Share

CHAPTER 154: Amidst of Chaos 

“SINO PA ANG mga sisirain mo?” iyon kaagad ang naging bungad ni Merideth nang dalawin niya si Duncan sa hospital. “Hindi ka pa titigil hangga’t hindi bumabagsak ang pamilyang ito?”

Ganoon lamang ang pag-iling ni Liberty. Hindi na yata lilipas ang araw niya nang walang nangyayaring drama sa kanila. Kung alam niya lang, hindi na sana siya nag-programming at nag-artista na lang.

“Wala ka ba talagang konsenya—”

Hindi mapigilan ni Liberty na huwag mapa-palakpak at malakas na matawa. Pinapatawa talaga siya ng mga ito! Hindi ba talaga sampal sa kanila ang mga lumalabas sa bibig nila?

“Konsensya?” Tumatawa niya pa ring tanong kay Merideth. “ Sumasakit ang tiyan ko sa inyo! Hindi ba dapat sa sarili mo iyan sinasabi? Ano ba talaga kayo? Mga manhid? O tanga? Pwede ring sadyang walang mga delikadesa—”

“Liberty!” awat ni Merideth habang pinipigilan ang sarili na ilakas pa ang boses dahil baka magising si Duncan.

“Grabe magpaikot ang gulong ng palad ano? Dati ako itong pinagtutulungan niyong apihi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status