All Chapters of Kidnapped by the Billionaire After Divorce: Chapter 161 - Chapter 170

226 Chapters

CHAPTER 161: Not Even a Toy

NAGISING SI LIBERTY na naririnig ang hampas ng alon na nanggagaling sa dalampasigan. Napabalikwas pa siya ng tayo nang maalala ang nangyari ng insidente kung paano siya napunta sa lugar na ito.Kaagad na pinagmasdan niya ang itsura ng bungalow na bahay na gawa sa kahoy. Naglalaro sa kahoy, puti, at itim na makikita sa loob ng bahay. Kahit ang king size bed na hinigaan niya ay napakaayos at napakabango kaya sigurado siya na alaga ang lugar ng naglilinis doon.Kaagad niyang tiningnan ang kamay, wala iyong tali na magiging dahilan para hindi siya makatakas. Ganoon din ang kanyang mga paa. Malaya siyang makakatakbo sa kung saan niya man gustuhin kaya ganoon ang ginawa ni Liberty. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at dali-daling lumabas ng bahay para ikutin ang kabuuan ng labas ng bahay. Ngunit ganoon na lamang ang kanyang pagkadismaya nang makitang wala siyang kahit na sinumang mahihingian ng tulong.Sinubukan niya ring magtungo sa dalampasigan ngunit
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more

CHAPTER 162: The Passionate Kiss

MAGSIMULA NANG IWAN SIYA ng binata, matapos na sabihin nito ang laman ng isipan ay hindi niya na muling nakita pa si King sa maghapon. Maaaring umiiwas ito sa kanya nang sa ganoon ay hindi na sila magtalo pa lalo pa’t magulo ang kanyang isipan. Hindi na ito dadagdag pa sa isipin niya na magiging dahilan upang lalo pa siyang maguluhan. Nang umagang iyon, ang nangangamoy kaagad na pagkain sa kusina ang bumati sa kanya. Sa mabangong halimuyak na dala ng nakahain, hindi na siya nagdalawang-isip na magtungo sa kusina dahil sa biglaang pagkalam ng kanyang sikmura. Isang ginang na may edad na ang bumungad sa kanya. Kalalapag lang din nito ng bagong lutong sopas nang mapansin siya. “Hija, gising ka na pala!” malapad ang ngiting bati nito sa kanya. “Kumusta naman ang tulog mo?” Hindi niya na rin maiwasang huwag mahawa sa ngiti nito. Kaagad niya iyong sinuklian ng ngiti rin saka binaling ang tingin sa lamesa. “Napakarami naman hong agahan, kayo ho lahat ang naghanda?” “Ah… oo… sabi kase ni
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more

CHAPTER 163: The Passionate Night

MARUBDOB ANG NAGING paghalik sa kanya ng binata habang maingat ang paraan ng paghaplos na ginagawa nito sa kanya. Tila ba, kahit na makikita sa mga mata nito ang matinding pagtitimpi ay hindi gumawa si King ng kahit na anong bagay na magiging dahilan upang matakot siya sa pangalawang yugto ng kanilang pag-iibigan na tatahakin.Malakas ang naging pagsarado nito sa pinto kasabay ng paghuhubad ng itaas na damit matapos siyang maihiga sa kama.Ganoon na lamang ang paglunok ni Liberty nang makita muli sa malapitan ang perpektong katawan ng binata. Naroon lamang ang kanyang tingin, habang dahan-dahan ang paglandas ng kamay niya sa pang-itaas nitong bahagi na naging dahilan ng mahinang daing ng binata.“King…” Bakas ang kainosentehan sa mukha ni Liberty habang nagpapaalam pa sa binata.“Go on…” sagot nito matapos na mapalunok nang mga sandaling iyon bago ang naging pagtango sa kanya.Dahil sa pagbibigay ng pahintulot nito, heto siya ngayon at nagpapakasawa ang paglandas ng kamay sa katawan
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

CHAPTER 164: Their First Morning

HINDI ALAM NI Liberty kung paano haharapin ang binata nang umagang iyon matapos ng pag-iisa nila kagabi. Kahit ang pagmulat niya ng mga mata ay hindi niya magawa sa takot na mapansin siya nitong gising na.Siguradong pinagmamasdan siya nito kaya naman mas pinagbuti niya ang pagpapanggap na tulog pa rin. Habang nakapikit, hindi niya maiwasang huwag mag-alala. Ano kayang iniisip ng binata kaya ganoon na lamang ito kung makatingin sa kanya?Ngunit ang lahat ng alalahanin niyang iyon ay nawala nang dampian siya ng halik ng binata sa kanyang noo. Nang makaalis si King, saka lamang idinilat ni Liberty ang mga mata.Sa pagmulat naman ng kanyang mga mata, ganoon na lamang ang matinding pamumula ng pisngi niya matapos na makita ang itsura ng kanilang kwarto na nakasaksi ng mga pangyayaring pareho nilang pinagsaluhan kagabi.“Parang bagets pa ah!” Mabilis ang naging pagtakip niya sa kanyang pisngi kasabay ng paulit-ulit na pagsuway sa sarili. Kaysa kung ano-ano pa ang iniisip niya, napagdesisy
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

CHAPTER 165: Snake is a Snake

SA ILANG ARAW na pananatili ni King sa isla ay mas nakilala niya ang panibagong mukha ng binata na hindi niya nakikita kapag malapit sila sa syudad at sa mga Salvantez. Sa kabila ng mga bagong natutuklasan niya rito ay mas napagtatanto niyang matindi ang pag-iingat ni King upang hindi malaman ng kahit na sino ang totoong ito. Katulad niya, at ng kahit sino, may takot din pala ang binata na sa maaaring mangyari sa kanya sa oras na masaktan.“Pasensya ka na ho, ah?” sabi ng anak ni Aling Tasing nang minsang matagpuan siya sa kusina. “May pagka-matabil ho talaga ang dila ko. Hindi ko naman akalain na may ibang taong naroon—”“Mali pa rin na pag-usapan ang buhay ng may buhay!” galit na turan ni Aling Tasing. “Dahil sa mga tsismosang kagaya mo makakasira ka pa ng maayos na relasyon!” Ganoon na lamang ang pagyuko nito dahil sa pagkapahiya nang marinig ang pangaral ng ina. “Nasaan po pala si King?” nagtatakang tanong ni Liberty. Ngunit imbes na sagutin siya ng dalawa ay pagngiti lamang an
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

CHAPTER 166: Right to All Wrong

NATUTOP NI LIBERTY ang bibig nang makita ang surpresang inihanda para sa kanya ni King. Kaya pala hindi niya nakita ang binata sa maghapon ay dahil may inihahanda itong pakulo nang gabing iyon. Hindi niya inaasahan na makakakitang muli ng panibagong side ng binata na wala sa ugali nito. Si King na naghanda sa kanya ng isang intimate dinner ay naging dahilan upang mapalundag ang puso niya sa matinding kagalakan na hindi niya kayang ipaliwanag. Mula nang mapunta sila sa isla, mukhang mas magiging paborito niya na ang pagsusuot ng mga lose shirt na puti sa itaas ng binata habang kahit na anong maipares nito sa ibaba ay himalang bumabagay. Wala iyong binatbat sa mga corporate attire na parating suot ni King sa trabaho.Muli na namang nabaling ang atensyon niya sa pavillion na nilagyan nito ng dekorasyon sa itaas ng burol. Naroon ang mga string lights na nagbibigay liwanag sa tahimik na gabi. Kaagad din ang naging pag-abot nito sa kanya ng pumpon ng bulaklak na mukhang ito lamang din ang
last updateLast Updated : 2024-10-17
Read more

CHAPTER 167: What you Realize 

GANITO PALA ANG pakiramdam ng masaya at tahimik na buhay; hindi mag-aalala sa maaaring mangyari kinabukasan, nakakapagpahinga rin ang isipan niya sa mga alalahanin na naiiisip niya sa tuwing nasa syudad, higit sa lahat, pwede niyang ibaba ang depensa niya upang maging magaan ang mga pasanin niya sa buhay.Kaya naman, hindi niya na yata mabilang kung ilang beses na nahuli ang sarili na nakangiti mula sa maliliit na bagay na nararanasan. Napakatagal na hindi niya iyon nagawa nang mga panahong nakikipaglaban siya para sa kalayaan sa asawa. Heto pala ang dating siya na matagal niyang kinalimutan para sa iba.Napapagod, nakakaubos, tila isa siyang kandila na pilit pinapatingkad ang mitsa ngunit natutunaw dahil sa patuloy na pagbibigay sa iba. Ngayon, iba na, may isang binata na nariyan sa tabi niya at handang magbigay ng lahat sa kanya makita lamang siyang masaya.Sa dinami-rami ng lalaki, hindi niya pa rin akalain na si King iyon. Ito lamang ang nakapagpakita sa kanya ng mga dayuhan na pa
last updateLast Updated : 2024-10-18
Read more

CHAPTER 168: He’s Ready to Fight

GANOON NA LAMANG ang pag-aalalang bumalatay kay Liberty habang nakatingin sa balikat ni King na may tama ng baril. Ang mga dala nitong pinamili ay nahila niya pa sa kamay ng binata upang bitawan na nito. Puno ng pagmamadali ang naging pag-aalalay niya sa binata habang ginagawa niya ang makakaya upang makalayo sila roon. Kung siya lamang ang nasa ganoong pagkakataon, maaaring hindi na gumagana nang tama ang kanyang isipan at umiiyak na. Ngunit dahil nasa tabi niya ito, kakaibang tapang ang naramdaman niya upang makatakas sila.Siya ang makakatulong ngayon sa binata, hindi siya pwedeng maging mahina at maging pabigat pa rito habang lumalaban din ito upang hindi bumagal ang kanilang pagtakas. Heto na naman ang pagtatago nila sa kabilang bahagi ng mga paninda kung saan napupuno na ng pagkuyog mula sa mga tao para lamang makaalis sa kaguluhan. Maraming natataranta at hindi alam kung saan itatago ang kanilang sarili dahil ngayon lamang ng mga ito naranasan ang ganoong bangungot.“Demonyo
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more

CHAPTER 169: Wiser than Others 

“DON’T LEAVE ME hanging on a cliff!” galit na sambit ni Benjamin matapos na makipagkita kay Duncan.Malamlam ang naging pagkakatingin ni Duncan sa kanyang tiyuhin. Hindi siya makapaniwala na sisisihin pa siya nito sa mga makasariling ginawa. Kailan pa ito naging tanga sa pagdedesisyon? Bakit sumagi sa isipan nito na gumawa ng krimen na hindi na nito malulusutan kahit anong pagsisinungaling dahil sa nagkalat na ebidensya?“Kailangang gumawa ka ng paraan makuha ko si Liberty! I will kill that woman! Hindi ito mangyayari kung—”“Totoo! Hindi ito mangyayari kung nakinig ka sa akin, Uncle! Hindi ikaw ito. Kailanman ay hindi ka gumawa ng bagay na hindi mo kalkulado! But what happened this past few months? Ipinadukot mo si Liberty at nagpakita ka pa sa mga pulis. Ngayon naman, gumawa ka pa ng eskandalo sa palengke! Mahirap ng lusutan ito.”Nahilot ni Duncan ang kanyang sentido. Ngayon tuloy ang mga hindi niya dapat pinoproblema ay sakit na rin ng ulo niya. Kung hindi niya rin ito pinigilan n
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more

CHAPTER 170: Cruel than Before

MULI’T MULI ANG naging pagligon sa kanya ni King na naging dahilan ng pagsimangot niya. Paano naman kaseng hindi? Heto na naman ang binata sa panunukso sa kanya. Hanggang ngayon tuloy ay napapatanong pa rin siya na kung iisa nga lang ba ang dominanteng binata na dati niyang nakilala at ang lalaking nasa tabi niya ngayon.Malayong-malayo ito sa dating King na ipinagpapasalamat niyang makita. Ngunit kung aaraw-arawin? Mukhang highblood ang aabutin niya sa makulit na side nito.Katulad ngayon, tama ba na gawin siyang secretary ng binata? Naroon naman si James para gawin ang tungkulin nito. Ganoon na lamang tuloy ang pagtitinginan sa kanya ng mga empleyado sa tuwing pumapasok ng opisina nito. Kung pwede lang na itago niya ang mukha ay baka kanina niya pa ginawa.“Don’t look at me like that, King. You made me do it,” bakas pa rin ang pagpoprotesta sa boses niya nang sabihin iyon. “Meron ka namang sekretarya kaya bakit—”“A-aray!” malakas na sambit ni King na naging dahilan ng mabilis niyan
last updateLast Updated : 2024-10-19
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
23
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status