Home / Romance / Pangarap Kong Matikman Ka / Kabanata 161 - Kabanata 170

Lahat ng Kabanata ng Pangarap Kong Matikman Ka: Kabanata 161 - Kabanata 170

213 Kabanata

Kabanata 160

Caline’s POV“Buhay pa siya,” biglang sagot ng mahiwagang swimming pool. Naramdaman ko ang kilabot ng boses nito na tumagos sa tenga namin ni mama, “Ang kakambal mong si Caius ay buhay pa.”Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, at kahit paano, bumalik ang tibok ng puso kong kanina pa nangangalog sa kaba. Buhay pa si Caius! Hindi ko maiwasang mapaluha, parang biglang gumaan ang lahat ng pinapasan ko.Niyakap tuloy ako ni mama kasi gaya ko, isa rin siya sa sobrang nakaramdam ng saya dahil sa narinig namin.Ngunit kasunod ng sagot ng mahiwagang swimming pool, narinig ko ang isang kaluskos mula sa tubig. Ang dating malinaw na imahe ay tila nagugulo. Parang may mga anino na humaharang dito at sa bawat paggalaw ng tubig, parang nagiging malabo ang lahat.“Bakit... bakit hindi mo masabi kung nasaan siya?” tanong ko. Hindi ko mapigilang magtaka at mag-alala.“Buhay pa siya, pero may puwersang nagtatago sa kaniya. Hindi ko masagap kung nasaan siya.” Muli bumalik ang boses ng mahiwagang pool,
Magbasa pa

Kabanata 161

Caline’s POVDapat gagalain ko, today si Akeno, pero naiba ang plano kasi nagkaroon bigla ng ganap. Nagkita-kita kami nila Acelle, Brianna, at Danica sa isang bar na malapit sa lungsod. Ang tagal na rin ng huli naming bonding, kaya naman hindi puwedeng palagpasin ang pagkakataong ito. Sa una ay normal lang ang lahat—inom dito, inom doon, tawanan, at siyempre, sayawan sa dance floor.Napuno ng ingay at tawanan ang paligid namin habang tuloy-tuloy ang pagtagay. Si Acelle, as usual, ang pinakabibo sa amin, sumasayaw na parang walang bukas. Si Brianna naman, tahimik pero paminsan-minsan ay napapahagalpak sa mga kuwentuhan namin. Si Danica, well, she’s the life of the party—lagi siyang game sa kahit anong trip. Kami naman ni Acelle ang madalas magpasimuno ng kalokohan.Pagsapit ng hatinggabi, medyo ramdam ko na ang tama ng alak. Nakakagaan ng pakiramdam ang simpleng paglayo sa mga problema ng araw-araw.“Hey, girls, I think it’s time to go,” sabi ni Brianna habang iniabot ang kaniyang cell
Magbasa pa

Kabanata 162

Caline’s POVThe fireball in my hand was growing, almost like it had a life of its own, fueled by my rage and fear. Hindi ko alam kung paano ko ito nakokontrol, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako magpapaapi. Hindi ko na kayang makita ang mga kaibigan ko na natatakot nang ganito.“Back off!” sigaw ko sabay hagis ng fireball sa isang holdapper.Nang tumama ang apoy sa kanyang balikat, napaatras siya at nagliyab ang kanyang damit.“Aaaaaah!” sigaw ng lalaki habang pilit niyang inaapula ang apoy, pero mabilis itong kumalat sa katawan niya.“Takbo na!” sigaw ng isa pang holdapper, at nagkukumahog na tumakbo ang mga ito palayo habang nasusunog pa rin ang katawan ng isa sa kanila.Walang nagawa ang natitirang dalawang holdapper kundi iwan ang kasamahan nila, at naglaho sila sa dilim ng gabi. Ngunit kahit tumakbo na sila, nanatili akong nakatayo, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.Pag-alis nila, tahimik na ang paligid. Nasa gitna ako ng kalye, nakatingin sa mga kamay kong unti-unting
Magbasa pa

Kabanata 163

Akeno’s POVMaganda ang sikat ng araw ngayong umaga. Mainit-init na hangin ang sumasalubong sa akin habang naglalakad ako papasok sa manisyon nila Caline. Napangiti ako. Matagal-tagal din akong hindi nakapasok dahil sa lagnat ko, pero sa wakas, gumaan na ang pakiramdam ko. Masaya na akong makakabalik sa trabaho.Pagdating ko sa manisyon, bumungad agad sa akin ang dami ng gawain. Tumambad sa akin ang hardin, at nanlumo ako nang makita kong tuyo na ang lupa sa paligid ng mga halamang bulaklak. Ang dating masiglang mga kulay ng mga petals, ngayon ay mapusyaw at tila ba nawalan ng sigla. Maraming dahon ang nalanta, at ang mga bulaklak na dati ay magaganda, ngayon ay nangungulubot na. Ilang araw lang akong nawala, pero parang isang linggo ng walang nag-alaga sa hardin. Naisip ko, ganoon kabilis ang pag-usad ng panahon, at ganoon din ang bilis ng pagdating ng trabaho kapag wala ako.Huminga ako ng malalim, inaasahan ko na talagang matinding araw ito ng pagwawalis, pagdidilig, at pag-aalaga.
Magbasa pa

Kabanata 164

Akeno’s POV“Kaming mga tagapagtanggol ay may mga kapangyarihan na nagmumula sa mga elementong galing sa mga bulaklak, mga flower fairy kami,” patuloy niya. “Ako ay nagtataglay ng kapangyarihan ng tubig dati, marami sa mga demonyo ang napatay ko na. Marami na akong nilabanan at naprotektahan dati. Ngunit ang buhay bilang tagapagtanggol ay hindi madali. Nagkaroon ng panahon na halos mabura na kami. At ngayon, halos wala na ni isa sa mga kapangyarihan ko ang natira, nawala na lahat.”Nagpatuloy siya sa pagkukwento, at habang nakikinig ako, lalo akong namangha. Isa pala si Sir Corvus sa mga tagapagtanggol na matagal nang nawawala sa kasaysayan. Hindi ko inakalang ang tahimik at seryosong taong kilala ko bilang amo, ay isa palang makapangyarihang nilalang dati. Hindi ako natatakot, namamangha ako, sobra. Tapos, narinig ko pa na flower fairy sila.“Ikaw, Akeno,” biglang sabi ni Sir Corvus, “may kinalaman ka sa anak kong si Caline.”Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. “P-paano p
Magbasa pa

Kabanata 165

Akeno’s POVSa wakas, payday na rin! Para sa isang hardinero tulad ko, bihirang makaranas ng ganitong klaseng saya. Sapat lang naman ang sahod ko para makaraos araw-araw, pero ngayong araw na ‘to, alam kong deserve ko ang isang masarap na hapunan. Kaya naman, direkta akong tumungo sa palengke para mamili ng mga stock na gagamitin ko sa bahay. Ngunit higit sa lahat, may plano ako—mag-iihaw ako ng manok mamayang gabi. Gusto kong ipagdiwang ang sarili kong sipag at tiyaga. Kakaiba rin ang lasa ng inihaw na manok mula sa palengke, tamang-tama sa akin ngayon na ilang araw nagkasakit, kaya kailangan kong bumawi ng kain.Habang naglalakad ako sa gitna ng mga tao, dama ko ang kasiyaha ng paligid. Ang ingay ng mga nagtitinda, ang halakhakan ng mga mamimili, at ang amoy ng sariwang pagkain na nagkalat sa ere. Nasa palengke na ako, tumigil ako sandali at pumili ng mga gulay para sa mga susunod na araw. Ang inihaw na manok ang magiging highlight ng hapunan ko ngayong gabi, pero importante pa rin
Magbasa pa

Kabanata 166

Akeno’s POVHating gabi na at kanina pa ako nakahiga, pero hindi ako makatulog. Pinipikit ko ang mga mata ko, pilit na iniisip ang mga bagay na maaaring magpatahimik sa isip ko, pero wala. Ang tanging bumabalot sa mga iniisip ko ay ang eksena kanina—ang eksena kung saan iniligtas ako ni Caline.Hindi ko malimutan ang ekspresyon ng mukha niya. Iyon bang hindi takot, hindi nag-aalala, kundi kalmado at puno ng determinasyon. Sa harap ng panganib, hindi siya nagdalawang-isip. Tumindig siya sa gitna ng gulo, ang mga mata niya matalim na nakatingin sa lalaking lasing at ang mga kamay niya… Ang kamay na sumiklab ng apoy. Hindi iyon normal. Hindi iyon basta-basta lang na gawa ng kung ano. Nang makita ko kung paano nagliwanag ang mga kamay niya at kung paano tinupok ng apoy ang damit ng umaaway sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagkamangha.Hindi maikakaila, isa nga siyang flower fairy tulad ng ama niya. Ang kapangyarihang nakita ko ay hindi ko maipali
Magbasa pa

Kabanata 167

Caline’s POVNakatingin ako sa harap ng malaking salamin sa sala ng manisyon habang hawak-hawak ang kamay ko, inaasahan kong muli kong maramdaman ang kapangyarihan na ilang beses ko nang nagagamit, lalo na kahapon nung iligtas ko si Akeno. Pero wala. Ni isang kislot ng kapangyarihan ay hindi ko maramdaman.Huminga ako ng malalim at sumulyap sa pintuan, naghihintay ako sa pagdating nina Mama at Papa. Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang saya sa mga mata nila nang sabihin ko sa kanila ang balita. Finally, may kapangyarihan na rin akong sariling akin. Totoo ngang isa rin akong flowe fairy. Kahit ilang beses na akong hindi makapaniwala, hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa dugong nananalantay sa akin. Ngayon, para na akong isang superhero. Pero ang kaibahan lang, wala pa. Hindi ko pa ito masyadong galamay.Kaya’t kaninang umaga, masaya kong ibinalita kina Mama at Papa ang nangyari. Napatigil si Mama sa ginagawa niyang pag-aasikaso ng mga halaman, at si Papa naman ay natigil sa pagba
Magbasa pa

Kabanata 168

Caline’s POVSa umagang iyon, nakatayo ako ng tahimik at nagmamasid sa hardin mula sa ikalawang palapag ng mansiyon. Araw-araw kong binabantayan ang bawat galaw ng mga bulaklak—parang sila ang pinakamalalapit kong kaibigan, ang mga luntiang buhay na nagbibigay liwanag sa tahimik kong mundo. Oo, simula nang malaman kong flower fairy ako, mas nagustuhan at minahal ko pa ang mga halaman, lalo na kung ito ay namumulaklak.Alam kong dapat ko nang sabihin kay Akeno, ang aming hardinero ang tungkol dito, dapat na rin kasi gaya nang sabi ng mga magulang ko, may malaking magiging papel si Akeno sa buhay ko. Matagal ko na itong pinag-isipan kagabi buong magdamag, lalo na pagkatapos ng insidente nung nakaraang araw nang halos mamatay siya sa kamay ng isang lasing na bigla na lang namamaril. Pinrotektahan ko siya gamit ang kapangyarihan ko, ngunit hindi ko sinabi ang totoo—hindi ko maipaliwanag noon, pero ngayon, kailangan ko nang ipagtapat ang lahat sa kaniya kasi alam kong marami na siyang tano
Magbasa pa

Kabanata 169

Akeno’s POVKanina lang, nagpaalam na sina Sir Corvus at Ma’am Alina. Nagmamadali na namang pumasok sa trabaho. Napailing na lang ako, sabi ko sa sarili ko, “Sana ako rin, ganyan ka-busy sa trabaho.” Pero siyempre, iba ang pagiging hardinero. Hindi ko kailangang pumunta sa opisina. Ang trabaho ko dito sa mansiyon ay palaging nasa labas—kasama ang mga halaman, ang lupa, at kung minsan, ang mga insekto na mas madalas akong kagatin kaysa alagaan.Pagkaalis na pagkaalis nina Sir Corvus, heto na, napansin kong parang may kakaiba sa kilos ni Miss Caline. Kakatapos lang naming mag-usap kanina pero tila may bago na naman siyang aaminin. Sasabihin naman kaya niya na may pakpak din siyang tiantago sa likod niya.Nakatayo siya sa terrace, nakatitig sa akin habang nagdilig ako ng mga tanim. Napatigil ako sa ginagawa ko at pinilit kong umaktong parang walang alam. Pero, alam niyo ‘yung pakiramdam na parang may binabalak ang isang tao? Para bang may gustong sabihin pero hindi masabi-sabi? Ganito an
Magbasa pa
PREV
1
...
1516171819
...
22
DMCA.com Protection Status