INIHANDA NI LIBERTY ang sarili sa pagpasok niya sa kompanya ni King. Alam niya kung gaano kalaking eskandalo ngayon ang kinahaharap ng Salvantez dahil sa ginawang panloloko sa kanya ng asawa. Hindi lamang kase simpleng opensa ang ginawa nito. Nasira din nito ang mukha ng kompanya.
Si Duncan ang mukha endorsement ng ibang application na inilalabas nila. Maraming kabataan ang umiidolo dito dahil na rin sa galing ng asawa niyang makuha ang masa sapagkat alam nito kung paano magsalita sa harap nang may pangbobola.
Kung ang dating siya ang naglalakad sa harap ng mga ito, maaaring ngayon ay lumubog na siya dinaraan. Ngunit dahil sa ginawang pagpapasakit sa kanya ng asawa, unti-unti, natutunan niya na rin na humarap sa iba nang taas-noo kung alam niya naman sa sarili na wala siyang ginagawang masama.
Akala ni
NANG SILA NA lamang ang naiwan kasama ng ibang mga empleyado, makikita sa mukha ni Victoria ang pagkabalisa. Kahit siguro itoây hindi makapaniwala na naisahan niya ang dalawa. Sa mga nakaraang araw, mas napagtatanto ni Liberty kung gaano siya katanga para maniwala sa lahat.Sasaglit lamang nang makaalis si Duncan ay dumating naman ang mga pulis. Si Victoria kaagad ang tinanong ng kakilala nito katulad na rin ng pagmamalaki ng babae. Ngunit kung gaano kataas ang kompyansa nito kanina sa sarili nang sumugod sa kumpanya ay hindi naman makaharap ngayon ang biyenan niya sa mga pulis. Ganoon na lamang tuloy ang pag-iling niya nang magsimulang kwestyonin ang babae ukol sa nangyari.âHindi na ako magsasampa ng kaso,â sabi niya sa mga ito nang walang paligoy-ligoy. âWala ho akong oras na umitindi sa wala namang kwentang problema. Sana lang, natuto na kayo, Mom. Because, thereâs no next time. Iâll make sure the moment you make something unnecessary, Iâll give it back to you three times. I hope
DALI-DALI ANG PAGTATAGO ni Duncan nang makita ang mga reporter na nagkumpulan sa harap ng apartment ni Merideth. Hindi niya akalain na ganito na pala kalala ang kanilang problema dahil tinalo pa nila ngayon ang mga kriminal na kinakailangang magtago sa publiko.Mas iniyuko niya pa ang kanyang ulo nang lumingon ang iilan dahil sa pagpukaw ng tunog ng sasakyan niya. Hindi iyon tinted kaya ganoon na lamang ang pagtatago niya hindi lamang makita.Mabuti na lamang at tama ang naging desisyon niya na huwag munang pauwiin dito si Merideth at siya na lamang ang kukuha ng mga gamit nito para makalipat muna sa bahay ng kanyang mommy. Ngunit kahit siya ay mabibigong kunin iyon at ipakikisuyo na lamang sa mga katulong.Bago pa man makakuha ng atensyon, ganoon na lamang din ang muling pagpapaharurot niya ng sasakyan paalis sa lugar.Habang nasa biyahe, hindi niya talaga maiwasang huwag isipin ngayon kung saan na siya tutuloy dahil kahit ang iniregalong bahay sa kanya ng lolo niya at binawi nito. T
âWHY DO YOU like picking up some garbage?â may pagkapikon na tanong ni Olga kay King. âAre you willing to destroy your family for that cheap girl?â Natutop ni Liberty ang kanyang bibig. Hindi niya akalain na magiging hayagan ang pagkadisgusto ni Olga sa kanya habang sinasabi iyon sa binata. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya sa babae para magalit ng ganito sa kanya. Ang pagkakatanda niya ay kailan lamang sila nagkakilala ng babae. Nangyari pa iyon nang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga Romanova at Salvantez. Bukod doon, wala na siyang makitang dahilan para magalit ito sa kanya nang sukdulan na parang handa siyang itulak sa nagliliyab na apoy hanggang siya na mismo ang sumuko at manghingi ng awa rito.âIâm asking you, King, why did we end up like thisâââYou knew that we donât have a thing. You were the one assuming some things between us.ââDahil ipinagkasundo tayo ng pamilya natin, nararapat lang na sumunodâââThatâs bvllshit, Olga!â hindi na napigilan ni King
MAKAILANG ULIT ANG naging pagbabasa ni Duncan sa mensahe na ipinadala ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung paano nito iyon nakuha gayong sigurado siya na nasa tagong lalagyan sa kanilang bahay ang mga bagay na magiging dahilan upang mapabagsak siya. Siya lamang ang nakakaalam ng pinaglagyan niya kaya hindi niya lubos maisip kung paano iyon napunta sa kamay ng kanyang asawa.Heto na naman ang pagparooât parito niya matapos na suklayin ang kanyang buhok. Gagamitin niya ang ebidensyang iyon sa kanyang tiyuhin sa oras na baliktarin siya nito isang araw ngunit hindi niya akalain na sa kanya pala iyon magagamit para mapawalang bisa ang kasal nilang mag-asawa.Nasuklay niya na naman ang buhok niya kasabay ng magkakasunod niyang pag-iling. Hindi siya babagsak ng ganito. Isasama niya pababa ang tiyuhin sa oras na hindi makagawa ng paraan kung paano nila mareresolba ang problemang ito.âBakit may ebidensya?â tanong kaagad ni Benjamin at galit na galit na sumugod sa kanya kasabay ng pagkwelyo
HABOL NI LIBERTY ang paghinga habang dahan-dahan ang paglapit niya sa kanyang asawa. Hindi siya makapaniwala na ang katulad ni Duncan na mahal na mahal ang sarili niya ay nakahandang ilagay ang buhay sa kabilang hukay para sa kanya.Yuping-yupi na ang harapang bahagi ng sasakyan nito habang ang sasakyan ay nakabaliktad na dahil sa lakas ng pagtilapon nito kanina. Umuusok na rin ang sasakyan kaya lalong delikado na lumapit doon ngunit hindi niya kang manood lamang, pinuntahan niya ito nang walang pagdadalawang-isip upang malaman ang kundisyon ng asawa. Ganoon na lamang ang paghinga niya nang maluwag makasiguradong buhay pa ito.Habang abala sa pagtawag ng ambulansya ang kanyang abugado, umikot naman ang mga mata ni Liberty sa kanyang paligid nang makita niyang tumakbo ang salarin na may planong pagsaga sa kanya. Hindi siya ganoon katanga para hindi malaman na siya talaga ang puntirya ng nagmamaneho roon!âAttorney, tatakas siya!â sambit niya rito kasabay ng mabilis na pagkagulat nang m
âANG KAPAL NG mukha mong makipaglampungan habang ang anak ko, iyon! Nag-aagaw buhay!â galit na galit na turan ni Victoria nang makapasok sa ICU.Bago pa man mahablot nito ang buhok ni Liberty, kaaagad ang naging pagtatago ni King rito sa kanyang likuran.âHuwag mo itago ang babaeng iyan, King!âNgunit walang pakialam ang binata at tila walang narinig na ginawa pa rin ang gusto. Ngayong wala sa sarili si Liberty at walang kakayahan na ipagtanggol ang sarili niya, siya muna ang magiging pananggalang hanggang sa kaya na nitong protektahan muli ang sarili.âSinabi ng bitawan mo ang babaeng iyan!â gigil na gigil na sambit nito habang pilit pa ring hinahablot si Liberty. âKating-kati ka na sigurong makipaghiwalay sa anak ko para magawa mo ang mga gusto mo!âBago pa man tuluyang makalapit ito, hindi na nagdalawang-isip si King na itulak nang bahagya si Victoria dahil nakalmot na nito si Liberty. Ang tingin niya nang mga sandaling iyon ay puno ng pagbabanta.âYouâre so unreasonable, Victoria!
âSI LIBERTY?â IYON ang unang naging tanong ng anak ni Duncan nang magising.Kaninaây wala itong pinapansin. Tila baây inaalala ng kanyang anak ang mga nangyari kung bakit ito nasa hospital ngayon. Matagal din nitong sinapo sentido bago magdilat-pikit ng mata.Saglit din ang naging pananatili ng doktor sa kanilang kwarto. Ngayon namang wala na ito, ang taong wala roon ang paulit-ulit na hinahanap ng anak niya. Sa isiping iyon, mas lalong kumukulo ang dugo ni Victoria kay Liberty. Ito ang dahilan kung bakit maaaring hindi na makakalakad pa si Duncan ngunit hindi man lamang siya nakakita ng paghingi ng tawad mula sa babae.âMom, whereâs Liberty?â tanong muli ni Duncan na nagsisimula ng maging agresibo. Makikita sa paraan ng pagkilos nito na kailangan nga ang asawa nang sandaling iyon.âAnak, wala siya rito. Pero si Merideth, narito. Nanatili siya buong gabiâââI donât need her!â malakas nitong sigaw na naging dahilan upang mapalingon siya kay Merideth.Makikita sa mukha ng babae na nasak
âSIGURADUHIN NIYONG HINDI magsasalita ang isang iyan!â galit na turan ni Benjamin. âKung kinakailangan, palipatin niyo sa probinsya o âyung mas malayo na hindi matutunton nila! Nagkakataintindihan ba tayo?âNahilot niya ang sentido dahil sa pagiging tanga ng inutusan niya. Kabilin-bilinan niyaây huwag itong papahuli sa kahit sino ngunit ito rin mismo ang nagbalita sa tauhan niya na may posibilidad daw na nakita ito ni Liberty.âGive him money in cash!â sigaw niya pang muli sa cellphone na hawak. âHuwag na huwag kayong mag-iiwan ng ebidensyang magiging dahilan para madawit ang pangalan ko!â Nahilot muli ni Benjamin ang sentido bago pilit na kumakalma. Napakalinaw ng planong ibinigay niya. Pagsunod na nga lang sa inuutos niya ang magiging ambag ng mga ito ngunit kahit iyon ay mukhang hindi alam gawin ng mga palpak niyang tauhan.Sa pagharap niya sa center table ng opisina sa bahay, Ganoon na lamang ang pagkatok ng matinding kaba kay Benjamin matapos na makita ang ama na nasa likuran n
âD-DIYOS KO NAMANâŚâ mahinang bulong ni Cole. âAng yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?â Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?âHuwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!â pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.âSecretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?â tanong din ni James.âAll for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.â Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.âPaano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?â problemadong tanong ni Cole.âI donât know,â sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. âMalamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng datiây pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
âKILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!â âWalang kahit na sinong makakatapak sa akin!â âKilalanin niyo ang binabangga niyo!ââKing, King, come here! Be with me! We should be togetherâhindi kayo bagay ni Liberty!âIyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niyaây nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
âKAMI NA ANG bahala rito,â sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. âHuwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,â sabi ni Cole. âSa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.ââI know what I am doing,â sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.âL-letâs go to the hospitalâŚâ iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
âA-ANO?â NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.âB-bomba?â hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. âAng bahay napapalibutan ng bomba?â Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.âWhy are you crying?â kalmadong tanong sa kanya ni King. âDonât cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.âDahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niyaây namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.âTititigan na lamang ba natin ang isaât isa?â natatawang tanong ni Liberty sa kanya. âHindi mo ba ako yayakapin, King?âNapadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.âCode gray! I repeat code gray!â anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa