Home / Romance / Pangarap Kong Matikman Ka / Kabanata 171 - Kabanata 180

Lahat ng Kabanata ng Pangarap Kong Matikman Ka: Kabanata 171 - Kabanata 180

213 Kabanata

Kabanata 170

Caline’s POVNagsimula ang hapon na maaliwalas, pero sa hindi ko inaasahan, bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakaupo ako sa loob ng bahay, nakatingin sa bintana, habang pinapanood ko ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa hardin namin. Naalala ko agad si Akeno. Gaya ng dati, siguro nandun siya sa labas, nag-aalaga ng mga halaman kahit basang-basa na.“Naku naman,” bulong ko sa sarili ko. “Paano kaya siya uuwi sa ganitong malakas ng ulan?”Pilit kong hinahanap ng mga mata ko kung nasaan siya, pero wala akong makitang kahit anino niya mula sa loob ng mansyon. Hindi ko maiwasang maawa. Kakatapos lang niya magkasakit, tapos ganito pa ang panahon. Hindi puwedeng umuwi siya ng basa. Baka magkasakit ulit si Akeno.Nagdesisyon akong puntahan siya. Kinuha ko ang payong ko at lumabas ng bahay, habang nilampasan ang malakas na ulan. sinundan ko ang direksyon papunta sa hardin. Sinalubong ako ng malamig na hangin at patuloy na pag-uulan, pero hindi ko iyon inalintana.“Akeno!” sigaw
Magbasa pa

Kabanata 171

Caline’s POVHabang busy si Akeno sa kusina, hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa panahon o dahil kasama ko siya sa isang maliit na lugar na tila mas pribado. Bigla kong naisip, “Bakit ba kinikilig ako?” Hindi normal ‘to. Pero bakit parang may kakaibang saya akong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya? Dagdag pa rito ang matipunong katawan niya na kahit basang-basa kanina, hindi ko maiwasang mapansin.“Ma’am, okay lang po ba ang pritong isda?” tanong ni Akeno mula sa kusina, binasag ang mga iniisip ko.“Ha? Oo, oo, okay lang!” sagot ko na parang wala sa sarili. Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili. “Ano ba ‘tong nararamdaman ko?”Mayamaya lang, inihain na ni Akeno ang simpleng hapunan namin. Pritong isda, kanin, at konting gulay. Wala mang espesyal, pero masarap. Lalo na dahil kami lang dalawa ni Akeno ang magkasalo sa ilalim ng liwanag ng kandila.“Pasensya na po, Miss Caline, simpleng hapunan lang,” sabi niya na medyo
Magbasa pa

Kabanata 172

Caline’s POVNagising ako sa tunog ng malakas na ulan. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Pero hindi iyon ang unang bagay na napansin ko. Hindi. Ang una kong napansin ay ang mainit na bisig na nakapulupot sa akin—malaki, matigas, at... ang bango, grabe. May halong amoy ng sabon at konting cologne na parang hinalo sa malamig na hangin. Teka, bisig ‘yun ni Akeno pala ‘yon!Kumabog ang dibdib ko, idinilat ko nang kaunti ang mga mata ko, tinatantiya kung makakaalis ba ako nang hindi niya napapansin. Pero sa mismong sandali na gumalaw ako, naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Na para bang akala niya ay una niya ako. Naramdaman ko rin na mas malapit pala kami kaysa inaasahan ko. Grabe, ang lapit namin! Bakit nga ba e, napakaliit kaya nitong higaan niya.Hindi ko magawang bumitaw. Siguro, dahil ang comfy ng pagkakayakap ko sa kanya. Pangalawa, kasi parang ang perfect ng umaga. Malamig sa labas, umuulan pa, pero heto ako, katabi ng isang guwapo—no, sobr
Magbasa pa

Kabanata 173

Caline’s POVNang matapos ko ang pagtitig sa bintana dahil sa lakas pa rin ng ulan, bumalik ako sa mesa, pero hindi ko pa rin maiwasang patagong sumulyap kay Akeno. Grabe, parang commercial ang dating niya habang nagluluto—yung tipong simpleng galaw pero parang laging nasa slow motion. Tapos, ang perfect pa ng paglalagay niya ng apron, na parang lagi siyang handa para sa isang cooking show. Sino ba ang guwapong ganito ka-domesticated?“Kape?” tanong niya bigla nang hindi lumilingon.“Ha?” nataranta ako sa pagtitig sa kaniya. “Uh, oo... sige.”Ngumiti siya. “Black or sweet?”Nagkunwari akong nag-iisip, pero sa totoo lang, kung anong ibigay niya, tatanggapin ko. “Hmm... sweet na lang.” Saktong tamang-tama dahil mukhang mas matamis pa ‘to sa umaga kong kasama siya.Habang hinihintay ko siyang matapos magluto, napansin ko ang simpleng mga gamit sa bahay ni Akeno. Maliit lang ang espasyo pero napakaaliwalas, kasing aliwalas ng cute niyang mukha. Ang cute ng pagkakaayos—halatang hindi siya
Magbasa pa

Kabanata 174

Caline’s POV“Pero seryoso, paano nga pala ‘to?” tanong ko habang pilit na binabasag ang katahimikan. “Kung hindi tumigil ang ulan, baka abutan ako dito ng gabi.”“Sabi ko nga, okay lang. Hindi ka naman na iba,” sagot niya sabay ngiti. “At saka... hindi ka ba natutuwa? Libre almusal, libre tulog, at libre pang tingin sa ‘kin.” Tumawa pa siya nang pilyo.“Grabe ‘to!” natatawa kong sagot. “Kapal mo ah! Hindi ko naman sinabi na gusto kitang titigan.”“Ah, pero hindi mo rin sinabi na ayaw mo, ‘di ba?” sabay kagat-labi na parang nanunukso pa lalo.Napatigil ako. Ano bang problema ng taong ito? Bakit ganito siya bigla sa akin Bahagya akong tumingin sa kanya, at napansin kong seryoso siya, kahit na parang biro lang ang banat niya. Naroon na naman ‘yung tingin niya—yung tipong tumatagos hanggang sa kaloob-looban ko. Teka lang, Caline, huwag ka munang bumigay.Bigla siyang tumayo, at akala ko ay tapos na ang usapan namin. Pero naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko, at nang tumingin ako sa
Magbasa pa

Kabanata 175

Caline’s POVParang tumigil ang oras habang magkatitigan kami ni Akeno. Ang tibok ng puso ko, na para bang tumatama sa kaba ko, ay hindi ko na kayang itago pa. Tahimik ang paligid, tanging patak ng ulan at malamig na hangin ang naririnig ko sa labas, pero ang init ng mukha ko ay parang kumakalat mula sa pisngi ko hanggang sa dibdib. Gusto ko sanang magsalita, pero parang natuyuan ako ng laway. Paano nga ba sasagutin ‘yung sinabi ni Akeno?“Bakit ngayon mo lang sinabi?” bulong ko habang patuloy na nahihiya. Pero halatang narinig niya ako kasi ngumiti siya ng bahagya.“Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob,” sagot niya sabay abot sa tasa ng kape at ininom ito nang dahan-dahan, parang wala lang siyang sinabi. Nakakaloko! Paano siya ganito ka-relaxed samantalang ako, parang nasusunog sa loob?Hindi ko alam kung paano haharapin ang sinabi niya, kaya tumayo ako at naglakad papunta sa bintana. Minsan, kailangan mo lang huminga ng malalim para makapag-isip nang maayos. Pero kahit an
Magbasa pa

Kabanata 176

Caline’s POVSa totoo lang, hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko nang umagang ‘yon. Basta’t bigla na lang akong nagdesisyon na magpunta sa mall, kahit na ang original kong plano ay mag-movie marathon maghapon. Siguro, dahil naisip ko si Akeno. Dahil sa pagpapatulog niya sa akin sa bahay-kubo niya at dahil naubos namin ang grocery niya. Naisip ko na baka palagi na lang siyang kumakain ng instant noodles o kaya ‘yung mga tinitipid na pagkain.Hindi ako nagdalawang-isip na mag-grocery para sa kaniya. ‘Yung tipong hindi lang para sa isang linggo, kundi parang pang isang buwan na supply ng pagkain ang kinuha ko para sa kaniya. Parang natanggal lahat ng mga limitasyon ko sa buhay nung nakita ko ‘yong mga prutas, gulay, at karne na parang nagtatawag sa akin mula sa mga estante ng grocery store para ibigay kay Akeno. Maghapon kasing puro prutas ang kinain namin nun habang maghapon ang malakas na ulan.“Ma’am, ilalagay na po ba natin sa cart ‘yong buong tray ng pork chop?” tanong ng sale
Magbasa pa

Kabanata 177

Akeno’s POVHabang iniihaw ko ang manok, napansin kong tahimik lang si Miss Caline, nakaupo sa bangko sa labas ng kubo. Tumitingin-tingin siya sa paligid, parang sinusuri ang buhay ko sa kubong ito. Sa totoo lang, simple lang talaga ang buhay ko rito, walang kuryente kundi maliit na generator para sa mga kailangan kong appliances. Pero sa bawat tingin niya, parang may mga tanong siyang gustong itanong.Napatigil siya sa kaniyang pagmamasid at tiningnan ako. “Akeno, may tanong ako sa ‘yo.”Napatingin ako sa kaniya habang iniikot ang manok sa grill. “Ano ‘yun, Miss Caline?”Napangiti siya ng bahagya na parang medyo nahihiya. “Ano bang pangarap mo sa buhay?” Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. Mahirap ‘yung tanong, hindi dahil wala akong pangarap, kundi dahil hindi ko alam kung may saysay pa ba ang mga pangarap ko sa buhay na ‘to. Pero sige, wala namang mawawala kung sasabihin ko.“Pangarap ko talagang maging chef,” sabi ko nang dahan-dahan. “Pero... hindi ako nakapag-a
Magbasa pa

Kabanata 178

Caline’s POVHindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko habang binabalot ko ang aking mamahaling scarf sa leeg ko. Naka-sked ako today to meet my friends. You know, the usual brunch date. Nothing fancy—just some casual get-together with mimosas and avocado toasts at Café Royale. I was supposed to be getting ready na nga, pero somehow, I found myself strolling towards the terrace. I mean, it’s not like I’m going to miss much if I’m late, right? Fashionably late is my style, anyway.Pagbukas ko ng pinto papunta sa terrace, ang unang bumungad sa akin ay ang sikat ng araw, pero hindi iyon ang unang sumapul sa akin. It was him. Si Akeno.Oh. My. God.Nagdidilig siya ng mga halaman. Tulad ng dati, nakasuot lang siya ng simple, puting t-shirt at jeans. Pero alam mo ‘yung feeling na kahit simple lang ang suot ng isang tao, parang bumabakat lahat ng muscles nila? Literal na glistening ang balat niya sa pawis, at ang araw na tumatama sa kanya ay parang spotlight lang na mas lalo pang
Magbasa pa

Kabanata 179

Akeno’s POVNapapailing ako habang inaalala ko ang sinabi niya. Bakit gusto niyang naka-topless ako dito sa garden? Napansin ko kasing kanina pa siya nakaupo sa terrace, pinapanood ako habang nagdidilig ng mga halaman. Hindi ko alam kung napansin ba niya, pero obvious na obvious na kanina pa siya hindi mapakali. ‘Yung tipong kunwari, casual lang siyang nandoon, pero ramdam ko ang tingin niya na parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.Ngumiti ako sa sarili ko. Sabi ng nanay ko noon, marami raw mga babae ang nahuhulog sa simpleng hardinero na kagaya ko. Hindi naman ako makapaniwala noon, pero mukhang tama si nanay.Habang hawak ko ang hose, ramdam ko ang pawis na bumababa sa likod ko. Ang init nga naman ng araw, pero hindi iyon dahilan para magpabagal ako sa trabaho. Pero teka, dahil alam kong nakatingin si Miss Caline—eh bakit hindi ko i-level up ang eksena?Hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt ko at dahan-dahang tinanggal ito. Sinunod ko ang sinabi niya sa terrace. Malakas ang pand
Magbasa pa
PREV
1
...
1617181920
...
22
DMCA.com Protection Status