“WHY DO YOU like picking up some garbage?” may pagkapikon na tanong ni Olga kay King. “Are you willing to destroy your family for that cheap girl?” Natutop ni Liberty ang kanyang bibig. Hindi niya akalain na magiging hayagan ang pagkadisgusto ni Olga sa kanya habang sinasabi iyon sa binata. Hindi niya maintindihan kung ano ang nagawa niya sa babae para magalit ng ganito sa kanya. Ang pagkakatanda niya ay kailan lamang sila nagkakilala ng babae. Nangyari pa iyon nang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga Romanova at Salvantez. Bukod doon, wala na siyang makitang dahilan para magalit ito sa kanya nang sukdulan na parang handa siyang itulak sa nagliliyab na apoy hanggang siya na mismo ang sumuko at manghingi ng awa rito.“I’m asking you, King, why did we end up like this—”“You knew that we don’t have a thing. You were the one assuming some things between us.”“Dahil ipinagkasundo tayo ng pamilya natin, nararapat lang na sumunod—”“That’s bvllshit, Olga!” hindi na napigilan ni King
MAKAILANG ULIT ANG naging pagbabasa ni Duncan sa mensahe na ipinadala ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung paano nito iyon nakuha gayong sigurado siya na nasa tagong lalagyan sa kanilang bahay ang mga bagay na magiging dahilan upang mapabagsak siya. Siya lamang ang nakakaalam ng pinaglagyan niya kaya hindi niya lubos maisip kung paano iyon napunta sa kamay ng kanyang asawa.Heto na naman ang pagparoo’t parito niya matapos na suklayin ang kanyang buhok. Gagamitin niya ang ebidensyang iyon sa kanyang tiyuhin sa oras na baliktarin siya nito isang araw ngunit hindi niya akalain na sa kanya pala iyon magagamit para mapawalang bisa ang kasal nilang mag-asawa.Nasuklay niya na naman ang buhok niya kasabay ng magkakasunod niyang pag-iling. Hindi siya babagsak ng ganito. Isasama niya pababa ang tiyuhin sa oras na hindi makagawa ng paraan kung paano nila mareresolba ang problemang ito.“Bakit may ebidensya?” tanong kaagad ni Benjamin at galit na galit na sumugod sa kanya kasabay ng pagkwelyo
HABOL NI LIBERTY ang paghinga habang dahan-dahan ang paglapit niya sa kanyang asawa. Hindi siya makapaniwala na ang katulad ni Duncan na mahal na mahal ang sarili niya ay nakahandang ilagay ang buhay sa kabilang hukay para sa kanya.Yuping-yupi na ang harapang bahagi ng sasakyan nito habang ang sasakyan ay nakabaliktad na dahil sa lakas ng pagtilapon nito kanina. Umuusok na rin ang sasakyan kaya lalong delikado na lumapit doon ngunit hindi niya kang manood lamang, pinuntahan niya ito nang walang pagdadalawang-isip upang malaman ang kundisyon ng asawa. Ganoon na lamang ang paghinga niya nang maluwag makasiguradong buhay pa ito.Habang abala sa pagtawag ng ambulansya ang kanyang abugado, umikot naman ang mga mata ni Liberty sa kanyang paligid nang makita niyang tumakbo ang salarin na may planong pagsaga sa kanya. Hindi siya ganoon katanga para hindi malaman na siya talaga ang puntirya ng nagmamaneho roon!“Attorney, tatakas siya!” sambit niya rito kasabay ng mabilis na pagkagulat nang m
“ANG KAPAL NG mukha mong makipaglampungan habang ang anak ko, iyon! Nag-aagaw buhay!” galit na galit na turan ni Victoria nang makapasok sa ICU.Bago pa man mahablot nito ang buhok ni Liberty, kaaagad ang naging pagtatago ni King rito sa kanyang likuran.“Huwag mo itago ang babaeng iyan, King!”Ngunit walang pakialam ang binata at tila walang narinig na ginawa pa rin ang gusto. Ngayong wala sa sarili si Liberty at walang kakayahan na ipagtanggol ang sarili niya, siya muna ang magiging pananggalang hanggang sa kaya na nitong protektahan muli ang sarili.“Sinabi ng bitawan mo ang babaeng iyan!” gigil na gigil na sambit nito habang pilit pa ring hinahablot si Liberty. “Kating-kati ka na sigurong makipaghiwalay sa anak ko para magawa mo ang mga gusto mo!”Bago pa man tuluyang makalapit ito, hindi na nagdalawang-isip si King na itulak nang bahagya si Victoria dahil nakalmot na nito si Liberty. Ang tingin niya nang mga sandaling iyon ay puno ng pagbabanta.“You’re so unreasonable, Victoria!
“SI LIBERTY?” IYON ang unang naging tanong ng anak ni Duncan nang magising.Kanina’y wala itong pinapansin. Tila ba’y inaalala ng kanyang anak ang mga nangyari kung bakit ito nasa hospital ngayon. Matagal din nitong sinapo sentido bago magdilat-pikit ng mata.Saglit din ang naging pananatili ng doktor sa kanilang kwarto. Ngayon namang wala na ito, ang taong wala roon ang paulit-ulit na hinahanap ng anak niya. Sa isiping iyon, mas lalong kumukulo ang dugo ni Victoria kay Liberty. Ito ang dahilan kung bakit maaaring hindi na makakalakad pa si Duncan ngunit hindi man lamang siya nakakita ng paghingi ng tawad mula sa babae.“Mom, where’s Liberty?” tanong muli ni Duncan na nagsisimula ng maging agresibo. Makikita sa paraan ng pagkilos nito na kailangan nga ang asawa nang sandaling iyon.“Anak, wala siya rito. Pero si Merideth, narito. Nanatili siya buong gabi—”“I don’t need her!” malakas nitong sigaw na naging dahilan upang mapalingon siya kay Merideth.Makikita sa mukha ng babae na nasak
“SIGURADUHIN NIYONG HINDI magsasalita ang isang iyan!” galit na turan ni Benjamin. “Kung kinakailangan, palipatin niyo sa probinsya o ‘yung mas malayo na hindi matutunton nila! Nagkakataintindihan ba tayo?”Nahilot niya ang sentido dahil sa pagiging tanga ng inutusan niya. Kabilin-bilinan niya’y huwag itong papahuli sa kahit sino ngunit ito rin mismo ang nagbalita sa tauhan niya na may posibilidad daw na nakita ito ni Liberty.“Give him money in cash!” sigaw niya pang muli sa cellphone na hawak. “Huwag na huwag kayong mag-iiwan ng ebidensyang magiging dahilan para madawit ang pangalan ko!” Nahilot muli ni Benjamin ang sentido bago pilit na kumakalma. Napakalinaw ng planong ibinigay niya. Pagsunod na nga lang sa inuutos niya ang magiging ambag ng mga ito ngunit kahit iyon ay mukhang hindi alam gawin ng mga palpak niyang tauhan.Sa pagharap niya sa center table ng opisina sa bahay, Ganoon na lamang ang pagkatok ng matinding kaba kay Benjamin matapos na makita ang ama na nasa likuran n
“HINDI MAGSASALITA ANG tauhan natin, Sir!” pangungumpirma sa kanya ng tauhang pinagkakatiwalaan niya. “Gipit ang pamilya niya. Nakikiayon sa atin ang panahon.”Nang mga sandaling iyon, patuloy ang pangungumbinsi sa kanya ng kanyang tauhan. “Bigla-bigla, may malubha siyang sakit na kailan lang nalaman. Ilan din ang mga anak na binubuhay niya—malilit pa iyong iba! Hindi siya magtatraydor sa atin! Higit sa lahat, tayo ang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng pabahay, Mr. Salventez—”“I told you not to call me Salvantez!” may diin na sambit sa tauhan ni Benjamin. “Say that again and you know what will happen next!”Kung hindi niya ito kausap mula sa kabilang linya, maaaring nabatukan niya na ito. Kailangan lang yata ng tauhan niya ng reboot sa utak nito para magkaroon ng magandang takbo iyon at hindi lang puro katangahan ang pinapairal.“Sa ngayon, Sir. Kung sasagutin natin ang mga gastusin nila, wala tayong magiging problema.”Gustong hilutin ni Benjamin ang sentido ngunit kahit ano yata
GANOON NA LAMANG ang matinding pagtataka ni Duncan nang walang Liberty na magpakita sa kanya nang araw na iyon. Kung may isang bagay siya na hinahangaan sa asawa ay iyon ang hindi ito marunong bumali sa usapan. Tutuparin nito ang ipinangako kahit na mahirapan ito sa ibang mga dapat na gawin.Pagkatapos lumampas ng isang oras sa tinakda nilang usapan ng pagbisita nito, ang taong inutusan niya para sundan si Liberty ang tinawagan ni Duncan. Inalam niya kaagad dito ang nangyari. Sa pagsagot pa lamang niya ng tawag at marinig ang pagkahapo rito ay ganoon na lamang ang matinding kaba na nadarama niya. “Anong nangyayari?” malakas niya kaagad na bulyaw nang marinig ang kakaiba sa boses nito.“S-sir, ano kase—”“Ano nga?” malakas at galit niyang sigaw sa kausap. “May kumuha kay Miss Liberty! Ibang tao po ang nakasakay sa sasakyan niya nang makita ko siyang palabax ng parking lot pauwi!”“You've got to be kidding me!” may gali