“SIGURADUHIN NIYONG HINDI magsasalita ang isang iyan!” galit na turan ni Benjamin. “Kung kinakailangan, palipatin niyo sa probinsya o ‘yung mas malayo na hindi matutunton nila! Nagkakataintindihan ba tayo?”Nahilot niya ang sentido dahil sa pagiging tanga ng inutusan niya. Kabilin-bilinan niya’y huwag itong papahuli sa kahit sino ngunit ito rin mismo ang nagbalita sa tauhan niya na may posibilidad daw na nakita ito ni Liberty.“Give him money in cash!” sigaw niya pang muli sa cellphone na hawak. “Huwag na huwag kayong mag-iiwan ng ebidensyang magiging dahilan para madawit ang pangalan ko!” Nahilot muli ni Benjamin ang sentido bago pilit na kumakalma. Napakalinaw ng planong ibinigay niya. Pagsunod na nga lang sa inuutos niya ang magiging ambag ng mga ito ngunit kahit iyon ay mukhang hindi alam gawin ng mga palpak niyang tauhan.Sa pagharap niya sa center table ng opisina sa bahay, Ganoon na lamang ang pagkatok ng matinding kaba kay Benjamin matapos na makita ang ama na nasa likuran n
“HINDI MAGSASALITA ANG tauhan natin, Sir!” pangungumpirma sa kanya ng tauhang pinagkakatiwalaan niya. “Gipit ang pamilya niya. Nakikiayon sa atin ang panahon.”Nang mga sandaling iyon, patuloy ang pangungumbinsi sa kanya ng kanyang tauhan. “Bigla-bigla, may malubha siyang sakit na kailan lang nalaman. Ilan din ang mga anak na binubuhay niya—malilit pa iyong iba! Hindi siya magtatraydor sa atin! Higit sa lahat, tayo ang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng pabahay, Mr. Salventez—”“I told you not to call me Salvantez!” may diin na sambit sa tauhan ni Benjamin. “Say that again and you know what will happen next!”Kung hindi niya ito kausap mula sa kabilang linya, maaaring nabatukan niya na ito. Kailangan lang yata ng tauhan niya ng reboot sa utak nito para magkaroon ng magandang takbo iyon at hindi lang puro katangahan ang pinapairal.“Sa ngayon, Sir. Kung sasagutin natin ang mga gastusin nila, wala tayong magiging problema.”Gustong hilutin ni Benjamin ang sentido ngunit kahit ano yata
GANOON NA LAMANG ang matinding pagtataka ni Duncan nang walang Liberty na magpakita sa kanya nang araw na iyon. Kung may isang bagay siya na hinahangaan sa asawa ay iyon ang hindi ito marunong bumali sa usapan. Tutuparin nito ang ipinangako kahit na mahirapan ito sa ibang mga dapat na gawin.Pagkatapos lumampas ng isang oras sa tinakda nilang usapan ng pagbisita nito, ang taong inutusan niya para sundan si Liberty ang tinawagan ni Duncan. Inalam niya kaagad dito ang nangyari. Sa pagsagot pa lamang niya ng tawag at marinig ang pagkahapo rito ay ganoon na lamang ang matinding kaba na nadarama niya. “Anong nangyayari?” malakas niya kaagad na bulyaw nang marinig ang kakaiba sa boses nito.“S-sir, ano kase—”“Ano nga?” malakas at galit niyang sigaw sa kausap. “May kumuha kay Miss Liberty! Ibang tao po ang nakasakay sa sasakyan niya nang makita ko siyang palabax ng parking lot pauwi!”“You've got to be kidding me!” may gali
PAULIT-ULIT ANG NAGING paghilot ni King sa kanyang sentido. Sa pagkakataong iyon, hindi na lamang ang mga pulis ang kasama niya sa pakikipagtulungan upang mahanap kaagad ang kinaroroonan ni Liberty. Maging ang mga ipinaggigiitan na kaibigan niya raw ay naroong lahat para maging moral support niya.“Tungkol ito kay Liberty mga, P're!” galit na turan ni Cole. “Siya ang my one and only kapitbahay na aking pinaglulutuan!”Gustong paikutin ni King ang mga mata at ipagsigawan na ang lahat ng ibinibigay nitong ulam ay siya ang nagluto. Dinadalhan niya ito sa tuwing nawawalan ng gana ang babae na kumain. Maswerte lang ang magaling niyang kaibigan dahil nakalilibre ito ng pagkain kaya pumayag na magpanggap.“At ikaw?” tanong ni Cole muli sabay turo kay Charles. “Anong ginagawa mo rito?”“I'm the representative of her bestfriend!” may pagmamalaking sagot nito.Ganoon na lamang tuloy ang muling pag-ikot ng mga mata ni King. Mukhang hindi titigil ang mga magagaling na ulupong hanggang hindi siya
ALAM NIYANG GALIT sa kanya ang binata kaya hinahabol niya ito ng tingin ngayon at gustong makapagpaliwanag dito ngunit hindi niya alam kung paano. Paulit-ulit niya na lang itong inilalagay sa alanganin. Ngayon lamang din napagtanto ni Liberty na masyado niya na palang naaabuso ang lalaki. Ito ang parating sumasalo sa kanya mula nang pagdaanan niya ang pakikipaghiwalay sa asawa ngunit wala siyang naging sukli sa mga kabutihan nito. Tahimik ang buhay dati ng binata ngunit magsimula nang makilala siya ay nagkandaletse-letse na iyon.Akala niya hindi na tuluyang iimik si Kng dahil nasa parking lot na sila ng police station para makapagsumiti siya ng medical record ngunit tamang-tama nang makabababa ng sasakyan at sila na lamang ang naiwan ay ganoon na lamang ang malakas na pagtatanong sa kanya nito.“Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” malakas na tanong ng binata.Dahil nasa likuran niya ito, hindi magawang lingunin ni Liberty si King. Natatakot siya na makita ang ekspresyon ng binata. Hi
“SINO PA ANG mga sisirain mo?” iyon kaagad ang naging bungad ni Merideth nang dalawin niya si Duncan sa hospital. “Hindi ka pa titigil hangga’t hindi bumabagsak ang pamilyang ito?”Ganoon lamang ang pag-iling ni Liberty. Hindi na yata lilipas ang araw niya nang walang nangyayaring drama sa kanila. Kung alam niya lang, hindi na sana siya nag-programming at nag-artista na lang.“Wala ka ba talagang konsenya—”Hindi mapigilan ni Liberty na huwag mapa-palakpak at malakas na matawa. Pinapatawa talaga siya ng mga ito! Hindi ba talaga sampal sa kanila ang mga lumalabas sa bibig nila? “Konsensya?” Tumatawa niya pa ring tanong kay Merideth. “ Sumasakit ang tiyan ko sa inyo! Hindi ba dapat sa sarili mo iyan sinasabi? Ano ba talaga kayo? Mga manhid? O tanga? Pwede ring sadyang walang mga delikadesa—”“Liberty!” awat ni Merideth habang pinipigilan ang sarili na ilakas pa ang boses dahil baka magising si Duncan.“Grabe magpaikot ang gulong ng palad ano? Dati ako itong pinagtutulungan niyong apihi
GANOON NA LAMANG ang sunod-sunod na pagmumura ni Benjamin habang nakantingin sa tiyan at binti niyang tinamaan ng bala noong papapatakas sila sa mga awtoridad. Sa dami ng dugong lumabas sa tinamaan ng bala, makita na sa kanya ang matinding pamumutla. Balot na rin siya ng matinding pawis. Sa loob ng isang oras, ganoon ang itsura niya kaya tumatakbo pa rin sa isipan niya kung paano pababagsakin ang kapatid niyang pumanig sa kanyang kaaaway. Lalo na kay Liberty na matagal ng tinik sa lalamunan ng kanilang pamilya dahil sa paulit-ulit na pasakit na ibinibigaynito. Magsimula kase nang dumating ito sa buhay nila ay hindi na sila nagkaroon ng katahimikan. Ngayon, nagsisisi na siyang hindi nakinig kay Duncan. Kung alam niya lang na ganito ang kanyang kahihinatnan ay naghintay pa sana siya ng magandang pagkakataon. Hindi niya naman kase akalain na magiging pain iyon sa kanya ni Liberty. Ginamit nito ang galit niya upang makakuha ito ng mas matibay na ebidensya. Dahil nahuli siya sa akto
HINDI MAKATINGIN SI Liberty kay King nang ihatid siya nito sa parking lot ng hospital. Heto na naman ang matindi niyang pagsisisi nang hayaan ang sarili na mahulog sa masuyong halik ng lalaki kahapon. Ngunit hindi na iyon katulad ng dati. Hindi na siya nakokonsensya sa mga nangyayari. Natutunan na nang tuluyan ng puso niya na pagbigyan ang sarili pagkatapos ng lahat ng mga pasakit na pinagdaanan niya sa buhay. Sa pagkakataong iyon, hindi niya na iniisip ang ibang tao at hindi niya akalain na mas masaya pala kapag hindi inuuna ang iba. Mas madali pala kung nagagawa niya ang gusto niya nang hindi nalilimitahan ang sarili sa nais mangyari. Sa kabila ng pagtanggap na nararamdaman niya, hindi niya pa rin maiwasang huwag tanungin ang binata. “B-bakit ako, King? Marami namang iba diyan…” Matagal na naman nakatitig sa kanya ang binata. Hindi ito nagsalita kaagad. Tila ba binabasa siya nito upang alamin ang laman ng isipan niya. “Because they are not you,” mabilis nitong sagot sa kanya. “
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa