahapon. Ngunit hindi na iyon katulad ng dati. Hindi na siya nakokonsensya sa mga nangyayari. Natutunan na nang tuluyan ng puso niya na pagbigyan ang sarili pagkatapos ng lahat ng mga pasakit na pinagdaanan niya sa buhay. Sa pagkakataong iyon, hindi niya na iniisip ang ibang tao at hindi niya akalain na mas masaya pala kapag hindi inuuna ang iba. Mas madali pala kung nagagawa niya ang gusto niya nang hindi nalilimitahan ang sarili sa nais mangyari. Sa kabila ng pagtanggap na nararamdaman niya, hindi niya pa rin maiwasang huwag tanungin ang binata. “B-bakit ako, King? Marami namang iba diyan…” Matagal na naman nakatitig sa kanya ang binata. Hindi ito nagsalita kaagad. Tila ba binabasa siya nito upang alamin ang laman ng isipan niya. “Because they are not you,” mabilis nitong sagot sa kanya. “
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more

CHAPTER 157: Family not by Choice

HINDI PA MAN nagsisimula ang araw ni Liberty ngunit mukhang may pagbabadya na kaagad na nakikita siya na masisira iyon nang mabungaran niya ang kapatid at ang Nanay Milagros niya sa parking lot na malapit sa kanyang apartment. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago pa man lumapit dahil alam niya na hindi na naman maganda ang patutunguhan ng usapan na sisimulan ng mga ito. Mukhang kahit ang mga ito rin ay ipapa-ban niya na makapasok doon katulad ng ginawa niya sa asawa para maipagpatuloy ang katahimikan ng ng isipan niya.Magsimula nang lokohin siya ng pamilya, hindi na siya nagkaroon pa ng pag-asa na magbabago pa ang mga ito at maaayos nila ang gusot sa pagitan nila. Masyado ng matindi ang lamat sa kanila na kahit anong pagtatakip ay makikita pa rin ang sira na pilit tinatakpan.Hindi na rin nakapaghintay pa ang Ate Leslie niya, ito na mismo ang lumapit sa kanya na parang isang tigre na handa siyang lapain anumang oras. Bago pa man ito tuluyang nakalapit ay naawat
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

CHAPTER 158: What did she Discover?

AWTOMATIKONG NAWALA ang antok ni Liberty nang tumambad sa kanya ang magulo niyang bahay noong makapasok sa loob at magbukas siya ng ilaw. Sa itsura ng kaguluhang iyon, dapat ngayon ay natataranta na siya. Maaaring hindi niya na rin alam ang gagawin habang humihingi ng saklolo ngunit nagawa niya pang kumalma at tingnan ang naging dahilan ng kaguluhan.Habang inoobserbahan ang maaaring nangyari, iisang konklusyon lamang ang nakikita niya sa tila binagyong kanyang tumbang aparador, magulong carpet, at tila ibinaliktad na kwarto niya. Siguradong may hinahanap sa kanyang bahay ang kung sinumang nanloob doon. Hindi siya ang target. Bagkus ang laman ng bahay niya.Dadalawang tao lamang din ang upang pumasok sa kanyang isipan na maaari niyang pagbintangan. Ang mga Salvantez na iyon lamang ang may motibo para gumawa ng ganitong hakbang sa kanya at sigurong-sigurado siya na hindi siya nagkakamali.Sa maraming beses na panloloob sa bahay niyang ito, natanggap niya na rin sa sarili na hindi na n
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

CHAPTER 159: Choosing What Matters

MATINDING KILABOT ANG lumukob sa pagkatao ni Liberty habang patuloy ang pakikinig sa video recording. Nang mga sandaling iyon, gusto niyang takpan ang kanyang taynga dahil sa samot-saring emosyon na kanyang nadarama ngunit mas nananaig sa kanya na malaman ang katotohanan sa nangyari kay Lenard.Kailangan niyang makita! Hindi siya dapat pinangungunahan ng kanyang emosyon. Napakatagal niyang hinanap ng ebidensyang iyon para lamang balewalain?Kahit na kinakabahan at balot ng matinding takot sa matutuklasan, pinili ni Liberty na panoorin ang recording…Nanginginig pa ang kanyang kamay nang pindutin ang replay button ng video. Pinunasan niya rin ang kanyang luha matapos kumuha ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang panonood.“N-nagnanakaw ho kayo sa kumpanya!” paratang ng kapatid niyang si Lenard sa kausap.“Binalaan na kita, di ba? Sinabi ko ng huwag kang makikiaalam!” babala ng kausap nito. “Pagsisihan mo ang ginagawa mo, Lenard!” “Tapos ano? Papatayin ninyo ako?” tanong ng kapatid niy
last updateLast Updated : 2024-10-13
Read more

CHAPTER 160: A Divorce Paper

“LENARD,” TAWAG NIYA sa pangalan ng bunsong kapatid. Mahigpit ang hawak ng kamay ni Liberty rito. Sinusulit niya ang oras na kasama ito lalo pa’t napagdesisyunan niyang dalhin ang kapatid sa ibang bansa upang doon ito makapagpagamot. Maraming espesyalista na titingin doon kay Lenard. Higit sa lahat, maiiwas niya ito sa kanyang mga kalaban na maaring gamitin ang kanyang kapatid bilang panakot sa kanya.Hindi niya na rin mapagkakatiwalaan ang pamilya na mag-alaga kay Lenard. Masyado ng nasilaw ang mga ito sa pera. Hindi malabong kaya rin ng mga itong ipagkanulo ang bunso niyang kapatid kapalit ng karangyaan nila sa buhay.“Kailan ka ba gigising, Bunso?” tanong niya sa kapatid habang hawak ang kamay nito nang mahigpit. “Miss na miss ka na ni Ate. Na-miss ko na ang biruan natin. Ang mga araw na nagtatago tayo sa mancave mo para hindi sermonan ni nanay. Higit sa lahat, wala na akong kakampi kila nanay. Ikaw lamang ang nariyan para maniwala sa atin…”Marami siyang gustong ihingi ng kapatawa
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
23
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status